Cheerleader Joy

basta wenjoy oneshot
Please Subscribe to read the full chapter

“Joy sure ka ba dito?” 

 

“Oo gago! Basta ipakalat mo yan sa mga kaklase natin para may ambag sila,” sagot ni Joy at inabot sa kaklaseng si Taeyong ang mga cut outs ng mukha, banners at paingay para sa kanyang girlfriend, si Wendy. Maglalaro ito mamaya ng volleyball para sa team ng college nila ngayong intramurals.

 

Malapit na silang mag two years at first time na mapapanuod ni Joy maglaro sa court. Nakikita nya itong nakikipaglaro sa mga kaibigan pero pangkasiyahan lang at hindi sa mga ganitong event.o

 

Bilang mabuting supportive na nobya, nag-effort talaga itong si Joy para sa laban ng girlfriend nya and by association, ng team nila. Manunuod lang naman sya talaga para sa girlfriend nya (At required attendance daw sabi ng prof nya na coach naman ng basketball team). Kung hindi dahil kay Wendy, baka pinasulat nya na lang ang pirma nya sa attendance sheet at umuwi na para igala ang alagang mga aso.

 

Ano ba kasi ang mapapala nya sa events na tulad nito? Bukod sa pinagperform ang dance troop nila—kung saan sya talaga kabilang —noong opening ay wala na. Wala syang mapapala kung papanuorin nya ang mga estudyanteng magpapawis sa court. Maliban nalang kung ito ay ang maliit at napaka-cute nyang nobya. 

 

“Joy, nakakatampo ka naman! Bakit si Pareng Wends lang may pa-banner?” Biro sa kanya ni Doyoung, player ng men’s basketball nang dumungaw sya sa pinaglulunggaan ng mga player.

 

“Oo nga naman, Joy! Parang wala tayong pinagsamahan sa klase ni Sir Hodong ah!” Sabi naman ng nakaakbay dito na si Kai, player din ng men’s basketball at naging seatmate nya sa isang klase last sem. Kasali rin ito sa isang dance troop.

 

“Heh, di ko naman kayo jowa, ah? Bakit ko kayo gagawan?” Biro pabalik ni Joy saka hinampas si Kai. Ngumuso ito at hinimas ang nasaktang braso.

 

“Wala naman kaming ganon. Kahit bilang tropa at ka-college mo man lang?” nagkunwaring paiyak na si Johnny at kunwaring suminga sa jersey ni Kai.

 

“Ewan ko sa inyo! Asan na nga pala ang babi ko?” Sinipat nya ang loob ng room. Nakita nya ito kasama ng iba pa niyang teammates. Kasama na doon si Seulgi na member ni Joy sa dance troop at nang makita sya nito ay kinalabit ang katabing nakakunot ang noo habang kausap ang mga kasama. Nang ituro sya ni Seulgi ay agad nawala ang yamot sa mukha ni Wendy. Malaki ang ngiti na tinungo ang nobya. Maririnig ang mahinang paghiway ng mga kasama.

 

“Andito ka,” ngiting-ngiti si Wendy habang kinukuha ang kamay ng nobya. Sa tatlong taon nya na paglalaro tuwing intrams ay ngayon lamang sya naging ganito kasaya. Kasi ngayong taon, may girlfriend syang magchi-cheer para sa kanya. At nakaka-touch dahil alam nyang hindi mahilig sa mga ganitong patimpalak ang kanyang nobya pero isinangtabi ito para lang sa kanya.

 

“Syempre, pwede ba namang hindi?” Bahagyang namumula ang mga pisngi ni Joy dahil sa titig ng nobya nya. Inayos nya na lamang ang tirintas ng nobya para cute. Akala mo ay hindi sila nakakaabala sa daraanan. 

 

"Baka kasi kapag hindi ako sumipot... sa iba ka magpapunas ng pawis, e.” Natawa sila pareho. “Hindi naman totoo yan. Sayo lang ako. Naks.”

 

“Pakalandi naman,” parinig ni Baekhyun, player ng men’s volleyball. Nakangisi ito saka mahina silang tinulak palayo sa pinto. “Key, tignan mo 'tong mga shibuli na 'to. Tsk." 

 

"Nako, hayaan mo nga sila. Magbebreak din yan."

 

“Ge tatawagan ko nalang yung ex mo,” pabirong irap ni Joy. 

 

“Pasmado talaga bunganga mong hindot ka!” 

 

Nang makalayo ang mga ito ay nabaling muli sa isa’t-isa ang kanilang tingin. “Galingan mo ha? Kapag di mo ginalingan...” nabitin ang sasabihin at napayuko si Joy, pinaglaruan ang laylayan ng jersey ni Wendy. 

 

“Ano?”

 

“Edi matatalo tayo!” 

 

“Yun lang?” Sinilip ni Wendy ang mukha ng nobya. 

 

“Tsaka, hindi na ako manunuod sa next game nyo.” Nag-angat sya ng tingin. “Gusto ko magchampion kayo.” Tumaas ang kilay ni Wendy.

 

“Grabe? Pressure naman pala,” napakamot ng batok ang manlalaro.

 

“Kaya nyo yan! Basta magchi-cheer ako para sa inyo, lalong-lalo na sa’yo, babi,” bakas ang hiya ngunit magiliw na sabi ni Joy. Naiilang sya sa sarili nya. Hindi naman sya ganito sa mga natitipuhan nya.

 

“Thanks, babi. I love you,” di agad nakasagot si Joy. Kung kelan pa lang nila inamin yon sa isa’t-isa. Kinikilig pa rin sya nang todo.

 

“I love you too,” sagot nya pabalik saka niyakap ang manlalaro.

 

 

“Wow umattend. Buo na pagkatao mo,” pangaasar ni Yeri habang kumukuha ng litrato para sa school newspaper. Sa kanyang tabi naman ang news editor na si Irene. Hindi lang siya naroon para i-cover ang magaganap na laban. Naroon din sya para panuorin ang ka-team ni Wendy na singkit at may nakakatuwang tenga.

 

Naging malapit siya sa dalawang ito dahil sa dance troop nya. Palagi kasi silang kinukuhanan at iniinterview ng mga taga publication at silang dalawa palagi ang natatapat sa kanya. Ka-college din niya itong si Irene na madalas nyang nakakasalamuha sa mga events (College of Social and Behavioral Sciences) samantalang si Yeri naman ay sa makakalabang college (College of Business and Accountancy) ng team nila Wendy. 

 

Maraming duda na mananalo ang team nila Wendy. Nakagraduate na kasi ang malalakas nilang player at mga nahatak lang ang manlalaro nila. Maliit lang din ang community ng CSBS kaya mahirap humanap ng players. Ang college nila Yeri ang tinaguriang champion for the last three years dahil karamihan ng mga varsity players ay nasa college nila.

 

“Syempre para sa babi ko,” maharot na hinawi ni Joy and buhok bago naupo sa tabi ni Yeri. Nasa ikatlong palapag sila ng bleacher na nasa isang side lang ng court. Sa kabilang side naman nakapwesto ang mga manlalaro kaya tanaw na nataw ni Joy ang nobya nya nang pumasok ang mga ito sa loob ng gym at naupo sa mga nakalaang upuan. 

 

Green ang kulay ng CSBS Owls. White jersey na green ang letters at mixed blue and green naman ang suot na spandex samantalang yellow top at black spandex naman ang sa CBA Tigers. Niloko pa niya noong una si Seulgi na parang mas bagay siya sa kabilang team. 

 

“Gaganda talaga ng CSBS shibulis. I love my job,” natatawang sabi ni Yeri habang kinukuhanan ang pagdating ng mga manlalaro. Iyon ang naging bansag sa mga babaeng player ng csbs dahil karamihan daw sa mga ito ay babae rin ang hanap. Di nyo sure yon pero ok. “Ge, dyan lang muna kayong dalawa. Kuhanan ko lang sila don,” tumayo ito at iniwan ang lalagyan ng camera sa kanyang pwesto. “Hwag kayo magpapa-upo dyan ha? Babalik ako.”

 

“Sige na, sige na! Dami pang ebas. Basta kuhanan mo babi ko ha? Tapos send mo sakin.” Tinulak pa ni Joy si Yeri na muntik mawalan ng balanse. Nang makababa ay pinakyu sya nito saka naglakad paalis. Kaunti pa lang ang tao sa gym. Tanghali pa lang kasi at hindi pa tapos kumain ang iba. Wala pa rin ang mga kakaklase ni Joy. 

 

“Madam, ano oras ba start? Ang tagal naman!”reklamo ni Joy sa editor. Tinignan ni Irene ang schedule sa dalang notebook. “Ala-una ang start pero men’s volleyball muna. So baka mga two to two-thirty pa ang women’s.” Napansin ni Irene ang pagsimangot ng katabi kaya tinapik nya ito sa balikat. 

 

“Ok lang yan. Nasa tapat lang naman si Wendy, magchi-cheer din sya para sa college natin, o.” Tinuro nya ang kabilang side ng court kung saan chinicheer ni Wendy ang men’s team. Kasama sa team na yon si Chanyeol, pinsan ni Joy.

 

“Pinsan mo si Chanyeol diba?” 

 

“Oo pero di naman ako pumunta dito para sa kanya. Di sya chicks,” atungal ni Joy. Naiinip na sya. 

 

“Ewan ko sayo. Mag-ipon ka nalang ng energy dyan at isigaw mo nalang din ako mamaya.” Bawal magcheer ang mga taga publication unless hindi sila naka-duty para mag-cover sa event. Umirap lang si Joy saka tinignan ang ginagawa ng nobya. Nakikipagtawanan ito sa mga kasama at kung minsa’y nakiki-warm-up. Minsa’y nagkakasalubong ang mga mata nila at kapag ganon ang nangyayari ay mabilis na lumilitaw ang ngiti sa labi ni Joy. Masaya sya dahil nakikita nyang masaya si Wendy. 

 

Maya-maya pa ay napuno na ng mga estudyante ng magkabilang team ang bleachers. Nasa likod ni Joy ang mga kaklase. Bukod sa mga ginawang pang-cheer ni Joy para sa nobya ay may ginawa ring pompoms at flags ang kanilang college. Ganon din sa cba, may mga balloons pa ang mga ito. So hindi lang pala sya ang nag effort. Ok.

 

Hindi nya napansin na papalapit na pala sa pwesto nya si Wendy. Nakangiti ito at pasimpleng kinukuhanan ang nakasimangot nyang nobya. Nagmalay na lamang ito nang maupo sya sa nakareserve na seat ni Yeri. “Ay tite!” napahiyaw si Joy matapos syang sundutin sa tagiliran ng manlalaro. 

 

“Gago ka!” Hinampas nya ito kahit pareho silang natawa. 

 

“Tite pala ah. Ge alis na ‘ko,” umakto itong aalis pero binatak sya agad ni Joy. 

 

“Ginugulat mo kasi ako. Alam mong magugulatin ako,” nilamutak nya ang mukha ng manlalaro. Syempre ok lang yon kasi mabango naman ang kamay nya. 

 

“Sorry na agagalet agad e. Kanina ang cute cute mo tapos ngayon gagalit ka kaagad." Inakbayan sya ng manlalaro. “Kase naman para kang tanga,” maarteng bulong ni Joy. Buti nalang magaling magconceal ng emotion si Irene kasi bibigwasan nya talaga sa ngalangala itong malalanding ito. Naiistorbo ang pag silay nya sa singkit na may cute na tenga.

 

“Sige na. Manuod nalang pala tayo. Ipagcheer mo naman yung pinsan mo, babi. Malakas kalaban nila sa CoEd.” Tinuro niya ang mga naka-asul na jersey na papasok pa lang ng court. Nakita nya yung nakalandian nya sa chat na si Eunwoo.

 

"Ay, lalaro pala yung kalandian mo dati?” May tono ng pang-aasar sa boses ni Wendy. Nakagawian na nila ang magtuksuhan tungkol sa mga past nila. Madalas na mapikon si Joy sa ganito.

 

“Ge, ipaalala mo pa,” sarkastiko nyang sagot. “Dapat di ko na kinwento sa ‘yo.”

 

“Joy, hindi tayo pwede, hindi pa ako nakaka-move on sa ex ko. Nag-uusap ulit kami,” panggagaya nya sa pahayag ng dating kalandian ni Joy nang tapusin nito ang ugnayan nilang dalawa.

 

“Edi wow. Kumustahin natin mamaya yung ex mo na pinagpalit ka sa matangkad,” ngisi ni Joy saka binaling ang tingin kay Rosie sa CBA. Kagaya nila ay kausap din ni Rosie ang jowang si Lisa na makakalaban nila Wendy mamaya.

 

“Sus, tangkad lang naman lamang non sakin. Pustahan panalo kami sa laban mamaya.” 

 

“Yabang mo yata? Sige anong pusta?” 

 

“Pag nanalo kami, ikikiss mo ako.” Tumaas ang isang kilay ng nobya. “Kapag naman natalo kami, ako kikiss sayo.” Pinagalaw ni Wendy ang kilay, tila nang aasar pa.

 

“Ulol? Baguhin mo!” Kunwari’y nayayamot na utos ni Joy. Sa totoo lang ay nahihiya sya kapag ganito si Wendy. Siya kasi talaga ang maharot sa kanilang dalawa. 

 

“Ano pala?”

 

“Sasayawan mo ako,” sya namang asar nito para makabawi sa pagkahiya.

 

“Apaka bastos ng bunganga mo hindi nga ako nasayaw. Ikaw 'tong dancer sa ‘ting dalawa diba? Kakantahan nalang kita,” napapakamot ulo na lang si Wendy.

 

“E lagi mo naman akong kinakantahan. Gusto ko saway.”

 

“Babi naman...”

 

“Di mo ako madadaan sa ganyan. Ikaw ang nagsimula nitong pustahan.”

 

“Bakit ba kita niligawan.”

 

“Masyado ka kasing nabighani sakin nung sumayaw ako sa year end natin.” naghair-flip pa si Joy to prove her point. Nakita nya ang tingin sa kanya ng nobya. Tinging mapusok ba. Alam nya namang hinihintay lang siya ni Wendy. Mutual ang desisyon na slow lang muna ang phasing ng relasyon nila. Nagstart sila as friends pero after a while, narealise nila na hindi ganon ang tingin nila sa isa't-isa kaya they started dating each other. 

 

“True, pero tangina naman kasi. Babi?” Parang natatae na ang mukha ni Wendy. Ayaw nya talagang sumayaw. Kalbuhin nyo na sya pero hindi talaga sya sasayaw...

 

Ng walang tama ng alak at kasama. 

 

“Edi ipanalo mo para di ka sumayaw?” 

 

Hindi na nakareklamo pa si Wendy dahil nagsalita na ang commentator para sa laban. Pumasok na ang mga kalahok sa court. Nilingkis ni Joy ang bisig sa braso ng nobya na nakikipag-usap naman kay Irene tungkol sa laro at gumamit ng mga jargons na wala syang time para intindihin. Habang nanunuod sila ay nagpapaliwanag sa kanya si Wendy about sa game. Napapakagat labi nalang sya habang nakikinig. Napaka-attractive nito tignan habang ipinapaliwanag ang laro. Sabagay, best in reporting naman talagang tunay ang jowa nya. Kung requirement ito sa klase ay baka may 59 slides na power point presentation na ito about volleyball.

 

“Hala gago nablock nila yon?!” Gulat na gulat sya nang maharang nina Chanyeol at Key ang tira ng kalaban. Nag-pose pa si Key at kumaway sa mga ka-course nya. Kasabay ng pag-echo ng tumamang bola ang cheer ng csbs. 

 

‘Baek tigasin!’ 

 

‘Laki naman ng titi nung nasa CoEd, mars’ 

 

‘True sis! Daks na daks. Dinadasalan ko na nga.’

 

‘Mga gaga titi lang yan i-cheer nyo mga ka-college nyo!’

 

‘GO CSBS!’

 

‘GO BILAT! GO BILAT! GO GO GO!’

 

‘Gago nasa baba si sir! Bobo!’ ‘Bayaan mo sya sabi nya magcheer daw?!’ 

 

Ginanahan tuloy ng slight si Joy at nagsimulang sabayan ang pagchi-cheer. Masaya naman pala manuod ng voll

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
germsrocket #1
Chapter 1: Tangsjdjdkd naman talaga
grabih ba yung kilig ko hahahaa
mag update ka na otor-nim
magsusummer na naman
mga istorya mo lang nagpapakilig sakin ngayun eh chaaarr
sailorcee
#2
Chapter 1: Sana all talaga 😭😂 Ayieeeeutt luh kakilig sksksksksk Sana ol chinecheer ang jowa sa volleyball game. Sana ol meron jowa 😢 Namiss ko tuloy yun mga pinaggagawa namin sa palaro last year 😳😢
Mar857
#3
Chapter 1: Kinilig ako hsshshjsbsjsbshsjsb kainis "SANA ALL" hahaha😅😅😅 naging player din ako ng badminton at volleyball peo walang jowang ngcheer hahaha Peo the best yung background music... Lol🤣🤣🤣 the best din yung scene ni Yeri OMG pg ako yun papalamon na aku sa lupa hahaha
honeyblood17
#4
Chapter 1: Iba talaga ang dating sa akin pag Tagalog ang RV fic. Iba yung impact ng landi, hugot at humor. Mula sa simpleng landi ni Irene at medyo may hiyang harot ni Yeri hanggang sa walang hiyang harot ng mag awoj na WenJoy.
scyxxx
#5
Chapter 1: LA POTA KINILIG TUMBONG KO
nkogneato
#6
Chapter 1: sana all nga talaga. Pero yung background music ampota ayusin nyo oyyy. Hahahahahah
redsummer0801
#7
Chapter 1: TANGINA NYO AYUSIN NYO BACKGROUND MUSIC HAHAHA BAKIT CARELESS WHISPER