una at huli.

Sunset and Sunrise
Please Subscribe to read the full chapter

Sunset and Sunrise.

 

Kalmadong naglalakad si Heechul sa kahabaan ng Ayala, Makati papunta sa kaniyang opisina mag aala-sais palang ng umaga, kalmado dahil 7:30 pa naman ang time nya pero dahil taga Cavite pa at hinde pa sya nakakahanap ng apartment along Makati eh nagcocommute padin sya araw-araw at kapag taga Cavite ka, abnormal ang oras ng byahe ilang minuto lang ang dipirensya ng pag alis sa bahay ay maari ka na malate tulad ng nangyari sakanya kahapon na limang minuto lang sya nalate sa pag labas ng bahay eh hinde naabutan ang bus kaya nag-antay pa muli sya na naging dahilan ng pag-ka late nya kahapon, kaya ngayon biyernes ng Agosto eh hinde nya ito hinayaan maulit last friday bago mag ber months hahayaan ko pa ba malate ako? Nag-iipon ako pang pasko ‘no naisip ispi niya. Dahil maaga pa naman naglakad si Heechul papunta sa tapat na coffee shop ng kanilang opisina upang mag kape muna at magmuni muni, mag-sulat ng mga reregaluhan sa pasko, siguro? Maaga pa pero mabuti ng ready ang budget ‘no? Pag kakuha nito ng order niya ng paboritong caramel machiatto with extra syrup and extra ice at banana bread ay umupo na ito sa sulok ng coffee shop, umupo sa harap ng bintana at nilabas ang journal.

 

Huling linggo ng agosto. Maguumpisa na ang ber months mag-isa padin sya.

 Malungkot, oo pero pinili nya naman ito sa dami ng nagpaparamdam, lumalapit, nag tatry na ligawan sya lahat ay hinde nya pinapansin at ginagawang mga tropa lamang, tipong wala ka pa ngang sinasabe eh finfriendzone kana sabe nga ng mga kaibigan nya mag-rereklamo mag-isa eh “ikaw naman ‘tong ayaw jumowa” hinde naman kasi sa ayaw nya, sadyang hinde pa lang siya handa? O trauma sa 5 years ago niyang ex? o sadyang nakikita nya lang ang mga ‘nagpaparamdam’ na ito as a friend, as a tropa nothing more kaya umpisa palang nilalagyan na nya ng linya between him and those people, ayaw nya ng umasa ang mga ito kaya ganoon. Mahirap ipaliwanag ang nararamdaman niya kung bakit ayaw ninya padin sumubok uli magkaroon ng jowa, kahit siya hinde niya maintindihan parang sa umpisa oo naeexcite sya random dates, random texts or chats tapos after days parang nararamdaman niya nalang na ‘ay mas ok ‘to as a friend’ kaya ang ending lilinawin agad niya sa kausap na “para kitang kapatid” o kaya “para kang tropa na ang tagal ko na kakilala” tropa...kapatid mga salita na nagpapabackout agad sa mga nagpaparamdam sakanya sabayan pa ng pagiging cold nito at ramdam mo na pag-iwas, since college ganoon na nag routine niya hanggang sa nakapasa ng boards hanggang sa ngayon CPA na siya at nagtatrabaho sa isang malaking kompanya sa Makati eh ganoon padin, ilang blind dates na ba ang na set up ng mga kaibigan niya? Hinde narin niya mabilang basta ang alam niya ayaw nya pa, mas pipiliin nya pa magpunta ng iba’t ibang bansa every year at pag-ipunan ang pinapatayong bahay kaysa mag karoon ng kasintahan.

 

 

Four months before december, kailangan ko na planuhin ang december trip ng barkada at shet siya nanaman ang walang jowa na plus one ‘naknamputcha naman kasi ng mga kaibigan nya ‘di makaalis ng walang kasamang jowa sana ‘ol diba??? Bitter na naisip nya pero nasanay na ata siya since grumaduate sila eh siya na talaga ang laging walang jowa kasama sa early december trip nila magkakaibigan, wala naman sakanya yon dahil nakakalibre sya sa accomodation since yon na ang treat sakanya ng mga barkada nito dahil sya nga lang ang laging walang plus one. Minsan nakakainggit, no scratch that madalas pala. Pero anong magagawa niya? Pilitin ang puso niya? ‘di ba mas masakit yon. Mabuti ng siya nalang masaktan, wag na iba.  At dahil nga nagpaplano siya for December at kailangan na nila magbook ngayon plang para mas makamura nag search search na siya ng pwede nila mapuntahan out of the country yung wala sana visa para mas madali, kaso halos lahat sa south east asia ay napuntahan na nila, or niya mag-isa. Syempre gusto niya naman bago, at bilang dakilang planner ng tropa nag lista muna siya ng tatlong bansa saka isusuggest sa group chat nila mamaya, Japan, New Zealand or dito nalang muna sa Pinas for something new, Palawan. Lagi kasi silang out of the country magbabarkada at nakapunta lang siya ng Palawan noong pinili siya ng company para sa isang convention na doon ginanap tapos mag-isa pa sya at puro ka trabaho na hinde nya kaclose ang kasama dahil bago palang siya noon, try nya lang I-suggest baka pumayag. Pagtapos isulat ang mga iyon eh nilista naman niya ang mga bibilan ng regalo, Pamilya niya, mga kaibigan, inaanak at sino pa ba?  Nag-alarm na ang cellphone nya hudyat na malapit na ang oras ng pasok niya kaya nagligpit na siya at tumawid na papuntang opisina. The usual routine happen, office works ng naglunch break ay nagchat siya sa group chat nila para sabihin ang naisip nya at hinayaan ang mga ito magdiskusyon mamaya na nya bubuksan uli, tinapay lang ang nilunch siya since he is doing his best to maintain his figure at tinuloy na ang trabaho.

 

He is dead tired at the end of the day at naisipan na buksan ang group chat nila magkakaibigan habang nasa byahe pauwi ng Cavite.

 

Siwon Choi

PALAWAN!!!

Palawan nalang, el nido!!!

 

Hyukjae Lee

‘diba galing na kayo doon ni Kyu? Doon nanaman?

 

Siwon Choi

Oh baket galing na tayong Japan! Mahal sa New Zealand  baka ‘di ako ready!

 

Wook Kim

Di ready amputcha ikaw pinakamayaman dito.

 

Siwon Choi

Luh??? Alipin padin ako ng corporasyon at hinde pa CEO excuse me, kapag ako na CEO saka mo sabihin yan dito

 

Hyukjae Lee

Oo wook kapag daw CEO na sya sagot na nya dec trips naten! HAHAHAHA

 

Wook Kim

Asa ka naman dyan ubod ng kuripot niyan.

 

Siwon Choi

Out of the topic na punyeta! Asan ka ba Heechul mag sesend send ka nyan tapos mawawala.

 

Hyukjae Lee

Asan pa ba edi nasa harap ng computer nya at alipin padin ng corporasyon, computer, laptop notebook, lodger, at calculator anong bago?

 

Wook Kim

Ang dami sinabe, mamaya na pagusapan yan kapag andyan na si Hee.

 

8:04 PM

Heenim Kim

Palawan na ba? Gusto ko den sana doon kaso baka mas maramdaman ko na single padin ako eh.

Hyukjae Lee

Hello din naman sayo ano

AY HINDE MO PA BA RAMDAM NOONG NAG KOREA TAYO? TAIWAN? HK? SG? HAHAHAHAHAHA

 

Siwon Choi

‘Wag tanga Hyukjae sa Sg at Hk nya lang siguro naramdaman, last 2 years lang naman tayo nagstart mag sama ng jowa sa trips.

 

Wook Kim

Gusto mo Hee wag namin sila sama this time? Okay lang naman nagsasawa na din ako sa mukha ni Kyuhyun

 

Hyukjae Lee

Ay KJ ka???

Naimagine ko na nga momol namin ni Donghae sa sand eh tapos sasabihin mo yan?

 

Siwon Choi

(2) *jongwoon

 

Heenim Kim

TMI ampucha.

Okay lang sakin wook ‘nukaba.

So, Palawan na nga?

Hyukjae Lee

G na yan!!!!!

 

Hyukjae Lee

Kayo na mag book ng flight ako na sa accommodation tapos bank transfer nalang sa bayad???

Wook Kim

Ako na sa acomodation Hee, kami naman tatlo nila Siwon maghahati don eh, we gotchu.

 

Siwon Choi

Ako na sa flight cheka lemme search and use connections for discounts hehe

 

Hyukjae Lee

Ako na sa ganda, sorry yon lang kaya ko maambag

 

Wook Kim

Kick kita?

 

Natawa nalang si Heechul sa nabasa nya sa group chat nilang apat magkakaibigan, kaya kahit may kanya kanya itong mga jowa eh hinde niya ito ipagpapalit eh, ganyan lang yan sila bangayan ng bangayan pero 11 yrs na ang friendship nila, oo 11 mula JHS eh magkakaibigan na nagkaiba iba man ng school noong shs at college eh hinde padin lumayo ang loob sa bawat isa, may mga panahon na nagkakatampuhan, ilang buwan hinde maguusap pero kapag nagkita kita naman eh akala mo mga magkakaaway sa ingay lagi, lalo na kapag kumpleto at kasama pa ang mga jowa nito na naging mga kaibigan niya na talaga. Mayroon lang isa na lumayo sa barkada, not exactly lumayo pero nagkaroon ng distanya sakanila simula noong nangyari 5 years ago. Kaibigan padin naman nila, nakakasama kapag may get together lalo na at malapit din naman ito sa mga jowa ng mga kaibigan niya pero alam ng lahat na may hinde maitatangi na awkwardness padin sa grupo, kahit nagakakaron na ng inside jokes ang relasyon nila at nagiging biro na ito hinde padin mawawala yung cold air minsan. At naiintindihan naman nilang lahat yon.

 

---

Nagtatawanan ang tatlong magkakaibigan habang pauwi sa bahay nila Heechul galing Mall dahil nanood sila ng madramang movie at grabe ang hagulgol naman talaga ni Heechul kaya pinagtatawanan sya ni Hyukjae at Ryeowook hinde nakasama si Siwon dahil may family gathering ang elista nilang kaibigan. Kala Hee muna sila dahil ayaw pa nila maghiwalay at dahil malapit lang din naman talaga ang bahay ng tatlo sa isa’t isa. Few blocks away lang ganoon ‘di na kailangan bumyahe uli Pagdating sa bahay ng mga Kim eh tumambay ang tatlo sa terrace at naglabas naman si Heechul ng San Mig, stock na ata sa bahay ng mga ito ang alak, Nagulat naman ang dalawa dahil hinde naman madalas na magaya ng inuman ang kaibigan, madalas pala pero hinde ganito na biglaan at wala naman sa plano nila, Nagtataka pero tinangap padin ng dalawa. Pagbukas ng bote umupo na si Heechul, tahimik. Hinde ‘din malaman ni Hyukjae kung bakit pero pakiramdam niya ay may mabigat na athmosphere, ang pinakamadaldal sa grupo ay natahimik, hinde niya alam kung anong sasabihin dahil baka may masabi sya at bigla may umiyak. Si Ryeowook naman eh nakikiramdam lang, sakanilang apat siya ang tahimik at observant pero kapag nagbitiw ng salita mapanakit ganoon pero lagi may laman, minsan lang magbiro pero sumasaky naman lagi sa mga biro kapag may nagbato. Tahimik ang tatlo, si Heechul nakatulala lang sa langit mejo madilim na at kakatapos lang ng sunset na kitang kita sa terrace ng mga Kim.

“Ang ganda ng sunset ‘no, pag-tapos niya maging maganda biglang didilim at pag katapos ng dilim lalabas naman ang buwan at mga bituin mag bibigay liwanag at maganda sa dilim na iniwan ng araw.” mahinang sabi ni heechul, narinig ng dalawa niyang kaibigan pero hinde ito nagsalita, nag aantay ang dalawa ng kasunod dahil sigurado sila na meron. At meron nga “Wala na kami ni jungsoo” sabay dirediretsong lagok ni Heechul sa hawak na san mig lights, dirediretso na nakalahati nya na agad ito.

“Hoy Heechul ilang beses na namin narinig yan ha” Natatawang sabi ni Hyukjae

“Seryoso nga, kahapon pa.” sagot ni Heechul, sa tono ng salita nito ay hinde alam ng dalawa kung maniniwala ba sila dahil parang ang gaan lang nga pagkakasabi nito.

“Hoy kim heechul kung eto nanaman tayo sa ‘pagod na ako’ na linya mo alam naman natin lahat na hinde ka hahayaan mawala ni jungsoo. Susuyuin ka ulit non.” Tuloy tuloy naman na sabi ni Wook, napailing nalang siya dahil oo nga lagi naman na talaga ito nangyayare hihingi sya na maghiwalay sila mga linya na ‘ano ba pagod na ko ha’ ‘tama na muna’ ‘mag-usap tayo kapag ok kana’ o ang bigla nalang pag seen ni heechul kay leeteuk dahil wala lang? Tinotopak lang siya? napapagod lang siya? Drained? Exhausted? kailangan huminga? Or katulad ngayon na may gusto lang subukan si heechul kaso ito na nga.

“seryoso na ‘to ngayon hahaha, hinde na ako umaasa na magkakabalikan pa kami. Siya na mismo humingi, ayaw na daw nya tangina.” katahimikan. Bigla nilagok ni heechul ang natira sa bote at naubos agad ang isang bote ng wala pang limang minuto nag bukas muli ito ng isa pang bote habang ang dalawa eh hinde pa nga nakakalahati ang unang bote nabinigay ni heechul.

“Ilang araw na talaga kami hinde naguusap. Tapos kahapon, sabe niya ayaw na daw nya. Nagpasalamat na din siya, tama na daw eh. Hahaha wala na ‘to guys.”

“Tulad ng sunset, araw, buwan, at dilim. Alam ko at ramdam ko ngayong taon para na kaming nasa sunset, masaya, maganda, sobrang ganda. Pero akala ko yung dilim eh magiging panandalian lang, parang kapag nagaaway kami ganoon saglit lang tapos may umaga na uli, at magkasama uli kami. Kaso hinde pala, this time the sunset that either means beginning or ending became ending in our part. Sa sobrang ganda niya hinde ko na naexpect na pagkatapos nga pala ng ganda nito eh kadiliman ang susunod, ang dilim dilim ng mga araw ko hyuk, wook. Dilim, parang bigla uulan kahit mga buwan at bituin hinde ko makita.” lagok muli sabay ng pag tulo ng mga kanina pa pinipigilan na luha.

“Hyuk, Wook, ilang taon kami oh, mag aapat na taon na kami naging sandalan, hawakan, at lahat ng bagay na pwede mo I-connect sa pagiging leaning material eh pwede ko I-kabit sakanya eh ikakabit ko, for years he became someone that I thought would never leave me. Pero lahat talaga may hangganan, lahat napupuno, lahat napapagod.”

“Heechul, bakit?” ayon nalang ang nasabi ni Ryeowook dahil wala silang masabi pareho ni JHyukjae  ramdam na ramdam nila yung sakit na dinadala ni Heechul, si Heechul na kanina mula umalis sila hanggang sa pauwi sila eh ang saya saya at nakita lang nila umiyak eh sa sinehan kanina at sanay na silang umiiyak ‘to ano pa man movie kaya akala nila ay soft lang talaga ang kaibigan.

“Ewan den wook, hahahaha pero kaya ko ‘to kailangan ko lang ilabas kasi pakiramdam ko sasabog na ko kapag wala padin ako napagkuwentuhan hahahahaha ok na nailabas ko na.” Sumigla uli ang boses ni Heechul, pero alam ng dalawa na hinde ito masaya.

---

Pangalawang linggo ng septyembre, nagkita kita ang magkakaibigan sa bahay nila Ryeowook dahil miss na nila ang luto nito at dito lang naman ito magluluto kaya pinilit nila na dito na sila magkita kita, pagpaplanuhan ang december escapade nila at para lang din mag unwind.

“Saan nga uli tayo? El Nido o puerto?” tanong ni Kyuhyun, long time boyfriend ni Ryeowook.

“Kulet ka par? El Nido nga” naiiritang sigaw naman ni Shindong na busy maglaro ng PS4 with Donghae na jowa naman Hyukjae for 7 years? Sana ‘ol diba? At ni Jongwoon na boyfriend naman ni Siwon.

“Luh tatanong lang eh, BYYYYY WAG MO PAPAKAININ SI SHINDONG HA INAAWAY AKO”

“Parang bata Kyuhyun mahiya ka nga!” natatawang sabat ni heechul

Lahat sila eh nakasalampak sa living room nila Ryeowook except syempre kay wook na busy sa kusina, si Heechul ay busy kaharap ang laptop dahil inaayos ang itinerary nila samantalang si Hyukjae eh nakahiga pa sa lap ni Donghae habang naglalaro ito at si Siwon naman eh tahimik na kaharap din ang laptop dahil bilang soon to be CEO at under training eh kahit weekend kinain na ng trabaho ang sistema.

“Ayaw nyo ba isama si jung-” naputol ang sasabihin shindong dahil binato ito ni jongwoon ng unan, dahil alam na niya agad ang sasabihin na pangalan, pinandilatan pa ito ng mata na hinde naman nakatakas sa paningin ni hechul na agad niyang ikinatawa.

“Yakagin nyo, pwede naman baka isama pa non ang girlfriend nya ngayon edi mas madami tayo.” Walang emosyon naman na sagot ni Heechul dahil kilala naman nya ang tinutukoy at okay lang naman sakanya yon, matagal na ang nangyare sakanila it was years ago and he knows and everyone knows that they are both okay and moved on,  Still the awkwardness from 4 years of relationship is hard to neglect but still, they are okay and civil. Kaya okay lang talaga sakanya kung yakagin man ito ng mga kaibigan.

“Baket nyo yayakagin yon, tapos ano isasama nya yung jowa nya na mukhang Uod? Wag na oy.” Dirediretso naman na sagot ni Hyukjae, natawa silang lahat lalo na si Ryeowook na nasa kusina kasi ramdam na ramdam nila ang galit mula sa boses ni Hyukjae, na hinde nila magets talaga bakit ayaw na ayaw sa bago ni Jungsoo, ang kuwento nya ay dahil daw may common friends sila at alam n aalam ni Hyukjae kung gaano ka pangit ang ugali ng babae at kung bakit sa dami dami daw ng pwede na bago eh siya pa.

“Babe bunganga naman, kaibigan padin naten si Jungsoo hey.” Malumanay na sagot naman ni Donghae.

“Hinde babe, masyado yon siya yung ex ni Kuya Yunho babe! Ex din ni Mino! Ex din ni Minho yes may difference na H at madami pa na common friends ko from the uni duh!” Maarteng sagot ni Hyukjae sa jowa

“Ano naman kung madami naging ex? Collect and collect then select Hyukjae!!!” Nakakunot na sagot ni Kyuhyun

“Wala naman talaga masama don dahil sa Jongwoon nga eh maraming naging ex pero ok lang kahit naging sila ni Siwon kasi kilala ko naman si Jongwoon at most of the time eh siya ang iniiwanan ahhahaha kidding aside, ang mali kase nag toxic toxic niya, lahat ng ex na yon isa ang sinasabe he always take his relationship for granted.” Paliwanag naman ni Hyukjae, at si Heechul? Natatawa nalang sa gilid dahil lagi nya na ito naririnig kay Hyukjae.

“But still babe you don’t know the whole story of those relationship that she had, give her a chance to be part of the circle naman.” Sagot ng boyfriend nya pero hinde na nya ito pinansin at tumayo sa pagkakahiga na si Hyukjae at pumunta na kay Ryeowook, to bother him siguro or just to say a lot of things about the topic na hinde na nya masabi dahil pinagkakaisahan sya ng mga boyfriend nila, and Heechul? He just stays with his laptop continue to plan the trip that they will be going in months, as Heechul always wants everything to be planned as early as possible para no crammings, no problem.

------

“Jungsoo ano ba naman kasi yan ilang beses ko na kasi sinabi sayo na iready mo na requirements mo para magpapasa nalang tayo diba? Tapos ngayon kung kelan nasa school saka aayusin yan ano ba naman.” naiiritang sabi ni Heechul sa kasintahan dahil nasa School sila ngayon para magpasa ng requirements para mag-enroll sa shs, they are coming grade 11 and coming to their second year as mag boyfriends.

-----

“Jungsoo, dala mo ba powerbank ko? Sayo ko naiwan kahapon diba?”

“Ay love naiwan ko sa bahay chinarge ko kasi eh.”

“love naman eh, paano ko na magagamit itong fan lowbat na” naiiritang sagot ni Heechul sa boyfriend dahil nakalimutan nito ang powerbank niya.

-----

“Jungsoooo, babyyy, mahaaaaaaaaal” naglalambing na tawag ni Heechul kay Jungsoo pero hinde siya nito pinapansin kasi busy sa paglalaro ng mobile legends.

“Love naman eh minsan nalang tayo walang gawin ngayong linggo ayaw mo pako lambing”

“Love wait lang masisira na tore ng kalaban. 2 mins, love.”

“Sige luluto muna ako meryenda, you want toast din ng bread, mahal?”

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet