kung pwede raw ba gumala wenseul...

Sabado.
Please Subscribe to read the full chapter

Sabado ng umaga. Kasalukuyang nakapwesto si Joy sa kitchen island. Abala siya sa pagtitipa sa kanyang laptop ng report na sinusubukan niyang tapusin bago siya maglamyerda kasama si Irene at Yeri, Girl's Day Out kumbaga. Kunot-noo niyang sinusuri ang gawa nang muntik na siyang mapatalon nang may yumakap sa kanya mula sa likod. 

 

 

"Hello." Bati ng salarin na itago na lang natin sa pangalang Wendy. 

 

 

Pumalatak siya, "Wan, nanggugulat ka naman, eh!" Hinampas niya ang braso nito.

 

 

"Sorry..." malambing na pag-alo ng maysala saka humalik sa leeg niya.

 

 

Sa isang iglap ay nawala ang pagkainis ni Joy at tila ba natunaw ang mga reklamo niya sa dulo ng kanyang lalamunan. Tumikhim siya bago nagsalita, "It's fine..." Hinigpitan na lamang ni Wendy ang pagkakayakap sa kanya bilang tugon. 

 

 

Pirmi silang nanatili sa kanilang mga pwesto, si Joy na nakasandal sa harap ni Wendy na nakapulupot ang mga braso sa kanyang bewang at nakasubsob ang ulo sa kanyang balikat. Ilang minuto ang lumipas, binalot ang dalawa ng komportableng katahimikan at tanging ang tunog ng pagtitipa ni Joy ang mauulinigan.

 

 

Matapos ang ilang sandali ay pinutol din naman ni Wendy ang walang imik na paligid, "Babe?" Bulong nito sa kanyang balikat.

 

 

Ewan ba ni Joy. Ang tagal-tagal na nilang magjowa pero hanggang ngayon kinikilig pa rin siya 'pag naggagaganto si Wendy. Sino bang niloloko niya, parang sa lahat naman yata ng ginagawa o sinasabi ni Wendy, kinikilig siya? Dakilang rupokpok nga naman.

 

 

"Yes?" Tanong niya pabalik, nagpipigil ng ngiti.

 

 

"Pwede ba kami ni Seul mag-hang out mamaya? Aalis daw kasi si Irene, makikipag-date raw sa mga girl friends niya kaya naisip namin gumala rin," mabilis na paliwanag nito na agad ding dinugtungan ng, "Hehe, please, please, please~" 

 

 

Ah. Kaya naman pala nanlalambing kasi magpapaalam...

 

 

Napangiti si Joy, hindi siya tulad ng ibang tao na konting kibot lang ay kailangan magpaalam ng mga jowa nila sa kanila. Matagal niya nang nilinaw kay Wendy na walang kaso sa kanya 'pag lumalabas ito pero mapilit ang girlfriend niya kaya hinayaan niya na lang. Hindi rin naman siya salat sa aruga at pagmamahal dahil araw-araw siyang sinusupply-an nito. Meh, siya na nga 'yung nilalambing, choosy pa ba siya?

 

 

Pero sa sandaling 'yon ay gusto niyang matawa, hindi niya kasi nabanggit na kasama nila ni Yeri si Irene mamaya at mukhang 'di pa rin ni Wendy nafi-figure out na isa siya sa mga "girl friends" ni Irene na tinutukoy nito. Feeling niya talaga unti-unti nang nahahawa si Wendy sa kaagnatan ng bespren nitong si Seulgi.

 

 

Inilingon niya ang mukha sa likod at sumalubong sa kanya ang mukha ng jowa; nakanguso ang labi nito habang mabagal na nagkurap-kurap ng mata, akala mo naman kung sinong inosente, e kagabi nga lang hinatid siya nito sa langit...

 

 

At oo. Kaya siya ni Wendy ihatid sa langit kahit na may pagkademonyita siya. Manigas kayo sa inggit, 'di niyo afford.

 

 

Humalik siya sa pisngi ng kasintahan at tumango. "Oo naman," natatawa niyang tugon.

 

 

Nanlaki ang mga mata ng jowa niya, para bang gulat na gulat na pumayag siya. Mabilis na tinanggal ni Wendy ang braso sa kanyang bewang. "Yes!" Sigaw nito saka sumuntok-suntok sa hangin.

 

 

Ganap na umikot si Joy sa kinauupuan para pagmasdan ang jowa niyang parang isang bata. Minsan napapaisip na lang siya kung sino ba talagang mas matanda sa kanilang dalawa.

 

 

"Thank you!" Galak na sabi ni Wendy nang matapos itong mag-victory dance.

 

 

Muli siyang nakangiting tumango bilang tugon at pinanood itong lumundag palayo. Hindi pa lumilipas ang ilang sandali nang makita niya itong hawak-hawak ang phone at tumatakbo pabalik sa harap ng kinauupuan niya. Nagtaas siya ng kilay at sinagot ito ni Wendy ng matamis na halik sa kanyang pisngi.

 

 

"Thank you, baby..." sinserong saad nito na lalo niyang ikinakilig. Bumungisngis na lang siya at hinawi palikod ang buhok ni Wendy na nagulo sa mga pinaggagagawa nito kanina. Ngumiti ito bilang pasasalamat. "I'm going to call Seulgi now," sumenyas ito sa phone na hawak.

 

 

"Mmm, go ahead. Oh, put it on speaker." Walang tanong-tanong namang tumango si Wendy at dinial na ang number ng best friend nito.

 

 

"Hello?" Sagot ng kaibigan nilang oso. Base sa boses na kanilang naririnig ay kagigising lang nito at wala pang kaalam-alam sa mga nangyayari. As expected.

 

 

Alam ni Joy na alam din ito ni Wendy pero mukhang walang makakapigil sa excitement nito nang walang pakundangan itong humiyaw sa phone, "Ddeulgi!!!"

 

 

"Ddeungwan!!!" Balik ng nasa kabilang linya, para bang biglang nabuhayan ng diwa nang nalamang si Wendy ang tumawag.

 

 

"Hihihi..." bungisngis ng dalawang magkausap at halos matunaw si Joy mula sa kacute-an ng magbespren.

 

 

"Pinayagan na ako! Ikaw, nagpaalam ka na??"

 

 

Bumuntong-hininga si Seulgi, "Hindi pa nga, eh..." 

 

 

"Paalam ka na para makaalis na tayo agad! Marami pa tayo pupuntahan, 'di ba?" Pagpapaalala ni Wendy sa kaibigan.

 

 

"Oo... Sige, pagbalik mamaya ni Joohyun!" Determinadong sabi ni Seulgi.

 

 

"Sana payagan ka!"

 

 

Muntik nang mapabulalas ng tawa si Joy. Napaka-cute talaga ng magbespren. Sarap panggigilan. 

 

 

Suminghal ang nasa kabilang linya, "Oo, papayagan ako no'n. Ako pa ba?" 

 

 

"Sus, 'di ka nga pinayagan nung nakaraang araw..." mapanuksong sabi ni Wendy. Alam ni Joy ang tinutukoy ng jowa niya. Magkasabwatan sila ni Irene no'n na hindi payagan ang isa sa mga jowa nila at si Seulgi ang naging target. Tulad ni Joy, hindi rin naman controlling si Irene—hindi lang talaga nila hinayaang matuloy ang paglabas ng dalawa dahil hindi naging maganda ang nangyari nung last time na pumayag sila. 

 

 

"Wan naman, eh!"

 

 

Ngumisi na lamang ang jowa niya sa bespren nito, "Sige, see you!! Babye~" 

 

 

"Babyee~"

 

 

Nang tuluyang natapos ang tawag ay hindi na nagpigil pa ng tawa si Joy at humalakhak siya nang malakas.

 

 

"Bakit?" Kunot-noong tanong ng nasa harap niya.

 

 

Nag-iling si Joy ng ulo saka hinatak si Wendy papalapit sa kanya, "Para kayong mga bata na magpapaalam sa mga nanay niyo kung pwede ba kayong maglaro sa labas," nakangisi niyang tugon.

 

 

Nag-pout si Wendy. Lalo itong sumiksik sa pagitan ng kanyang hita saka nagpulupot ng braso sa bewang niya at nagbaon ng ulo sa kanyang balikat. "Okay lang, cute naman kami," saad nito.

 

 

"Mmm, that you are." Nakangiti niyang sang-ayon at nagtanim ng halik sa malambot nitong pisngi. 

 

 

Nag-angat ng ulo si Wendy at sinuklian siya ng ngiti. Lumingon ito sa likod niya kung sa'n nakapatong ang laptop. "'Di ka pa magre-ready? Akala ko aalis ka nang maaga?"

 

 

Sa pagkakataong 'yon siya naman ang nag-pout, "Grabe, gano'n ka ba ka-excited gumala kasama si Seul, pinapalayas mo na ako?"

 

 

"Uy, 'di naman sa gano'n. Hehe, love youu~"

 

 

At kinilig na naman si Joy.

 

 

"Love you, too. Enjoy kayo ni Seulgi mamaya..." Inilingkis niya ang braso sa leeg ni Wendy. "Kung papayagan siya..." dugtong niya na ikinatawa nilang dalawa.

 

 

"Kayo rin ni Yerim."

 

 

 

 

Matapos nilang maglampungan ng ilan pang mga sandali, nagsimula na rin naman silang maghanda para sa sarili nilang mga lakad. Mamaya pa sana si Joy magre-ready dahil tanghali pa naman sila aalis nila Yeri pero nagyaya kasi si Wendy na sabay na silang maligo para tipid sa tubig. Si Joy bilang dakilang maharot with a pinch of pagkamarupokpok ay hindi na pinalampas pa ang pagkakataong 'yon. Sinong tanga ba naman ang hihindi, 'di ba? 

 

 

Nakatambay na silang dalawa sa sala ngayon, nanonood ng kung anong random show na nahanap nila sa Netflix. Parehas nang ligo ang magjowa pero nagpambahay lang muna si Joy, mamaya na raw siya magbibihis 'pag dumating na si Yeri. Si Wendy naman ay nakabihis at ready to go na habang matiyagang naghihintay para sa go signal ng bespren nito. 

 

 

Nakahilata si Joy sa sofa at nakaunan ang ulo sa hita ni Wendy habang sinusuklay-suklay nito ang kanyang buhok. See? Sabi sa inyo 'di siya kinukulang sa aruga, eh. Enjoy na enjoy pa siya sa pa-massage ng jowa niya nang sunod-sunod na tumunog ang kanyang cellphone sa taas ng coffee table. Walang ano-ano itong inabot ni Wendy sa kanya na mabilis niya rin namang pinasalamatan. Nang mabuksan ay agad na bumungad ang texts ni Irene.

 

 

 

[Saturday • 9:47 AM]

 

 

Lola Baechu:

gagala raw wenseul?

nagpapaalam sakin si seul hahaha

payagan ko ba?

 

 

 

Napatawa na lang si Joy saka nagtipa ng reply. 

 

 

 

Sootanas:

nagpaalam din tong akin hahaha umoo na ako

payagan mo na, baka umiyak pa yan

mukhang nagtanda na rin naman sila

 

 

Lola Baechu:

hahaha sige 

pero pagtitripan ko muna si seul hahaha

 

 

 

Napaismid siya sa nabasa. Si Irene Bae na akala ng lahat kung sinong mabait pero demonyita rin naman. Umiling na lamang si Joy at muling itinutok ang atensyon sa tv.

 

 

Lumipas ang ilan pang minuto. Patulog na sana si Joy ngunit naudlot ito nang biglang nag-ring ang phone ni Wendy. Agad naman itong nasagot, naka-loudspeaker ulit.

 

 

"Hello?"

 

 

"....."

 

 

"Seul?" Takang sabi ni Wendy na chineck pa kung binaba ba ni Seulgi ang tawag. May biglang humikbi sa kabilang linya at nabuhayan ang buong diwa ni Joy. Ano na naman kayang kagagahan ang ginawa ni Irene?

 

 

"Wanwan, ayaw ako payagan!" Bulalas ng bespren ni Wendy saka humagulgol.

 

 

"Eh?" Napatawa nang mahina si Joy sa isinagot ng jowa niya. Gulat na gulat kasi ito, parang hindi pa nag-expect na hindi ulit papayagan si Seulgi matapos ng nangyari nung huling gumala sila.

 

 

"Oo," saglit na huminto si Seulgi para suminghot. "HUHU! Dito na lang daw ako sa bahay!" Sumbong pa nito. "Seungwan, ipagpaalam mo ako!"

 

 

Agad na nanlaki ang mga mata ni Wendy. "H-huh? S-Seul, 'wag naman gano'n. Alam mo namang takot din ako kay Irene, eh!"

 

 

"Eh, anong gagawin ko???"

 

 

Saglit na natahimik ang jowa niya, nag-iisip siguro. Matapos ang ilang segundo ay lumunok ito at nagsimulang magsalita. "Kaya mo na 'yan. Tapangan mo, Kang Seulgi! 'Pag wala pa rin, gamitan mo ng Ipinagbabawal na Teknik..." bulong nito, akala niya naman 'di siya naririnig ni Joy.

 

 

Suminghot ulit si Seulgi, "Sige... Update na lang kita mamaya 'pag pumayag na."

 

 

"Oki

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wanNonly
ayan naaa,, slight spg (i think) kasi maharot wenjoy, periodtism.

Comments

You must be logged in to comment
anothersabstory
#1
Chapter 1: Nakakatuwang basahin fics mo. Hehe. Dami ko ring natututunang tagalog.
ChiChi0103 #2
Chapter 1: Salamat po 🤲🤲🤲🤲🤲
redsummer0801
#3
More wenjoy po sana otornim 🥺
tealundertones
#4
MOREEEEEEE MOREEEEEEE HAHAHAHHAHA salamat otornim 2nd read ko na lol