Welcome to Uniqlo!

Welcome to Uniqlo!

 

One day, isang araw, pagkatapos ng napakahabang work day, naisipan ni Seungwan na magpaalipin sa isang sikat na mall. Huminga siya nang malalim sa may entrance sabay sabing…


 

"Ahh yes! Kapitalismo lamunin mo ako!"


 

At pumasok na nga siya sa mall. Ngiting ngiti at walang pag aalinlangan kahit tinititigan siya ng mga taong nakarinig.

 

Sa totoo lang, mas madalas talaga mag online shopping si Seungwan. Yung tipong bored ka tapos napabukas ng app, tapos scroll kaunti, tapos may maiisip kang kailangan bilhin, tapos makikita mo may promo, tapos biglang may free shipping...


 

Ay.


 

Lorde cheesus fries.


 

Paalam nanaman po sa kanyang sweldo.


 

Pero umay na umay na kasi si Seungwan sa work-home lifestyle niya. Kailangan niya ng bagong scenery. Kailangan ng mga tao sa paligid. Kailangan…


 

Kailangan niya ng bagong polo...ata?


 

Di siya sure pero pera niya naman to kaya walang makakahadlang. Eh ano ngayon kung marami na siyang damit? Medyo basic yung gusto niyang mga polo kaya naman marami siyang kapareho. But again…


 

Eh ano ngayon?


 

Yan ang patuloy na justification na iniisip ni Seungwan habang tuwang tuwang naglalakad papunta sa isang sikat na clothes store.

 

Habang nagbabrowse, napapakanta at sayaw pa siya kasi nagpapatugtog yung cashier ng Rollin' by Brave Girls.


 

"Rollin' rollin' rollin'! eeYyyYy!

Rollin' rollin' rollin'! EyYyY!

Gidarigo itjanha babyyy just only you!!!"


 

Bukod sa sariling sound effects, may sarili rin siyang dance moves at nagamit niya yun habang paikot ikot sa loob ng store.

 

Kasalukuyan siyang binubulungan ng demonyo na bilhin na ang hawak niyang pants nang biglang may pumasok na parang diyosa...at kapareho pa nga niyang nakasuot ng blue short sleeve rayon blouse.

 

Hindi na siya nagpatumpik tumpik pa. Bilang malapit siya sa entrance, sinalubong niya ang babae at napasigaw ng...



 

"WELCOME TO UNIQLO!"



 

1 second...

 

2 seconds...

 

3 seconds...



 

Sa gitna ng store, excited na nakangiti lang si Seungwan sa ex niyang si Joohyun. Sa ex niyang si Joohyun na mukhang diyosa. Sa ex niyang si Joohyun na natulala sa biglaan niyang pagsulpot at pag welcome.



 

4 seconds...



 

5 seconds...



 

"Ehem ehem"


 

Bahagyang umubo ang sales assistant ng shop. Lumapit sa dalawang mag ex na tila napako na sa kinatatayuan nila.



 

"Ehem ah excuse me lang po..." sabi ng sales assistant na si Seulgi, 


 

"...Penshoppe po kasi to? Yung Uniqlo po nasa third floor." Turo nito sa escalator at napakamot ng ulo.



 

Doon lang nabasag ang moment ng ex. Napahawak sa batok si Seungwan at natawa muna sa sariling joke.


 

"Ah hehehehehe hi po. Opo actually alam ko namang Penshoppe to. Nagjoke lang ako kasi pareho kaming naka Uniqlo blouse hehe. Matchy? Parang couple shirt? CHAR eme lang!"


 

Tuloy tuloy na paliwanag ni Seungwan. Buti na lang at mabait ang sales assistant na si Seulgi at nakitawa na rin to sa joke niya.


 

"Ah oo nga po ano? Kasi pag pumasok ka sa store nila may nasigaw nga talaga ng ganun hehehehe."


 

"Tama! Tama!" Excited na tugon ni Seungwan. "Pero bibili ako dito! Gusto ko rin talaga tong Penshoppe eh!"


 

Sa di maipaliwanag na dahilan ay naging instant friends na ang dalawa. Napasarap pa nga ng kwentuhan.


 

"Pero ma'am!" Biglang sambit ni Seulgi. "Glowing po kayo ha? Ano pong gamit niyo pang skin care?"


 

"Ah ito ba?" Hinawakan ni Seungwan ang pisngi. Kumurap kurap na para bang nasa commercial, ngumiti nang malumanay, at sinabing...



 

"Only PONDS touches my skin. Who touches yours?"



 

Kunot noo namang napatitig sa kanya si Seulgi. Nabasag lang ang katahimikan nang magsalita si Joohyun.


 

"Tanga! Belo kasi yun! Anong Ponds ka dyan???"


 

Hindi namang maiwasang matawa ng dalawa pang customers sa loob ng Penshoppe. Doon pa lang sa pagsigaw ng 'Welcome to Uniqlo' halos mamatay na sila kakapigil ng tawa kaso nadouble combo pa sila ng Ponds at Belo.


 

"HAHAHAHAHAHAHA" Hagalpak ng tawa ni Yeri.

 

Nag react din agad ang kasama niyang si Joy, "Shuta talaga hahahhshsjsjskskskd"

 

Eh kaso kakahigop lang nito sa kanyang hazelnut milktea with pearls.

 

Nasamid pa nga ang gaga.

 

Agad na nagpanic si Yeri at lumingon sa mga nasa store para humingi ng tulong.


 

"Help! Tulong! Help! Nachoke si Joy! Kailangan niya ng...kailangan niya ng HAMLET MANEUVER!!!"


 

Kahit samid na samid na sa bwakanang inang pearls na pagkalaki laki, nagawa pang mang sermon ni Joy,



 

"hsjsshsksGAGAsjdjskskHEIMhshdjskLICHshdjsYONkdkdkd"



 

At bilang dakilang palaaksyown si Son Seungwan, hinawakan niya ang kamay ng ex at hinatak papunta sa struggling na si Joy.


 

"Babe! Love! Ay! Joohyun pala! Tulungan natin tara!"


 

Sabi na nga ba at may mapapala rin talaga si Seungwan sa pangungulit niya dati kay Joohyun na mag date sila sa first aid training camp ni Doktora Kim Eana.


 

Mga 15 days din yun pinagselosan ni Joohyun. Di raw siya maloloko. Alam daw niyang pupunta lang sila sa training camp kasi crush ni Seungwan si Dok.


 

Pero oh well it's all in the past. Ang mahalaga ngayon ay magkahawak kamay silang sasagip ng isang higante sa Penshoppe.


 

Okay medyo OA yung higante na term pero kasi naman lalong ang liit nina Joohyun at Seungwan kumpara kay Joy na kailangan nilang i-heimlich maneuver.



 

Ah basta.



 

Ang mahalaga, may chance siyang magpapansin sa ex niya. May common ground na ulit! Konting kembot na lang baka magkabalikan na sila!




 

#SalamatRayonBlouse #SalamatPonds #SalamatHeimlich #WishfulThinking #AkoNaLangAkoNaLangUli

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
revelnc #1
Chapter 1: dun ako sa hamlet maneuver ni yerms 😭
dubustan
#2
Chapter 1: LMAO ANG LT AUTHOR
nicella #3
Chapter 1: HAHHAHAHA BENTA TALAGA OTOR uniqlo is everywhere, benta din ng mga references lol salamat dito dami kong tawa XD
baejoonism #4
Chapter 1: HAHAHAHAHAHAHA BENTA
mklarisse_ #5
Chapter 1: LAFFTRIP BIG BRAIN KA TLGA AUTHOR
Ot5langlakasam
#6
Chapter 1: HAHAHAAHAHAHAH EBARG YUNG TAWA KO HHAHAHAAAH