Panaginip: Kabanata 2

Dreamcatcher

Alas onse na ng umaga at ngaun ay pangalawang araw na hindi pa nagpapakita si Winter Minjeong Kim sa akin. Sa katunayan yun na naman ang gusto ko pero biglang dumating na lang ung panaginip na iyon at nagpabago kung bakit pa ako pumayag sa sinabi ni Winter.

 

Bakit ba apektado ako kung magiging sila ni Giselle? 

 

Halos magdamag ata ako di ako makatulog dahil duon. At ito ngayon naman si Ningning nagbibigay motibo na nagseselos ako sa nakikita ko ngayon sa tapat namin sa library table.

 

Bakit naman mangyayari yuon? Binusted na nga niya yung tao. Ako pa may gana pang mag selos.

 

Nagulantang na lang ako sa pag-iisip ko ng nakita ko na naman siyang masaya. Hindi man tumingin sa akin at patuloy lang nakikinig kay Giselle.

 

"Badtrip noh...Tsk. Yan kasi andyan na nga tinaboy mo pa. Kung pinagbigyan mo siya, ikaw sana kasama niya. Binibigyan ng atensyon, laging sinasabing good morning, pinaghahandaan ng lunch din na siyang binibigay mo sa akin. Ngayon wala na akong libreng lunch box." Pagmumukmok sa akin ni Ningning, "Mabuti na lang hindi siya saksakan ng mataray na sinasabi mo. Mas mabait pa nga ito kaysa sa dating manliligaw mo na pato." Hindi ko na pinatapos siya magsalita. Nabigyan ko lang naman siya ng chocolate bar ko na galing sa manliligaw ko ngayon.

 

"Bahala ka na dyan. Pupunta pa ako sa music club ngayon. Nagtext si Adrian may audition." Aalis na ako pero nakita ko na naman ang cute smile niya.

 

Naku! Ang rupok ko na talaga.

 

"Sus ganyan peg mo kasi friends kuno na ikaw ni Winter. At binabantayan mo lang si Winter mo noh! Porke't na laman mong andun si Winter na mag audition kasama uli si Giselle. Eh ikaw din nag audition. Naku ha, bes. Ang lala na yang in denial mo." Binigyan ng pukol na tingin si Karina na tinitignan pa rin si Winter. "Kita mo! Bagay sila. May chemistry ang Giselle and Winter. Bestfriend turn to lovers." Kilig na sabi nito sa kababatang kaibigan.

 

Nakita lang naman nila na niyakap ni Giselle si Winter bago pa matisod. 

 

"Sana ganun may taong titigil at titigan ako ng pag-alala. Hanep si Giselle ah. Siya na talaga ang haba ng hair ni Winter. Pati si Giselle din." Pagtutudyo nito sa kaibigan niya na ngayon at nalukot na ang audition form na dapat ibibigay mamaya. "Kung ako na lang sana ang iyong minahal di ka na-" Hindi na naituloy ni Ningning dahil may humarang na sa view nila. "Andyan na si pato. I mean Adrian mo. Sabi ko sayo malakas radar ko na si Giselle may pagtingin kay Winter at hindi sa akin. Good luck sa acting mo bes, mamaya." Bulong na mabilis ni Ningning kay Karina at hinagkan saglit at nagpaalam na.

 

Tulala pa rin si Karina.

 

Naintindihan lang niya kay Ningning ay totoo ang theory niya tungkol kay Giselle. Hinding-hindi dahilan din na andito ang manililigaw na kaya hindi niya napigilan si Winter sa gagawin niya kay Giselle.

 

Kundi binigyan lamang ng halik ni Winter si Giselle sa pisngi.

 

Pisngi! With matching cute giggles pa!

 

May kirot siyang nadama, hindi dahil dun syempre sabi niya sa sarili niya pa din. 

 

Pero kasi alam niya na totoo ang mangyayari pagkatapos ngayong araw na ito. Mahal pala ni Giselle si Winter.

 

Kaya pala siya umiyak kagabi.

 

Nakalimutan niyang sabihin na mahal niya si Winter Minjeong Kim pagkatapos sabihin ni Minjeong kagahapon na...

 

Can we be friends forever? 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ONCEXwizone
Sino'ng gusto ng Winselle story?

May naisip ako...

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet