-1-

Kapit
Please Subscribe to read the full chapter

Nabaling ang aking atensyon sa cellphone ko nang biglang tumunog ito sa kalagitnaan ng aking katahimikan. Ibinaba ko ang notification bar para basahin ang mensaheng dumating dahil ayaw ko muna sana itong ma-seen.

"Should we stop?"

Hindi ko alam kung posible man yung sinasabi nilang tumitigil yung tibok ng puso mo pag nakakabasa o nakakarinig ka ng mga salitang kahit kailan ay hindi mo naisip na mangyayari o maririnig.

Kumunot ang noo ko. Tahimik lamang akong nakatitig sa kawalan pagkatapos kong basahin ang mensahe mo. Hindi ko alam ano ang sasabihin ko.

"Ryujin please."

Napangisi lang ako, ewan ko. Dahil ba sa kaba? Sa lungkot? Sa takot?

Isa pa, bakit mo ako tinatawag sa pangalan ko? Alam kong iyon ang tawag sakin ng karamihan, pero iba na ang pangalan ko para sayo diba? 

Bakit?

Lumunok ako ng laway kahit sa pakiramdam ko ay may malaking karayom na nakabara rito. Lulunok ako ng kahit ilang libong karayom para lang matigil lahat ng sa tingin ko ay mga mangyayari pagkatapos ng paguusap na ito.

Naglakas loob ako na buksan ang message mo, pero mas bumilis lang ang tibok ng puso ko noong makita kong nagttype ka pa ng mga susunod mong sasabihin.

"Sandali, anong meron? Ihinto ang alin?"

Tanga. Oo. Alam ko naman kung ano ang nais nyang iparating sakin. Gusto ko lang linawin—kahit hindi naman malabo saakin lahat.

Linawin yung sakit.

"Tayo.."

Pumikit ako.

"Mahal mo pa ba ako?"

 

At muling dumilat. 

Bakit..

Bakit dumilat pa ako?

Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako tinatanong ng mga bagay na alam naman nya ang sagot.

Huminga ako ng malalim habang palihim na hinayaan na lamang na tumulo ang aking mga luha habang binubulong sa aking sarili ang mga salitang—

 

Mahal na mahal.

 

Mahal na mahal kita.

 

 

"Huy lalim ng iniisip mo ah?"

Napasinghap ako ng malalim nang mapansin kong nakatulala na pala ako sa kawalan. Dinatnan lang ng mga mata ko ang babae sa harap ko na ngayon ay nag lapag ng fishball at kikiam na kakabili lang nya.

"Anong ginagawa mo rito? Diba may klase ka?" Tanong ko.

Nag kibit balikat lamang sya at sumubo ng isang pirasong kikiam.

"Bibilan sana kita ng fishball kaso nakita ko may pagkain ka na. Baka mamaya di mo pa kainin yung ibibigay ko. Matampuhin pa naman ako." Sinalo ng kamay nya ang baba nya at tumitig sakin.

"Yeji, may klase ka pa. Bakit di ka pumasok?"

"I saw you alone. And gusto kitang kasama. Bawal ba?"

"Hindi. Pero kung hindi ka papasok sa klase mo para makasama ako, then yes, hindi pwede."

Nasamid sya sa fishball nya. Umikot paningin ko sa paligid nya at hindi makapaniwalang natawa nalang. Kita mo 'tong babaeng ito, bibili ng pagkain na walang kasamang inumin, ni wala nga syang dalang tumbler. Ano pa naman ba ang ibang gagawin ko bukod sa alukin siyang uminom sa dala kong tumbler diba?

"Thanks." Sambit nya bago uminom sa tumbler ko na inalok ko sa kanya dahil baka mamaya ay matuluyan sya dyan, kasalanan ko pa.

Nakita ko ang maliit na ngiti sa dulo ng labi niya habang umiinom ng tubig.

Natawa ako.

"Ngingiti-ngiti ka dyan e may lason yang tubig ko."

"Lolo mo. Edi pati ikaw malalason."

"Yun nga yung plano."

Tumigil sya sa pang aasar nya at tumingin sakin. Di ko alam kung mga ilang segundo, o inabot ba ng minuto ang tinginan naming dalawa.

Kita ko na bahagyang dumilim ang ekspresyon ng mukha nya hanggang sa lumipat ito sa malambot na tingin na tila ba kinakaawaan niya ako.

"Alam kong joke lang yun, pero if ever lang ha? Nandito lang ako. I'm just a call away. Alam mo yun diba?"

Naramdaman ko yung sinseridad sa tono boses nya at alam ko kung gano siya kabuting tao. Kaya't mas lalong bumibigat at dibdib ko dahil wala akong magawa sa kanya para maibalik lahat ng nagawa nya para sakin.

"Alam ko. Thank you."

Ngumiti lang ako sa kanya kaya't ibinalik nya lang ito sakin. Wala na kaming sinabi pagkatapos ng usapin na iyon. Tahimik lang namin inubos ang aming pagkain.

 

 

Humiga ako sa kama at tumingin sa orasan.

8:13PM

Kakatapos lang halos ng night class namin, isa pa ito sa subject na pinaka inaayawan ko. Kaya't simula hanggang dulo ay pana'y lamang ang hikab ko sa klase. Mabuti na nga lang at hindi ako napansin ng aming prof.

Tumingin ako sa kisame at napaisip.

Ilang buwan na ba ang nakakalipas?

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet