Best Friend

BFF kuno
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 1
“Hey, I’m bored. Ano bang pwedeng gawin?”

Oo nga, ano bang pwedeng gawin sa sitwasyong ganito? Parang timang din naman kasi sila Seulgi. Dadalin ako rito tapos puro kasama naman namin mga magjowa? Pwede ba yun?

“Same. Honestly, I don’t know kung ano bang pakay nila Seul at sinama pa tayo rito kung puro magjowa lang naman yung nandito.”

Siguro nagtataka kayo kung bakit nga ba kami nandito? Bakit ba tayo nabubuhay? Charot. Pero ayun nga, kasalukuyan ay papunta kami sa bahay ng isa naming katropa. Sixple date DAW pero anim na pares ang magjowa at dalawa lang kaming single? Ano ‘to mixer?

"Ano ka ba, 'te Irene! Gusto ko lang naman kayong makasama ni Wends eh.”

Naka-pout pang sambit ni Seul habang hinahatak ang braso ko. Mukha tuloy kami ang magjowa dahil kanina pa siya naka-angkla sa braso ko.

“Seul, ano ka ba? Hindi mo na ba ako mahal? Bakit kay ate Irene ka kumakapit!"

Akmang paiyak pa si Seul kasi akala niya ay nagseselos nanaman si Joy nang biglang lumabas ang may-ari ng bahay na destinasyon nga namin. 

“Pumasok na kasi kayo. Walang mangyayari kung maghihilahan kayo. Saka, wag ka nang mag-inarte, Ate Irene! Para namang di tropa e.”

At ayun, sabay-sabay na nga kaming pumasok sa bahay ni Sowon.

--------------------

"Tagaaaaaay!!!"

"Hoy! Ate Eunha bakit ka ganiyan huhu"

"Truth or Dare lang pagpipilian, tanga ka ba?"

"Sige na nga, truth na nga hmp"

"Sino unang umamin? Si Yuju o ikaw?"

"Syempre, dalagang Pilipina tayo edi si Yu-

“Hoy! Ang boring naman! Bakit puro landian topic. Maawa naman kayo sa amin ni Wendy!”

Tumingin lang ang limang magjojowa sa amin at nagpatuloy lang sa paglalaro. Ano bang klaseng party ‘to kung hindi naman lahat nageenjoy?

"Ate Irene, bakit kasi hindi ka na maghanap ng jowa? Dami-dami diyan sa paligid oh. O di kaya si Ate Wends na? Matalino, mabait, at magaling pa magluto! Balita ko nga sobrang effort niya manligaw non kay Rosé!"

Tumingin lang ako kay Wheein at tumawa.

"Jusko naman! Bff ko yun eh. Hanggang tropa lang talaga."

So ayun nga, sa hinaba-haba ng salaysay rito, hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Bae Joohyun. Irene ang itawag niyo sa akin. Bawal ang Joohyun. Ang BFF kong si Wendy at kapatid kong si Seulgi lang ang pwedeng tumawag sa akin nun!

"Eh, malay mo mag-lead pa into something more 'pag sinubukan niyo?" ani naman ni Sowon sa gilid ko.

"Mag-sis nga raw sila, lola. Kakasabi niya lang!" sibat naman ni Sinb sa tabi niya kaya naman ayun nagsapakan nalang yung dalawa kasi "asar-talo si lola"

"Kung lola si ate Sowon, ano si ate Irene? Dinosaur?"

"Bastos bibig mo, Joy! Hahambalusin kita!"

"Abot mo?"

Natatawang sabi ni Joy habang sinusubukan siyang "hambalusin" ni Irene.

"Hep hep! Tama na asaran. Andito na ang star of the night, Kim Yerim!"

Ayun may pa-grand entrance pa itong paslit na ito. Pero buti naman para di lang kami ni Wends ang single dito.

"Di ka sure."

"Huh?"

"Di ka sure kung single si Ate Wends!"

Bumulwak ang aking mga mata sa nalaman. Shet, nasabi ko pala out loud. Marami palang tinatago sa akin si Seungwan. Ay oo pangalan niya iyan at ako lang ang dapat tumawag sa kaniya niyan ah!
<

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet