Three Girls, A Gorgeous Girl, A Little Girl and A Dog

The Daily Life of Psychic Kang
Please Subscribe to read the full chapter

 

Note: 

★ Bold lines- Seulgi's using telepathy to converse with people so hindi nya binubuka bibig nya to talk kaya naka bold. She also used her power para di mahalata ng mga tao na hindi niya binubuka ang bibig niya and that she's using telepathy the whole time.                   

 ★ Italicized lines- other people's thoughts na naririnig ni Seulgi through telepathy

★ Beautifully sure- Irene's way of saying pretty sure.

____________________________________________________

 

 

🎶 Smash Mouth, Why Can’t We Be Friends 🎶

 

 

Seulgi has no friends.

 

It’s not that she doesn’t have ‘a few’, she simply has ‘none’.

 

She has never even wanted to make friends. 

 

The reason is…

 

She is too different to normal people. Scientifically, she could even be considered a different species. Hindi nya kauri yung ape man, caveman, primitive man, neolithic man, and modern man. 

 

She’s on a different level, kasi nga she’s a psychic man, or in her case a psychic girl. 

 

There is no way friendship would bloom between such different beings. Moreover, napakarami niyang sekreto. 

 

That’s why making friends would be foolish and she had avoided getting involved with others.

 

And yet, for some reason…

 

She is currently being followed by these two people. 

 

Her two classmates to be exact.

 

“Sup partner! Tara, kain tayong pares!” sabi ni Moonbyul na nakahawak sa kaliwang balikat ni Seulgi. Yung tawag niya kay Seulgi nag- evolve na talaga, biruin niyo partners na pala sila ngayon, di man lang siya na inform. 

 

“Come with me, Seulgi. I’m feeling an ominous wind coming from the town.” isa pa itong si Lisa na nakahawak naman sa kanang balikat ni Seulgi. Kailan pa siya naging close kay Lisa para kausapin ng ganito.

 

It’s seriously annoying. Ano na namang nangyari at napunta na naman siya sa sitwasyon nato?

 

She just said so yesterday na walang mabuting nangyayari kapag lumalabas siya. 

 

Pero lumabas lang naman siya ng bahay dahil sa sobrang naannoy siya sa parents niya na wala nang ginawa kundi ang maglampungan. Ever since the previous incident, they’ve been like that. Masyadong feeling newlywed, nakalimutan na naman nilang may anak sila na nakakakita sa landian nila.

 

And that is why she decided na pumunta na lang sa park to have a peaceful day but these two just have to appear and ruin it. 

 

What’s worse is that, they’re getting attention from people. Kasama ba naman niya ang isang mukhang gangster with a mohawk hairstyle at may sobrang itim na eye makeup na you'd think she has a black eye at isang weird blonde na may mahabang bangs na nakatakip sa dalawang mata (nakakakita pa kaya to) at may bandage sa wrist niya kahit wala namang injury.

 

“W-what a combination...”

“Yung nasa gitna ba ang leader nila?”

“Ay, bet ko yung nasa kanan kahit nakatakip ang mata at mukhang si sadako.”

“Ang astig ng nasa kaliwa. Ang gandang tingnan ng black eye niya, parang trophy lang… Hahaha don't judge me girl, mahilig ako sa gangster, eh, rawr."

“Super cool at calm ng nasa gitna, mas type ko siya, siya lang yata ang normal.”

 

Nasali pa siya...

 

No, this is actually the worst. Even though she has kept herself from standing out till now.

 

Kailangan na talaga yata niyang lumipat ng bagong lugar na titirhan. 

 

“Bakit ka ba sunod ng sunod sa amin?!" singhal ni Moonbyul kay Lisa na nakatingin ng masama dito. “Gusto mo rin sumama sa amin para kumain ng pares?” dagdag pa niya in an annoyed tone. Naiirita siya na sinisira ng bangs na to ang bonding nila dapat ni Seulgi. 

 

‘Wala akong sinabi na sasama ako, go slurp them down yourself.’ sagot ni Seulgi pero di naman siya pinansin ni Moonbyul.

 

“Same could be said to you.” di rin naman nagpatalo si Lisa. Bakit naman kasi siya magpapatalo sa isang bobong gorilla? Bad vibes siya, gustong gusto nang gamitin ni Lisa ang kanyang ultimate darknight superpower para lumayo ang gorilla na to sa kanilang dalawa ni Seulgi. Pero wag kayong maniwala dito kay Lisa, wala talaga yang power, masyado lang feeling, katulad lang siya ng papa ni Seulgi na assuming. Nagrhyme pa. “We are now going to find the origins of the ominous wind. Bawal ang outsiders na gaya mo.” See, kung ano ano ang nasa isip. She's definitely the queen of weirdos.

 

‘I never said I’m going, go feel the winds yourself.’ hindi rin siya pinansin ni Lisa.

 

“Ha?! Pucha, ikaw ang hindi welcome dito! Kakain kami ng pares ni partner!” Sigaw ni Moonbyul kay Lisa na nakahawak parin sa kaliwang braso ni Seulgi. “Pumunta ka mag- isa mo, wala kaming time for such trivial things… Seulgi, bilisan mo, the winds are starting to cause a ruckus again.” ganting sigaw naman ni Lisa. ‘I never said I’m going!' Nanggigigil na si Seulgi, nakalimutan ata ng dalawa na nasa gitna lang siya habang nagsisigawan sila. Ang sakit na ng tenga niya. 

 

“Sinabi ng pares!”

“The ominous wind!”

“Pares!”

“Ominous wind”

"PA-RES"

"OM-IN-OUS WIND"

 

Kamusta na lang ang tenga ni Seulgi.

 

Kakasigawan nila, di na namalayan ng dalawa na nasa harap na pala sila ng paresan na ang pangalan ay ‘Bawal Ang Walang Pares’. Nakakahiya naman sa mga single na gustong kumain ng pares. 

 

Ma bankrupt sana tong letcheng paresan nato. 

 

At dahil masyadong occupied ang dalawa sa bangayan nila, di din nila namalayan na nilagpasan pala ni Seulgi ang paresan, at sumunod lang sila. 

 

“Seulgi, why are you friends with a girl like this?” Lisa asks while glaring at Moonbyul. “As your buddy, I'm starting to get worried about who you hang out with…”

 

‘Kailan pa tayo naging “buddies”?’ 

 

“Partner! You’ve gotta stop befriending these kinds of people!” di naman nagpatalo si Moonbyul na abot ang kilay at kunot ang noo. “Sinasabi ko sa’yo to bilang bestfriend mo!”

 

‘I don’t think I ever was your best friend either.’ 

 

Di parin tapos ang dalawa sa pag- aaway nila. Moonbyul even tried to fold her sleeves and cracked her knuckles, ready to fight Lisa anytime. “Ahh?! Gusto mo talagang maupakan, ah!” ni stretch naman ni Lisa ang palad niya malapit sa mukha ni Moonbyul. “Sige, subukan mo lang lumapit at pasasabugin ko tong mukha mong gorilla gamit ang ultimate darknight superpower ko!… Sige, sige..” mabuti nalang talaga at walang nakakaalam ng power ni Seulgi dahil sa oras na malaman ito ni Lisa, panigurado na di siya titigilan nito. 

 

She won't let that happen, though.

 

Hinayaan lang ni Seulgi ang dalawa na nagsisigawan parin sa likod niya. Bahala na silang mag patayan, wala siyang pakialam. 

 

Sigh… 

 

But seriously, those two should really get along dahil pareho naman silang walang ibang kaibigan. Masyado kasing nakakatakot at weird for other normal students. An idiot delinquent and a weird delulu.  

 

Hm?

 

Pareho silang tatlo na nahinto nang makita ang isang batang babae na nakayuko at umiiyak malapit sa isang poste.   

 

“Tingnan nyo, isang batang babae!” sigaw ni Lisa. ‘Kita nga namin.’ bara naman ni Seulgi. “Hoy, umiiyak siya. Teka lang, tatanungin ko kung anong nangyari.” sabi naman ni Moonbyul na nasa likod lang ni Seulgi. ‘You idiot, have you ever seen yourself in the mirror? Gusto mo bang mas lalong umiyak yan ng malakas at magtawag pa ng pulis?’ 

 

Seulgi’s eyes immediately widened when she heard another voice inside her head. 

 

‘I wonder kung anong ginagawa ni Seulgi ngayon. Sana naman makita ko siya today. I want to get a reaction from her.’ 

 

Well, . 

 

Nasa kabilang kanto lang si Irene Bae at mukhang papaliko na ito sa kinaroroonan nila Seulgi. Mahihirapan siyang takasan si Irene o gamitin ang kanyang power dahil may mga kasama siya. 

 

And speaking of kasama, nakatanga pa rin ang dalawa na pinagmamasdan ang bata na umiiyak. 

 

‘I even asked for a sign from Papa G kagabi to enlighten my perfect soul. And if I see her today and feel my heart beating fast again, then maybe I really like her na.’ Dinamay pa niya si Papa G. ‘I also asked Papa G na sana hindi mo ako makita ngayon.’ sa isip ni Seulgi. ‘Kaya nga ako lumabas because I am slightly, just slightly lang naman, slightly hoping to see her... She’s so lucky… dahil ang pe

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jazzcola
Perpekto't magandang babae na hindi lang maganda pero mabait din- Irene Bae... Ang humble ni Irene, no? Sanaol. lol

Comments

You must be logged in to comment
jmjslrn #1
Chapter 2: same hairstyle & scars din kaya?🤣🤣🤣
jmjslrn #2
Chapter 2: as someone who watched the anime, moonbyul having that character is funny asf🤣🤣🤣
jmjslrn #3
Chapter 1: Lol Saiki Kuso🤣🤣🤣
_rtempest
1031 streak #4
Chapter 4: Hahahaha tawang tawa ako sa last part xD
IS2SEULRENE #5
Chapter 4: Rereading ulet huhu anganda ahahahha
patotie #6
Chapter 4: The 180 degree turn of events tho! Hahahahaha super unexpected nung part shet pero nakaka enjoy! We want more! Fubu seulrene na ba ito hahahaha or baka imagination lang ni seulgi to
gomtokkim
2152 streak #7
Chapter 4: Lol kala ko po may update XD
eunxiaoxlove #8
I thought there’s a new chap haha
Goldenminer
#9
Chapter 4: Wtf just happened i didn't expect that to happened... But not gonna lie that was good.
Goldenminer
#10
Chapter 4: Wtf just happened i didn't expect that to happened... But not gonna lie that was good.