cards and chocolates

cards and chocolates

 

Luhan's POV

 

"Hyung, I like you“

 

Naglalakad ako papunta sa school nung makasalubong ko si Sehun at sinabi niya sa akin yan, sobrang tahimik ng umaga ko tapos bigla niyang guguluhin dahil sa phrase na sinabi niya! Bwiset talaga!

 

"Luhan, pakopya naman ng lectures natin kanina!" Napabalik ako sa realidad nung marinig ko yung boses ni Baekhyun, tumingin ako sa notebook ko blanko ito. Wala akong nasulat na kahit ano! !

 

Kinuha ni Baekhyun yung notebook ko.

"wala kang nasulat about sa lectures kanina?" bulyaw niya. “this is not you!” Oo hindi talaga! m

 

Napasubsob nalang ako sa desk ko, ang lakas talaga ng epekto sa akin ni ng sinabi ni Sehun kanina. Totoo ba yung sinabi niya? He likes me.

 

 

Highschool pa kami nung nagka-crush ako kay Sehun pero hindi niya yun alam kasi nahihiya akong umamin. Third Year college na kami at hanggang ngayon hindi pa rin ako umaamin sa kanya tapos biglang ganito...bigla aamin siya na mag gusto siya sa akin.

 

"Luhan okay ka lang ba?" tanong ni Baekhyun, napaupo ako ng maayos tapos tumingin ako sa mga mata niya. Kailangan ko ng tulong kasi hindi ko na kayang kimkimin yung nararamdaman ko at sobrang naguguluhan pa ako sa mga nangyayari.

 

"Bakit? anong problema ha?"

 

"si Sehun kasi!" napataas ng isang kilay si Baekhyun at alam kong curious na siya sa sasabihin ko.

 

"sehun? bakit? anong meron?" linapit niya yung mukha niya sa akin kaya tinulak ko ng konti yung mukha niya kasi OA sa lapit.

 

"sa atin lang to ah!" tumango siya habang nakangiti, huminga ako ng malalalim dahil kinakabahan ako kahit pag usapan yung nangyari kanina. "he said he likes me earlier" nanlaki yung mata niya, tinakpan ko yung bibig niya dahil alam kong sisigaw siya.

 

"hmmm hmmm" sigaw niya sa kamay ko, kadiri 

 

Inalis niya yung kamay ko sa bibig niya tapos pinahid ko yung palad ko sa damit niya though wala namang laway. "GOSH TOTOO BA? KELAN? ANONG SABI MO?"

 

"wal—"

 

"WALA?” he interrupts. Sobrang lakas ng boses niya! “LUHAN FOR GOD SAKE SIMULA HIGHSCHOOL TAYO CRUSH MO NA YAN! HELLO THIRD YEAR COLLEGE NA TAYO ANO NA? TAMA NA PAGIGING MAHIYAIN! AYAN NA ANG GRASYA!" tumingin ako ng masama sa kanya, ang dami niyang sinasabi eh hindi pa naman niya alam yung totoong nangyari.

 

 

"pwede pagsalitain mo muna ako!" umupo siya ng maayos at tinikom ang bibig niya. "Wala akong nasabi kasi.....tumakbo siya."

 

 

"oh...." ayan tahimik ka ngayon. Hindi ko nga din alam kung bakit bigla siyang tumakbo. “puntahan natin siya! I know his schedule at this hour!” 

 

 

"no way! nakakahiya!" tanggi ko kasi nakakahiya naman talaga. We’ll barge in sa class niya and excuse him to ask about something, I know lahat ng students sa campus may priority and I know Sehun he prioritize his studies. And that’s what I like about him.

 

"come on Luhan! get yourself together! this is your chance! malay mo like you nahihiya lang din siya umamin?" napaisip ako sa sinabi ni Baekhyun. May point naman siya, pati gusto ko na rin naman umamin sa kanya and if he truly mean what he said earlier then it’s good right?

 

Pumayag ako sa suggestion ni Baekhyun, pumunta kami sa class ni Sehun sa Building D which is located sa dulo ng campus. We walk for five minutes since nasa Building A yung class namin before break kaya medyo malayo. Pero nung nasa Building D na kami tumigil ako.

 

“wag na kaya?” sabi ko habang nakakapit sa braso ni Baekhyun.

 

 

"nandito na tayo! tara! see! ayun si Sehun o! puntahan mo na dali!" tinulak niya ako papasok sa main entrance ng building.

 

“hey baekhyun!” napatigil kaming dahil tapos tumingin kami sa taas para tignan kung sino tumawag kay Baekhyun.

 

“oh? Park, problema mo?” sabi ni Baekhyun kay Chanyeol, batchmate namin nung highschool na madalas kaalitan ni Baekhyun.

 

“I love you!” sabi nito tapos nagpakawala pa ng flying kiss. Napatingin ako kay Baekhyun at nakita kong gulat na gulat siya pero biglang nagsalubong ang kilay niya nung tumawa si Chanyeol. “APRIL FOOLS!”

 

“TANGINA MO PARK! HUMANDA KA SA AKIN!” iniwan ako ni Baekhyun. Oo iniwan niya ako para habulin si Chanyeol. Naiwan akong nakatulala. It’s April Fools Day today!

 

Sobrang tanga ko para umasa na magkakagusto sa akin si Sehun. We barely talk, tapos nag ngingitian lang kami kapag nagkakasalubong kami sa school nung high school even sa campus ngayong college na kami wala nabago sa relationship namin. Kaya impossibleng makakagusto siya sa akin! Ang tanga tanga mo Luhan!

 

"Hyung!" alam ko ang boses na yan, I know it’s Sehun. Mali talaga na pumunta kami ni Baekhyun dito! Kainis talaga! "Hyung, about sa kanina—"

 

“okay lang! wala yun!” Tumingin na ako sa kanya, nilunok ko lahat ng feelings ko towards him. Hindi ko na kaya, naiinis ako sa sarili ko na umasa na magkakagusto siya sa akin!

"alam ko naman it’s April Fools Day" I forcefully smile at him. "but please don’t do it again, because some people might misinterpret what you said. May pakiramdam din kami" naging seryoso yung mukha niya, siguro na realize niya yung ginawa niya pero mas na realize ko ang dami na ng mga sinabi ko.

 

"sige alis na ako" naiinis ako, sobrang naiinis ako. Hindi na ako galit sa sarili ko! Galit ako sa kanya kasi in the first place siya yung naglaro ng feelings ko. What if hindi ko siya crush I would fall for what he said to me, masakit pa rin yun! Bwiset na Oh Sehun yan!

 

Nagmadali akong naglakad paalis.

"hey luhan wait! saan ka pupunta?" pinigilan ako ni Baek sa paglalakad "anong nangyari bakit ka umiiyak?" pinunasan ko yung mga luha ko. Bakit ko iniiyakan to? This is so stupid!

 

 

"wala, uuwi na ako." iniwas ko yung tingin ko kay Baekhyun. Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas ng campus. Gusto ko ng umuwi, magkulong sa kwarto.

 

Pag uwi ko, pumasok ako sa kwarto ko tapos binuksan ko yung closet ko para kunin yung box ko na puno ng mga alaala niya. Pagbukas ko nung box may nagbukas na mga memory core sa utak ko.

 

Nakita ko lang yung mga cards na binibigay niya kapag valentines day, christmas at new year. Mahilig siyang magbigay ng card sa lahat ng classmates namin at alam ko I am nothing special pero para sa akin bawat card na binibigay niya special kaya tinatabi ko yun lahat.

 

I even kept the chocolate wrappers na binibigay niya sa buong klase kapag dumadating Daddy niya from saudi.

 

Our first picture nung parehas kaming nanalo sa contest, naalala ko pa noon parehas kaming sinali ng teacher namin sa contest. Sinali siya sa Spelling bee tapos ako sa Quiz Bee, sobrang proud yung teacher namin kaya she took a picture of us holding our medals.

 

Ngayon ko lang napansin na sa kanya nag revolve ang highschool days ko pati na rin nung nag college kami. Pero hindi ko alam nagbago na siya, hindi ko na siya kilala....but I never got a chance to know him.

 

Kilala ko lang siya sa pangalan at kung saan siya nag stand out pero hindi ko alam yung tunay na Sehun. And maybe this is really him.

 

The next day pumasok pa rin ako, dumiretso agad ako sa prof ko sa chem101. I ditched his subject kasi umalis ako kahapon kahit may night class pa ako sa kanya.

 

“you know how much I hate absentees right?” tumango lang ako tapos nag excuse ako na may emergency ako kahapon which my prof didn’t buy. Matigas pa to sa bato at walang consideration. Alam ko naman hindi valid yung reason ko pero ayoko namang mag breakdown sa gitna ng class niya? Kelan ba magiging valid reason ang emotional stress?

 

“how many class you have today?”

 

“dalawang po ngayong umaga tapos 2pm wala na po akong sched”

 

“okay then, wanna take a make up class? since ahead naman lecture ko sa inyo sa archi b, pwede kang maka catch up since lecture ko sa kanila mamaya yung lecture ko kahapon”

 

Archi B? that is Sehun’s course. Pero ayoko naman balewalain yung chance na maka catch up sa lesson.

 

“okay Sir!”

 

“okay, 4-5:30 Building D” sabi nung Prof ko bago umalis since may class pa siya. Napabuntong hininga nalang ako at lumabas sa faculty room.

 

“so? anong nangyari?” tanong ni Baekhyun nung pagkalabas ko sa faculty room.

 

“I’ll do a make up class” 

 

“hindi! I mean kahapon! what happen to you and Sehun? pinaiyak ka ba niya?” I just sigh, kwinento ko lahat ng nangyari kay Baekhyun habang naglalakad kami papunta sa next class namin. Syempre inis na inis siya sa April fools and mostly kay Sehun, gusto na nga niyang sugudin pero pinigilan ko siya since hindi nanaman yun mahalaga. Mas importante sa akin ay kung paano kalimutan yung strong feelings ko towards him.

 

“just get over him, marami pang mas gwapo at cute sa kanya dyan...you deserve to be love too.” Baekhyun said which I totally agree. Kaya pinangako ko today hindi ko na siya iisipin at mamaya sa klase hindi ko siya papansinin at after ng class na yun lalayo na ako sa kanya.

 

 

After ng mga classes namin nagpaalam na si Baekhyun since hindi naman niya kailangan ng make up classes. He insist on staying pero syempre hindi ako pumayag, ayokong maaksaya oras niya kakahintay sa akin. After several minutes of pilitan napapayag ko din siyang umuwi.

 

Tumingin ako sa orasan, it’s already five minutes to five kaya naglakad na ako papunta sa Building D for my make up class. Nakita kong papasok na yung prof ko kaya sumabay na ako sa kanya, he even introduced me to everyone kahit hindi naman kailangan.

 

Nakita ko si Sehun na nakaupo sa dulo, he has the same surprised face like yesterday kaya naman hindi ko maiwasang maalala yung nangyari kahapon. I mentally shake my head off of it, naupo nalang ako sa right side sa bandang dulo din pero si Sehun nasa left malapit sa bintana kaya safe na yung distance ko.

 

Nag focus nalang ako sa klase, pero kahit anong focus ko nakikita ko pa rin sa peripheral vision ko na nakatingin sa akin si Sehun which I really don’t get why.

 

“Mr. Oh, wala sa mukha ni Mr. Xiao ang sagot sa test next week so eyes on me and listen please” ayan buti nga sayo!

 

“sorry sir” sabi ni Sehun na nagpatawa sa mga babae sa klase which I don’t know why either. Ah maybe kasi gusto siya ng mga to. Figures.6

 

I took a deep breath kasi sa wakas natapos din yung one and a half hour na klase. Nagtayuan na ang lahat at naguwian. Sehun left too which is really good thing atleast hindi ko na siya makikita pa.

 

I took another deep breath bago tumayo at naglakad palabas ng classroom. Night classes are over, malapit na din maggabi kaya kailangan ko ng makauwi before magdilim.

 

“hyung” my heart skip a beat nung marinig ko yung familiar na tawag na yun. Tumigil ako sa paglalakad tapos lumingon ako sa tumawag sa akin. Si Sehun.

 

“I like you” he said like how he said it yesterday. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko like yesterday, pero unlike yesterday hindi na ako magpapaloko sa kanya.

 

“I...I said quit saying that! April Fools is over!” bakit ako nautal, bwiset talaga!

 

“yun na nga eh” he walk closer to me kaya medyo napatingala ako ng konti kasi medyo matangkad siya sa akin. “I choose a bad day to confess my feeling” ha? ano daw? “I’m sorry about yesterday hindi ko alam na april fools day pala...pero hyung walang biro” hindi na ako makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Totoo ba tong sinasabi niya. “gusto kita”

 

 

I step a back kasi sobrang lapit niya.

“please don’t leave..”

 

“no I won’t” mabilis kong sagot. Gusto kong malinawan, gusto ko ng assurance na hindi joke tong sinasabi niya. “just...just tell me the truth”

 

“Since first year high, I already had a crush on you” what? ganun katagal? seryoso? kelan ko ba naging crush? around third year? “wait kinakabahan ako” I gasped mentally kasi ang gwapo niya kabahan which I rarely see, normal ba to? “it was a simple crush kasi lagi kang nakangiti sa klase tapos ang bait mo pa sa lahat, I got jealous sometimes kasi halos close mo lahat ng classmates natin except with me”

 

“no...I mean” hindi ko alam paano ieexplain sa kanya na hirap akong inaapproach siya since crush ko siya.

 

“that’s okay!” sabi niya pagkatapos ay ngumiti siya. “alam ko naman na boring ako—“

 

“hindi” sagot ko agad kasi hindi naman talaga yun yung main reason ko.

 

“ha? anong hindi?”

 

“ano kasi” ! bahala na nga! “gusto din kita, simula pa nung third year tayo” I said, hindi ko na alam ginagawa ko! “like everyone else may gusto ako sayo kasi cute ka” what the heck am I saying this for? I’m so awful at confessions! “pero...pero ang pinaka gusto ko sayo kapag binibigay mo lahat para sa isang bagay, you are very hardworking sa studies mo at sobrang bait mo pa sa lahat” why am I stuttering again!

 

“you mean the cards and chocolates?” he asked na may ngiti sa labi.

 

“yeah”

 

“ah that” tumawa siya tapos napakamot sa likod ng ulo niya, his usual gesture kapag nahihiya siya.

“actually at first sayo ko lang gusto ibigay yun pero nahiya ako at ayoko pang umamin sayo kaya I got an idea on giving out chocolates to everyone pero ang totoo I’m just looking forward for your ‘thank you’ and smile” no wayyyyyy! I’m so speechless! “and about the cards, didn’t you notice na sayo lang yung may handwritten note ko”

 

“ha? no! I didn’t!” pero alam ko may handwritten note siya pero hindi ko alam na ako lang yung meron nun since hindi ko naman tinignan yung mga cards ng classmates ko dati.

 

“yeah, I gave out simple cards to everyone para hindi rin halata na gusto kita.” sabi niya sabay tawa.

 

Natawa nalang din ako kasi kung ano ano pang ginagawa namin all this time may gusto naman pala kami sa isa’t isa. “sira ka talaga!”

 

“siguro nga” hindi Sehun parehas tayong mga sira, tama nga si Baekhyun. “sorry if late na akong umamin, kahapon lang ako nagka courage na umamin kasi nakita kita the other day with team captain ng men’s volleyball team”

 

Napaisip tuloy ko kung sino tinutukoy niya.

“ah si Kai?”

 

“hmm, kaya kinabukasan umamin agad sayo kahit walang kasiguraduhan na magugustuhan mo ako” he said with a serious tone. So kaya pala parang nagmamadali siya kahapon. “ilang beses na akong natalo when it comes to you kaya lahat ng tapang binuhos ko kahapon kaya lang....epic fail.”

 

Natawa nalang ulit ako, sobrang cute niya.

“that’s okay”

 

“so that Kai? kayo ba?” he suddenly asked kaya mabilis akong umiling.

 

“no never, kasi pinsan ko siya” hindi talaga kami magiging kami, mali ka ng pinagselosan Oh Sehun. “his mom and my mom are sisters” I explained.

 

“damn it” he clicked his tongue at kitang kita sa kanya yung pagkagulat. “what a relieve” he took a deep breath, para bang ngayon nalang siya ulit nakahinga. Ibigsabihin ganito niya kalalang pinagselosan si Kai.

 

“so you really thought pinopormahan ako ni Kai”

 

“don’t be too close to him so I won’t mistakenly thought about it” halatang naiinis siya sa boses niya, hindi ko alam seloso pala siya.

 

“fine” sabi ko nalang, hindi na nawala ngiti ko sa mga labi simula pa kanina. Yung galit at inis ko kahapon unti unti ng nawawala at napapalitan na ng saya at excitement. This feeling of being love is really new to me, alam ko lang dati ay humanga sa isang tao at hindi ako interesado sa love unlike my high school batchmates na nakakuha na ng first kiss on their first years which I don’t have any interest on finding out how and what for.

 

“so? hatid na kita sa inyo?” aya ni Sehun na kinagulat ko.

 

“ha? wag na” pagtanggi ko kasi hindi naman na niya kailangan gawin yun kaya ko naman umuwi mag isa. Pero actually kinakabahan ako sagot ko, feeling ko hindi tama.

 

“I insist! nililigawan kita in the first place so it’s now my duty na ihatid sundo kita sa campus”

 

“nililigawan?”

 

“we just confessed na gusto mo ako at gusto kita so dapat na kitang ligawan diba?” may point naman siya.

 

“tara na?” aya niya, tumango nalang ako. Sabay kaming maglakad palabas ng campus, walking distance lang naman yung bahay namin from campus kaya we decided na maglakad nalang.

 

Hindi pa rin ako makapaniwala na katabi kong maglakad si Sehun which I usually do mag isa for almost three years.

 

Nakatungo lang ako habang naglalakad, pinapakinggan ang bawat kaluskos ng dahon mula sa mga puno na nakatayo sa playground ng Highschool namin. Oo, magkalapit lang school namin nung highschool at yung campus namin ngayon as in pader lang pagitan. Kaya madalas kapag naglalakad ako pauuwi napapadaan ako sa school namin nung high school napapa reminisce ako lagi.

 

Nawala ang katahimikan between us when he started asking question about the retake class ko, sinabi ko yung dahil kung bakit nag retake ako ng class kaya nabalik kami sa topic about kahapon.

 

“I’m sorry for making you cry” he said pero tinawanan ko nalang kasi wala na naman na yung sakit. Kanina pa wala dahil sa kanya. “pero I promise , hindi hindi na kita papaiyakin” he sincerely said. Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya, lumalamig na yung hangin which rarely happens kasi summer na. Tapos yung ulap sobrang ganda, it’s pink.

 

“Sehun, I like you” I just feel like saying it to him kasi sobrang ganda ng ambiance, perfect para sa mga salitang yun.

 

Hindi na ako halos makahinga dahil sa tibok ng puso ko at mas dumoble yun nung bigla niya akong halakin sa labi. This is what kiss feels like? It feels amazing.

 

Dumilat ako nung nawala yung malalambot na labi sa labi ko, pagdilat ko nakita ko agad ang mga gulat na mata ni Sehun and his cheeks maybe blushing o dahil sa pinkish na kalangitan kaya medyo may blush ang pisngi niya.

 

“I’m sorry I should’ve ask you first” kahit ako nabigla pero alam ko naman it was an honest move. Ramdam ko sa halik niya na gusto niya ako kaya niya ako hinalikan.

 

“ayos lang” sabi ko tapos naglakad na ulit kami hanggang makarating na kami sa tapat ng bahay namin.

 

“should I ask your parents?”

 

“about what?”

 

“na nililigawan kita”

 

“nililigawan mo kapatid ko?” napa facepalm nalang ako dahil saktong dumating din si Ate Luan.

 

“ah good evening, Luan-noona” agad na bumati si Sehun sa ate ko. He knows her kasi minsan ng pumunta si Sehun sa bahay dati kapag may groupings kami madalas sa bahay namin yung location since walking distance from our school.

“yes po Luan-noona, please give me a chance na ligawan siya at pangako di ko siya paiiyakin”

 

 

“Ma, Pa! si Luhan nagpapaligaw na oh!” sigaw ni ate habang papasok sa gate ng bahay namin. Nandun si Papa at Mama sa terrace nagpapahangin.

 

“Ha!? kanino naman!?” sigaw din ni Mama. Tumingin ako kay Sehun pero hindi ko siya makitaan ng takot, he seem excited. Siguro nga seryoso siya sa akin, siguro siya na yung nakatadhana para sa akin.

 

“ah kaya pala late ka na umuwi! Luhan pumasok ka na nga dito!” sigaw naman ng Papa ko, napabuntong hininga nalang ako dahil sa mga overacting kong pamilya.

 

“I’ve got a lot of explaining to do, huh?” sabi ni Sehun which I totally agree kasi siya lang makakapag explain nito sa kanila.

 

“yeah you do” sabi ko, pinapasok ko si Sehun sa bahay namin. Nag explain siya sa mga nangyari sa amin lately, tinulungan ko naman siya but he talk more than I am. Kaya na rin siguro nakuha niya ang basbas ng mga parents ko immediately.

 

After a long chat niyaya na siya mag dinner ni Mama kaya hindi na siya nakatanggi, after dinner pinauwi ko na si Sehun since malapit na mag 8PM  baka hindi pa siya makauwi. Hinatid ko siya sa hanggang sa sakayan ng tricycle, he insist on walking pero syempre hindi ako pumayag. Mas mabuti mag commute siya kesa mag isang maglakad pauwi.

 

“anong oras pasok mo bukas”

 

“9AM bakit?”

 

“sunduin kita sabay na tayo pumasok oops bawal tumanggi, nililigawan kita” hindi naman ako tumanggi, actually gusto kong ma experience yung pumasok sa campus na may kasabay. Yung may sumusundo at naghahatid. Gusto kong ma experience yung mga bagay na dapat nagawa naming dalawa if umamin kami sa isa’t isa nung high school pa kami.

 

Tumango ako ng may ngiti. Naghintay ako hanggang makasakay siya ng tricycle pauwi. Pag uwi ko nakatanggap agad ako ng text message from him telling me na mag ingat pauwi which I should be the one who should tell him that.

 

Kinabukasan, around 8:30AM dumating siya para sunduin ako. He fulfilled his promise, naglakad kami papasok sa campus together like the usual couples do.

 

“what is the meaning of this!” parehas kaming nagulat ni Sehun dahil biglang humarang si Baekhyun at Chanyeol sa amin. Bakit sila magkasama? Sabay pa nilang sinabi yun kaya nakaagaw sila ng attention ng iba. Kaya I have no choice but to tell everything to Baekhyun kahit nasa hallway pa kami, ang kulit kasi ayaw kami tigilan.

 

At first ayaw pa ni Baekhyun pero nung kwinento ko lahat, pag amin ni Sehun sa akin, pagpapaalam niya sa parents ko ay bigla nalang lumambot puso niya at kinilig sa efforts ni Sehun. He even approved us by giving us two thumbs up. Alam ko naman na magiging masaya si Baekhyun at alam kong susuportahan niya ako sa lahat ng bagay and if I fail he will still be by my side. 

 

After namin mag usap, hinatid kami ni Sehun at Chanyeol sa class namin. Magkasama pala sila ni Chanyeol kasi pinakopya niya si Baekhyun ng notes sa isang subject namin.

 

“message me later kapag break mo or lunch” sabi ni Sehun. Boyfriend na boyfriend ang datingan ng pagkakasabi niya, kinikilig ako at alam kong kita na yun sa mukha ko. “pasok ka na, dyan na prof—“ I gave him a quick kiss sa pisngi bago pumasok sa loob ng class room namin, sumilip pa ako sa labas kasi nakatayo pa rin siya kung saan ko siya iniwan. Surely nagulat ko siya haha. Buti nalang nandun si Chanyeol para kaladkarin siya paalis.

 

“ang landi” bulong ni Baekhyun sa tabi ko. “well, deserve mo naman.” sabi niya sabay ngiti sa akin. For so long I never experienced any of fluffy gestures like this, which I envy my classmates for having it as soon as high school. Kaya mas naiintindihan ko na sila kung bakit big deal sa kanila ang love dati, kasi ganito pala kasarap sa pakiramdam. Hindi naman ako nag rereklamo na ngayon lang dumating sa amin to ni Sehun, alam ko binigyan lang kami ng tadhana ng panahon para mas maintindihan kung anong ibigsabihin ng love para magamit namin to ng tama.

 

By the way, I should thank Kai later.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Meriyaloey
#1
Chapter 1: Wooooy kileg mats😭
seven_oh_seven
1489 streak #2
Chapter 1: luhhhh ang cutieessss naman nila!