hello, autumn (final)

hello, autumn
Please Subscribe to read the full chapter

Seulgi's POV

 

Nandito na naman ako nakaupo sa isang bench ng Seoul Olympic Park, nagmumuni-muni lang ulit habang nakatingin sa kahel na langit at mga dahon na nagsisi-hulugan sa lapag. Grabe autumn season na naman at I'm here mag-isa lang kasama yung dalawang camera ko na isa pang-video at isa pang picture sa mga sceneries na I found aesthetically beautiful. Puno na nga yung Local Disk C sa computer  ng mga pictures eh, it's good to have pictures that gives some good memories to you pero...

 

ito ako sa tuwing binabalikan ko yung mga pictures ay naalala ko siya. Oo, siya yung babaeng matagal ko ng kilala ng mahigit 11 years, yung babaeng nagpatibok ng puso ko. It always remind me of her every autumn season. Sa tuwing napapadaan ako dito sa park di ko magawang mapigilan yung mga luha ko. Wala eh...

 

2 years ago...nagmahal ako ng taong kailanman hindi magiging akin. 

 

 

 

 

 

 

---

 

November 23, 2018

 

                                        

 

Bandang alas-tres noon nung narinig kitang sumigaw ng hindi kalayuan. Maliit ka lang naman sa akin ng few inches pero yung boses mo parang lagpas pa sa height mo...hayst kahit ganun di pa rin alintana na minahal kita.

 

Nakaupo ako sa may waiting bench ng MRT subway, naka-suot pa nga ako noon ng black turtle neck, fitted jeans na blue tapos nakapatong yung  dark brown na coat. Nakapalipot rin yung light brown scarf ko sa leeg ko sa sobrang lamig, nakatali yung buhok ko in a ponytail way para mahanginan ako ng malamig na simoy ng hangin kahit papaano.

 

Kahit taglagas na ay malamig pa rin...kasing lamig ng pagmamahalan ninyong dalawa choz.

 

Dala-dala ko rin yung camera ko na Cannon EOS 80D DSLR dahil sabi mo nga ay dapat dalhin ko  para may panibagong memories ulit tayo na magkasama, kada lakad ko papuntang subway kanina may laging bagong text ka sinesend...nag-aalala ka sa camera ko na baka kinalimutan kong dalhin.

 

At hindi sa akin. joke lang ulit masyado lang ako madrama..

 

 

"Seulgi!"

 

Hiyaw mo ulit sa akin kaya napabaling yung atensyon ko sayo pero this time malapit sa akin. Hindi ka pa rin nagbabago...maganda ka pa rin katulad nung una tayong nagkakilala even the way you dress na simple lang na may dalang picnic box, hindi magawa ng puso ko na bumilis yung tibok lalo na nung ngumiti ka na sakto naaman sa maamo mong mukha. Para kang kuneho ba na ang fluffy at cute tignan.

 

Habang busy ako sa pag-describe sayo, hindi ko namalayan na ikaw ay nasa harapan ko. Grabe naman si Lord, bakit ganyan ang perfect ng pagka-kagawa sayo? Ang pungay ng mga mata mo tapos mapula pa yung labi mo kaya hindi alintana na maraming na-fall sayo eh at isa na ako doon.

 

 

"Seul?? Nandyan ka pa ba??" Tanong mo sa akin nun at kumakaway-kaway sa mukha ko pero ito ako masyadong whipped sa kagandahan mo. Di pa rin ako kumikilos rin kahit na ilang kaway sa mukha ko yung ginagawa mo kaya ginawa mo yung dati mong gawi nung mga bata pa tayo.

 

yung iki-kiss mo ako sa pisngi ko.

 

"Hyun, ba't mo ginawa yun? madaming tao o-oh..." sabi ko sa kanya, ramdam ko yung pagpula at pag-init ng pisngi kung saan kiniss niya ako. Napahawak pa ako sa pisngi ko dahilan para tumawa siya sa harapan ko. Puta pati tawa mo nakakainlab...

 

"Eh kasalanan ko bang di ka kumikibo dyan? tsaka gumana naman yung kiss ko ah! namumula pa nga yung pisngi mo oh." sabi niya sa akin habang patuloy naman na tumatawa. 

 

Namumula pa rin yung pisngi ko, hindi tuloy ako makasabat sa kanya kasi alam kong aasarin niya ako eh kahit nga pamumula lang ng pisngi ko, may high chance na aasarin niya pa rin ako eh. "Halika n-na nga.."  sagot ko at biglang tumalikod para hindi na niya makita yung pamumula ng pisngi ko, bakit kasi ganun epekto mo sa akin hayst iba ka talaga. Nagsimula na akong maglakad para makaalis na ng mabilis sa subway at para na rin hindi tingin ng tingin yung mga tao sa akin dahil nakayuko ako sa mapula kong pisngi nun hinawakan mo yung right hand ko...hindi lang yung pisngi ko na yung namula kundi yung buong mukha ko din.

 

"Halika na at mukhang kamatis na yang mukha mo." tugon mo sa akin at ngumiti. Ikaw na mismong humila sa akin palabas ng subway at sumakay ng cab papuntang Seoul Olympic Park. Ako na yung nag-insist na magbayad sa cab dahil nga kakarating mo pa lang, inaway mo pa ng ako dahil gusto mong ikaw yung magbayad. Pero matigas ang ulo ko, at ako pa rin nag-insist na magbayad kasi ganun kita kamahal.

 

 

Kasi naman eh...kung di lang kita mahal pero bakit parang di ko magawa yung simpleng bagay na iyon?

---

Seoul Olympic Park , 4:02 PM

 

 

4:02 PM nung nakarating tayo sa park. Hinanda ko na sakali yung camera ko kasi alam ko na kada-libot natin ay magpapapicture ka. Pwede ka na nga maging model at ako naman yung photographer na hanggang picture lang sayo.

 

"Seulgi, ang ganda ng mga puno noh? Kaya favorite season ko yung autumn kasi it symbolizes youth and maturity." Sabi mo sa akin at patuloy sa kakatingin ng puno at paglalakad. Ako naman ay nasa likod mo ng 3 hakbang at kinukuhanan ka ng picture. Sumabay pa yung ihip ng hangin. Nakuhanan kita ng larawan habang nakatalikod, mukha ka tuloy yung anghel na papaalis dahil tapos misyon mo. 

 

"Seulgi! doon tayo sa picnic area!" sabi mo sa akin at hinila na naman ako sa aking kamay papunta sa picnic area kung saan parang isa siyang garden na may nakasabit na mga ilaw sa trunk ng isang puno. Sabihan niyo na akong marupok pero sino ba naman hindi pipicturan yung kamay niya na hinahawakan ng taong mahal mo diba? dagdag memories na rin yun kahit masakit :<

 

Ambilis ng oras 4:30 PM na at malapit na dumilim, bawal ka pa naman gabihin kasi maaga yung pasok mo bukas bilang nurse kasi morning shift yung kinuha mo. Siguro swerte yung taong makakuha sayo, biruin mo nurse yung girlfriend mo na kapag nagkasakit ka aalagaan ka. Marunong magluto at gumawa ng gawaing bahay kasi lumaki siya sa puder ng lolo't lola niya. Napaka-girlfriend material mo talaga hyun...

 

"Baba mo muna kaya yang camera mo sa table at kumain muna tayo. Alam kong marami kang kinuhanan na litrato ko eh." sabi mo at sabay kindat.

 

"Masusunod po mahal na princesa" tumawa ako ng kaunti at naupo sa harap mo. Nilapag ko yung camera sa tabi ko pero syempre nasa lalagyan siya. Marami kang hinandang pagkain pero di mo pa rin nakakalimutan yung paborito nating dalawa which is yung tteokbokki malapit sa tindihan ni Aling Tisay na katapat lang ng bahay ninyo.

 

Nagsimula na akong kumuha ng mga pagkaing hinihanda mo at ganun din ikaw. Actually kaninang alas-tres pa ako nakakaramdam ng kaunting gutom, may baon naman akong tatlong pakete ng skyflakes pero di pa rin sapat hayst kay tiniis ko na lang yung gutom ko nun. Habang kumakain ako, di ko maiwasang tumigil sa kakain at titingin sa direksyon mo. Pati ba naman yung pagkain mo ng paborito nating tteokbokki eh maganda

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
NinangJoo
First time kong gumawa kaya pagpasensyahan niyo na ninang ninyo...merry christmas in advance!

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 1: yung luha ko bhieeee! :(( pero ang ganda po ng pagkakasulat otor-nim! 😭🥺✊
000014
#2
Chapter 1: Di ko alam anong mafefeel after...
sxlvxrlxght
#3
Chapter 1: Ako kakagising ko lang tapos ganiyan ka... T~T Ang saket saket. Mapanakit ka masyado T~T naalala ko tuloy yung MV ng Kathang Isip T~T
Galing mo magpaiyak otor!