Pahiwatig

Description

hello. annyeongz. amen.

Foreword

"Mauna na 'ko, Yudaeng!" 

 

Ngiting ngiting paalam ni Wonyoung habang nakalatag sa likuran n'ya ang kalangitang bumabalot sa kahabaan ng kamaynilaan. Nakahilera ang fishball, kwek-kwek, mga ukay-ukay at ang usok ng Maynila ay nakakasulasok. magulo, mga gusaling nakausli, mga taong papunta sa iba't ibang direksyon.

 

Napakagulo ng Maynila.

 

pero nakangiti si Wonyoung. Mga kamay na nakakapit sa straps ng paborito niyang pink na backpack at kumakaway paalis. Nakatitig lang si Yujin, ngumiti at kumaway pabalik. Ang saya saya ni wonyoung na 'di na alintana ang ingay ng siyudad o ang gulo ng nagmamadaling mundo o kahit ang bilis ng oras. 

 

sa mga panahong ganito naiisip ni yujin na siguro kahit papaano, pwede.

 

baka. baka siguro pwede.

 

"Tara na?" Lumingon nang patalikod si Wonyoung kay Yujin at lumipat ang atensyon n'ya sa isa pang babaeng nakangiti, mga kamay na nahanap agad ang lugar sa gitna ng mga daliri nI Wonyoung.

 

"Miru!" Malawak ang ngiti habang niyayakap ng mahigpit ang dalaga. Ngumiti ng pilit si Yujin, kumaway ulit, “Mauna na ‘ko, Wonyo. Ingat kayo.”

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet