Isa

Tomatoes and chill

Maraming mali, as usual. Hindi ko alam kung ano pinagsusulat ko...anygays, ENJOY!

 

________________________________________________

 

Bakit nga ba um-oo si joy kay Joohyun? Bakit siya pa ang pinapunta sa school garden nila para icheck ang mga tinanim nilang gulay para sa kanilang club?

Inis na inis na pumunta ang matangkad na dalaga na si Park Joy sa kanilang school garden, karga karga ang kanyang bag.

 

Hapon na sa SMHS, ibig sabihin ay wala ng masyadong tao pero kahit gaano pa ka ghost town ang school nila... Hindi pa rin natatakot si joy na maglakad lakad dito kahit na nakikita niya ang mga ilaw na pumapatay sindi sa mga saradong building ng kanilang school. Dapat nga sila pa ang matakot sa dalaga. Tingin pa lang nito ay nakakapanghina na.


Hindi siya takot sa mga multo o kung ano man ang umaaligid sa campus nila ngunit may isa pa rin tao ( or rather, a group of tao) na nagpapanerbyos at inis kay joy...

 

...Ang W.A.P GANG o ang tinatawag na Warriors Anak Pawis Gang.


Maraming chismis ang kumakalat dito katulad ng kanilang method ng pagdispatya ng mga ibang umaaligid sa teritoryo nila. Lahat ng gang ay may itim na bandana na nakatakip sa kanilang mukha, lahat rin sila ay may hawak na mga baseball bat.

Sabi nila, lahat ng mga kasali dito ay nakaranas ng pumatay or mangtorture ng estudyante. Sabi nila, palagi nilang minemeryenda ang mga kayo na tumusok sa mga gulong ng mga sasakyan na kanilang ninakaw.

 

Pero ang alam lang na katotohanan ni joy ay ang point na mas nakakatakot ang leader nila... Si Master Wendy at ang kanyang right-hand man na si Gom.

 

 


Si Master Wendy. Hindi pa personal na nakita ni joy pero sabi nila, iba daw ang takot na mararamdaman kapag napasulyap ka lang dito. 

 


Meron itong bandana katulad ng ibang mga miyembro ngunit ito ay kulay asul na nakatakip sa kanyang mukha. Nakasuot rin ito ng black tinted glasses kahit na araw man , gabi o umuulan at sa ulo niya ay isang cap na may nakalagay na 'loave yourself'

What a frightening phrase! Kapag may mabasa ka na ganyan...Umiyak ka na.

 

Hindi daw ito mahilig magsalita, ang spokeserson niya ay ang kanyang right hand man na si gom, ang taong naka  nakahelmet na yellow. Sabi nila, Hindi mo makikita na wala sa tabi ni Master Wendy si Gom. 

Hindi man si master wendy madalas na gumalaw ngunit kapag ito ay umaksyon , dapat ka ng lumuhod dahil kung hindi ay papaluin ka niya sa ulo gamit ang silver pan na weapon niya.

 

Anyways, Malapit na si Joy sa may school garden nila ng biglang may nahagilap siya na... Babae?

 


Maliit na babae na may cap, nakasuot ito ng p.e uniform. Parang may kinukuha sa may halamanan or tinatanggal sa may kamatis area ng garden.

Bigla naman nag-init ang ulo ng dalaga. Simula nung biglang nadedeplete ang mga vegetables nila sa school garden, palagi siya ang pinapaabono ng "bestie"  slash club president niya na si Bae joohyun.

 

 


"ANONG GINAGAWA MO DITO?! SINO KA?!?" sigaw ni joy. Tinaas na nito ang kanyang bag para hampasin ang suspek.

 

Napatalon naman sa gulat ang tomato thief.


"Wait- let me explain!" Dali dali naman tinanggal ng babae ang kanyang cap at humarap kay joy.

 


Napatingin lang sila sa isa't. Muntikan ng mahulog ng babae ang kamatis ng makita sa harap niya si joy. Hindi naman makakaila na ang matangkad na dalaga ay napakaganda. Beauty pageant material. Miss Philippines vibes, sabi nga nila.


Napatigil rin si joy sa kanya kinatatayuan. 


Isang anghel na may dilaw na buhok pero masyadong cute para sa puso ni joy.

 

Oo, nakakita na siya ng diyosa (sa harap ng salamin nila at ang bestie niya) pero iba pa rin ang nasa harap niya ngayon.

 

 

 

 

Pero wait, may magnanakaw ba na anghel?

 

 

"Sino ka!? AT BAKIT MO HAWAK HAWAK YAN HAH?!"

 

 

"D-di mo ko kilala?" Gulat na tanong ng anghel.

 

 

"Hindi na kita dapat kilalanin. Isa kang magnanakaw! snatcher! KAYA PALA NAUUBOS YUN TANIMAN NAMIN KASI MAY NA KUMUKUHA!"

 

 

" Please miss let me explain, para kasi ito sa niluluto kong p-pasta... nakulangan lang kami ng kamatis atsaka wala ng masyado nagtitinda paggabi. Hindi naman namin ito kinukuha ng for free eh. Binabayaran naman namin ito"

 

 

"Aber saan ang bayad!?"

 


Kaagad naman kinapa kapa ng tomatobthief gamit ang isang kamay ang kanyang mga bulsa pati na rin hinanap niya ito sa may taniman ng kamatis.

 

 

"Nandito lang yun- wait- Shuta ka talaga seul... ang pagkakaalam ko nandito lang yun" bulong nito.

 


Hindi kaagad nakareply si joy dahil biglang tumunog ang napakalas na busina ng mga motorcycle.

 


"."

 


Dapat talaga, hindi na lang siya um-oo sa bestie niya. 


Dapat tumakbo na siya habang maaga pa pero di niya kaya iwanan ang babaeng nasa harap niya. Masyado pa naman itong cute pocket size.

 


Bigla namang hinawakan ni joy ang kamay ng nagulat na tomato thief girl.

 

"Wa-wait! Anong ginagawa mo?" Nauutal na sabi ng tomato thief, namumula itong nakatingin sa kamay nilang dalawa.

 

 

"SUMUNOD KA NA LANG PWEDE"

 


May nakalimutan kasi si joy...

 

 

 

Nakalimutan niyang teritoryo rin pala ng WAP gang paghapon ang campus nila.

 


 Mabilis silang tumakbo papuntang gate para lumabas ngunit it's too late for the both of them...


Unfortunately, bigla silang pinalibutan ng mga motorcycle with ibat ibang size. Lahat ng ilaw ay nakatutok sa kanila.


Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ni joy ng makita ang mga nakakaintimidate na members ng  WAP Gang pero di siya nagpatinag. 


She stand up straight, hawak hawak parin ang kanyang bag na ginawa niyang temporary emergency weapon.Bigla naman nahati ang group para maggiveway sa isang...Yellow scooter.


Tumigil ito sa harap nila at bumaba na nga ang may sakay ng scooter.

 

Yellow helmet. Black shirt at Baggy pants. Yellow bandana sa may leeg.

 

 

Ang right hand man ni master Wendy, si Gom.

 

 

Wait- kung nandito si gom, then that means...

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.


Nandito rin ang kanilang leader.


Andrenaline rush. Hindi alam niy joy kung natatakot siya, naeexcite or mabwibwisit. kahit na gustong gusto niya makita ang leader nila, bigla niyang naalala na may kasama pala siya.


Nakita niyang dahan dahan itinaas ni Gom ang kanyang kamay. 

 

'Is this a sign sa mga kasama niya para itapon na sila sa lake? Sign para umatake or para banggain na sila?'

 


Naramdaman naman ni joy ang malakas na pagpisil ng tomato thief sa kamay niya.Hindi niya maintindihan kung bakit paiba ng paiba ang expression ng nasa side niya habang nakatingin kay gom.

 

 

Akala niya ay natatakot lang ito.

 

 

"Wag kang matakot." Bulong ni joy. Nagulat naman ang kasama niya sa paglapit at pagbulong ng dalaga.

 

Bago pa man tuluyan gawin ni Gom ang kung ano mang sign ang gusto niyang iexecute, kumaripas ulit ng takbo si joy habang hila hila ang babaeng shock parin sa buhay. Bahala na mahulog ang kamatis o kaya ang mga bagay sa bag niya.


Basta tumakbo sila while holding each other's hands.

 

 

 

 

 

 

 


Fortunately, Hindi na sila hinabol ng gang.

 

____________________

 


"Sa susunod hah... Wag ka magpahapon dito... Mabuti na lang at hindi na sila humabol at mabuti na lang mabilis akong tumakbo. Hindi ka ba sanay tumakbo. Ang bagal mo kung sakaling magnanakaw ka ng kamatis"

 


"Uhmm..."

 

 

"Oh wala ka bang sasabihin. Mabuti na lang may kasama ka. Jusko, hindi ko alam kung anong gagawin nila sayo pag magisa ka lang. Hindi kita hahayaan maiwan duon nooh."

 

Tumingin si joy sa hinihingal na babaeng may blonde na buhok.

 


"Uhmm T-thank you?"

 


"Pero hindi ko pa rin makakalimutan yun kamatis. Bayaran mo yan hah. Malalgot ako sa club president namin."

 

"Ano nga pangalan mo?" Pasimpleng tanong ni joy.

 


 "Ako? Ano- ang pangalan ko ay ano--i- i am Seungwan."

 


"Okay seungwan, ganito na lang kapag nakita mo ko, pay me. Ingat sa pag uwi."

 


"Ikaw?"

 

 

"Anong ako?"

 

 


"What's your name?"

 

 

"Park Joy. Sige na, let's go on our separate ways. Ingat ka."

 

Bago tuluyang umalis sa eksena si joy.  May narinig siya na isang sigaw.

 

 

"Joy!"

 


Napalingon naman ang dalaga at tumingin sa tomato thief na may blonde na buhok. Nakangiti ito, hawak hawak pa rin ang mga kamatis na nakaligtas sa kanilang pagtakbo.

 


"I will definitely pay you."

 

 

Hindi alam ni joy kung bakit bigla siyang namula.

 

Hindi niya alam kung bakit lowkey na humihiling siya na makita niya ulit ang anghel na magnanakaw ng kamatis.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sailorcee
Hindi ko alam kung ano hinithit. Epekt ng kulang sa tulog. Hindi ko alam kung paano gumawa ng gang name ahihihihi. Anyways, enjoy!

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 1: ang cutie nung asul na bandana saka yellow na helmet hahahaha! :D
baconpancake101 #2
Chapter 1: uwu cute nga wenjoy looking forward for the next chapter authornim