mistulang magwawakas (convert)

i'm not sure where this is going but i'm glad i'm with you
Please Subscribe to read the full chapter

It's been a long time since I last saw you. Huli kong alaala kasama ka, pinagmamasdan ko ang likod mo habang naglalakad ka palayo sa akin. Hanggang ngayon, wala pa ring nagbago. You're the same beautiful girl I fell head over heels in love with. The same girl I had to let go of.

 

Sino ba magsusukat akalain na darating tayo dito? Ang saya-saya natin nun, di ba? Ang dami-dami nating plano, daming gagawin, daming aabutin. Lahat yun, nangako tayo na aabutin nating magkasama. Grabe, ang lupit ng pagkakataon. Kung kelan andyan na, abot na natin, biglang nawala lahat.

 

The night before we were supposed to go on the trip with the girls to launch our group, pinauwi ka sa inyo, emergency daw. Syempre, sabi ko, ihahatid kita. I was worried about what's going to happen kasi di maipaliwanag ng mga kapatid mo kung bakit hindi pwedeng pagbalik nalang natin. Tapos pagdating natin, your parents freaked when they saw me. May nagsabi pala sa kanila tungkol satin. Wala akong magawa kundi panoorin silang hilahin ka papalayo sa akin. 

 

Gumuho yung mundong pinaghirapan kong buuin at wala man lang akong magawa. Para akong tuod na napako sa aking kinatatayuan, di makagalaw, di malayo ang tingin ko mula sa papaalis na ikaw. 

 

Ganoon pala ang pakiramdam na mawala ang lahat. Di mailarawang sakit at salimuot, di man lang ako makaiyak. Nanlamig lang ako, yung lamig na nagsisimula sa kaloob-looban ko, dumadaloy sa katawang walang magawa kundi danasin ito. Nangungulila sa iyong haplos, sa iyong yakap. Kung gaano natin katagal sinubukan buuin lahat ng pangarap natin, isang iglap lang ng buhay, kinuha ito mula sa atin. Gusto kitang ipagdamot, gusto kitang itakas, yakapin sa aking bisig, at itakbo papalayo sa mundong pilit kang inilalayo sa akin. 

 

Pero alam kong di ko yun magagawa. 

 

Nanatili ako sa kotse kong yun ng tatlong araw. Oo, dire-diretso. Marahil, katangahan para sa iba. Pero para sa akin, pakiramdam ko kung aalis ako, mawawala ka na nang tuluyan. Araw-araw akong tinaboy ng mga magulang mo. Kahit anong text o tawag ang gawin ko, di na kita narating. Siguro nagpalit ka na ng numero. Di ko malaman kung anong gagawin ko. Ilang beses ko namang sinubukang kumatok pero di ako makalapit sa inyo. Papalit-palit lang yung mama at papa mo, isa lang ang sinasabi, layuan daw kita. Ako ang sisira sayo. Wala akong mapapambuhay sayo, patapon lang ang pagbabanda natin. 

 

Isang beses, sumagot ako. Tinanong ko sila kung magkakaganito ba kung lalaki ako, alam mo anong masakit? Sabi nila, kung nagpaalam lang sana tayo, baka di nagkaganito. Gusto kong magmakaawa, mangako sa kanila, na gagawin ko ang lahat, iiwan ko yung musika, maghahanap ako ng trabahong makakayang buhayin ka. Pero mukhang hindi pa sila handang marinig yun. 

 

Alam ko naman kung kelan talo na talaga. 

 

Duwag ba ako? Siguro. 

Sana kinaya kong ipaglaban ka. Sana kinaya kong harapin silang lahat at sabihing aalis tayo. Ang dami kong sana, pero alam kong di kita kayang papiliin. Doon tayo pareho eh, mahal na mahal natin mga pamilya natin. Di natin kaya kung wala sila. At doon tayo nadale, kasi alam ko, sila yung pipiliin mo, at ayokong mas mahirapan ka pa. 

 

Di ko alam, siguro may tayo pa kung nanindigan ako. Siguro tayo pa rin, siguro tayo na yung kinakasal ngayon. 

 

I always hoped for one more chance with you. Every single day, you're the one I pray for, the one reason behind my continuous attempts at living. 

 

Alam mo ba, araw-araw akong pumupunta sa may kanto sa tapat ng bahay niyo noon. Araw-araw kong hinintay na lumabas ka, kahit di man kita malapitan, umaasa akong masusulyapan man lang kita. Minsan, sinuswerte, pero madalas olats nun. Lumipat pa nga ako ng tirahan eh, doon sa may eskinita ilang kalsada mula sa inyo. 

 

Yung condo na rerentahan sana natin, ayun, napurnada na. 

 

Yung banda, di ko na rin tinuloy. Ayokong gawin yun na wala ka eh. Pangarap natin yun. Parang hindi tama na ipagpatuloy ko pa. 

 

Siguro kung nakikita mo ako ngayon, disappointed ka. Nanalo pa rin mga magulang mo, iniwan ko ang musika. Naghanap ako ng mga work from home gigs, kahit ano nalang basta may pantustos sa mga gastusin. Kinakaya naman. 

 

Araw-araw nandoon ako, hanggang bigla, isang araw, nakita kong umalis kayo ng mga kapatid mo, maraming maleta ang dala. Sinundan ko nalang kayo ng tingin. Wala naman akong magagawa eh. 

 

Pinanood kita ng sobra, tila bay inuukit sa aking alaala ang iyong wangis. Hanep, paalis ka na. Mahal pa rin kita. Kahit gustuhin ko mang iiwas ang aking paningin, nakapako pa rin ito sa iyo. Ang sakit na, pero di pa rin ako makaalis. Sabi ko sa puso ko, kayanin niya. Baka ito na ang huli. Baka di na kita makikita pang muli. 

 

Maya-maya pa, umalis na yung kotseng lulan kayo. Nanlumo na naman ako, gusto kong maawa sa sarili ko pero parang namanhid nalang ako. Umuwi akong laglag ang balikat, puno ang isipan, at durog ang puso. Yun na ba talaga ang huli nating pagkikita? 

 

Pumunta ako sa inyo, alam mo ba yun? Nilunok ko yung takot ko at kumatok. Asang-asa ako na nandoon ka pa, pero wala na pala. 

 

Sometimes the heart needs some time to catch up with what the mind already knows. And my heart is taking its sweet time catching up. 

 

Pinatuloy ako ng nanay mo, nakangisi pa siya na parang nanunudyo. Inikot ko yung mata ko sa bahay niyo, parang wala ka na nga dito. Tinanong ko sila kung saan ka, sabi nila magpapakalayu-layo ka raw muna. May trabahong inalok sa iyo sa Amerika, di mo na rin lang tinanggihan, sayang din kasi. Tinanong ko ulit, babalik ka pa ba? Di sila sigurado, siguro, baka. Tinanong ko ulit, masaya ka ba? Sabi nila, papunta na doon. Isang tanong na lang, para sayo. Para sana palayain na kita. Huling tanong na lang, tanggap ka na ba nila? Papunta na rin sila. Sayang, di tayo nauna. Sayang, marahil di pa tayo nararapat. 

 

Umalis na ako sa inyo, sa huling pagkakataon, pinagmasdan ko yung lugar na kinagisnan mo. Sayang, sabi mo pa sa akin dati, iikot tayo dito. Gagala tayo sa mga lugar na kinalakihan natin, gagawa ng mga alaala kasama ang isa't isa. Di na kita naikot sa amin. Isang pangako ulit yung napako. 

 

Ilang linggo pa ang lumipas, umalis ulit ako sa inyo. Di ko na alam saan pa ako tutungo. Gustuhin ko mang sumunod sa Amerika, di ko pa kaya. Wala pa akong pera, wala din akong plano. Ha, ang galing ko diba? Tama nga sila tita. Miss na kita. Ang sakit sakit na pero puta, mahal pa rin kita.

 

Naiisip mo pa kaya ako? Kasi ikaw pa rin ang tanging nasa isip ko. Sinimulan kong bumangon mula sa pagkalugmok ko na yun, if only to make something of myself so that I could be worthy of you one day. 

 

I still can't make music, can't even listen to it anymore, everything good in that world has been tied to you. Subconsciously, maybe I made a promise to myself, I'll only ever listen to music when you're back, when I'm with you again. Every day, I push forward with the hope that each day will be closer to me seeing you at last. 

 

The very thought of you moves me to action. Even as I struggle to move, the hope of your return propels me forward, and so, years removed from when we promised each other the world, you're still the reason why I try. 

 

Hinanap kita sa Facebook isang araw. Laking gulat ko, ang saya ng ngiti mo sa larawang nakita ko. May kasama kang babae. Maganda siya. Kinilatis ko, nagresearch ako, manunulat siya. Tiningnan ko na din kung ano na napagdesisyunan mong gawin, at wow, arkitekto ka na. Ang layo na ng narating mo, ang gara ng mga istrukturang dinisenyo mo. 

 

Dalawang taon na kayong magkarelasyon nung babaeng kasama mo. Tanggap rin siya ng mga magulang mo. Tangina, bakit ko nga ba naisipang ipagpatuloy 'to? Pero bilang ako'y tanga pagdating sa iyo, ipinagpatuloy ko ang aking pagbabalik tanaw. 

 

Grabe, kung dati ay magkasama tayong tila parang uling na hinuhubog pa ng pagsubok at pagkakataon upang naging diyamante, ngayon, bituin ka na at ako'y hamak na tao lamang na tumitingala sa iyo, nangangarap na mapagmasdan man lamang ang iyong kagandahan sa isa pang pagkakataon, subalit hinding-hindi na kita maabot. 

 

I've always wanted to have one more chance with you. But I don't think that will happen.

 

Nonetheless, I'm not in a hurry to try and find love for me. Ikaw pa rin talaga eh. Nagpatuloy akong sumubok mabuhay muli, may halong lungkot at pagkabigo pero natutunan ko namang bitbitin ito nang hindi na iniinda. 

 

Di na rin pala ako nakabalik sa amin. Nung nalaman nila ang tungkol sa atin, di nila ako natanggap. Di naman nila ako pinaalis pero bilang respeto na rin sa kanila, ako na mismo ang lumayo. Sinusubukan ko pa rin silang suportahan sa pamamagitan ng pagpapadala sa mga kapatid ko ng kakaunting pera galing sa mga naiipon ko sa mga raket habang naghahanap ako ng mas maayos na full-time job. Di ko pa rin kasi alam kung ano yung gusto kong gawin eh, at wala na din akong kalayaan na sundan yung tawag ng interes ko kasi kailangan ko munang mabuhay.

 

Ayun, napadpad ako sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
unspeakable423
A year and change since I last wrote something, would love to hear from you.

Comments

You must be logged in to comment
tomotomo_
#1

Irashaimase!
Are you looking for a place to have fun?
A place where you can unwind and relax?
A place where you can call home?
We have it all for you!

★ Non-au Facebook based rp

★ All asian faceclaims are welcome
★ All ualities

Come and visit us at Tomo-Mart RP.
[ https://www.asianfanfics.com/story/view/1534999 ]
[ https://photo.asianfanfics.com/user/2495679/b825e4.gif ]
Twinjung88
1117 streak #2
Chapter 7: Hi
leeplay
#3
Chapter 5: the way my heart dropped nung nabasa ko yung tita 😭 ang galing po otornim this is one of the best non-endgame ones ive read!! looking forward to more i really enjoy your writing 🤍
markaxel
#4
Chapter 4: Ugh this makes me smile and definitely melts my heart ❤️
qazedctgb12345 #5
Chapter 3: BAKIT GANON😢 fluff next sana
markaxel
#6
Chapter 3: Gago napakasakit ng ganito 🥲🥲🥲 pero tama rin na tapusin na kesa naman umabot pa sa pagloloko at sobrang pagkakasakitan 😫 tagos sa puso itong chapter na ‘to hindi ko alam bakit affected ako 💀
qazedctgb12345 #7
Chapter 2: tangina☹️
markaxel
#8
Chapter 2: 🥲🥲🥲
jaypmods
#9
Chapter 1: Now why you hurting me like that? 🥺