Serendipity

Serendipity
Please Subscribe to read the full chapter

Sumisinghot-singhot si Wendy nang matapos niya ang librong binabasa. Maingat niya itong itinabi sa side table at humiga, humagulgol ulit ito at gumulong sa kanyang kama at padapang nakayakap sa unan. 

 

Happy ending naman ang kanyang binasa pero para sakanya mas lalo itong masakit para sakanya. Hindi niya rin maintindihan, sa tuwing masaya ang dulo ay naiiyak siya pero kapag naman malungkot ay parang hindi nakakaiyak ang binasa.

 

Umayos ito at umupo sa kanyang kama. Hinagip niya ang telepono at tinipa ang pangalan ng kaibigan para tawagan. Nakailang ring ito bago pa ito masagot.

 

"Seul!"

 

"Alam mo ba kung anong oras na? Alas tres na ng madaling araw, demonyo ka ba?"

 

Katatahan lang nito kaya buo ang tawa na lumabas sakanya.

 

"Ano nga? Ba't napatawag ka? Masama na tingin ni JB saakin."

 

"Ay gising din siya? Kayo ha, anong ginagawa niyo?" 

 

"Utak mo talaga." tumawa ito, "Ano nga?"

 

"Ano.. Pwede pa 'yung sinasabi mo?" biglang nahiya si Wendy

 

Nakaraan pa kasi nito nirereto ni Seul 'yung kakilala sakanya pero dahil sa busy siya at hindi niya rin alam kung paano na ulit makipag-date.

 

"Oo naman, pwedeng-pwede 'yon. Maraming time 'yon, mayaman kasi, kayang-kaya ka na nga buhayin non."

 

Inisip niya kung may kailangan siyang gawin ngayong araw.

 

"Pwede ba ngayon? I mean, mamaya?"

 

"Kung matulog ka kaya muna? Pwede pa naman 'yon hanggang bukas ulit." napanguso naman si Wendy

 

Hindi niya rin kasi alam anong sumapi sakanya at pumayag siya bigla sa nirereto ng kaibigan sakanya. Kadalasan kasi ay tinatawanan niya lang ito o di kaya ay tinatanggihan agad.

 

"Hmm, sige na nga. Pero dinner na lang, okay? Matulog ka muna."

 

"Sige. Thanks, Seul."

 

Bumalik ito sa pagkakahiga at nilingon ang bintana sa gilid ng silid. Buo ang buwan, marami at kumpol ang mga bituin.

 

Mabuti at maganda naman siguro ang sumapi sakanya.

 

--

 

Napabalikwas ng bangon si Wendy nang maramdaman ang pag-vibrate ng kanyang telepono sa mukha. Nasa ilalim kasi ito ng unan, para talagang magising siya.

 

Pero agad na nanlaki ang mata niya nang makita ang oras. Kulang ito para sa pag-aayos at byahe pero kung babawasan ang pag-aayos ay makakaabot ito sa tamang oras.

 

Bahala na. Sa isip-isip ni Wendy, kung sakaling hindi siya magustuhan nito dahil hindi ito nagandahan sakanya gawa na rin na wala ito masiyadong ayos sa mukha ay hindi niya na ito kawalan. 

 

"Oo, nandito na ako. Tama lang 'yung oras, hindi naman ako late pero mas lalong hindi ako maaga." balita nito sa kaibigan habang nakaipit ang telepono sa tainga at balikat habang naghahanglungkat sa bag ng wallet

 

"Huwag kang mag-alala, Mark's a really great guy! Kalma ka lang, okay?" huminga ito nang malalim at nagpaalam na sa kaibigan na nasa tawag

 

Agad na bumaba ng taxi si Wendy pagkabayad. Kinakabahan kasi siya, hindi niya sigurado kung magiging maayos ang kahihinatnan nitong date. Magugustuhan kaya siya? Hindi naman necessarily bilang babae pero bilang tao man lang sana.

 

"Ma'am do you have a reservation?" mabait ngunit propesyonal na salubong kay Wendy sa nag-aassist ng customer papasok

 

Umayos siya ng tayo, "Yes, I do. It's under Solana Colleen Kang."

 

"Wendy?" napalingon ito nang marinig ang pangalan

 

Kumunot ang nuo nito, "Mark?" alanganin pa ito

 

Hindi pa siya sigurado, sigurado ba na ito ang ka-date niya? Kilala na siya nito? Walang siyang naaalala nagpakita ng picture si Seul sakanya. Inassume niya rin tuloy na hindi rin siya kilala ni Mark. 

 

Tumango ito at ngumiti, "Yeah, that's me. Tara na." 

 

"Sure ka?" paninigurado niya

 

Natawa ito, "Oo nga, kulit mo."

 

Hindi niya maproseso ang nangyayari, una dahil sa gulat na kilala siya nito pangalawa... his outfit. She's not judging him, it's just that it's too casual for a fine dining date. Wendy felt so overdressed, their combined outfits are so weird.

 

Hindi naman siya judgemental, inaasahan niya lang talaga na naka-formal attire rin ito dahil sa fine dining nga naman sila kakain.

 

Wendy’s wearing a black off shoulder dress na hanggang kalahati ng hita, she’s also wearing heels to match her outfit. While Mark, he’s wearing a white shirt with a print on it, boyfriend jeans, and a vans sneakers.

 

Giniya siya ni Mark sa pag-upo, "Thanks." hinintay nito muna si Wendy makaupo nang umupo na rin ito

 

"Sure kang si Mark ka?" natawa si Mark sa tinanong niya

 

"Sige para hindi ka na paulit-ulit magtanong, I'm Mark Elyseén Tuan." inabot pa nito ang kamay na siyang tinanggap naman ni Wendy

 

"Wendy Blythe." aniya ni Wendy at binitawan ang kamay ni Mark, "Paano mo pala ako nakilala?"

 

"Lumingon ka nung tinawag kita 'di ba?" nagkibit na ito ng balikat

 

Hindi niya na nito pinilit pang alamin. Nilapag na ang mga appetizer sa hapag. Nakatitig lang si Wendy sa soup na nilagay sa harap niya. Ngumiti at nagpasalamat si Wendy sa nag-serve sakanila.

 

Ngayon pa lang sigurado na si Wendy na hindi siya mabubusog sa buong three-course meal nila.

 

Tahimik nilang hinihigop ang sabaw. Kung wala sigurong pagkain sa harapan nila ay mas mangingibabaw ang pagiging awkward. Kailangan niya ilabas ang pagiging maingay niya.

 

"First time kong makipag date sa hindi ko kakilala." nang tignan siya ni Mark nang bigla siyang magsalita, bigla naman siyang nagsisi sa sinabi

 

Mahina itong natawa, "Halata nga, mukha kang constipated eh." 

 

"Sabagay, mukha ka ngang komportable eh." sabay baba ng tingin sa suot nito

 

"Judger." napataas ang kilay ni Wendy sa narinig

 

"Totoo naman, ang komportable naman talaga ng suot mo." 

 

"Turn off ka na?"

 

"Hindi naman, wala naman akong inaasahan sa 'yo, basta ang sabi lang saakin ni Seul gwapo ka raw tsaka mayaman kasi kaya mo na 'ko buhayin." bigla itong tumawa nang malakas

 

"Nabanggit niya nga.." parang kausap nito ang sarili

 

"Ha?"

 

"Nabanggit niya na outspoken ka kaya madalas ka raw nakakatawa." napanguso naman si Wendy, hindi niya alam kung compliment ba 'yon o ano

 

"Compliment 'yon, natawa nga ako eh." aniya na parang nabasa ang nasa isip ni Wendy

 

Observant. One point.

 

"Pwede kitang tanungin ng tatlong tanong bukod sa tanong ko ngayon?" natawa ulit si Mark pero bago pa ito makasagot ay dumating na ang server ng main course nila

 

"Thank you po." ngiti ulit ni Wendy, napatingin siya sa kanyang harap nang mapansin na nakatitig sakanya si Mark

 

"Bakit?" na-conscious naman ito bigla at pasimpleng pinahiran ang bawat sulok ng labi na posibleng lumagpas ang lipstick niya

 

"Wala kang dumi o lagpas na lipstick." nangingiti itong umiling at hinawakan ang mga kubyertos, "Ano nga 'yung tatlong tanong mo?"

 

"Una, ano 'yung tatlong paborito mong kulay at tatlong malalim na rason kung bakit." halatang napaisip naman si Mark sa tanong ni Wendy

 

"Red, white, and blue." tumango-tango pa ito na parang sigurado na siya sa sinabi at pinili niya, "Iyong red hindi ko na matandaan kung ilang taon ako pero 'yun 'yung pinaka paborito kong kulay kasi dati parati nilang sinasabi na ang color blue ay para sa lalaki at ang pink naman sa babae. Gustong-gusto ng kapatid kong babae 'yung color blue pero sinasabi sakanya na pang lalaki raw 'yon, hindi ko maintindihan 'yon dati kasi kulay lang naman 'yon, bakit kailangan mayroong para sa ganito o kanino lang. Tapos nakita ko 'yung color red, malapit sa kulay pink kaya ko nagustuhan kasi gusto kong patunayan na kulay lang naman 'yon kaya dapat pwede sa lahat, hanggang sa unti-unti nagustuhan ko na 'yung kulay mismo." napangiti naman si Wendy nang marinig ang unang eksplanayon nito

 

Hindi siya s-xist. Another point. Two points.

 

"White, kasi?"

 

Nilunok nito ang nginunguyang pagkain, "Bagay kasi siya sa lahat, akala lang natin na sa pang-kulay hindi siya masiyadong ginagamit pero kapag nasa tamang tao na may kakayahan, sobrang importante nito." tumango ito sa narinig

 

Appreciative. Three points.

 

"Eh 'yung blue? Anong reason mo don?"

 

"Kasi kulay ng langit, may epekto kasi siya na parang nakakakalma kahit na ano pang nararamdaman mo sa oras na tumingala ka at tumitig sa langit."

 

Katulad ng rason ni Wendy kung bakit isa ang blue sa paborito niyang kulay.

 

"Ano 'yung pangalawang tanong?" parang natuwa pa si Mark sa pagsagot sa mga tanong

 

Natawa naman si Wendy at uminom ng tubig bago nagsalita, "Ayaw mo muna ubusin 'yung kinakain mo?"

 

Umiling ito, "Kaya ko naman pagsabayin, ano na 'yung pangalawa?" muntik nang mapataas ang kilay ni Wendy sa rason nito pero pinigilan niya at inisip ang sitwasyon nila kaya ito ang sagot

 

"What's you favorite animal and three deep reasons why." tinuloy na niya ang pagkain habang hinihintay ang sagot ni Mark

 

"Butterfly." napatingin si Wendy kay Mark na nakatingin sakanya

 

"Kasi hindi nila alam kung gaano sila kaganda, nakikita ng lahat pero sila hindi nila alam kung ano 'yung nabibigay nilang pakiramdam kapag nakikita natin sila." pinunasan ni Wendy ang gilid ng labi

 

"Gusto mo sila kasi maganda sila?"

 

Agad na umiling si Mark, "Kasi gugustuhin mo na ipaalam at ipaalala sakanila na maganda sila, na isa sila sa rason kung bakit mas gumaganda ang paligid." naintindihan naman ni Wendy ang nais nitong iparating

 

Bakit naman parang biglang gustong marinig ni Wendy kay Mark na maganda siya?

 

"Bagay sa 'yo 'yung suot mo, nadala mo. Huwag mong isipin na para kang na-overdressed dahil lang ang simple ng suot ko. Nasa tamang pananamit ka ayon sa lugar na 'to."

 

"Ikaw, bakit ganyan suot mo? No offense meant, genuine question lang siya." mahinang natawa si Mark

 

"Kasi ayoko na mag-expect ka kaagad." diretso sagot nito, "Gusto ko kung paano ako magpakilala at paano mo ako makikilala ang tumatak sa 'yo." napangiti naman si Wendy sa dagdag nitong rason

 

Nang maubos nila ang pagkain ay parang medyo naging komportable sila sa isa't isa. Hindi na masiyadong awkward, hindi na kailangan mangapa kung ano ang sasabihin.

 

"Ano 'yung pangatlong tanong?"

 

"What is your favorite form or body of water--pwedeng tubig sa beach, sa gripo, sa shower, o kahit 'yung tubig sa toilet bowl."

 

"Tubig na iniinom natin." ipinatong ni Wendy ang dalawang kamay sa lamesa at komportableng inabangan ang sagot ni Mark

 

"Kasi healthy, kahit na anong inumin ang ibigay saakin o ialok--tubig lang talaga ang pinaka gusto kong inumin. Oo, wala naman siyang lasa pero siya 'yung kakailanganin mo kapag uhaw na uhaw ka na. Ang tubig hindi man gusto o hilig ng lahat, ito pa rin ang pinaka kailangan natin."

 

Mas lalong lumaki ang ngiti ni Wendy nang marinig ang sagot nito. Pero sa loob-loob nito ay umuusbong ang takot, pakiramdam niya ay kapag mas humakbang ito papalapit kay Mark ay mahuhulog ito at isa ito sa iniiwasan siya.

 

"Ako naman, pwede ko ba tanungin kung bakit mo 'yon tinanong at bakit 'yung tatlong tanong na 'yon ang binigay mo."

 

Umayos ng upo si Wendy, "May napanuod kasi akong video, tinanong niya 'to sa audience tapos after niya marinig 'yung mga iilang sagot sinabi niya 'yung ibig sabihin ng tatlong tanong na 'yon. 'Yung una, ito 'yung kung ano 'yung tingin mo sa sarili mo. 'Yung paborito mong animal naman ay 'yung hinahanap mo o gusto mong klase ng partner. Tapos 'yung huling question, anong klase ng relasyon ang gusto mo." 

 

"Oh.." tumatango si Wendy habang binibigyan ng oras si Mark na i-process ang mga sagot nito

 

"Eh ikaw, anong sagot mo sa mga tanong?"

 

Umiling si Wendy, "Hindi mo ba naisip na pwede kong gandahan o ayusin 'yung sagot ko?"

 

Umiling din si Mark at ngumiti, "Hindi mo gagawin 'yon.."

 

"Paano ka nakasisiguro?"

 

"Kasi takot ka rin." Mark's answer caught Wendy off guard

 

"A-ano?"

 

"Kasi takot ka rin na mag-expect 'yung mga tao sa 'yo tapos madismaya mo sila kapag naipakita mo na kung sino nga ba si Wendy Blythe."

 

Hindi niya alam kung dahil ba sa gutom pa rin siya o dahil sa sinabi ni Mark kaya may kakaiba ngayon sa tiyan niya. Hanggang sa dumating ang dessert ay walang nagsasalita sakanila. Hindi nga gaanong awkward ang atmosphere nilang dalawa, pero hindi pa rin nawawala ang ilang.

 

Tahimik silang naglalakad papalabas, wala pa rin nagsasalita sakanila. Gustong-gustong ibuka ni Wendy ang bibig niya at magsalita pero walang lumalabas na salita. Parang bigla na talaga siyang natakot.

 

"Gusto mong kumain?" napalingon ito kay Mark na biglang nagsalita

 

"Ha?"

 

"Nabusog ka na ba sa kinain natin kanina?" tanong ulit nito

 

Napangiti siya at umiling, "Hindi, tara! San tayo kakain?"

 

Napangiti na rin si Mark at hinawakan ang pulsuhan ni Wendy at marahan itong hinatak. Napansin niya na sa sasakyan pala sila papunta. Pinagbuksan pa siya ng pinto at umakto pa na ito at nag-bow habang ang kamay ay nakagiya papasok.

 

Hindi pa naman sila gaanong close, siguro konti pa tapos pwede niya na batukan si Mark. So she just laughed at his remark. Mamaya siya kay Wendy.

 

"Saan ba tayo kakain?" pangatlong tanong na ni Wendy habang nakatingin sa bintana

 

Tumawa ito, "Relax ka lang, ito na malapit na talaga tayo."

 

Hindi naman siya siguro kakatayin nito ano? Sa isip-isip ni Wendy.

 

"We're here." pinagmasdan ni Wendy ang lugar

 

Paresan. Gustong humiyaw si Wendy sa sobrang saya, she's been craving pares for weeks pero kung hindi siya busy ay wala siyang mahanap na kainan.

 

Hindi pa sila nakakababa ay naramdaman niya na agad ang gutom. Sabay silang bumaba ng sasakyan at naglakad papunta sa paresan. Malaki ang ngiti ni Wendy.

 

Pero bigla siyang napatigil at tinignan ang suot niya. Mukha siyang maninita ng renta. Nakahanap naman agad sila ng upuan, natitira kasi itong bakante na para bang hinihintay lang silang dumating.

 

Hindi na siya tinanong ni Mark at agad na pumila sa cashier. Mukhang suki naman siya rito at alam na niya ang best seller nila, may tiwala naman siya since marami talaga ang kumakain dito. Napalingon siya kay Mark at tinitigan ito, hindi rin nagtagal ay napalingon dito ito sa gawi ni Wendy.

 

Walang nag-aalis ng titig, para bang nagsusukatan sila kung sino ang unang bibitaw. Parehas ayaw magpatalo. Pero dahil nakapila ito para umorder, wala itong choice kundi lingunin ang kumukuha ng order.

 

Hindi niya pala nadala ang phone niya at naiwan sa loob ng sasakyan. Inobserbahan niya na lang ang mga tao habang hinihintay si Mark na dumating. Mabuti ay wala naman nagbibigay sakanya ng ibang tingin dahil sa suot nila, gutom siguro talaga ang mga tao.

 

"Gusto mong magsuot ng sweater?" bungad ni Mark pagkaupo sa harap niya

 

Sa loob-loob ni Wendy ay laking pasasalamat niya nang alukin siya nito, medyo nakakaramdam na rin kasi siya ng lamig gawa ng gabi na at may pabalikat pa siya.

 

"Okay lang?" tumango at ngumiti naman ito bilang sagot, pinanuod niya si Mark na umalis at pumunta ng sasakyan

 

Mahirap na baka mamaya bigla siyang iwanan nito. Nasa sasakyan niya pa naman lahat ng gamit ni Wendy. Lihim na natawa si Wendy nang makahinga ito nang makita na pabalik na si Mark sakanya.

 

Inabot ni Mark ang kulay kahel na sweater, na siyang agad tinanggap ni Wendy, "Okay lang ba dito tayo kumain?" tanong ni Mark habang sinusuot ni Wendy ang sweater niya

 

Masayang tumango si Wendy, "Oo naman! Ang tagal ko na kayang nag-ccrave ng pares!" natawa naman si Mark sa facial expression ni Wendy

 

"Hala ayan na.." excited pa na aniya ni Wendy pero agad itong napasimangot nang lagpasan sila

 

One thing Mark observed about Wendy, she can make more than one expression in a span of a minute. Iyong tipo na kapag ang saya ng mukha nito ay gugustuhin mo rin maging masaya, kapag naman bigla itong nalungkot ay parang gusto mo na rin malungkot para may karamay siya. 

 

Agad na natawa si Mark, "Hindi ka talaga nabusog kanina ano?"

 

Nakasimangot pa rin si Wendy habang nahihiyang tumango. 

 

"Iba rin topak ni Seul sa piniling three-course meal natin eh, hindi ko alam kung talagang nang-aasar lang siya o-" napahinto si Wendy nang mapagtanto ang plano ng kaibigan

 

"O? Ano 'yung kasunod?"

 

"She doesn't want us to end our dinner just like that, alam niya na hindi ako mabubusog sa pinili niyang pagkain."

 

"Hmm.." pag sang-ayon ni Mark kay Wendy habang mahinang tumatawa at naiiling

 

Napahinto kami nang naamoy namin ang pares na nilapag sa lamesa. Agad naman silang napangiti ni Mark, natawa kami nang magkatinginan kami.

 

'Ito ang totoong pagkain' aniya sa isip ni Wendy

 

Agad namang nilantakan nina Mark at Wendy ang mga pagkain na nakahain sa harapan nila. Walang nagsasalita na para bang walang gustong magpa-istorbo.

 

Napatingin sila sa isa't isa nang sabay itong dumighay. Natawa naman ang dalawa, masiyadong busog para magsalita ng pag-uusapan.

 

"Salamat." ngiti naman ni Wendy

 

Maganda ang ngiti nito, masarap kasi ang kain. Totoong busog pa.

 

"You really like saying thank you." tipid na ngumiti si Wendy at marahang tumango

 

"Sobrang importante kasi na pinapaalala natin sa mga tao sa paligid natin na grateful tayo sakanila, who knows how it could lighten up their day or maybe even save them." Mark didn't expect Wendy's explanation 

 

"That's very kind of you.." Mark smiled

 

"It's nice being kind, I really love being kind to everyone." aniya ni Wendy habang pinagpapatong-patong ang mga pinagkainan nila at pinunasan ang iilang parte ng lamesa na natapunan ng sabaw gamit ang tissue

 

"Have you experience the feeling of exhaustion from being kind? Na para bang ayaw mo na kasi nakakapagod, lalo na sa ganitong klaseng mundo."

 

Wendy once again smiled, "Being genuinely kind is not expecting people or the world to also be nice to you just because you're kind person yourself. Were you really kind if you just want people or the world to be nice to you to compensate your kindness?" Mark fell into deep realization

 

She's right, Mark thought to himself. That was the real meaning of kindness.

 

"And before you have this weird perfect image of me, please know that just because I'm being kind doesn't mean I'm close to perfection.." Wendy laughed at Mark's expression

 

"Pero I understand, kung paano pini-picture ng mga tao ang mga mabait lang talaga 'yun nga lang ay parang perpekto na ng tingin sakanila kaya kapag nagkakamali sila sobrang laki ng pagkadismaya nila." she nod at what he said

 

"True, it's really unfair how people expect kind people to be perfect. I mean, does being kind equate to being perfect? Tsaka 'yung mga naniniwala na pagpapakita ng totoong kulay ay nasa pagkakaroon ng pagkakamali!" Mark laughed as Wendy's face turned annoyed after her last sentence 

 

"Come to think of it, it's kind of sad 'no? How people would settle for people who explicitly show how they got no manner tapos they'll say na, "that's how they are, they're just being real or true." now it's Wendy's turn of realization

 

"Exactly, there are people who are genuinely kind. Why not surround yourself with those kind of people, being true or real person doesn't always mean being mean." Wendy crossed her arms

 

"Tara dessert tayo? Libre ko naman, nalumbay ako sa topic natin." tumawa naman si Mark at tumango

 

Mark offered his hand which Wendy immediately held and they both went outside holding hands. It'a too late when they realized that. But it wasn't awkward, it actually felt nice. They thought to themselves.

 

Tsaka lang nila naramdaman ang kamay nila nang maghiwalay ito nang sumakay sila sa sasakyan. Mabuti na lang ay hindi ito awkward, kundi ay paniguradong umuwi na lang bigla si Wendy.

 

That's one of her traits that she's working on, she tends to walk away, run, or hide when things overwhelm her.

 

"Mahilig ka ba sa halo-halo?" tanong ni Wendy

 

Tumango-tango si Mark, "May alam ka kung saan meron?" Wendy excitedly laughed and clapped 

 

Agad tinuro ni Wendy kung saan ang alam nitong may kainan ng halo-halo. Mabuti na lang ay pamilyar na rin si Mark sa lugar kaya hindi na sila nahirapan.

 

"Hala ang daming tao.." dismayadong aniya ni Wendy

 

"Pwede naman natin i-take out kung walang pwesto tapos dito na lang natin kainin." napatingin si Wendy sa gawi ni Mark

 

"Ang lagkit kaya non, tsaka wala akong tiwala sa sarili ko na wala akong matatapon."

 

"Itong sasakyan pwedeng ipalinis, pero 'yung halo-halo hindi ko na alam kailan ulit ako makakakain kasi medyo malayo."

 

Ngumit naman ito at tumango bilang sagot. Matapos makapag park ay lumabas sila ng sasakyan at sabay pumila para makabili.

 

"Sikat 'to 'no? Ang dami rin kumakain tapos mukhang dinadayo." tukoy ni Mark sa dami ng mga tao ay iba't ibang motor at sasakyan na nakaparada para sa mga kumakain sa halu-haloan

 

"Oo, matagal na rin kasi sila rito kaya talagang kilala na. Gawa pa na bukod sa masarap talaga 'yung halo-halo nila, mabait din kasi sina nanay Gloria at ate Gina." natawa si Mark

 

"At kilala mo na sila, mukhang close mo pa." natawa na rin si Wendy

 

"Totoo, dito kasi kami sa lugar na 'to dati nakatira. Tapos iniiwan ako minsan nina mama at papa rito kapag pumapasok sila sa trabaho at walang bantay saakin." umabante sila ng lakad nang mabawasan na tao ang harapan ng pila

 

Napansin ng kumukuha ng order si Wendy at malaki ang ngiti nito habang kumakaway. Ito siguro 'yung ate Gina, sa isip ni Mark dahil ito ang mas bata at dalawang kakilala lang ang binanggit ni Wendy.

 

Tinatawag pa ito para makuha agad ang order nila pero umiling lang si Wendy at nagbigay ng okay sign. Okay lang daw na pumila sila.

 

Suddenly Wendy felt Mark behind her, kanina lang ay katabi niya ito tapos ngayon ay nasa likod na niya. Nilingon niya ito.

 

"Pila ka rin?" tatawa pa sana ito pero seryoso ang mukha ni Mark

 

"Naiinip ka na ba?" tanong niya

 

Umiling ito at ngumiti, "Ang likot kasi nung mga bata sa likod." bahagyang nanlaki pa ang mata ni Wendy nang bahagyang nilakasan ni Mark ang boses

 

Sinilip niya ang likod ni Ma

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet