Mula sa Simula, Hindi Inabot ni Tadhana.

Tadhana (Bakit Nga Ba)
Please Subscribe to read the full chapter

Si Moonbyul lang ba, or lahat yata ng Ben & Ben fans are either in a love-hate relationship sa  nasabing banda, o sadyang mga sadista tulad nila. 

Kasi for Moonbyul’s case, kanina pa niya gustong patahimikin ang banda na ngayong tumtugtog sa may open court ng university nila, covering Ben & Ben’s “Lifetime”.  

Na saktong sa chorus, nagtama ang mga mata nila ni Hyejin, na ngayon niya lang muling nakita after a week of trying to avoid each other. 

Umamin lang naman kasi sa kanya si Hyejin, her best friend since freshman year, her partner in-crime every prank traditionally held every summer finals, her savior sa tuwing  nangangailangan si Byul ng matutulugan sa condo nito, and ang countless of sleepless nights  nila together dun dahil sa matinik na exam week ng psych, na kung tutuusin, with Byul’s stuff mixed up with Hyejin dun sa condo nito, eh masasabi mong dun na yata siya nakatira. 

Needless to say, Hyejin was everything to Byul. 

At cheesy man pakinggan, oo, tahanan ni Byul si Hyejin. 

Pero hindi niya alam kung saan niya isisi yung biglang liko ng kwento nila, kung saan niya isisi  yung biglang pagkasira ng matagal nilang iningatang pagkakaibigan. 

Sa maling timing ba ng tadhana, na kung kailan pa-graduate na sina Byul at Hyejin, tsaka  biglang nangyari sa kanila ‘to ni Hyejin. 

O isisi niya ba sa sarili niya, dahil wala siyang ibang nagawa kundi maduwag? 

“Tanga kang gago ka.” Marahas na sa sabad ni Yong sa kanya, nang nai-kwento niya ang  nangyari sa kanilang dalawa ni Hyejin just a few days ago.  

Excited pa kasi ‘tong tanga, na dali-daling pumunta sa classroom ni Hyejin, na kate-text palang  sa kanya, na tapos na ito sa last class niya for this morning, at oo daw, lunch daw sila sa condo  ni Hyejin, libre ni Byul ang pagkain.  

Napaka tama ng timing, ang ganda ng araw na yun kung tutuusin.  

 Pero nang magtama ang mga mata nila non, nung magkatabi silang nanonood ng kung anong  napalabas, typical afternoon for them, napakagat ng labi si Hyejin, at nahihiyang nagtanong,  

“Byul, have you ever fallen in love with your best friend?”  

Bakit natanong ni Hyejin sa kanya y’on? Ta-tatlo lang ang nasa isipan ni Byul, patungkol sa kung  sino ang pwedeng tinutukoy ni Hyejin; si Wheein, Yong, at siya.  

Pero syempre doon tayo sa unang dalawa, ihuli natin siya. Mahirap at masakit umasa.  

“Ba’t mo natanong?” Maingat na sagot ni Byul, hindi sigurado kung ano ba ang gusto niyang  mangyari- 

 

Ihinahanda niya ba ang sarili sa potential heartbreak kung baka sakaling isambit ni Hyejin ang  pangalan ng iba nilang kaibigan?  

O ihahanda niya ba ang sarili sa potential na pagkasira niya ng puso ni Hyejin, kung baka  sakaling pangalan naman niya ang isambit?  

Dahil oo na, tangina, hindi mo maitatawag na tunay ngang ang dahilan ni Byul sa takot ay  iniingatan niya ang pagkakaibigan nila ni Hyejin-  

“It’s a yes or no question, Byulyi, no need to act all defensive here.” Tumatawang retort ni  Hyejin, kahit pansin na nito ang mga namumuong luha sa mga mata nito.  

“No. Di ko kaya.” Malungkot na sagot ni Byul, na simula nang mag-imis ng mga pinagkainan nila,  dahil naiintindihan niya na ang ibig iparating ni Hyejin.  

“Hanggang doon lang ba talaga tayo?” Humihikbing tanong ni Hyejin.  

Walang ibang ginawa si Byul, kundi kunin ang backpack nito at iwanan ang humihkbing  kaibigan, mga sariling mata’y nag-iinit sa sariling mga luha.  

Dahil, natatakot siya, na sa matagal nilang inalagaang pagkakaibigan, baka mas masaya siya na  hanggang doon sila. Dahil, sa kabila nang hindi niya maikakailang pagtibok ng puso niya para  kay Hyejin, iba parin ang ipupusta nila sa larong “ tayo.”  

Sa susunod nalang na buhay.  

 

 

Mas malakas pa yata sa bass ng drums ng banda, ang kabog ng puso ni Byul, nang lumapit si  Hyejin sa kanya, na may napaka lungkot na ngiti sa mga labi nito. 

Yung lungkot na ngiti, na kahit alam nang talo, mahal parin. 

Naiinis si Byul, dahil alam niyang siya ang dahilan ng lungkot na y’un. 

“Hi.” Bati ni Hyejin, nang tumabi ito sa kanya, magkadikit, magkatabi, pero ang mga matang  may katotohanang tinatago’y hindi magtagpo. 

Maingay, dinig na dinig ni Byul ang walang hiyang pagpaparinig sa kanya ng banda, na “ang  tanga mo Moon Byulyi!” 

Nakakasilaw din. Yung paiba-ibang kulay ng strobe lights, na tumatama sa nakakabighaning  mukha ni Hyejin, hindi mo mapipigilang tumititig.  

Pero, sa sitwasyon ni Byul? Hindi niya mapigilang magsisi. 

Bakit kasi nagmahal si Hyejin ng maling tao? Bakit kay Byul pa? 

 

Ang hirap wag pagsisihan, sa kabila ng lahat bakit ba hindi magawang mapakawalan.

Matagal kasing itinago, ipinilit na ibaon sa kailaliman ng puso’t isipan, pero hanggang ngayon  nasasaktan parin. 

Ku

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet