1.

Lugaw? Lugaw.

 

CAELA FRANCESCA POV

 

Bilang kaibigan, mahalagang alam mo ang limitasyon ng iyong nararamdaman, ang kaso nga lang, alam mo nga kung hanggang saan, pero hindi mo naman alam kung hanggang kailan. Dyahe.

 

“Where do you see yourself in ten years?" My bestfriend asked.

 

“Sa altar sana— sa harap mo.” I joked.

 

“Joke time ka lagi, tol!” She shaked her head.

 

Xavérie, rolled her eyes at me. Nag kibit balikat ako at kinagat ang labi bago saluhin ang paint brush na ibinato niya kasi nagpipinta siya ngayon. It’s one of her hobby these days. Painting.

 

Pinagmasdan ko ang kabuuan niya. Kulang ang mga salitang nag babadyang lumabas galing sa isip ko sa kung anong gusto kong sabihin sa kanya, sa ganda niya— at kulang ang ganda para doon.

 

"Ten years? Maraming pwedeng mangyari sa loob ng sampung taon, at nasa sa atin na ‘yon kung paano natin susungkitin ang mga pagkakataon.” Sambit ko at ibinalik na ang paint brush niya.

 

“Susungkitin? Bakit? Mangingisda ka ba?” Siya yung joke time, e.

 

“I mean—.”

 

“Wait, pagkakataon what?”

 

“To make everything alright in the future, dahil ang kinabukasan natin ay nakasalalay sa bawat araw na dumadaan at kasama na roon yung ating pinagdadaaanan.” Saad ko paOh, tapos, Cael?”

 

“Kaya kahit sabihin ko ngayon kung saan ko nakikita ang sarili ko after ten years, it’s not important. Ang mahalaga ay yung maayos ko muna ang buhay ko ngayon.” I said. “Pero malay mo, sa’yo ko pala makita ang sarili ko?” I winked at her then laughed.

 

She raised her middle finger at nag patuloy na lang sa pagpipinta.

 

I just know in my heart na isinasaisip at puso niya ang mga sinasabi ko. I’ve known Xavérie for years, kahit ganyan ‘yan ay malalim siyang tao na kahit ipinapakita niya ang kanyang sarili sa buong mundo ay sigurado akong mayroon pa rin siyang itinatago. I was young, I didn't know what I was saying that time.

 

Kung siya kaya ang tanungin ko? Ano kayang sasabihin niya?

 

Sayang, hindi ko na sana iniisip ang magiging sagot niya hanggang ngayon. Tatlong taon na ang lumipas at unti-unti kong nakikita kung saan ang destinasyon niya pag lipas ng pitong taon.

 

She’s happy with her girlfriend, her very first serious girlfriend—

 

When she’s with that woman, ‘yun na yung peak ng pagiging masaya niya. And I wanna thank that woman because she made my bestfriend genuinely happy until one day, something unexpectedly happened.

 

"Tangina, Cae— Mahal na mahal ko 'yon, e." Ani Xav at iniyukom ang kamao. "Mahal na mahal ko." Hinayaan ko siyang mag salita.

 

Mababaw ang luha ni Xavérie. Taasan mo lang siya ng boses o samaan mo lang siya ng tingin ay manghihina na siya at mangingilid na sa mga mata ang luha, paano kaya kapag niloko pa siya ng pinakamamahal niya? Ang hirap ng sitwasyon na ‘to—

 

Tangina, ‘di ba? Just looking at my bestfriend crying makes me want to kill the person who hurt her but I won't do that. it.

 

"Xav, calm down." Pagpapakalma ko at umupo sa hospital bed kung saan nakahiga siya. Her eyes were bloodshot, at para na rin akong binaril dahil nasaktan ako na makita siyang ganito.

 

Xavérie was hospitalized after drinking too much alcohol. Pagkatapos niyang libutin ang inuman sa Katipunan, she found one of our friends in UST kaya ayun, parehas silang nag lasing at isinugod sa hospital. Hindi naman nag-iinom ang kaibigan kong 'yan, but because of her ing ex-gf cheated on her, she did that.

 

“Tumahan ka na..."

 

"I can't make tahan."

 

"Patatahanin kita."

 

Inayos ko ang kanyang higa sa kama. Tinapik ko ang kanyang balikat hanggang siya'y makatulog na. I bit my lip and tucked her hair gently. Ang ganda talaga ni Xavérie, ang bait pa kapag tulog.

 

"Caela."

 

"Oh?" It's Aleck with her girlfriend.

 

"Ako na muna rito. Mag pahinga ka na muna."

 

"Okay lang, narito na ang pahinga ko." I whispered.

 

"May sinasabi ka ba?" She asked. “Anong pahinga mo?”

 

I smiled at her jowa kahit na may pagka-masungit ‘yon. Pahinga, makita ko lang na maayos ang kalagayan ni Xav, okay na ‘ko roon.

 

“Sa sofa na lang kako ako mag papahinga.” I said.

 

"Pasko na sa isang linggo. 'di ka uuwi ng Bataan?"

 

"Dito na lang muna ako, Aleck.”

 

"Okay.” Inosente niyang sambit at binuksan ang tv.

 

"Patayin mo."

 

"Sino?" Her eyes widened.

 

"Yung tv." Itinuro ko si Xav na mahimbing ang tulog.

 

"Hala, sorry!" Aleck gave me a peace sign and sat on the sofa. Pupunta pa rito, makikipaglandian lang pala sa girlfriend niya.

 

Puta, kainggit, ah!

 

Humikab ako, ilang oras na rin pala ang lumipas. Xavérie is still sleeping. Nag paalam muna ako kay Aleck na lalabas ako para bumili ng kape— hindi para sa'kin kundi para kay Xavérie. Paborito niya 'yon, e. Iyon na ata ang lakas niya, at iyon rin ang kahinaan ng kaibigan kong nasa harapan ko. She look so weak

 

“Ace? Aren't you confined? What are you doing here?"

 

"I need to talk to Wynona." What the hell? In that state?

 

But Wynona visited her earlier? Magkasabay kaming dumating kanina dito sa hospital. Hindi ba sila nag kita? I was about to say something but I saw her na sumakay ng sasakyan. Hindi maganda kutob ko. Tatawagan ko sana si Wyn but Aleck texted.

 

"Gising na si Xavérie."

 

“Hanap ka niya, Cae.”

 

“Dala ka ngang pagkain.”

 

Oh, right. Kailangan ko nang bumili ng coffee.

 

Itinago ko ang aking telepono at nag hanap ng store na bukas pa. It's already midnight. Sana nga, may bukas pa. Nag-ikot ako pero wala na talaga. Ayoko naman na ibigay lang kay Xavérie ay kape galing sa vending machine kasi gusto ng senyorita ay mamahalin.

 

I parked my car on the corner of the street at bumaba sa harap ng restaurant na maliwanag at maraming tao. Palagay ko’y walang kape rito pero pumasok pa rin ako sa loob para magbakasakali—

 

Lugaw, lugaw na lang muna ang ibibigay ko sa kanya.

 

Sarado na kasi ang tindahan ng kape, lugawan na lang ang bukas.

 

“Ate, pa order ng lugaw.”

 

“Special po ba o regular?” The waitress asked. Madaling araw na pero umaapaw pa rin ang energy niya. Ngumiti ako bago sumagot.

 

“Yung special, yung maraming laman, yung may itlog, may tokwa, at yung best seller niyong lugaw, ate. Pinakamasarap dapat, ah.”

 

“Sige, ma’am! Nawa’y maging special rin kayo sa taong pagbibigyan niyo ng lugaw.” Sumaludo siya at inabot ang pera na ibinayad ko. “Pwede natin ‘yan lagyan ng gayuma, ma’am!” I shrugged it off. She gave me a peace sign. Nakita ko ang name plate niya at nakalagay roon ang pangalan na “Maxima.” Okay.

 

I sat on the chair and think of Xavérie. Iniisip ko rin ang pag-uwi ko sa Bataan, ang hirap niyang iwanan sa hospital lalo na’t magpapasko. Her parents aren’t there to take care of her, her sisters are having life issues. She really has a problematic family.

 

So I have to be there for her as her bestfriend. ‘Yun ang role ko sa buhay niya, gagawin ko ang mga responsibilidad para sa kanya—

 

Pag balik ko sa hospital ay naabutan ko siyang tulala. She pouted her lips at inayos ang mga swero. “Xavérie, kumain ka na muna.”

 

She slowly nodded her head. “Nasaan na ba ang kape ko?” I asked.

 

“Sarado na yung tindahan nung kapeng binibilhan mo. I know you, ‘yun lang naman ang iniinom mo. Masyado kang choosy, e.”

 

“E, ano ‘yang dala mo?” She asked curiously. Inayos ko ito para ipa-kain sa kanya. I turned around at nakita ko ang curious niyang mukha. Kumunot ang noo niya dahil natatakam na siya.

 

“Lugaw?” She asked.

 

“Lugaw.” I anwered.

 

She smiled at me softly. At kung anong lambot ng ngiting ‘yon ay siyang lambot ng aking puso para sa kaibigan ko. Hindi ko talaga patatawarin ang kahit sinong mananakit sa taong ‘to, in the first place, hindi niya naman deserve masaktan. Kahit ako na lang, ‘wag na ang aking kaibigan. Xavérie should be loved. I swear it.

 

“Cae, may ticket ka na ba para sa UP Fair?”

 

“Bakit? Yayayain mo ba ‘kong mag date?” I joked.

 

“Luh! Papalibre lang ako sa’yo!”

 

“Tingnan mo ‘to! Anak ng doctor at engineer tapos kung mag kuripot ka daig mo pa walang allowance. ‘Wag ako lokohin mo.”

 

“E, wala na naman talaga akong allowance!”

 

“Saan na naman napunta ‘yan, Xav?”

 

“Pinangbili ko ng computer set.” She laughs. “I’ll try something.”

 

“Bakit? Makakain mo ba ‘yon? ‘Pag ikaw pinagalitan na naman ni Westley— lumalabo na lalo ‘yang mata mo—.” She cutted me off.

 

“Hayaan mo na ‘yon si Wes, pucha! 350 lang ticket sa fair.”

 

“Yun na nga, e. 350 lang wala ka pa. Kuripot, amputa!”

 

“Ayaw akong bigyan ng pera ni Wynona.”

 

“Bakit?”

 

“Broken hearted.” My brows furrowed.

 

“Ilibre mo na ‘ko! Graduate na tayo sa March— malay mo ito na pala huli nating fair, Caela. Pagkakataon mo na ‘to para maging date ako sa fair, yung iba nga d’yan nagmamakaawa pa sila, e.”

 

Xavérie, dakilang scammer talaga kahit kailan.

 

“Ililibre kita.” I smirked. “Sa isang kondisyon.”

 

“Oh, ano?” Pag susungit niya. Hindi naman bagay.

 

“Kiss muna kita.” Pang-aasar ko.

 

“‘Yun lang pala!” Umupo siya sa tabi ko at umakbay pa. Nabigla ako sa ginawa niya. Inilapit niya ang kanyang pisngi sa’kin at nagrereklamo dahil hanggang ngayon ay ‘di ko pa rin siya hinahalikan. Tumawa ako ng malakas dahil para lang sa ticket ay nagkakaganito siya. I kissed her cheeks at pinahid niya agad.

 

Arte.

 

“Libre mo ‘ko, ah!” Aniya at inayos ang scarf. Kahit anong season ng panahon palaging may suot na scarf. At halos lahat na ata ng kulay ng scarf ay mayroon siya. Hindi mabubuhay ng wala ‘yon.

 

“May isa pang kondisyon.” I smiled at her.

 

“Ano na naman, Francesca?”

 

“Kiss mo ‘ko.” I winked at her pero nag make face lang siya. ‘Yun kasi ang pinaka-ayaw niya, e. Yung siya ang hahalik. Masyadong pihikan ang kaibigan kong ‘to. Ayaw ipadikit ang labi sa balat ng iba. Pustahan tayo, wala pang first kiss ‘yan at hindi marunong humalik kahit hindi na mabilang sa daliri ang naging jowa niya.

 

“Ay, marami nga pala ‘kong pera.” Aniya at umiling bago ayusin ang blueprint para sa final project niya. “Puro blue bill pa, Caela.”

 

I laughed. Edi ‘wag. Kiss lang naman, e. “Anong plano mo dyan?”

 

“Mananatiling plano na lang.” She shrugged it off at tumahimik.

 

Sa pagkakaalam ko, dream house nila ‘yon nang manloloko niyang ex-girlfriend, e. Grabe lang yung dedication na ‘yun pa yung research niya. Alam ko naman na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya pero i’m glad na hindi siya katulad ng iba.

 

Hindi niya ginawang rason ang masaktan para kalimutan ang dapat pagtuunan ng pansinin which is ang sarili niya. Dapat lang.

 

We’re sitting on the bench in front of Sunken Garden right now.

 

Pinapanood niya ang pag baba ng araw habang pinapanood ko naman siya. Ano kaya ang pakiramdam na mag padulas sa ilong ni Xav? Ang tangos, e. Nag-iwas na ‘ko ng tingin nang malipat sa labi niya ang mga tingin ko. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang magkabilang pisngi ko at agad itong ihinarap sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay dahil taka ako sa inaakto niya.

 

“Bitaw, gago!”

 

Tahimik ang paligid at parang may mga paru-parong umaaligid sa tiyan ko. Ngumisi siya at marahang hinalikan ang pisngi ko.

 

Hindi ko alam kung bakit ganito.

 

Tanginang mga paru-paro ‘to.

 

Traydor.

 

Akala ko ba kakampi ko kayo?

 

“UP Fair, ah. Elements.” Bulong niya at iniwan akong mag-isa.

 

At dahil masunurin akong kaibigan, I bought a ticket for her. Muntik pa nga ‘kong maubusan ng ticket dahil last money ko na yung isang libo na hawak ko kahapon pero okay lang, si Xavérie naman ‘yon. Ang pera, mababawi. Ang alaala, hindi. That’s it—

 

“Napapadalas, ah.” Bulong ng pamilyar na boses at tumabi sa’kin sa harap ng kainan dito sa Area 2. Inagaw pa yung shawarma ko.

 

“Ang alin?” Tanong ko kay Aleck.

 

“Ang pagiging marupok mo para kay Xavérie.”

 

“Tol, i’m trying my best to make her happy. Atleast, it’s working naman. ‘Wag naman sana maging negatibo ang tingin mo roon…”

 

“No naman, but do you like her?” Aleck asked.

 

“She’s my bestfriend. Of course, I like her.”

 

“You know what I mean, Francesca. I like her din as a friend.”

 

“Aleck, siguro, kung ano na lang yung nakikita ng mga mata mo, ‘yun na lang ang paniwalaan mo. Masyado kang usisera, e, ano?”

 

“Daming sinabi, pucha! Oo at hindi lang sagot!” I shrugged it off.

 

“Advice lang. Mahirap ‘yan, napakahirap. It’s a trap.”

 

“Rhyme, amputa.” I said.

 

“Kung ‘di ko lang kaibigan si Xav baka matagal ko na siyang niligawan kaso tol, kaibigan ko ‘yon. Hindi ko magagawang taluhin ang kaibigan. Isa pa, mahirap kasing pumatol sa kaibigan, tol. Alam mo yung sobrang close niyong dalawa, tas hindi mo namamalayan na hulog na hulog ka na pala habang itinataas mo ang nararamdaman mo para sa kanya? Talo ka doon kapag friendzoned ka, tol. At masakit din yung feeling na akala mo gusto ka niya pero feeling mo lang ‘yon kasi tol, feelingera ka at gano’n lang talaga siya hindi lang sa’yo kundi sa lahat. At ang kaibigan—.” I cutted her off. She emphasized the word “tol.” Ugh.

 

“Putangina mo. Tumigil ka na. Nakakarindi ka.”

 

“Oh, ba’t ka gagalit?” She laughs.

 

“For sure ‘di ka sasagutin no’n kahit ligawan mo pa ‘yon.” I said.

 

“E, sino pala ang sasagutin? Ikaw?”

 

“Masyado kang malisyosa, Valentin.”

 

“Whatever, Francesca.”

 

She patted my back nang makita na papunta si Xav dito sa direksyon namin. Tinulak niya ako dahilan para muntik na ‘kong mag subsob sa damuhan but Xav held my arm at nagtataka kaming tiningnan.Tangina mo, Leck.” I raised my middle finger.

 

“Atleast, sinalo ka.” She laughs.

 

“Anong meron?” Xavérie asked.

 

“Kayo.” Aleck pointed me and Xavérie.

 

“Huh?” Sabay naming sagot.

 

“Kayo kako ni Caela may nakuha na raw na ticket.”

 

Malapit ko na ‘tong suntukin, e.

 

“Ikaw, Leck? Punta ka ba?” Xav asked.

 

“Pupunta kami ng girlfriend ko sa Cebu this valentines.”

 

“Wow, Cebu. Ikaw, Cae?” I raised my brow at Xavérie.

 

“Oh, ano?”

 

“Gusto mo Cebuhay ko?” She giggled.

 

“Parang gago.” Patulan ko ‘to, e. Malapit lapit na talaga.

 

“Single yung kaibigan ni jowa, Xav. Gusto mo ba ipakilala kita?”

 

“Tanong mo muna kung naka-move on na. Bobo mo.”

 

“Xav, naka-move on ka na ba?” Tinanong nga, amputa.

 

“Mama mo move on.” Sagot ni Xavérie at umirap.

 

“As if naman mag jowa ‘yan, allergic na nga sa babae ‘yan.” I said.

 

“Malay mo lalaki pala yung kaibigan ng jowa ko, ‘no?”

 

“Mas lalong allergic sa lalaki ‘yan.” Sambit ko.

 

“Feeling ko yung susunod sa’tin tatlo na magpapaalam para pumunta ng Cebu ay si Xav tas malay mo ikaw ang kasama, Cae.”

 

“Wag mo i-jinx, tanga!” Sabi ko at tumawa.

 

“Tangina! Pinag-uusapan ako sa harapan ko, ah.” Singhal ni Xav.

 

“Okay na ‘yon kaysa naman backstabber—.”

 

Isinubo ko kay Aleck yung hawak kong pagkain para manahimik.

 

“Ako? ‘di mo susubuan?” Pagrereklamo ni Xavérie.

 

Ngumisi ako at umiling. “Kaya mo na ‘yan. Malaki ka na, e.”

 

“Subuan mo! Nagpapalambing.” Aleck whispered.

 

“Gago! Wala naman akong ginagawa.” I said.

 

“Sus, kahit wala kang gawin— gusto mong may gawin!”

 

“Tangina mo, Aleck.”

 

“Sino kausap ko rito? Hangin ba?” Xav asked.

 

“Subuan mo na, Cae! Napakahina mo naman! Ang daan patungo sa puso ng isang tao ay tiyan—.”

 

“Gago! Shut up!” At muli ko siyang sinubuan ng pagkain.

 

“May tinatago kayo sa’kin?” Pinaningkitan kami ng mata ni Xav. Nagkatitigan kami ni Aleck at sumenyas na siya na ang sumagot.

 

“Ako, wala. Baka si Cae, mayroon.”

 

“Oh? Ano raw tinatago?”

 

“Pagtingin!” Tangina.

 

“Huh?”

 

“Hudas ka, Valentin!” Kinurot ko ang tagiliran niya kaya agad niyang itinaas ang dalawa niyang kamay para tumigil na sa asar.

 

Isa sa mga factor ang pang-aasar ni Aleck kung bakit lumakas ang loob ko. I don’t know? If this that i’m feeling right now is a very serious matter or just for fun basta ang alam ko, kahit mag mukha akong tanga, mapasaya ko lang si Xav, i’m fine with that.

 

Kumbaga sa research, ang objective ko in life ay dapat palaging masaya si Xavérie. I still remember that day, that one sweet day when everything feels so surreal. Para na ‘kong tumama sa lotto.

 

…pero hindi naman ako ang inaasahang manalo.

 

“Cae.”

 

“Xav.”

 

“What do you think of marriage?”

 

“That’s a very sacred topic, Xav.”

 

“Right.”

 

“Why are you asking me that?”

 

“Oh, it’s about Wynona lang.”

 

“Wynona… she’s getting married?”

 

“A fixed marriage with Ace. But they’re not in good terms.”

 

“I knew it.”

 

“Alam mo yung tungkol sa kanila?”

 

“Tanga na lang ang hindi makakaalam.”

 

“Edi, tanga ako?” She pouted.

 

“Of course, not.”

 

“Kiss mo nga ‘ko.”

 

“Luh, pa-fall ka.” Pagbibiro ko pa kaya parehas kaming tumawa.

 

We’re so used of flirting to each other so much. It’s nothing serious.

 

“Mamamatay na ata akong single.”

 

“Walang mamamatay, Xavérie.”

 

“Pero may single.” Ikamamatay niya ba mawalan ng jowa?

 

“Xav, why don’t we make a deal.” I smirked.

 

“What deal? Like yung sa tv show? Deal or no deal?”

 

“Gago, hindi!” I said.

 

“Then what?”

 

“Kapag trenta na tayo and we’re both single, why don’t we marry each other instead?” I asked seriously. Wala namang masama, eh.

 

“Crush mo ba ‘ko? Ba’t gusto mo ‘kong pakasalan? Deliks sa’yo.”

 

“Luh! It’s a deal.” I rolled my eyes.

 

“So are you saying na I should look for the one para—.”

 

“Oo, para ‘di ka sa’kin mapunta. Para mag hanap ka ng iba. I’m giving you a chance as your bestfriend. Pero kung ‘di ka nakahanap, baka hindi na kita pakawalan.” I said. “Seryoso ako.”

 

“Bakit pa ‘ko maghahanap ng iba kung nand’yan ka naman?”

 

“Pwedeng nandito ako— pero baka hindi ako ang para sa’yo.”

 

“Are you confessing your love or am I being friendzoned?”

 

“It’s just a talk, Xav. A deal. I really don’t want to depend on the future.” Kasi kahit naman isipin ko ang posibilidad, mas gusto ko isipin ang ngayon. But people’s perspectives are changing, right?

 

Nakakatakot na bumaliktad ang mundo at umiba ihip ng hangin.

 

“Okay, deal.” She smiled and gave me a thumbs up.

 

“Right.”

 

"Technically, 'pag 30 ka na, 32 na 'ko." She laughs.

 

"Gurang ka na no'n." Pang-aasar ko but she rolled her eyes.

 

“Wala bang deal na kung sino unang ma-inlove… talo?” She joked.

 

“Sus! Mag move on ka muna!” Pang-aasar ko.

 

Parehas kaming tumawa at napa-iling bago bumaba ng sasakyan. May pupuntahan pa kaming fair. Our last probably. I’ll miss this.

 

Tangina. Unang kanta pa lang parang gusto ko nang umuwi, ah.

 

Umiiyak ka na naman

Langya talaga wala ka bang ibang alam

Namumugtong mga mata

Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa

 

I looked at her at bakas pa rin ang lungkot sa mga mata niya. Kahit sino naman siguro malulungkot sa kantang ‘to. Umakbay ako at ngumiti sa kanya. Inayos ko ang suot niyang balabal pero itinaas niya lang ‘to at ipinangtakip sa mukha na ikinataka ko—

 

“Okay ka lang?” She raised her hand and gave me a thumbs up.

 

Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nagkasama

Iilang ulit palang kitang makitang masaya

Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya

Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong

 

“Tunay na halaga.” Pag sabay ko sa pag-awit ng bokalista.

 

Sa lakas ng tugtog at sigawan ng aking nasa paligid ay bigla itong humina at tila ba lumakas ang pag hikbi ni Xavérie. She’s crying.

 

“Bakit ka umiiyak?”

 

“Hindi, ah!”

 

“Gago, ano?”

 

“Nag form lang ng water yung eyes ko!”

 

Xavérie and her excuses when she cries.

 

I checked her face, dahan-dahan kong ibinaba ang scarf para alisin sa mukha niya. She held her scarf but I removed it and hugged her. “Everything will be alright, Xav. I’ll assure you that.”

 

Minsan hindi ko maintindihan

Parang ang buhay natin ay napagti-tripan

Medyo malabo yata ang mundo

Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko

 

“Pasasayahin kita hangga’t hindi mo nahahanap ang magpapasaya sa’yo.” Bulong ko at hinagod ang kanyang likuran.

 

“Uwi na tayo.”

 

Tanginang banda ‘to, pinaiyak pa nga ang bestfriend ko.

 

“Sure?”

 

“Yeah, bawi na lang tayo— kapag okay na ‘ko.”

 

“Right, i’ll wait.”

 

Maraming iniyakan si Xavérie bago ang graduation. Hindi ko naman maipagkakaila na nangunguna yung ex niya, pangalawa ang pamilya niya, pangatlo, nung review namin for board exam.

 

I was always there for her sa lahat ng bagay na kahit hindi niya ‘ko kailangan, gusto kong ibigay ang mayroon sa’kin. Gano’n naman talaga, lahat ibibigay mo, umayon lang sa’yo ang mundo.

 

Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit, at hindi rin ako naghihintay ng sagot, I just want her to feel that she’s loved, because people around her failed to do that. “Architect Nicolas…”

 

“Architect Zamora.” I greeted her.

 

We passed the board exam together with Aleck.

 

“May plano ka na?” I asked.

 

“Wynona wants me to work for the company but I refused.”

 

“Because?”

 

“I’m planning to build a firm, Cae.”

 

“Oh, a firm.”

 

“What did your sister say?”

 

“She didn’t agreed.” And I saw her cried that night while talking about her dreams. Maraming pangarap si Xavérie. Napakarami…

 

Hindi ko na mabilang ang mga luhang pumapatak galing sa mga mata niya, pero isa lang ang maipapangako ko, bilang kaibigan, hangga’t may luhang pumapatak d’yan, tiyak ako’y kanyang maaasahan. At kung hindi ko man matupad ang pangakong ‘yon, siguro… natauhan na ‘ko, kasi napagtanto kong… kaibigan lang.

 

Years later, we’re still together… as bestfriends. Nang maiparada ko ang sasakyan ay may kantang tumugtog mula sa stereo. Napapanahon, napapanahon nga naman talaga ang awitin na ito.

 

I pray for all your love

Girl our love is so unreal

 

To: Xavie

 

Dito ako sa labas ng bahay niyo.

 

Papasok na ‘ko, ha?

 

From: Xavie

 

Okay, dito ‘ko sa kwarto.

 

To: Xavie

 

Papasok na ‘ko sa puso mo, ha?

 

From: Xavie

 

Sarado.

 

I fell in love with my best friend

I remember when I said I'd always be there

Ever since we were ten—

 

Ang aga aga, umiinit ang ulo ko sa kanta. Umiling ako at kinuha ang ticket na hawak ko bago bumaba ng sasakyan. Agad akong pumunta ng kwarto niya. And I think I just witnessed another heart break— no, it’s more like her rants but it’s not that deep—

 

“Natalia…”

 

“What’s with her?”

 

We’re in her room right now, mula ata nang mag resign siya ay hindi na siya lumabas ng kwarto na ‘to. Panay rin ang reklamo niya sa pananakit ng kanyang ulo. I just hope it’s just nothing—

 

“Pagkatapos niya ‘ko bustedin, tsaka niya ‘ko hahabulin!” Xav.

 

Para siyang bata na hindi binigyan ng candy.

 

“Are you saying na after ka niyang i-reject, she’s giving motives?

 

“Not to be assuming but I think so.” Aniya at kinagat ang labi.

 

“Why would you even think of that?” I bit my lip too.

 

“I mean, if you really know the person and you made a mistake, no, let’s not say it’s a mistake, sabihin na lang natin na may ginawa kang not right for the both of you— of course, you’ll notice the changes if there’s something going on between the two of you.”

 

“So, bothered ka?” Mula nung kaarawan niya ay lagi na lang niyang bukang bibig ‘yon, sa sobrang bitter niya ay hindi na siya umiinom ng kape… na wala raw creamer. Kahit kailan talaga, e.

 

But her happy place, Intramuros… mukhang isinumpa niya na.

 

“Bothered na?”

 

“Na ganyan siya umasta, Xavérie.”

 

“No, it’s just that— why?

 

“Why don’t you ask her?”

 

“I asked her a thousand times— she’s said it’s nothing.”

 

“Oh, nothing. But why are you acting like that?”

 

“We talked and we’re both clear about it but I don’t want to give her a false hope if that motive or intention has a meaning. ‘di porket I feel something for her before mabilis na ‘kong bibigay sa kanya. I want her to realize that— but she’s being so insensitive.”

 

“Wow. Grabe naman yung character development. Hindi ka na marupok ngayon?” She asked and laughed so I throw her a pillow.

 

“I have a soft spot for her, yes. Pero hindi na katulad nung mga panahon na gusto ko siya— gusto ko siyang makita at kasama…”

 

“Ganyan ka talaga, e, ‘no? Iniisip mo yung nararamdaman ng tao for them to avoid the heartbreak, not knowing na your own heart is— luhaan, sugatan, at ‘di mapakinabangan. ‘di ka bayani, Xav.”

 

“Cae, alam mo, nando’n na kasi ako sa point na kung pwede naman pigilan, bakit hindi mo pa simulan? But whatever.” I said.

 

“Pwede mong pigilan— pero hindi porket pwede ay dapat.” Right.

 

“It’s been almost four months after the talk you had in Intramuros. Wala tayong magagawa if she’s acting like that— pero ikaw, may magagawa ka. Let her do that basta alam mong tapos ka na, Xav.”

 

“Ano pa nga ba?” She shrugged it off and sat on her bed. Masyado na kaming matanda para mag drama ni Xavérie. I throw a pillow on her head. “Umayos ka! Ginugulo mo na naman yung kama ko.”

 

Hindi ako nag salita at hinawakan ang balikat niya, gulat siya nang mapagtanto niya ang gagawin ko sa kanya because I held her neck at kiniliti siya roon hanggang mapahiga na siya sa kama.

 

“Gago! Stop tickling me!” Now, she’s on top of me to make revenge.

 

“Wow, akala ko ba meryenda lang—.”

 

She cutted me off by throwing a pillow on my face.

 

“Wow, violent! I like it.” I smirked at her.

 

But we stopped when someone opened the door. It’s her mother. Parehas kaming tumingin kay Mamita— she’s nodding her head at isinara na ang pinto bago umalis. Umalis siya sa ibabaw ko at umiling. “Tangina ka! Tigil na.” Humalakhak lang ako sa narinig.

 

“Kuhang kuha mo talaga mga kiliti ko, e, ‘no?” She rolled her eyes.

 

“Ikaw na yung susunod.” Sambit ko at ngumisi sa kanya.

 

“Sa bagal mong ‘yan, feeling ko mauuna pa si Lord.”

 

Anong ibig sabihin niya? May inaasahan ba siyang mangyari?

 

I sat on her bed at pinagmasdan siyang ayusin ang computer niya, parang dati lang inuubos niya ang allowance niya para unti-unting bumili ng gamit but now, kumikita na siya ng pera doon. Isa pa, after all these years, matutupad na ang pangarap niya, mag patayo ng sariling firm na she can call her own, words can’t explain how proud I am for Xavérie. Sobra— kulang ang salita.

 

“How’s your firm?”

 

“Fine, under construction.”

 

“Parang wala ka naman atang gana sagutin ‘yon?”

 

“Ewan ko ba— nagkaroon kasi ng aberya nung nakaraan, at ang sabi ko kila Dad kaya ko naman ayusin ‘yon nang mag-isa but they still fixed it— you know, their ways.” Irita niyang sambit.

 

“Talagang gusto mo nang makawala sa kanila, ‘no?” I said.

 

“Makawala sa comfort zone kako— Actually, dapat noon pa, e.”

 

“Ang mahalaga, nand’yan ka na ngayon. Living the life, Xav.”

 

“Keith.” Panunukso niya. “What?” Taka kong tanong.

 

“Keith. I mean, anong mayroon sa inyo ni Keith?”

 

“Uh, that. We’re just friends.” I said and played with 4th.

 

“Nag paalam ka sa’kin kung okay lang na magustuhan mo siya.”

 

“Yes, kasi gusto ko, positive sa’yo, pero kung ayaw mo, hahanap ako ng pasado, ‘di ba? Knowing you, nilalait mo kasi mga fling ko.”

 

“Pero mukhang mabait naman si Keith.” She giggled.

 

“Kaya ba siya mukhang mabait sa’yo kasi kaibigan siya ni Isa?”

 

“Huh?” Inosente niyang saad. “Nevermind.”

 

I don’t know if that woman is gonna be Xav’s downfall or salvation.

 

“Pero seryoso? Friends lang kayo?” Usisa niya pa.

 

“Yeah, why?” My brows furrowed.

 

“Nakakapagtaka lang kasi na hindi ka naman nagsisimba.” Kung alam mo lang na ikaw ang pinapanalangin ko… “Pero kinumpleto mo ang simbang gabi." ...maririndi kang marinig ang pangalan mo.

 

“Normal lang ‘yon sa magkaibigan, Xav.” I answered.

 

“Kilala na siya ng mga pusa mo. Lagi rin kayong magkasama.”

 

“Kung nagseselos ka, umamin ka na sa’kin.” I joked.

 

But she just shaked her head and placed her hands on her waist.

 

“Pero baka kasi pinipigilan mo lang ang sarili mo na magkagusto sa iba ng dahil sa’kin. Ng dahil sa sasabihin ko. And our deal—.”

 

“It has nothing to do with it, Xav.” I said.

 

“You’re my bestfriend, kung may tao na hindi ko kayang mawala sa buhay ko, ikaw ‘yon. At gusto ko,” She her lower lip. “Hangga’t hindi tayo umaabot ng 30, do what you want. Gustuhin mo kung ano talaga gusto mo, Caela...” She looked me in the eye.

 

“Paano kung ikaw pala talaga ang gusto ko?”

 

Paano nga ba kung siya talaga ang gusto ko? Paano na ako?

 

At pagkatapos ng sampung taon, ito na ba yung pagkakataon?

 

“Cae, you can have a nice life without me.” She said seriously.

 

“Why are you always talking about you leaving me?”

 

“Because—.”

 

“It is so frustrating, Xavérie.”

 

“Ihinahanda ko lang ang sarili mo… kung sakaling mawala ako.”

 

“Hindi ka mawawala… hindi ko hahayaan ‘yon.”

 

“Hindi mo hahayaan, oo alam ko, pero hindi mo mapipigilan.”

 

“What are you talking about?” I asked curiosly.

 

A tear fell from her eye. Hinubad niya ang kanyang salamin at umupo sa tabi ko. “Caela, this headache is not just a headache…”

 

Putangina. “No, Xavérie. No, you’re overthinking things again.”

 

“Cae, what if hindi na ‘ko umabot ng 30?” Tila ba pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa aking narinig. Ang mga paru-paro sa aking tiyan ay tumigil sa pag lipad dahil ito’y kumukupad. “Cae.”

 

“Stop talking about it. I’m always praying for you, at ikaw— ang palaging laman ng mga dasal ko kaya hangga’t nandito ka, ‘wag mong bilangin ang mga araw na nabubuhay ka, umiyak ka lang dahil ‘di ako magsasawang bilangin ang pag patak ng luha mo…”

 

I waited for her to calm down, naalala ko ang tinanong niya sa’kin noon, saan ko nga ba nakikita ang sarili ko pag lipas ng sampung taon? Noon ay gusto kong malaman ang sagot niya tungkol doon pero hindi na ‘yon mahalaga ngayon, dahil sa tingin ko, alam ko na kung saan siya pupunta, pero sana hindi naman masyadong maaga.

 

At okay lang sa’kin na mapunta siya sa iba, ‘wag lang sa piling niya, ng maykapal dahil gusto ko pang maramdaman niya ang tunay na depinisyon ng pagmamahal.

 

“Mahuhuli na tayo sa UP Fair, Cae. Pero kumain muna tayo ng lugaw." I nodded my head and sincerely smiled at my bestfriend.

 

Siya ay... laging uunawain, ganyan ako wasakin.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pajamaaanews #1
Chapter 1: Caelaaa :(((
yxzrllx #2
Chapter 1: ang ganda lang.
Mar857
#3
Chapter 1: Penge ng isang Caela Francesca Nicolas... Ang sarap ng my ganyang bestfriend... Yung mahal na mahal ka at gagawin an lahat para lan sumaya ka... Ang sarap mahalin pabalik ng ganyang klase nga kaibigan...
Reallisooo
#4
Chapter 1: Grabe naman Caela ang sarap magmahal. :( sana lahat may Caela. :(
Lalala455 #5
Chapter 1: lugaw nation :(
howdoyouknowmee
553 streak #6
Grabe lugaw nation 🥺✊🏻