Isa

Probinsya

Naranasan niyo ba yung pag umuwi or pumunta kayo ng probinsya ng mga pinsan mo at dahil minsan lang kayo umuwi ng sabay sabay pa aba instant reunion agad. Kaya ang ending nagkukumpulan kayo sa bahay ng lola niyo tipong tabi tabi kayo sa isang higaan sa sala ng mga pinsan mo kasi late na din naman kayo natutulog dahil nagkkwentuhan pa kayo or nagmomovie marathon. Yung ilang kwarto lang sa bahay  ay gamit ng mga matatanda by family pa nga minsan ang hatian.

 

Maaga akong nagising, nakakapagtataka pa nga kasi hindi naman talaga ako maaga magising siguro dahil nadin probinsya ito ibang tama sakin. Nakita ko naman si Joy na kumakain kaya sinabayan ko siya at niyaya na maglibot para naman makita yung lugar kesa naman maghintay pa kami na magising yung ibang pinsan namin at tamang takas nadin baka mautusan pa sa bahay.

 

Habang naglalakad para ma-enjoy yung lugar na namiss ko, sa hindi inaakalang pagkakataon itong pinsan ko tinatawag na ng kalikasan.

“seul ang sakit ng tiyan ko”

 

“hala eh parehas lang naman yung kinain natin bakit sumakit? hindi na ba kaya malayo pa bahay natin oh” habang tumitingin sa paligid.

 

“nope makikibanyo na lng ako ate mabait naman yung mga tao dito diba sabi nina lisa”

 

“sige sige ayun oh katok ka dun”sabay turo sa bahay na malapit

 

 “ehhh? ikaw na ate pleeaaassee”

 

“ayoko ko nga pero para fair jack en poy?” habang nakangiti aba syempre nahihiya ako di ko kaya kumatok at humingi ng pabor sa hindi ko kilala

 

 “oo na isang bagsak ah “jack en poy sabay naming sabi, pagtingin ko sa mga kamay namin nalungkot ako bigla kasi naman papel yung sa kanya  tapos ako bato

 

“Argggh” inis kong sabi eh pwede naman sabihin ko sa kanya na siya kumatok kasi siya yungmay kaylangan haaays

 

“talo ka ate aray aray bilis na ate di ko na kaya” ayan tawa pa kasi

 

Naglalakad kami palapit sa bahay at inaalalayan ko naman siya kasi hindi na niya kaya maglakad ng maayos. ang sarap niyang tawanan kaso nakakaawa din mamaya nalang sya makakaganti din ako ahahaha. Kumatok ako sa bahay at nagsabi ng tao po, bigla naman nagbukas yung pinto kaya naman napahawak ako sa puso ko dahil sa gulat. Bumungad naman samin si ate na may kasamang ngiti sa mukha niya.

 

“ano maitutulong ko sa kanila?” sabi ni ate samin, kinalabit naman ako ni joy para magtanong na.

 

 “ahmm pwede po bang makigamit ng cr kasi po hindi na kinaya ng pinsan ko malayo pa po yung bahay namin?” tanong ko habang pinapakita ko yung adorable kong smile.

 

“ah ganun ba sige sige diretcho ka lng tapos tingin ka sa kaliwa pag nakakita kana kulay blue na pintuan pa-“ hindi na natapos yung sinasabi at kinabig na ko ni joy para pumunta doon kasi di na nya.

 

 “kinaya pasensya na po kayo hindi na ata kaya ng pinsan ko salamat po sundan ko na lang po siya” tumango ako para sa ipakita ng pag-galang tapos sumunod kay joy. Habang naglalakad ako sa bahay tumitingin lang ako sa palagid ang simple lang pero ang ganda tingnan ng paligid. Napansin ko lng na ang tahimik masyado baka mga tulog pa ata tao dito sabagay maaga pa kasi, Nang makadating ako sa banyo kumatok ako para senyasan na nasa labas lng ako at hinihintay sya baka mabatukan kasi ako kung sa labas ako naghintay.

 

“ano kaya pa ba?” tanong ko at pilit ang tawa kasi namin nakicr pa to sa ibang bahay.

 

“oo seul buti na lng umabot haha diyan ka lng ah hintayin mo ko kundi lagot ka sakin”  

 

“oo dito lng ako sige take your time linisan mo ng maayos yan ah” concern kong sabi syempre naman makicr ka nalng di mo pa lilinisan diba.

 

“ofcourse sige sige magcconcentrate na ko” hinanap ko naman si ate at nakita ko siyang nagluluto malapit lng din sa cr,pinuntahan ko siya at kinausap siya.

 

“ate thank you po ulit ah at pasensya na po ulit” nahihiya kong sabi habang kumakamot sa batok .

 

“may maitutulong po ba ako habang hinihintay yung kasama ko”  

 

“hindi okay lang ako diyan ka lang haha taga saan ka ba neng mukhang bago ka rito ah”tanong ni ate sakin.

 

“ah nagbabakasyon po kasi kami dito dun po kami nakatira pag lampas ng tulay yung pangatlong bahay po” pag eexplain ko.

 

“kay na salcedo? kayo ba yung mga apo ni Lida”

 

“opo opo” nakangiti kong sabi oo nga pala sabihin mo lng apelyedo mo dito alam na bahay dahil siguro isang isla lang ito kaya ganun at hindi din maiiwasan na maraming kaibigan yung lola ko dito. Hindi na ulit nakapagsalita si ate kasi napansin ko yung paglipat ng tingin nya sa likod ko kaya naman ako napalingon din ako.

 

“oh gising kana pala, gusto mo na ba kumain ?” tanong ni ate sa bagong gising na babae sa harapan namin. Napahello po agad ako sabay tango na may kasamang smile sa babae.

 

“ hello?” na nakatingin sakin panigurado nagtataka to sino ako.

 

“ate di pa po ako gutom magccr lng sana at ate sino siya ?” tanong niya habang nakaturo sakin.

 

“ah nakicr lng sila hindi kinaya nung kasama niya kaya kung magccr ka maggatas kana lng muna habang hinihintay kasama niya matapos”..kaya napaupo na lang siya at hinihigop yung gatas nagsalita ako ulit para magpakilala at magsorry.

 

“sorry ah hindi na kasi kinaya ni joy kaya heto kami kumatok sa bahay niyo Suelgi nga pala”

 

“Im wendy okay lng, may nakain ba sya or ano ?”

 

 “ewan ko parehas lng naman kami ng kinain nun eh baka tinawag lang talga siya ng kalikasan, speaking of joy masyadong matagal na yun ah baka hindi gumana ritual nun ah”  napatawa nlng siya sa sinabi ko,

 

“ritual talaga ?”

 

“baka kasi naninibago siya namamahay ganun” sabi ko bigla namang bumukas yung pinto kaya napalingon nalang ako sabay tanong.

 

 “SUCCESS?”

 

“YES YES THANK YOU LORD” , sabi ni joy ng bigla nlng siyang natahimik kasi nakita nya yung kausap ko na tumatawa.

 

“una na kami wendy ah salamat ulit at pasensya na” kaya kinalabit ko si joy para magpasalamat siya at nang makauwi na din kami.

 

“sige sige ingat seulgi”

----

Naka alis na kami sa bahay nina wendy hindi padin nagsasalita itong kasama ko kaya siniko ko siya.

“huyyy ano okay ka lng ? tahimik mo naman masyado”

 

“okay lng ako, sino nga pala yung babae na kausap mo kanina?”

 

 “si wendy? bakit crush mo siya nooo? nagandahan ka no kaya ka natameme hahahaha”

 

“wendy” habang tumatango sya “cute nya gagiii kelan ko kaya siya makikita”

 

Naka ilang minuto na kaming naglalakad ng makaramdam ako ng init ng araw, bubuksan ko sana yung payong ko na dala ko kanina ng malaman kong wala akong dala tinanong ko si joy.

 

“uy nasan na yung payong ?”

 

“luh wala sakin diba ikaw ung may hawak?”

 

 “ang galing sinagot ako ng tanong” sabi ko sa kanya ng bigla kong naalala na naiwan ko sa bahay nina wendy .

 

“hala naiwan ko sa bahay nina wendy”

 

“tara balikan natin ngayon na diba favorite mo ung payong na yun? Sayang din yung pagcustomize mo dun”

 

“Daming sinabi ah, hindi ka naman napaghahalataan na gusto mong bumalik no?”

 

“Para wala ka nang palag pa kaya tara naaa”..  Paghihila niya sakin

 

“Eto na eto na wag atat makakarating padin tayo doon”

----

Malapit na kami sa bahay ni wendy tiningnan ko si joy at sinabihan

“Pustahan hindi mo makukuha yung number ni wendy or facebook nya”

 

“Ako pa talaga sinabihan mo ng ganyan sa gandang kong to? “

 

“Ako maghuhugas ng pinggan ng isang linggo pag nakuha mo tapos ikaw pag hindi ah” 

 

Kumatok na ko sa pintuan kasi excited na kong matalo si joy hindi ko alam pero feel ko sumasangayon sakin ang swerte. Napatunayan ko yun ng makita ko ang isang anghel sa pintuan kaya napatigil ako.

“Hellooo?”  Habang kumakaway siya sa mukha ko, natauhan lang ako nung siniko ako ni joy habang tumatawa.

 

“Hi?  Naiwan ko kasi yung payong ko pwede ko ba kunin?”

 

“Huh? Paano ka naman makakaiwa-“ hindi na natapos yung sinasabi niya ng may sumulpot na tao sa gilid nya.

 

“Hey suelgi napabalik ka? Tinawag ba ulit ng kalikasan si joy?”

 

Natawa ako ng konti kay wendy at tiningnan si joy na nakayuko sa kahihiyan niya hahaha

“Ah hindi hindi naiwan ko kasi yung payong ko sa loob hindi ko naman pwedeng mawala yun kasi special sakin yun”  Sabay ngiti kay wendy..

 

Nagpaalam naman si ate girl na si wendy na lang bahala samin kasi kakain daw siya at pinapasok naman kami ni wendy sa loob ng bahay.

 

“Ano ba itsura ng payong mo at ako nlng maghahanap baka kasi naitabi ni manang kanina”

 

“Folding umbrella kulay yellow” pagpaliwanag ko sa kanya. Kaya naiwan kami ni joy sa sala nila.

 

”Ano na tamihik kana naman dyan tanungin mo na pagbalik niya or gusto mo talagang maghugas ng isang linggo” paghahamon ko sa kanya, minsan ko lng kasi makita itong  tumahimik eh

 

“No way hindi ako papayag okay na ko sa schedule natin eh. “

 

”Hey suelgi nagamit ata ni manang yung payong mo, wag ka magalala babalik din yung ng ilng minuto kasi alam ko may ibibigay lng siya nuod nlng muna tayo tv habang hinihintay siya. “

 

“Ah ganun ba sige sge dito ka nlng upo “sabay turo ko sa gitna naming dalawa ni joy. Nagkatinginan naman kami ni joy at mukhang nagets nya naman yung tinutukoy ko na kausapin na nya si wendy biglang nawala yung atensyon ko sa kanya ng may narinig akong sigaw ng bata.

 

“bearrrr is that you? “

 

“Uy dito ka nakatira?” tanong ko tumango naman siya at nagsimulang tumakbo papunta sakin at yumakap.

 

“Yeri kumain kana ba?” Sabi nung babae sa hapag kainan, tanaw lang kasi yung sala sa pinagkakainan niya.

 

“Opo ate hyunnie kasabay ko sina mama kumaen.“

 

---Joy pov---

“Hi im your joy este im joy.” Napalo ko bigla yung bibig ko sa sinabi ko

 

“Nasabi nga ni seulgi, wendy nga pala” sabay alok ng kamay  sakin at masaya ko namang hinawakan.

 

“Nice to meet you sorry nga pala  dito pa ko naghasik ng lagim” nahihiya kong sabi may kasamang pagkamot ng batok, tumawa muna siya ng konti bago sabihin ang

 

“okay lng yun normal lng naman yun sa tao ano okay kana ba?”

 

“Okay na ako salamat ulit, pwede ba magtanong? “

 

“Oo naman ano yun? “

 

“Ano yung mga places na pwede bisitahin na mga lugar dito.?

---

Habang nageexplain si wendy kay joy ng mga lugar. Nakikipaglaro lang ako kay yeri ng apir dissapear isang klase ng laro gamit yung kamay. Lumapit naman si joohyun samin, umupo din at nagtanong.

 

“Yeri paano mo sila nakilala?” Napatingin naman si yeri sa ate niya dahil dito natalo sya kaya naman napitik sya sa tenga ni seulgi pero mahina lng naman.

 

“Ate bear ang daya nagtanong sakin si ate hyunnie” pagdadabog ni yeri, nagsmile na lang ako sa ginawa niya tapos sinenyasan niya si yeri na sagutin yung tanong ng ate nya mukhang nakalimutan nya kasi.

 

“Ahmm ate hyunnie siya yung nakalaro ko sa palengke” Bago pa magsalita ulit si joohyun dumating na si manang dala dala yung payong kaya napatingin kami sa kanya. Nagtataka naman si manang kasi andito kami ulit hindi na siya nakapagtanong kasi nasagot na ni wendy.

 

“Ate naiwan ni seulgi yung payong nya kaya hinintay ka namin kasi nagamit mo po yung payong niya.”

 

“Ah eto pasensya na akala ko sa inyo ito” Ibinigay ni manang kay seulgi yung payong.

 

“Okay lng po yun, thank you po ulit kanina” nakangiti kong sabi kay ate.  Napatingin ako sa relo ko ng mapansin ko ung oras niyaya ko na pauwi si joy.

 

“Ahmm wendy alis na kmi ah baka kasi hinahanap  na kami samin” Tumatango naman si wendy at magpapaalam na din sana  kaso

 

“Seulgi ano name mo sa facebook sabi kasi ni joy gusto nyo daw mamasyal malay mo gusto ko maging tour guide” tanong ni wendy tapos kita ko naman yung paglaki ng mata ni joy nakalimutan niya siguro itanong.

 

“Kang seulgi hanapin mo yung may teddy bear na dp, ako yun search mo na din si joy. Park joy para masaya” Nakita kong nakangiti sa likod si joy dahil sa sinabi ko.

 

“Okay accept mo na lang friend request ko” tapos tumalikod ko siya para tanungin nman si joy.

 

“Ikaw hindi mo ko tatanungin?” sabi ko ng nakangiti sa angel na nasa tagiliran ko banda, hindi ko nga alam kung saan ko nakuha yung lakas ng loob na sabihin yun parang kanina lng natulala ako sa ganda niya tapos hanggang tinggin lang ako sa kanya habang kumakaen siya. Mukhang wala akong mapapala kasi kung hindi ako kikilos eh mukhang tahimik kasi siya tapos naalala ko bigla hindi pa pala ako nagpapakilala.

 

“Oo nga pala seulgi and you are?”  Inalok ko ung kamay ko sa knya

 

“Joohyun and add na lng din kita siguro?” Patanong na sagot sakin ng angel pero inabot niya din kamay niya so hindi ako masyadong malungkot pilitin ko na lng si wendy na ipaadd ako *insert evil laugh* magtatanong sana ako ulit ng nagyaya na si joy umuwi.

 

“Alis na talaga kami final na, thank you ulit” Nasa pintuan na kami ni joy ng dumating ulit si yeri na may hawak na cookies.

 

“Uwi na kayo ate bear?”  Malungkot na sabi ni yeri sakin

 

“Yep” sabi ko lumapit naman ako sa kanya at ginulo buhok kaya napatingin sya sakin  bumulong ako sa kanya ng babalik ako kaya ngumiti sya sakin.

 

“Bye yeri, Bye wendy, Bye joohyun” Sigaw ko sa kanila habang kumakaway kami ni joy papaalis ng bahay nila.

 

Wala ka paring pinagbago hyun

 

 

 

A/N

Heyooo 😉)sorry sorry napagtripan ko lang magsulat dahil bored ako sa bahay. Pasensya na hindi po talaga ako writer, tamang tagabasa lang ako. Well kung nagustuhan niyo thank you thank you yun lang. Ingat kayo guys and stay healthy in mind, soul and body.  

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Moksy23
#1
Chapter 2: When kaya :(
SEULRENEHAHAHA #2
Chapter 2: Ganda ng panahon sarap mag update ng story noh?
SEULRENEHAHAHA #3
pota bat ako lang comment
deserve neto maadamingg viewwsss