Kay Bilis ng Sandali

'Di na Tayo Katulad ng Dati
Please Subscribe to read the full chapter

Up to this day, hindi maiwasang isipin ni Irene yung panahong napilit siyang pumunta sa elyu ni Seulgi kasama ang bestfriend niyang si Baekhyun. Isama na natin ang mga panahong prior pa do’n. Yung mga panahong walang araw na hindi lumalala at lumalalim ang longing na nararamdaman niya para sa bestfriend niya.

 

Pero teka nga sandali, hindi ba ganun pa rin naman yung nararamdaman niya ngayon?

 

Kahit malaya na niyang nahahawakan ang kamay ni Seulgi?

 

Kahit hindi na niya kailangang magpaliwanag kung bakit hinahanap hanap niya ang mga akap nito bawat segundo na wala siya?

 

Kahit malaya na niyang nasasambit ang mga salitang ‘yon?

 

Kahit ngayon na sila na?

 

Hanggang ngayon, gusto niyang paniwalaan na totoo yung halik ni Seulgi matapos niyang sabihin ang mga salitang ‘yon. Gusto niya rin mag kunwari na wala siyang nararamdamang kaunting kirot sa dibdib niya sa tuwing babalikan niya ang ala-alang ‘yon.

 

“Mahal kita.” Mahinang sambit niya at parang nanghihina pa habang nakatingin siya sa baba dahil hindi niya matignan sa mata ang bestfriend niya.

 

“Seulgi, mahal kita.”

 

Unti-unti na ring kumalas ang hawak niya sa gitara ni Seulgi dahil tsaka niya lang napagtanto na sinabi niya na talaga ang mga salitang ‘yon, na meron pala siyang lakas ng loob na umamin after so many years of her painful but pointless yearning.

 

Well, akala niya lang pala yun.

 

Walang kaalam-alam si Irene na mahilig pala siyang paglaruan ng tadhana paminsan minsan.

 

Kaya naman inulit niya ito pero this time, mas malakas para lang sigurado siya na totoo talaga ang ginagawa niya.

 

“Mahal kita, seven years na.” Pag-uulit niya na may kasamang mahina, ngunit mapait na tawa.

 

She thinks it’s the alcohol’s effect on her, kasi the moment na bumangon si Seulgi mula sa kabilang kama at tumabi sa kanya, hindi niya na napigilan ang pag patak ng mga luha niya.

 

At para bang alam na niya ang susunod na mangyayari; nakikita na niya ang mga mapangaraping mata ni Seulgi na para bang diretsong nakatitig ang mga ito sa kaluluwa niya, nararamdaman na niya ang hawak ng best friend niyang puno ng simpatya dahil hindi nga pwede, dahil nga kahit matagal nang mahal ni Irene si Seulgi, wala naman siyang magagawa bukod sa umiyak at yakapin na lang ang sarili hanggang sa gusto niya kasi nga hindi siya kayang mahalin pabalik ni Seulgi. At ang pinakamasakit para sa kanya; naririnig na niya ang pagsambit ni Seulgi ng mga salitang ‘Sorry’ o ‘Pasensya ka na’ at pagkatapos ay susundan naman ito ng ‘Hindi talaga pwede’. Sa huli, nararamdaman na niya ang pagkawala ng init ng kamay ng best friend niya sa kanyang braso bago ito tuluyang tatayo para umalis at isasara ang pinto.  

 

Pero madalas din namang nagkakamali si Irene.

 

Wala talaga siyang kaalam alam na paborito rin pala siyang paglaruan ng tadhana.

 

Kaya naman sa susunod na ginawa ng best friend niya, parang bigla na lang nawala yung madramang pelikula na agad niyang nagawa sa utak niya.

 

Dahan dahang kinuha ni Seulgi ang gitara niya mula sa mga kamay ni Irene at itinabi ito upang tuluyan siyang makalapit para punasan ang mga luha ng bestfriend niya. Maingat niyang hinawakan ang isang pisnge nito at pinunasan ang isang patak ng luha sa gilid ng mata niya gamit ang kanyang hinlalaki.

 

Narinig ni Irene ang mahinang pag singhap ni Seulgi, at naramdaman niya ang dahan dahang paglapit nito sa kanyang mukha bago niya tuluyang ipinagdikit ang kanilang mga noo.

 

Again, she thinks it’s the alcohol’s effect on her, dahil ilang segundo matapos magdikit ang mga noo nila, at dahil sa maingat na hawak ni Seulgi sa kanyang mukha, ipinikit niya ang kanyang mga mata.

 

Hindi siya sigurado kung bakit, pero gusto niya na lang isipin na ginawa niya ‘yon dahil nadala na naman siya ng emosyon niya at hindi niya kayang tumitig kay Seulgi ng gano’n kalapit dahil na hulog na hulog na siya dito.

 

Naramdaman niya ang isang banayad na halik sa kanyang noo, hindi man nagtagal ay para bang naramdaman ni Irene na umapoy bigla ang kanyang balat. Isa pang banayad na halik sa kanyang ilong. Naisip niya, kung tuluyang bababa ang mga halik ni Seulgi, magiging katapusan niya na ata.

 

Lumayo nang kaunti si Seulgi sa mukha ni Irene bago siya muling suminghap nang mahina. At nang pagmasdan niya ang mukha nito na naiilawan lang ng maputlang liwanag ng buwan at ng mahinang tanglaw ng lumang lampara ng hotel, para bang gumaan ang buong pakiramdam niya. Habang hawak niya pa ang isang pisnge ni Irene, dahan-dahan nang lumapit si Seulgi muli bago isinara ang kanyang mga mata.

 

At sa isang tibok ng puso niya, tuluyan na niyang naramdaman ang halik ni Seulgi sa kaninang nanginginig niyang mga labi.

 

Mahilig ngang paglaruan ng tadhana si Irene.

 

Dahil imbis na umiiyak na siya ngayon dahil sa pagtalikod at pagsara ng pinto ni Seulgi nang may paalalang hindi siya kayang mahalin nito pabalik, heto siya, binabalik ang halik ng kanyang best friend habang ang utak niya naman ay para bang nag sho-short circuit na.

 

Pero syempre, hindi na niya pinansin ‘yon. Dahil sa sandaling iyon, wala na siyang ibang maramdaman kundi ang nagbabaga niyang puso at ang mga malambot na mga labi ni Seulgi kasama ang maamo niyang mga bisig.

 

Irene didn’t pull away, hindi niya rin naman talaga gustong humiwalay in the first place. Kung maaari nga, gusto niyang manatili na lang sa sandaling iyon habang-buhay at kabisaduhin ang lahat ng posibleng emosyong naramdaman niya mag mula sa pagtabi ni Seulgi sa kanya hanggang sa pagdidikit ng kanilang mga labi.

 

Unti-unti niyang tinaas ang kanyang kamay upang kumapit sa pulso ni Seulgi habang patuloy lang ang kanyang pag-halik. At matapos ang ilang segundo, siya rin ang pumutol nito. Sa pagbukas ng mga mata ni Irene, unang bumungad sa kanya ang mga labi ni Seulgi na tila gusto niyang habulin at halikan nang paulit-ulit.

 

Sa isipan niya, hindi naman niya maiwasang magmura dahil tangina…

 

Ganun pala humalik si Seulgi.

 

Sa sobrang galing at sa sobrang sarap, hindi mo gugustuhing matapos siya sa ginagawa niya.

 

Muling pinagdikit ni Seulgi ang mga noo nila bago niya muling binuksan ang kanyang mga mata.

 

“’Rene,” Mahinang tawag niya habang marahang dinadaloy ang kanyang mga daliri sa buhok ni Irene.

 

At para bang gusto nang pumutok ng puso at damdamin niya nang sundan ito ni Seulgi ng mga salitang;

 

“Mahal din kita,”

 

;

 

“Huy, Irene.” Tawag ni Baekhyun na may kasamang tabig sa katabi niya. “Sabi ko, anong gusto mo?”

 

Nasa 7/11 sila ngayon, kakatapos lang ng work kaya napagdesisyunan ni Baek na bumili ng makakain. Wala namang choice si Irene na samahan siya dahil halos palagi silang magkasabay umuwi kahit na magka-iba sila ng trabaho. Magkalapit lang din naman ang mga condo unit at workplace nila.

 

“Okay na’ko B, magluluto naman ako pag-uwi.” Sagot ni Irene.

 

Tumango na lang si Baekhyun bago bayaran ang rice meal na pina-init niya. Nang mabigay na sa kanya ang sukli niya, lumabas silang dalawa at umupo sa bakanteng lamesa malapit sa mga basurahan dahil yun lang ang natitirang malinis na puwesto.

 

“Nag space out ka na naman kanina,” Pagsasaad ni Baekhyun pagkasubo niya ng kinakain niya. “Ano na naman bang iniisip mo?”

 

Hindi mapigilan ni Irene na umiwas sa tingin ni Baekhyun bago pasimpleng suminghap. Gusto niya sanang sabihing ‘wala’ pero kilala niya ‘tong kasama niya, siya na ata ang pinakamalaking intrigero sa balat ng lupa, ika nga niya.

 

“Hoy, hoy,” Pagbabanta ni B sabay turo kay Irene gamit ang plastic na kutsara, “Labas mo ‘yan. ‘Di tayo aalis dito hangga’t di ka nag kukuwento.”

 

Kilala na nga talaga niya si B dahil totoo talaga siya sa mga salita niya. At alam niya na kapag nag kibit balikat siya pagkatapos ay sasabihing ‘wala’ kasama ang isang pilit na ngiti, literal na hindi sila aalis do’n. Kung sakali nga, baka abutin pa sila ng madaling araw at doon na makatulog.

 

“Baks,” Mahinang tawag ni Irene.

 

“Hmm?”

 

“Pakiramdam ko talaga… wala na.”

 

Nasabi niya na ‘to kay Baekhyun before pero isang beses lang. Isang beses lang kasi hindi niya ata kakayanin kung paulit-ulit nilang pag-uusapan ‘to. Naguguluhan pa nga si Irene, dahil hindi ba dapat gumagaan ang pakiramdam kapag nag o-open up tayo sa taong pinagkakatiwalaan natin? Pero bakit nung sinubukan niya the first time, bakit parang gusto na niya agad humagulgol kahit hindi pa niya nasisimulan ang sasabihin niya?

 

“What do you mean wala na?” Nagtataka siyang tinaasan ng kilay ni Baekhyun.

 

At ayan na nga, kailangan pa talaga niyang sabihin out loud.

 

Mukhang matutuloy na ang pag hagulgol niya.

 

She clenched her jaw before answering, “Nararamdaman kong hindi na niya ‘ko mahal.”

 

Dinig niya ang pagtigil ni Baekhyun sa kanyang pagkain. At kahit na hindi siya nakatingin, kita niya kung paano naging blanko ang ekspresyon sa mukha niya.

 

“Bakit?” Mahinang tanong ni B.

 

Parang bigla siyang nawalan ng gana. Ayaw niya rin namang mapagod agad. Kaya tinipid na lang niya ang sagot niya.

 

“Maraming rason.”

 

“Tulad ng?”

 

Tumingin na siya kay Baekhyun, “Basta, sigurado akong may nagbago.” Natahimik siya bago nagpatuloy.

 

“’Di na katulad ng dati.” Mahina at malungkot na sabi ni Irene.

 

Mabagal namang tumango si Baekhyun para lang maiparating sa kaibigan niya na naiintindihan niya kung bakit ayaw niya munang sabihin ang mga detalye.

 

“Baks,” Tawag ni Baekhyun kay Irene matapos ang ilang segundo ng katahimikan, “Lam mo namang nandito lang ako pag handa ka nang magsalita ulit.”

 

Pinakitaan ni Irene ng isang malungkot na ngiti ang kaibigan niya bago tumango, “Oo naman, B. Alam na alam ko na ‘yan.”

 

Nginitian na rin siya ni Baekhyun na patapos nang kumain, “Pero nasubukan niyo na bang mag-usap?” tanong niya, “Bakit hindi mo subukang tanungin?”

 

Gustong humalakhak nang mapait ni Irene sa narinig niya, pero she doesn’t want Baekhyun to get the wrong message. Kaya naman hindi na niya napigilang tapatan din ng isa pang tanong ang binato sa kanya ni Baek.

 

“Bakit ko pa tatanungin kung alam ko na rin naman yung sagot?” Malungkot niyang tanong.

 

“Sigurado ka bang yun na yung final answer? Baka mamaya hindi tugma ang sagot niya at ang sagot na iniisip mo.”

 

“Bahala na, baks.” Napasinghap si Irene, “Malalaman ko rin naman sooner or later.”

 

Tumango na lamang ulit si Baekhyun at pinunasan ang kanyang bibig bago muling isinuot ang kanyang mail bag na gamit niya para sa trabaho, “Ano, uwi na tayo?”

 

“Tara na.”

 

;

 

Sa pagbukas ni Irene ng pintuan ng unit nila ni Seulgi, agad na nagtagpo ang kanyang mga kilay sa kanyang nakita.

 

Bukas ang mga ilaw, bukas rin ang pintuan ng balcony nila. Sa labas, may mga upuan at isang nakaset na table na magara kung saan nakapatong ang mga fancy na wine glass, plato, at kubyertos na nilalabas lang nila tuwing pasko at new year o kung may bisita. Napansin rin niya ang mahinang tugtog ng Stop This Train ni John Mayer na nagmumula sa record player nila sa sala.

 

Nang makalakad siya papunta sa sala, agad niyang nilagay sa sandalan ng sofa ang kanyang cardigan at sumunod naman ang kanyang bag na nilagay niya sa upuan.

 

Maayos ang buong condo, malinis, maliwanag, para bang buhay na buhay. ‘Di katulad nung mga nakaraang linggo na sobrang tamlay tignan ng tahanan niya kasama si Seulgi.

 

Teka nga, andito ba si Seulgi? Bakit ganito ang set-up? May okasyon ba?

 

Naamoy na niya ang kung anumang niluluto sa kusina at bago pa man niya matawag ang pangalan ng taong hinahanap niya, lumabas ito mula sa kusina na may hawak na bote ng wine at isang plato na puno ng pasta sa kabila niyang kamay.  

 

Napatigil si Seulgi sa dahan dahan niyang paglalakad nang makita niya ang girlfriend niya sa gitna ng kanilang sala. At sa kanyang paghinto, agad niyang nginitian ito kahit na medyo nabibigatan na siya sa mga hawak niya.

 

Ayan na naman ‘yang ngiting ‘yan. Kahit na iba na ang nararamdaman at naiisip ni Irene, hindi siya magdadalawang isip na balik-balikan at uwian ang ngiti na dahilan ng pagkahulog ng kanyang damdamin all those years ago.

 

At ano pa nga ba? Mahal na mahal niya eh.

 

Kahit hindi na siya mahal pabalik.

 

Sa isipan niya, gusto na naman niyang magmura. Dahil the moment na nadatnan niya ang buong pigura ni Seulgi at ang malambing niyang ngiti, para bang naging radyo ang utak niya nang bigla na lang tumugtog ang isang himig na kailanma’y hindi niya pag

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
iskoseul
s/o sa mga naka-intindi kung bakit may tuldok kuwit diyan sa dulo hahaha (ipasa niyo na ang bote ng kodama, kain muna kayo ng butterball)

Comments

You must be logged in to comment
rabbitjiu
#1
Chapter 1: tangina naiiyak ako shuta naman bat ganon malas talaga yang butterball na yan eh bwiset naalala ko si dio hsbdbxjsj shuta ang sakit!
Mother_joohyun
#2
Chapter 1: Sana di masarap ulam mo : )
gaseuI
#3
Chapter 1: kaya naggrow ulit yung hate ko sa im drunk, i love you dahil sa'yo, author e
jaangwaang
890 streak #4
sequel? huhuhu bat ang sakit
jenlisaasfck #5
Chapter 1: Any chance of this having a sequel? I’m in tears I feel really bad for Irene :(
dancingwithmylover
#6
kakasimula ko pa lang basahin yung foreword feeling ko iiyak na ko HAHAHAHA
napaka_ano #7
Chapter 1: 😶
jsyj0418 #8
Chapter 1: basta talaga pag nakabase sa im drunk ily mashaket
aixywaixy #9
Chapter 1: ang sakit naman inaano ka ba namin lods
spagtitty #10
Chapter 1: aray.