Scene I

Playwright
Please Subscribe to read the full chapter

Chaeyeon

 

Napansin kong biglang gumaan ang matress ng hinihigaan ko. Nawalan ng bigat. 5:03 AM, kaya pala. Sobrang aga pa naman kaya umidlip pa ako ng konti. After an hour, nagising ako. Aalis na pala ang kasama ko. Nagpaalam siya sa akin.

 

“Ingat ka. Text mo ko pag nakarating ka na”, paalala ko sa kanya.

 

Pag-alis niya, yun naman ang hudyat ng pagsisimula ng araw ko. Walking distance lang naman ang workplace ko sa apartment kaya most of the time, umaalis ako ng alas-syete ng umaga for our 7:30 time-in. 

 

Paglabas ko ng apartment, sinalubong ako ng isang maaliwalas na panahon. Sa mga ganitong araw ako nagkakaroon ng masiglang aura to start the day. May nadadaanan akong familiar faces, o di kaya ako yung nadadaanan. Laging may ngiti. Nakakagaan ng araw. Ilang minuto pa ang nagdaan at nakarating na ako sa destinasyon ko. Sa may main gate, kitang kita ang malaking emblem na may nakaukit na pangalang “Southbridge Integrated School”. Hayyy, parang kailan lang nung unang tapak ko dito. Ngayon, fourth academic year ko na sa skwelahang ito.

 

Ako si Chaeyeon, PE teacher sa SIS. God knows how much I prayed for this job...and this school. Kaya nung natanggap ako dito, ginawa ko ang lahat. Dinedicate ko buong pagkatao ko sa trabaho ko. Masaya naman ako. Iba talaga ang nagagawa nung fulfillment na mafefeel mo once maachieve mo yung dream job mo. Much more sa dream place mo. Everything just seems so right. Medyo well-off naman ang school na to. So kahit papaano eh nakakapag-ipon naman ako without hurting my cost of living. Satisfying nung motivation, diba?

 

Patapos na ang first semester kaya medyo busy na rin ang lahat. Di naman ako yung procrastinating type kaya walang masyadong stress. Ayoko kasing nagka-cram. Nakakabawas ng productivity.

 

Naputol bigla yung moment ko nung may kumalabit sa akin. Si Chaewon, junior at ka-department ko.

 

“Bakit hindi ka pa pumapasok?”

 

“Ah, medyo nagsesenti lang. Narealize ko na four years na pala ako dito.”

 

“Congrats, may bachelor’s degree ka na.”

 

“Haha. Lo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet