Chapter 1

Ulit.
Please Subscribe to read the full chapter

 

SEULGI POV

 

January 6, 2020

 

Birthday ng isa kong bestfriend na si Joy kaya nandito kami ngayon sa bahay nila. Pag may meet up talaga kaming mga tropa sa bahay kami lagi nila Joy dahil malaki ang bahay nila tapos lagi pang cool lang ang dad niya pag nagiinuman kami dito.

 

Nakatambay kami dito sa kwarto ni Joy kasi inaantay naming dumating yung laging late na si Jisoo na taga Cavite. Taga Las Pińas kasi si Joy kaya hindi talaga maiwasan na malate yang si Jisoo. Nung dumating na si Jisoo nagtanong na agad si Yeri kung ano balak naming kainin kasi kanina pa siya gutom (pero actually lagi naman gutom yang bansot na yan).

 

“Pizza na lang ng S&R padeliver natin!” sagot ni Lisa

 

“Sige ako na magbook sa grab” sabi ni Yeri

 

“Garlic and Shrimp ba yung iorder ko?”  

 

Ewan ko ba bakit tinanong pa yan eh yan lang naman lagi naming inoorder.

 

“Oo naman jusko sige na ibook mo na yan tapos inote mo na ipasquare cut ha!” biglang sagot ni Jeongyeon.

 

“Hoy! P750 lahat ha. Joy tignan mo nga tama ba ‘tong address mo?” at tinignan ni Joy ang phone ni Yeri para icheck.

 

“Bale tig 108 pesos tayo ha”

 

“Pota ka talaga Jisoo nacompute mo na agad? Wala ba gusto manlibre sakin diyan?” natatwang sabi ni Lisa.

 

Hindi ko sure sa mga ibang magkakaibigan diyan pero kasi kami ihahati namin lahat ng gastos pag magkikita kami. Kahit mismong piso isasama namin sa computation. Nakakatawa man pero kasi pareparehas lang naman kaming “broke college students”.

 

“Iadd na rin kaya natin diyan sa ambagan yung inumin natin pati yung ibang pulutan”

 

“Ay oo nga sige pagusapan natin kung ano inumin natin. Buti naman ginagamit mo utak mo Seul” tugon ni Jisoo

 

“Alfonso kaya? Tapos dagdag na lang rin tayo gin. Andito naman si Jeongyeon magaling magtimpla”

 

“Ou mga fre ako na bahala magtimple mamaya”

 

At ayon na nga. Nakapagdesisyonan naming 2 alfonso at 3 gin bilog yung iinumin namin. Bibili din daw ng chips at barbeque sa kanto ng bahay nila Joy.

 

 “Okay so ito yung bibilhin sa bbqhan ha. Nilista ko na baka malimutan eh.
Seulgi – 2 barbeque, 2 isaw, 2 dugo, 1 tenga

Jeongyeon – 4 barbeque, 1 hotdog

Yeri – 4 barbeque, 2 hotdog, 3 isaw

Jisoo – 2 barbeque, 1 hotdog, 2 isaw

Lisa – 3 barbeque, 1 hotdog, 2 isaw, 1 dugo, 1 tenga, 2 isaw ng baboy

Joy – 3 barbeque, 3 isaw, 2 tenga, 2 isaw ng baboy

Rosé – 4 barbeque, 2, hotdog, 2 isaw, 2 tenga”

 

Nagulat ako nung nalaman kong umorder si Lisa at Joy ng isaw ng baboy. Hindi ba mabaho yun? Pero who am I to judge, kumakain nga ako ng dugo eh hehe.

 

“Sama ako sayo Joy sa 711 pag bumili na ng drinks” sabi ko kay Joy

“Sige sama ka samin ni Lisa pero samahan na daw muna natin sila Jisoo at Yeri sa pagbili ng barbeque”

 

Ako lang ba pero gusto ko talaga sumasama pag inutuusan yung isa naming kaibigan bumili ng something sa labas. I find it very satisfying hahahahhahah okay onting tmi. Malapit lang sa bahay nila Joy yung ihawan kaya nilakad na naming papunta doon.

 

“Ate paihaw po ng mga ‘to” sabi ni Jisoo tapos inabot kay ate yung listahan na ginawa niya kanina

           

Nagantay kami saglit doon tapos nagulat kaming lahat nung biglang may umutot. Sobrang baho tapos sakto pa na yung direction ng pagpaypay ni ateng nagiihaw ay papunta samin kaya amoy na amoy namin yung utot.

 

“Tanginang yang Jisoo! Dito pa talaga???? Amoy imburnal gago” ani ko

 

“Gago hindi ako yon baka si Lisa yon jusko ganiyan na ganiyan yung utot nun eh. Icheck mo na baka may ibang kasabay na lumabas” sagot nito habang tumatawa

 

“Baliw pala kayo eh mas lalong hindi ako” todong deny ni Lisa

 

“Pasensya na mga iha pero ako talaga yon hehe”

 

Napalingon kaming lahat sa nagsabi nito. Si kuyang kasabay pala naming nagpapaihaw. Di na lang kami nagsalita pero tawang tawa talaga kami. Nakita ko din na pati si ate na nagiihaw ay natatawa. Bukod sa pagpigil ko sa pagtawa, gusto ko na lang rin magpalamon sa lupa dahil sa paglait ko sa amoy ng utot ni kuya. Pasensya na kuya ha. God bless.

 

“Una na kami Soo ha. Kayo na lang magdala sa bahay niyan. Punta na kami 711.”

 

Naglakad na kami papunta sa sakayan ng tricycle sa kanto. Medyo malayo pa kasi yung 711 sa bahay nila Joy kaya kailangan pa naming sumakay.

 

"Joy dIyan na kayo sa loob ni Lisa. Ako na dito sa labas” sabi ko kila Joy habang pasakay na sa likod.

 

Nung makarating kami sa 711, hinanap na agad namin yung alcohol section.

 

“Pre andito yung alfonso”

 

“Kuha ka na dalawa” sabi ni Joy

 

Nakita ko na may cookies na binebenta sa 711. Nagulat ako na parang may pastry section na pala dito. Grabe improving na talaga ang mga 711 sa Pinas eh. Gusto ko sana matikman yung cookies kasi mukhang masarap pero kasi wala akong dalang wallet.

 

“Babe libre mo naman cookies” pacute kong sabi kay Joy

 

“Asa ka. Kiss muna”

 

“Sige lika dito babe” lumapit ako kay Joy para sana ikiss na siya pero biglang umiwas

 

“Gago ka talaga Seulgi! Sige na kuha ka na diyan” biglang sabi ni Joy

 

“Love you babe!” sabi ko habang kumukuha na nung cookies

 

Isa lang masasabi ko pagkatikim ko nung cookies. Wag niyo na subukan. Normal lang naman yung lasa pero kasi parang hindi akma yung price sa quality nung cookie. Suggest ko bumili na lang kayo chips ahoy if bet niyo kumain ng cookies from 711. Pinatikim ko din naman kila Joy at Lisa yung cookie.

 

“Tangina sayang yung pera diyan erp” ani ni Lisa

 

“Oo nga gago. Sana iba na lang pinabili ko kay babe” sagot ko tapos tingin kay Joy

 

Kailangan din pala namin ng yelo kasi hindi kasya yung ice cubes na meron sila Joy sa bahay kaya tumingin din kami sa 711. Tawang tawa ako sa nangyari kasi diba usually katabi nung mga ref ng drinks yung ref ng yelo sa 711. Hindi naming mahanap yung parang ref para sa yelo pero may nakita ako parang puting pinto na mukhang ref ng yelo. Pinipilit ko buksan pero biglang nagsalita yung isang staff ng 711 tapos tinanong kung ano ginagawa naming. Yun pala hindi ref yon tangina. Cardboard lang pala na mukhang ref. Once again, gusto ko magpalamon sa lupa.

 

“Tangina ka talaga Seulgi hahahahahahahaha mga pinag gagawa mo” sabi ni Lisa habang tumatawa

 

“Gago malay ko bang hindi ref yon hahahahahahah hindi niyo nga rin mapapansin kung hindi nagsalita si ate”

 

“May alfamart diyan sa tabi. Doon na lang tayo bumili” sabi ni Joy na tumawa din

 

Pagkatapos namin bilhin yung mga kailangan umuwi na din kami. Kumain kami dinner tapos naglaro din kami ng tongits. Habang naglalaro, bigla naopen up yung topic about sa WWIII. May gera kasi sa ibang bansa tapos parang kumakalat sa twitter na baka magkaroon ng World War III. Pinaguusapan naming kung ano gagawin naming if ever matuloy ang nasasbing gera.

           

“Kailangan magsama sama tayo pag mangyayari talaga yon” sabi ni Joy

 

“Kailangan may mga underground cave rin tayo na pwede mataguan. Hindi ba ganun yon para safe” ani naman ni Yeri

 

“Oo bansot kailangan nga natin kaya ngayon pa lang dapat maghukay ka na” sambit naman ni Lisa

 

“Tangina mo talaga pero oo maghuhukay na ako tapos ililibing kita don hayop ka”

 

Nagtawanan naman ang lahat sa sagot ni Yeri pero maya maya ay nagulat kami kasi may nilabas si Jeongyeon na libro mula sa bookshelf ni Joy.

 

“Gago ano yan?” sabi ko kay Jeongyeon

 

"Bobo ka ba? Diary ni Anne Frank. Dito tayo kukuha ng mga tips kung pano tayo makakaligt

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
chomi5ever
Hello po! Pasensya na po kayo sa aking pagsulat. First time ko po magtry magsulat in Filipino hehe. God bless!!

Comments

You must be logged in to comment
KZeljera26_ #1
Chapter 1: Wait otornim mag update kna
PineappleSeulgi
#2
Lol inantok bigla kawawa naman 🤣