Kung akin lang ang mundo, ibibigay ko siya sa iyo

Cuida
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Dapat Sana by Jensen & The Flips

Sweet Nothings by Clara Benin

214 by Rivermaya

Cuida by Sugarfree

 

//

 

;

fourth-year college student; first semester

;

 

Tara Route 196 ASAP, as in now na. Libre ko. Mwa :<

Napabuga ka ng malalim na hininga nang mabasa mo ang text mesage sa 'yo ng bestfriend mo na si Joohyun. Kakalabas mo lang kasi ng Beato building from your exhausting saturday class nang mabasa mo ang text niya. Inis mo nalang na pinasok ang tube case mo sa loob ng bag mo bago ka naglakad papunta sa carpark.

Mabigat ang bawat paghakbang mo habang naglalakad ka sa tabi ng field. Hindi mo pa rin nirereplyan ang text message ng bestfriend mo dahil alam mo naman na ang dahilan kaya ka biglang inaya sa favorite bar niya. 

Isa lang kasi 'yung ibig-sabihin nung sad emoticon niya dun.

Dahil na naman 'yun sa long-time crush niya since both of you were only first-year high school students. 

'Yung long-time crush na laging dahilan ng pagkasawi ng bestfriend mo. 

Hindi mo rin kasi talaga alam kung bakit pagkatapos ng ilang taon ay sobrang nahuhumaling pa rin siya do'n.

Bago ka kumanan patungo sa main building ay kinuha mo ulit ang phone mo from your left pocket. Badtrip kang nagtype ng maikling Sige, otw na. na reply sa bwisit mong bestfriend.

Hindi mo rin kasi talaga siya matitiis. Eh, paano mo rin ba kasi siya matitiis?

Magsinungaling ka man nang magsinungaling sa sarili mo, hindi pa rin mawawala ang fact na tangang-tanga at asang-asa ka sa kaniya—oo, tanga ka talaga.

Kasi ikaw si tanga at nahulog ka sa bestfriend mong ipinaglihi yata sa anesthesia.

 

;

first-year highschool: third-grading period

;

 

Tahimik kang bumaba from your tricycle service bago mo isinukbit 'yung backpack mo sa likod mo. Namroblema ka naman agad nang makita mong punong-puno ng street vendors 'yung harapan ng gate ng school niyo.

Kabado mong hinatak pababa ang strap ng ID mo saka ka naglakad papunta sa gate. Valentine's day kasi, at nagdagsaan na naman 'yung mga binebenta na mga pekeng pulang rosas at mga lobong kamahal-mahal na kala mong hindi pumuputok.

Pagkapasok mo sa gate ay mga magkakasamang magjowa agad ang nakita mo. PDA talaga kung PDA, oo. Hindi ka na rin inosente sa ganiyang bagay dahil lagi mo nakikita ang mga classmates mong magjojowa na hindi mapaghiwalay sa loob ng room niyo. 

Uncomfortable kang umakyat sa hagdanan papunta sa second floor ng highschool building dahil may mga kabatch kang naghaharutan do'n, sila talaga 'yung masasabi mong madaling-madali tumanda at magkajowa.

Marami rin ang mga bumati sa 'yo nang madaan ka sa harapan ng room ng ibang section. May mga ilan na lalaki lang na bumati sa 'yo tapos karamihan na ay puro babae na.

Nakahinga ka naman nang maluwag nang makita mong walang naghaharutan sa loob ng room niyo. Ibinaba mo ang bag mo sa upuan sa gitnang row, dito ka naupo dahil ikaw lagi ang nasa kalagitnaan kapag alphabetical order ang seating arrangement. 

Dumukmo ka muna sa armchair mo dahil wala ka rin namang kakausapin sa room niyo, nasa kabilang section kasi ang buong tropa mo at tanging ikaw lang ang nahiwalay.

Maya-maya pa ay nakaramdam ka ng madiin na tumutusok sa kanang braso mo. Irita mong idinilat ang iyong mga mata bago mo nilingon ang tumutusok sa 'yo.

"Sungit mo naman makatingin," Nakangusong sambit ng nakaupo sa tabi mong upuan.

Nakita mo ang kabatch mo na laging muse ng kabilang section tuwing intramurals. 

Inilahad pa niya nag kamay niya sa harapan ng mukha mo, "Joohyun nga pala," 

"Sino ka?"

'Yan lang ang tangi mong nasagot bago ka dumukmo ulit. 

"Kakasabi ko lang Joohyun 'di ba?" Rinig mong inis niyang sabi.

Hindi mo na siya pinansin at hinayaan lang siya diyan sa tabi mo.

Wala ka nang narinig na kahit ano mula sa kaniya kaya naman nung itinaas mo ulit ang ulo mo ay buong akala mo na nakaalis na siya sa room niyo, 'yun nga lang, nagkakamali ka kasi mariin pa rin siyang nakatitig sa 'yo.

Umiwas ka ng tingin sa kaniya at kinuha mo na lang ang sketchpad sa bag mo. Oo, magd-drawing ka nalang kesa makipagtitigan diyan sa katabi mong hindi mo mawari ang gusto.

Bago mo pa man din masimulan gumuhit ay naramdaman mong may tumutusok na naman sa braso mo kaya inis kang lumingon sa kaniya. 

Sinamaan mo siya ng tingin, "Ang sungit mo talaga, pinaglihi ka ba ng mama mo sa sama ng loob?"

Naknampucha.

Mariin mong ipinikit ang mata mo at saka ka huminga nang malalim. "Ano ba kasi kailangan mo sa 'kin?"

Humalukipkip siya sabay ng pagnguso ulit ng mga labi niya. Konti na lang talaga pipitikin mo na 'yung labi niya. 

"Marami."

"Luh?"

Nakataas ang kilay mo sa kaniya habang sunod-sunod mong pinipindot ang takip ng mechanical pencil mo. Natigilan ka nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa 'yo. Ramdam mo ang hininga niya sa mukha mo.

"Tulungan mo 'ko kay Ate Yuri." 

Yuri...?

Sinong Yuri naman 'yun?

Marami kang kilalang yuri sa buhay mo, isa 'yung pinsan mo na galing Canada, meron pa 'yung Yuri doon sa tindahan na binibilhan mo, eh, counted din ba 'yung Yuri na binabasa mo na manga? Ay mali-mali, kung ano-ano na naiisip mo. 

At 'yung huling Yuri na kilala mo ay 'yung captain mo sa varsity team niyo. Si Kwon Yuri. Siya lang naman 'yung taong laman lagi ng mga tarpaulin diyan sa labas ng school niyo, na parang siya lang ang naglalaro sa Girls Basketball Team ng school niyo. 

"Huy!" Pumalakpak si Joohyun sa harapan mo. "'Di ka na sumagot."

Wala sa sarili mong kinamot ang batok mo, "Ano... meron kay Ate Yuri?"

Narinig mo ang pagtawa niya. "Hellerrr! Valentine's day kaya, hindi mo ba alam 'yun?"

"Syempre alam ko."

You propped an elbow sa armchair mo at saka siya tinignan. Sa lahat ng beses na nakikita mo siya, ngayon mo lang talaga siya natitigan nang matagal.

Nakasuot siya ng pulang t-shirt at blue jeans. Naalala mo bigla na may color coding nga pala ngayon sa school niyo dahil Valentine's day daw. At ang ibig sabihin ng red ay in-love ka, wow ibig-sabihin ba nun eh in-love siya kay Ate Yuri?

"Alam mo naman pala eh!" Tumayo siya, "Tara, samahan mo 'ko kay Ate Yuri." Hinatak niya bigla ang kamay mo.

Napakapit ka nalang sa upuan mo para hindi ka niya mahatak nang tuluyan, "Huy, anong samahan?!" 

"'Di ba kaclose mo naman si Ate Yuri? Dalas ko kaya kayo makitang nagt-training tuwing hapon." Huh? Napatanong ka bigla sa sarili mo kung kaclose mo talaga 'yung captain mo na 'yun.

"H-Hindi ko naman kaclose 'yun!" 

"Weh?" Nakakunot na ang noo niya sa 'yo.

Kailangan bang kwestyunin pa 'yun? 'Di ba pwedeng maniwala na lang siya sa 'yo?

"Oo nga." You pulled your hand mula sa mahigpit niyang pagkakahawak sa kamay mo.

Mapagkamalan pa kayong magjowa ngayon, jusko, yari ka sa nanay mong wagas pa ang speaker ng kapitan niyo kung makapagbunganga.

Pagkatapos ng ilang minuto niyong pagtititigan ay bigla siyang tumalikod at naglakad papalabas ng classroom niyo. Hindi mo nalang inisip si Joohyun at tinignan nalang ang blackboard niyo na wala pang kasulat-sulat.

"Kang Seulgi!" 

Pakening shet

Napamura ka sa isipan mo nang marinig mo ang malakas na pagsigaw ng tropa mong si Yeri ng pangalan mo. Hindi mo siya nilingon at nagkunwari lang na wala kang naririnig. 

Kaya naman nung lumapit na sa 'yo 'yung kaibigan mong alagad yata ni Satanas eh bigla siyang sumigaw sa tenga mo. 

"Ayaw mamansin, chix ka girl?" 

Nakakunot ang noo mo siyang nilingon, "Ano meron?"

"Eto, orange shirt." May inabot siyang plastic bag sa 'yo, "Pinapamigay ni Coach Warren, 'yan daw suotin niyong mga varsity." Narinig mo ang pagtawa niya, "Ay saka nga pala, ibig sabihin ng orange shirt ngayon eh, single and ready to mingle ka."

Napuno ng malakas na pagtawa niya ang buong classroom niyo habang ikaw naman ay mahigpit na hinawakan ang plastic bag bago mo inilabas 'yung orange shirt na merong nakatatak na pangalan ng team niyo at apelyido mo sa likod. 

"Hindi ba naisip ni Coach na masyado pang mga bata players niya para sa ganito?" Inis mong sabi.

Tumayo ka na at hinubad ang paborito mong nike shirt at saka mo sinuot ang orange shirt na ipinabigay ng pinakamamahal mong Coach.

Hindi ka na rin kasi nagreklamo pa dahil alam mong kapag nakita ng Coach niyo na hindi mo sinuot ang pinabigay niyang shirt ay paparusahan ka niya sa training niyo. 

"Ta's puntahan natin sila Lisa at Joy do'n sa quadrangle. Wala palang klase at puro booths lang daw ngayon."

Hindi ka na sumagot at sumunod nalang sa bwisit mong kaibigan. Pagkalabas niyo ng room ay maraming babae ang nakapila doon at mukhang may hinihintay. Hindi mo nalang sila pinansin at binilisan nalang ang paglalakad para masabayan mo si Yeri.

"Ampotchi naman, oo. Ang sasama nung mga tingin sa 'kin nung fangirls mo, akala yata girlfriend mo na ko." Nandidiring sabi ng kaibigan mo. Natawa ka nalang sa sinabi niya.

Pagkababa niyo sa first floor ay nagp-practice ang dance club sa function hall, may mga nagtilian naman nang makita ka nilang bumaba. "Yuck, ang daming may crush sa 'yo, Seuldugyot."

"Manahimik ka nga." Tawa mo. Wala ka pa namang interest magka-love life kaya hindi mo talaga pinapansin 'yung mga gano'ng bagay.

Simula kasi nung mapasok ka sa varsity team ng school niyo ay marami na rin ang mga nagsasabi na ikaw na raw ang susunod na Kwon Yuri ng school niyo since graduating na 'yung captain mo this school year. 

Nakita mo naman agad ang dalawa mo pang tropa na sila Lisa at Joy na nanonood ng mga naglalaro sa booth. Nakasuot din ng orange shirt si Lisa dahil nasa varsity team din siya habang si Joy na bitter mong friend ay nakablack shirt. 

"Uy, Seul! Pinuntahan ka namin nila Joy kanina sa room niyo kaso may mga nagkukumpulan na babae do'n sa tapat kaya umalis nalang kami."

"Ah.. oo, nando'n nga sila sa labas." 

Pumirmi ka lang sa tabi ni Lisa at pinagmasdan mo lang 'yung higher grade levels niyo na naglalaro ngayon, mostly naman ay puro magjojowa 'yung naglalaro dahil nga love ang theme ng araw na 'to.

Marami rin ang mga nagbigay ng regalo sa 'yo na hindi mo naman nareject sa kadahilanang nahihiya ka rin sa kanila. Pagkatapos naman ng ilang minuto ay umalis bigla si Lisa dahil may kukunin daw siya sa room nila.  

Maya-maya pa ay inaya na kayo ni Yeri kumain sa canteen dahil break time niyo na pala. Habang nakapila ka sa bilihan ng stub ay nahagip ng mata mo si Joohyun sa tapat ng function hall, palingon-lingon siya sa paligid niya at mukhang may hinahanap. Mabilis kang umalis pagkabili mo at pumasok na sa canteen para hindi ka niya makita na nakapila doon. 

"May pinagtataguan ka ba?" Nagtatakang tanong ni Joy sa 'yo.

"W-Wala! Gutom lang talaga ko." Pagsisinungaling mo.

Ibinigay mo na 'yung stub mo kay Ate Beth na nagluluto ng paborito mong kinakain na porkchop bun tuwing morning break time. Mahaba talaga ang pila pero pinauna ka na nung mga kabatch mong babae dahil baka raw magutom at mangayayat pa ang mataba mong pisngi.

'Di mo tuloy alam kung magpapasalamat ka ba o maiinis ka sa sinabi nila.

Nakinig ka nalang sa mga kwento ni Joy tungkol sa buhay niya, tuwang-tuwa naman niyang ikinekwento sa 'yo 'yung mga pinagrereject niya na mga lalaki from higher grade levels na nagbibigay sa kaniya ng mga regalo. Pinaninindigan niya talaga 'yung sinabi niya sa inyo nung isang araw na magpapakabitter siya sa Valentine's day.

"Imagine ha, mga varsity na ng basketball team 'yon tapos nireject ko lang? Ang ganda ko talaga!" Napailing ka nalang sa kaibigan mo, "'Yung mga babae kanina inggi—ay si Lisa?!" 

Napatingin ka dun sa direksyon na tinitignan ni Joy. Napabuka ang bibig mo nang makita mo si Lisa na kayakap si Jisoo from your rival section. Hindi naman sa gulat ka pero oo, sobrang gulat ka lang talaga sa nakita mo. 

Nawala ang pagkafocus mo sa kaibigan mo nang bigla mong makita si Joohyun na nakatayo na sa harapan mo at ikinakaway ang maliit niyang kamay sa mukha mo.

"Tara na, samahan mo na ko!" 

Hindi ka na nakakontra sa kaniya dahil bigla nalang niya hinatak ang kamay mo. "Huy—Huy! 'Yung porkchop bun ko!"

Tila wala siyang narinig mula sa 'yo kasi tuloy pa rin niyang hinahatak ang kamay mo. Wala ka nang nagawa at hinayaan nalang siya, hanggang sa makarating kayong dalawa sa basketball court ng school niyo.

Kumaway agad sa 'yo ang mga senior teammates mo nang makita ka nila. Nakita mo naman agad ang captain mo na si Yuri na may hawak-hawak na bola habang nakaway din sa 'yo.

"OMG! Si Ate Yuriii!" Rinig mo kay Joohyun. Para siyang kinikilig na hindi mo maintindihan. "Kinakawayan niya ko!"

Baliw. 

"May ibibigay ka ba?" Nakakunot ang noo mo sa kaniya. 

Tumango siya sa 'yo at may kinuha agad sa bulsa ng jeans niya. 

Inabot niya sa 'yo ang isang color black and orange na anklet. "E-Eto!" 

"Anklet?" Nagtataka mong tanong, "Eh, bakit sa akin mo inaabot? Ikaw may crush sa kaniya 'di ba?" 

"Nahihiya ako! Sabihin mo nalang galing kay Bae Joohyun from I-Hera!" Pagi-inarte pa niya.

Napabuga ka nalang ng hininga mo bago mo siya mariing tinitigan. "Hindi ko nakain 'yung porkchop bun ko para lang sa maliit na bagay na 'to?"

"Hindi 'yan maliit! Maganda kaya 'yan 'no? Black and orange kaya color ng jersey niyo kaya bagay na bagay 'yang anklet na 'yan." She reasoned out, "Ililibre nalang kita ng porkchop bun! Kung 'yun 'yung dahilan ng pagkainis mo ngayon."

Huh? 'Di ba niya naisip na kaninang umaga lang niya ako ginulo kinausap sa classroom namin? Siya 'tong feeling close sa akin tapos iisipin niya na dahil lang sa porkchop bun 'yung pagkainis ko.

"Black and orange nga anklet na ibibigay mo. Eh, aalis na rin naman si Ate Yuri sa school kaya 'di na rin niya masusuot 'yan sa mga basketball leagues." 

"Grabe! Oo, alam ko 'yun!" Ngumuso na naman siya, "Wala talagang preno 'yang bibig mo, ba't ba sa 'yo pa ko nanghingi ng tulong! Hmpf." 

Natawa ka nalang sa pag-arte niya at hinablot ang anklet from her right hand. Pinitik mo muna ang nakanguso niyang labi bago ka naglakad papunta sa direksyon ng mga seniors mo.

Habang nasa kalagitnaan ka ng paglalakad ay lumingon ka ulit sa kaniya,

"'Yung porkchob bun ko ah?" Abot-tenga mong ngiti sa kaniya. 

'Di mo naman alam na sa paghablot mo na 'yun ay magsisimula na ang kalbaryo mo kay Bae Joohyun.

Pagkatapos kasi nung pagbigay mo na 'yun sa captain mo ay hindi ka na rin tinigilan ni Joohyun. 

Hindi naman sa nagrereklamo ka.

Pero doon na rin kasi nagsimula 'yung pagiging interesado mo sa salitang 'love'. 

At 'yun 'yung bagay na pinagsisihan mo.

 

;

fourth-year college: first semester

;

 

"Nasaan ka na?" Umalingawngaw ang malakas na boses ni Joohyun sa loob ng bago mong sasakyan na Honda Civic.

Napaaga kasi ang graduation gift ng Daddy mo sa 'yo dahil nawala raw sa isip niya na five-year course ang Architecture. Akala kasi ng Daddy mo ay magkaparehas lang ng years ang Architecture at Legal Management, 'yun kasi ang tinetake ni Joohyun sa Ateneo ngayon at doon nagbase ang magaling mong tatay.

"Malapit na ko." 

"Anong malapit! Ang tagal mo naman!"

"Aba, ang layo kaya ng Espanya sa Katipunan. Ta's sobrang traffic pa sa Cubao kanina, Hyun."

Narinig mo ang hmpf ni Joohyun galing sa kabilang linya. Hindi na siya sumagot ulit sa 'yo pero hindi rin naman niya inend 'yung call kaya hinayaan mo lang na gano'n kayo hanggang sa kumanan ka na sa Katipunan Ave.

Sanay ka na rin kasi talaga sa set-up niyong ganito na ikaw lagi ang naga-adjust papunta ng Katipunan kasi ayaw mo rin siyang mamasahe or maggrab pauwi. Kapag naman tinatanong mo siya kung bakit ayaw niya matutong magdrive ay isang:

Ayoko, give up na ko diyan kasi maliit biyas ko. Saka nandiyan ka naman para ipagdrive ako palagi.

At may kasama pang pitik 'yun sa labi mo. 

"End ko na 'to, malapit na ko." Sabi mo nang matanaw mo na ang Route 196 sa di kalayuan. 

"Okay. Bye, pakyu ka." 

Nagpark ka na doon sa tabi ng restobar at pagkababa mo ay hindi mo kinalimutang icheck muna ang pintuan ng sasakyan mo.

Mags-7:30 PM na pala at umalis ka ng Espanya around quarter to 5 PM. Ngayon mo lang nagets kung bakit ka pinakyu nung bestfriend mo sa call, pero sure ka namang ngayon-ngayon lang pumunta 'yun sa restobar.

Pagkapasok mo ng Route 196 ay meron nang tumutugtog doon sa harapan na banda pero 'di mo naman sila kilala. Nakita mo si Joohyun na nakaupo doon sa usual place niyong dalawa.

Pagkakita niya sa 'yo ay itinaas niya ang middle finger niya na agad mo namang ibinaba, "Ano ba 'yan, Hyun. Maga-abogado ka ta's namamakyu ka bigla ng tao." 

"Excuse me, hindi pa ako abogado." 

Umupo ka sa harapan niya at kinuha 'yung iced tea mo. Habang nainom ka ay tinitigan mo ang maamong mukha ni Joohyun.

Literal na mukhang maamo lang kasi kabaliktaran no'n 'yung personality niya. 

Inilapag mo ulit ang drink mo sa table, "Oh, ano meron kay Ate Yuri ngayon?" 

Kitang-kita ang pagkagulat niya sa deretsuhang tanong mo. Ayaw mo na rin kasing hintayin pa siya na sabihin sa 'yo kung bakit ka niya pinapunta dito. 

"Grabe ka..." Tumawa ka nalang. "Para namang pinapapunta lang kita dito sa Katipunan kapag tungkol kay Yuri lang!"

Napailing ka sa way ng pagtawag niya sa ex-captain mo. Nagsimula kasi niyang tawagin si Yuri no'n nung inamin niya sa sarili niya na gusto talaga niya 'yun at hindi na mere crush lang. 

"Bakit? Kadalasan kaya siya dahilan kaya bigla kang napapatext sa akin." Kumuha ka ng paborito mong sisig at sinubo na ito habang hinihintay siyang magsalita.

"Oh, eh, 'di okay tama ka!" Madiin niyang tinusok 'yung lechong kawali from the plate. "Eh, paano kasi, Seulgi." 

"'Wag ka ngang magsalita habang ngumunguya ka."

Kumuha ka ng tissue at pinunasan ang bibig niya. 

"So 'yun nga, tignan mo muna 'to." Sabi niya at may inabot na kulay beige na envelope sa 'yo.

Amoy na amoy mo ang scented paper sa loob pagkabukas mo nung envelope. Pagkakuha mo nung nasa loob ay nakita mong wedding invitation pala. Hindi mo pa nakikita agad 'yung pangalan ng ikakasal dahil nakafold pa.

Daming arte, pota.

Kaya naman nung inopen mo na ay sobrang nagulat ka sa nabasa mo.

 

You are cordially invited to the wedding of

Kwon Yuri and Im Yoona

 

WAIT ANO RAW?

Nanlalaki ang mata mong tinignan siya. "Gago, totoo ba 'to?!" 

"Oo. Kanina lang binigay ni Ate Yoona sa 'kin 'yan." 

"Shet, Hyun..." Tumingin ka ulit sa invitation bago mo binalik ang tingin mo sa kaniya, "RIP! Lalo diyan sa heart mo."

Napahimas ka sa ulo mo pagkatapos niyang batukan bigla ang ulo mo. 

"Para ka naman kasing gago, Seulgi." Iritable niyang sabi.

Ibinalik mo sa loob ng envelope 'yung wedding invitation at iniabot ulit sa kaniya, "Oh, ano gagawin mo niyan ngayon?"

"Anong ano gagawin ko? Sa tingin mo ba pipigilan ko 'yung kasal ng Ate ko dahil lang gusto ko si Yuri?" 

"Siguro? Baka gano'n ka na kahibang." Humagalpak ka ng tawa.

Itinaas na naman ni Joohyun 'yung middle finger niya at may kasama pang sipa 'yun sa tuhod mo. Hindi ka pa rin natigil kakatawa kahit masakit 'yung pagsipa niya sa 'yo.

"Haha... Tangina okay... Wait, sorry." Pumikit ka at huminga nang malalim para matigil na ang pagtawa mo.

"Oorder na kong red horse! Magpapakawasted tayo ngayon, hayop ka."

Tumayo na ang bestfriend mo at pumunta do'n sa counter para umorder ng red horse. You opened the camera in your phone at pinicture-an 'yung baliw mong bestfriend. Lagi mo 'tong ginagawa kapag hindi siya nakatingin sa 'yo, or kaya may iba siyang ginagawa.

Eto siguro 'yung way mo para matreasure mo lahat ng memories na nakakasama mo siya.

Para may mababalik-balikan ka sa phone mo 'pag namimiss mo na siya, lalo kapag sobrang busy niyong dalawa with your studies.

Hay nako...

Tinamaan ka na nga talaga sa bestfriend mo. 

Pero teka lang ha?

Kelan mo nga ba naramdaman na unti-unti nang nagiging more than friends ang tingin mo sa kaniya?

 

;

second-year highschool: fourth-grading period

;

 

Intramurals.

Isang salita lang 'yan pero sobrang nagkakagulo na ang buong highschool department.

Kakasimula lang kasi ng one-week intramurals niyo kahapon at nagkakagulo lahat ng mga mayayabang na lalaking varsity players sa hallway. 

Kala mo namang hindi sila nadurog ng Girls Basketball Team niyo last summer sa mini tune-up niyo diyan sa school. 

"Seulgeeeh!" 

Isang malakas na sigaw na naman ni Yeri ang narinig mo sa hallway. Nakatambay ka lang kasi sa harapan ng room niyo habang nainom ka ng chuckie na bigay ng isa sa mga nagkakacrush sa 'yo. 

Sumandal ka sa veranda, "Bakit?"

"Ano ginagawa nila sa loob?" Tanong niya habang tumitingkayad para makita 'yung loob ng room niyo.

"Ewan. Nagp-practice yata ng cheer. 'Di ko lang sure." You shrugged.

Naglakad ka papunta sa basurahan at tinapon na 'yung iniinom mong chuckie kanina. Kinuha mo naman 'yung isa mo pang chuckie sa bulsa mo at sinimulan ulit inumin.

Pagkabalik mo sa pwesto mo kanina ay kausap na ni Yeri si Joohyun na dala-dala 'yung susuotion niya yata mamaya sa pageant. Siya kasi 'yung ipanglalaban ng section niyo sa Miss Intramurals.

Oo, kaklase mo this school year sila Yeri at Joohyun dahil nagreshuffle 'yung sections niyo samantalang sila Joy at Lisa naman ay magkaklase doon sa kabilang section. 

Nakatingin sa chuckie mo si Joohyun kaya naman napahawak ka nang mahigpit sa iniinom mo. "Penge ako," 

Wala ka nang nagawa nang kunin niya sa 'yo ang iniinom mo. You crossed your arms habang pinagmamasdan mo si Joohyun.

Nakasuot siya ng puting t-shirt at gray nike sweatpants na hiniram niya sa 'yo kaninang umaga. Sobrang simple lang nung suot niya pero parang magmomodel na rin si Joohyun sa suot niya na 'yun.

Oo, maganda talaga si Joohyun, 'di mo na idedeny 'yun. 

Lagi mo na rin kasing napagmamasdan 'yung mukha ni Joohyun kapag nagkakasama kayo, lalo na kapag madalas ka niyang ginugulo sa training niyo. Siya kasi 'yung kinukuhang muse ng team niyo kapag may mga basketball leagues kaya madalas siyang napupunta sa training niyo.

Sa totoo lang ay tinuturing mo nang bestfriend si Joohyun dahil sa dalas niyong magkasama. Ang dalas ka kasi niyang kinekwentuhan tungkol sa captain mong si Yuri na grumaduate na last summer, lagi rin kasi siyang sumasama sa 'yo kapag may mga liga ka sa barangay para daw masulyapan niya 'yung captain mong kateam mo rin sa mga summer leagues.

"Anong oras pageant niyo mamaya, Hyun?" 

"Hapon pa yata. May practice pa nga kami ni Suho mamaya, jusko, nakakapagod!" 

Natawa ka nalang sa kaniya. Last week pa kasi sila nagp-practice ng isa niyo pang classmate na si Suho para daw readyng ready na sila sa pageant. For sure naman kasi champion na naman si Joohyun sa category niya.

Opinyon mo lang 'to pero kasi eh, para sa 'yo si Joohyun ang pinakamagandang estudyante ng school niyo. Hindi ka naman nage-exaggerate, sadyang nagsasabi ka lang talaga ng totoo.

"Hoy!" Nagulat ka nang biglang pumalakpak si Joohyun sa mukha mo, "Kanina mo pa ko tinititigan! Crush mo ba ko?"

Huh?

Anong crush?

Narinig mo ang paghagalpak ni Yeri kaya nabalik ka sa realidad, "Uy~ si Joohyun din pala tipo mo!" Panga-asar ng bwisit mong tropa.

"G-Gago niyo! Kapal ng mukha mo, Joohyun!" 

Napaiwas ka tuloy ng tingin para hindi nila makita 'yung pamumula ng pisngi at tenga mo. Naramdaman mo ang pagpisil ni Joohyun sa pisngi mo.

"Mukha ka ng katamis, Seulgi." Tumawa siya, "Samahan mo nalang ako sa practice namin, bilis. Mamaya pa naman laro niyo 'di ba?" 

Tatawagin mo sana si Yeri para tulungan ka kaso kumaripas na ng takbo 'yung kaibigan mong alagad ni Satanas. Kaya ang ending ay hindi ka nalang sumagot kay Joohyun at hinayaan nalang siya na hatakin ka papunta sa function hall ng school niyo.

Pinagtitinginan naman kayo ng mga schoolmates na nakakasalubong niyo. Paano ba naman kasi eh, nakahawak si Joohyun sa kamay mo ta's mukhang kita rin nila ang pamumula ng mukha mo.

Pagkarating niyo sa function hall ay nakatayo na doon 'yung mga contestants at si Joohyun nalang yata 'yung kulang, kaya tumakbo agad 'yung kasama mo sa stage samantalang ikaw ay naiwang hawak-hawak 'yung mga susuotin niya mamaya.

Pinagmasdan mo naman lahat ng mga nakatayo sa harapan. Napailing at napangiti ka nalang nang marealize mong si Joohyun na pala ang tinititigan mo at nakalimutan mong may iba pa siyang kasama sa stage.

Iba kasi talaga 'yung beauty ni Joohyun.

You're just admiring her lang naman 'di ba at walang masama dun?

Kinuha mo 'yung phone mo sa nike sling bag mo at pinicture-an si Joohyun na nakatayo lang ngayon. Karamihan ng kuha mo ay puro candid shots hanggang sa makita ka niya kaya nagpose na siya nang nagpose sa 'yo.

Pagkatapos nila magpractice ay agad na pumunta sa 'yo si Joohyun. Kinuha na niya 'yung pinabuhat niya sa 'yo at hinawakan ulit ang kamay mo.

"Samahan mo ko, Seul. Magpapalit na ko nito." Itinaas niya 'yung costume niya.

Naglakad na kayong dalawa papunta sa CR ng school niyo. Marami na rin ang nagpapalit sa loob kaya sa labas ka nalang pumirmi habang hinihintay mo si Joohyun magpalit. Hawak-hawak mo pa rin 'yung sports wear at gown niya, hay, feel mo tuloy ngayon eh jowa ka ng kaibigan mo.

Napakurot ka sa sarili mo nang marealize mo ang mga pinagi-isip mo. 

Kala ko ba kaibigan mo lang si Joohyun, tanga. Kung ano-ano na iniisip mo diyan.

"Seulgi, brodie!" 

Nakita mo agad ang kaibigan mong si Lisa na naglalakad patungo sa 'yo, hindi mo napansin na kasama niya pala 'yung nilalandi niyang kabatchmate niyo na si Jisoo. 

Binati mo naman ang kasama ng kaibigan mo bago ito nagpaalam sa inyo na magpapalit din daw siya sa loob ng costume niya. Tumayo sa tabi mo si Lisa at isang suntok ang ibinigay niya sa braso mo.

"Aray! Siraulo ka ba?!" Daing mo habang hinihimas mo ang braso mo.

"Loko ka! Kaya pala wala ka sa court kanina, masyado kang busy mag-feeling jowa diyan kay Joohyun." 

Napa-ismid ka sa sinabi niya.

Mag-feeling jowa?

Ba't ba andami mong naririnig na ganiyan ngayon?

"Issue ka." 

"May gusto ka ba kay Joohyun?"

Aba, pucha talaga. 

Ikaw naman ang sumuntok sa braso ni Lisa sa inis. Rinig na rinig mo tuloy ngayon ang mapang-asar na tawa ni Lisa. 

Nang matanaw mo na ang self-proclaimed bestfriend mo papalabas ng CR ay kinurot mo sa hita si Lisa para matigil siya sa kakaasar sa 'yo. 

"O-Okay ka na?" Narinig mo ang pagpigil ng tawa ni Lisa dahil sa pagkautal mo. 

"Yup!" 

Nakasuot si Joohyun ng white dress tapos hawak-hawak pa rin niya ngayon 'yung ilalagay yata niya sa likod mamaya. May mga gold na props din na nakalagay na sa taas ng balikat niya. 

Wala pang ayos si Joohyun pero bakit gandang-ganda ka na agad?

"Baka malusaw!" Napatingin agad kayo ni Joohyun kay Lisa na namumula ngayon.

Sinamaan mo siya ng tingin at nag-gesture ka na lagot siya mamaya sa 'yo, "'Y-Yung pinaluto ko sa c-canteen! Baka malusaw hehe."

Nagpaalam na kayong dalawa kay Lisa at naglakad na ulit kayo pabalik sa room niyo. Hindi mo pa rin inaalis ang tingin mo sa katabi mo.

"Wala ka ba talagang make-up ngayon?" You blurted. 

Napahagikgik muna si Joohyun bago siya umiling sa 'yo, "Waley. Natural beauty lahat ng 'yang nakikita mo ngayon!"

Natawa ka nalang nang ipinagyabang pa niya ang mukha niya sa 'yo.

Oo, maganda ka talaga. 

Pagkarating niyo sa room niyo ay puro papuri kay Joohyun ang narinig mo. Meron pa ngang nagsabi na mukha na raw Santo 'yung kaibigan mo.

Baka kamo Santonas

Kinuha mo na 'yung duffel bag mo sa upuan mo dahil may game na kayo maya-maya. Mixed category kasi ang sinalihan mo sa basketball kaya kakampi mo 'yung mga kaklase mo na kasali rin sa varsity team. 

"'Di ka manonood ng pageant ko?"

Tumingin ka kay Joohyun na namumuti ang mukha dahil sa foundation na inapply ni Nayeon. Gusto mo sana sabihin na mukha siyang bavarian kaso baka bigla ka niyang batuhin nung hawak-hawak niyang props.

"May game na kami, Hyun." 

"'Di mo ko susuportahan?" Nguso niya.

Natatawa kang lumapit sa kaniya at saka mo pinitik 'yung labi niya, "Hahabol ako promise."

Napalitan naman ng isang malawak na ngiti 'yung nguso niya kanina kaya nakahinga ka na nang maluwag. 

"Pavideohan nalang kita kay Yeri."

"Ulol, kahit 'wag na! Baka ibenta mo pa sa schoolmates natin."

Inayos mo na ang strap ng bag mo bago ka nagpaalam sa kaniya. Tinatawag ka na rin kasi nung kaklase mong si Chanyeol dahil ilang minuto na lang daw ay magsisimula nang magtawag ang officials.

"Hoy, Seulgi!" Sigaw ni Joohyun. "Mag-ala Kwon Yuri ka do'n ah!"

Nag-thumbs up ka nalang sa kaniya at ngumiti ng pagkalapad-lapad. Pagkalabas mo ng room niyo ay kinantyawan ka agad ng mga teammates mo, para daw kasi kayong magjowa ni Joohyun.

Hindi mo nalang pinansin ang panga-asar nila. Well, hindi mo rin napansin na ngiting-ngiti ka habang naglalakad kayo papunta ng basketball court. Hanggang sa magsimula 'yung game niyo ay abot-tenga pa rin ang ngiti mo.

Naisip mo lang nun na ang saya pala kapag may taong sumusuporta sa 'yo. 

Hindi mo pa naman gusto si Joohyun 'di ba?

Sige na nga, aaminin mo na talaga sa sarili mo.

Crush mo si Joohyun pero sure kang hindi mo siya gusto.

Basta sadyang inspired ka lang talaga dahil sa kaniya. 

Inspired ulul.

 

;

fourth-year college: first semester

;

 

[Dapat Sana by Jensen & The Flips]

 

Ako'y hanggang tingin

Bawal sa lambing

Okay lang, okay lang

Oh kailan mapapansin

Handang magpaalipin

Ngunit sayo'y bitin ang dating

Ako'y di mo gusto

Hindi ko ipipilit sayo

Pero laging tandaan na

Nandito lang naman ako

 

May tumutugtog na banda sa stage ngayon. Mahigpit ang pagkakahawak mo sa red horse mo; paano ba naman kasi eh, sapul na sapol 'yung nararamdaman mo sa lyrics ng kanta nila.

Tangina niyo Jensen & the Flips! Wala kayong karapatan na ipamukha sa 'kin na wala akong chance kay Joohyun!

"Para kang timang diyan, Seulgago."

Tinitigan mo si Joohyun na tinutungga na ngayon 'yung pang-apat niyang bote ng red horse. 

Wala kang planong patigilin siyang uminom kasi alam mo na nasaktan talaga 'yung bestfriend mo sa balita na magpapakasal na 'yung long-time crush niya. 

To be honest hindi naman talaga ito 'yung first time mo na makita si Joohyun na mawasak dahil doon sa ex-captain mo. 

In fact, you still remember how broken Joohyun was when she received the news na girlfriend na ni Yuri 'yung half-sister niya na si Yoona. 

Hindi raw kasi talaga niya ineexpect since hindi naman sila magkasamang lumaki nung ate niya. 

Kaya nung unang beses na humagulgol si Joohyun sa mga bisig mo ay ipinangako mo sa sarili mo na hindi mo hahayaan ulit na dumating siya sa gano'ng punto. 

You made a promise with yourself na papasayahin mo siya;

Kahit na alam mong hindi ka niya nakikita in that way. 

"Seulgi! Kanina ka pa natutulala diyan!"

Napaigtad ka nang sumigaw si Joohyun sa tenga mo. 

"Mabibingi naman ako dahil sa 'yo, Hyun." 

"Eh, kanina pa kasi kita tinatawag pero nakatitig ka lang dun sa babae sa counter. Crush mo ba 'yun?"

Nakataas ang kilay niyang nilingon 'yung cashier sa counter. 

"Hindi naman maganda eh!" Dagdag pa niya.

Minsan talaga 'di mo na mapigil 'yung pagka-straight forward ng kaibigan mo. 

Tumungga ka muna sa red horse mo bago mo siya sinita, "Napakajudger mo talaga, Joohyun. 'Di ka pwede dun sa bawal judgemental sa Eat Bulaga! For sure, ubos na agad 'yung fifty thousand mo."

"Kung magkakagusto ka kasi, Seulgi. Dapat kalevel ko!" At talagang tinuro pa niya 'yung mukha niya, "Char lang! Nagi-is

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
adieseul
comments and upvotes are vvv much appreciated! hehehehe if u have any thoughts about this super-duper long one-shot fic, u can send it through my curiouscat account :D
https://curiouscat.qa/seulgishandss

Comments

You must be logged in to comment
corenetaco #1
Chapter 1: pati ba naman dito binibitin ako ng tadhana😞😞😞⁉️
bjhloml
#2
Chapter 1: kINIKILIG PA RIN AK AYAW K N
000014
#3
Chapter 1: re-reading. pahingi naman pong pov ni joohyun please
Sanatozaki9
#4
Chapter 1: AQAAAAKSKDOQ KAKILIG MHIE
ckeljera_28 #5
Chapter 1: Otor,wala na po bang kasunod huhuhuu pero ang ganda nung story hahahaha
kradangel_18
#6
Chapter 1: Author laftrip ang tropa nila Seulgi, hahaha sana may sequel
kreidz #7
Chapter 1: AAAAAAAA KULIT NILA
Gegeseulv #8
Chapter 1: ang gandaaaaaaa sana may pov din ni joohyun😄
Moksy23
#9
Chapter 1: Ganda po author thank you kaso bitin haha ♡
alexis_keithh
#10
maganda super huhuhuhu pero bitin