Ungkatan ng Past?!

Bakit ba kasi?
Please Subscribe to read the full chapter

Puro numero. Puro salita.

Kasabay ng mga namumulang mensahe na nangingibabaw direkta sa kanilang mata.

[System Error]

Napanganga ang bente-sais na dalagang nagngangalang si Wendy Son.

Pagkaraan ng mga ilang segundo, parang may masamang elemento na sumapi sa kanya mula sa kabilang planeta at bigla na lang siyang napalingon sa katabi.

“Ano?! Hindi mo na-delete ‘yung test data natin?!”

Shet. Hindi niya sinasadyang lakasan ang boses niya na rinig ata sa buong palapag nito.

“H-Hindi… Malay ko ba na kailangan? Kailangan ba? Parang wala naming sinabi ‘yung client?!” Napakamot ng ulo ang mas batang katrabaho nito na nagngangalang si Yeri Kim.

“Sh---“ Biglang kinuha ni Wendy ang mouse mula sa kasama at nagmamadaling binuksan ang programming application mula sa laptop ni Yeri sabay malalim na buntong hininga.

“Loka kang bata ka!! After Testing kailangan idelete lahat ng test data natin kundi magkakaerror ‘yung client kapag ni-run niya ‘yun!! Kapag talaga nagka-P1 incident tayo, ikaw mag-isa kong papasulatin ng report para sa Leads Meeting.” Dirediretso niyang sinabi a la finest rapper of this generation.

“Huy Ate Wendz, chill ka lang. Kaya naman ‘yan madelete agad basta hindi sa Production environment.” Pasimpleng tawa ni Yeri, aba may gana pa talagang tumawa ‘to. “Umagang umaga highblood ka agad sa buhay. Kaya ka ba hindi nagkakajowa?”

Tangina. Ang foul.

Oo na. Sige na. Siya na walang jowa.

Wendy Son. Sikat. Maganda. Matalino. Mapagmahal. Mayaman. Pero wala paring jowa.

Ang kapal pa nitong batang ‘tong ipamukha sa kanya. Tinuturuan na nga niya sa trabaho, nang-aatake pa ng personal na buhay.

Tama nga si Ms. Manila. Kailangan niyang huminga.

No Boyfriend nor Girlfriend since Birth ang bida ng ating kwento, pero hindi ibig sabihin nito na ayaw niya magka-jowa. Sadyang pangit talaga ang timing na binibigay lagi ni Papa Jisas.

Minsan one-sided, may unang nagkagusto. Kung kailan nagkakagusto na siya, tsaka naming biglang lumayo.

Minsan nagpaparamdam, pero onting scroll sa baba ng instagram, biglang may “I love you, baby.” Langya. Gagawin pa siyang Kabit. Alexa, play Kabit by G***** R*****.

Minsan ay may naging mutual na, ngunit hindi din ito naituloy. Hindi kayang maipaglaban. Nanghina ang loob dahil inuna ang mga prayoridad sa buhay, lalo na’t tumatakbo siya bilang isang Summa Laude noong kolehiyo, hindi niya napigilang bitawan ang mga katagang “Studies muna.”

Nagkatoo nga. Nakuha niya ang medalya, nakangiti siya sa lahat ng larawan, ngunit ni isa sa mga naikuha ay wala ang kanyang dating minahal.

Pero g lang. Okay na siya. Juice ko naman, that was two years ago. - Inisip niya in English kasi laking Canada siya noong kabataan niya. Anyway, wala na siyang contact sa kanya. Nagkaroon din sila ng Mutual Understanding na i-block nila ang isa’t isa sa FB, sa Twitter, at sa Instagram. Understandable. Quits lang.

Kaya ngayon ay wala siyang hinahanap at hahanapin na jowa. Tanggap na niya, Jane at Wanda, na wala na siyang makakasama habang buhay at magpapalaki na lang siya ng masungit niyang pusa na si Manen. Travel travel lang sa ledgi, ganoon. Siya ‘yung magiging mayaman na tita ng pamilya na Magreregalo ng Lacoste na pabango sa mga pamangkin, napagdesisyunan na niya.

Hindi niya na kailangan ng awoj.

“Kapag ba nagkajowa ako, mawawala ‘tong error sa page natin?! Loko kang bata ka. Mapapaexplain pa ako kay Boss Taeyeon nito kahit Monday pa lang kapag di natin 'to naayos agad.”

Patuloy lang sa pagcode si Wendy sa gilid at pagkaraan ng ilang minuto ay nakahinga na siya ng malalim.

“'Yon! Cleared na tayo!!”

“Cleared saan?”

“Ay pak mama!!”

Lumingon si Yeri at Wendy biglaan at di nila napansin na nanonood pala sa kanila si Boss Taeyeon Kim.

“Nagbabalak pa kayo magpasabog ng website?! Gusto niyo ba mag-OT tayo?! Buti na lang naayos ni Seungwan 'to agad."

Parehas nilang ibinaba ang ulo nila na para bang nahuli ng magulang.

"Sa susunod, Yeri, mag-ingat ka sa Client data. Lahat ng environment mahalaga kahit hindi yan Production. Malinaw ba?”

“O-Opo, Ma’am.” Niyuko ni Yeri ang ulo niya na agad ding ipinaahon ni Taeyeon.

“Hayaan mo na, basta hindi na mauuulit. Magdadagdag din naman na ako ng tao sa team natin.”, kanyang idinugtong. “Napapansin ko kasi marami na tayong napapabayaang action items since dalawa lang developers natin sa team, kaya napagdesisyunan kong magdagdag ng isa pa, as Tester.”

Sabay na bumulong ng “Ohh..” ang dalawang magkatrabaho.

Hindi nila inaasahan dahil akala nila permanente ang posisyon ng mga miyembro ng WOLO (Walang Overtime, Laging On-time) Web Development Team. Mga isang oras nilang pinagtatawanan nila Yeri ang naisip na pangalan noong pinaplano nila ang direksyon ng grupo dati, A.K.A. Wendy Solo daw kasi si Wendy ang Rockstar, Veteran at ang notorious Lead Developer nila.

Langya ‘yan, balak pa ata tumakas nitong babaeng ‘to. Pero sa hindi kapanipaniwalang dahilan, nagkakatotoo nga ‘yung pangalan ng team nila. Hindi sila madalas mag-OT dahil naaasikaso kaagad ni Wendy kapag nagkakaroon ng logic problem or error sa coding structure. Mabilis din silang magkasundo sa pagdedesisyon si Taeyeon dahil parehas sila ng Coding Technique at agad silang nagkakaintindihan sa gusto nilang mangyari.

Bagong pasok noong nakaraang taon si Yeri. Mabilis ding matuto ang katrabaho niya kaya wala naman siyang pangamba. Noong mga nakaraang araw lang ay biglaang lumaki ang workload dahil sa matinding pagpe-pressure ng client dahil malapit na mag-Christmas Vacation. Putik yan. Sarap maghambalos ng regalo na may laman na pasensya at unawa as Christmas Gift.

“Kailan dadating ‘yung bago, boss?” Tanong ni Wendy na may kunot ng noo. “Kailangan ko din pala maghanda ng Knowledge Transfer Plan sa mga susunod na araw.”

Iniangat ni Taeyeon ang dalawang piraso ng bond paper sa kanyang kanang kamay.

“Kakainterview ko lang sa kanya. Mukhang magaling, Nagtiwala ako agad kasi nakita ko na magkaparehas kayo ng college. Ganyan ka kalakas sakin, Wendy Son.”

“Wait, galing sa college ko?” Napataas ng kilay si Wendy. Maliit lang ang populasyon ng campus nila lalo na sa kursong Information Technology. “Baka kilala ko ‘yan. Anong pangalan?”

Sumilip si Yeri nang dahan dahan sa bond papers na hawak ng kataas-taasan. Inusog niya ng bahagya ang office chair at iniangat ang ulo hanggang sa masilayan ang 1x1 picture sa bandang itaas.

“Wow, mamshi Taeyeon.” Nanlaki ang mata ng dalaga. “Sure ba siya na hindi Beauty Contest ‘yung dapat niyang masalihan?! Nakakaputi ng buhok ‘tong trabaho natin ah, baka magsisi 'yan?”

“Gulat nga ako nung una kong nakita, girl. Natulala ako. Pero sa mga sagot niya sa technical interview, mukha naman siyang desidido at may alam. Mas namangha nga ako doon kaysa sa ganda niya.”

“Wait lang ha, pansinin niyo naman ako dito.” Lumayo na si Wendy mula sa pagkakahawak sa Laptop at

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Vicheca
#1
Chapter 1: Uy abangan ko to.. Teka.. Ruby jane ba to? Hahahaha
dubustan
#2
Chapter 1: Oh my goodness goodluck sayo seungwan LMAO anyways, you're a filo pala authornim!! ♡
ColeFiles_ #3
Chapter 1: Waiting sa next up (๑♡⌓♡๑)(๑♡⌓♡๑)
blabber #4
Chapter 1: at dahil tester din ako na may crush sa dev namin hahaha aabangan ko toooo
Love03 #5
Chapter 1: Halata na may crush si bjh kay wan haha
wenrenetr4sh #6
Chapter 1: as usual ang chaotic ng wenri HAHAHAHA feel ko crush ni irene si wannie nung college, also sinetch kaya yung dati nyang kafling? seulgi or joy????
Seunwannie21
#7
Chapter 1: may gusto si madam ki wannie dati sure ako
Gowther75 #8
Chapter 1: heh ba't ba ang galing mong magsulat na halos lahat ng gawa mo ay na-i-excite ako. ngitian pa lang ng wr para na akong uod na inasinan sa kilig HAHAHAHA
singersoongwan
#9
Chapter 1: Feeling ko crush ni madam si wendz noong college. Hahahahahaha. Kilig aqUoH
LockLoyalist
#10
Chapter 1: Naku talaga Wendy Son hahaha exciting mga next na kaganapan XD