Two
Love To Hate Me*Lisa's POV*
Napakagat ako sa labi ko sa sobrang sakit ng pagkakatulak sakin. I was yanked against my locker by none other than Jennie. She was fuming. Para mainis siya lalo, I laughed in her face. "Goodmorning, Jennie. To what do I owe this pleasure?" pang-iinis ko pa.
"Sobrang dugyot mo!" sigaw niya as she held onto my collar. Nakangisi pa din ako as I looked down on her. Hawak man niya yung kwelyo ko, mas matangkad pa din ako sakanya. "Elaborate, please." I said, acting clueless.
"The. ing. Bubblegum. On. My. Doorknob." She said with gritted teeth. "Ah yun ba? Sensya na, parang kulang kasi sa design yung pinto mo. I did you a favor. Are we done yet?" tanong ko sakanya. Hinawakan ko yung kamay niya at tinanggal yung pagkakahawak niya sa damit ko sabay pagpag. I turned my back against her and started walking.
"Tatawagan ko si tito." bulong niya pero narinig ko. Napatigil naman ako and I looked back at her. "Jen, we're in College already. Tuwing mapipikon ka... tatawag ka lagi kay Daddy?" pang-iinis ko pa lalo.
"I hate you, Lisa." sabi niya sabay alis.
I know Jennie, I know.
Parehong Business Economics ang kinukuha namin ni Jennie. Dahil dun, pareho lang kami ng Department. Pero sa kabutihang palad,magkaiba kami ng section. Dalawang section lang ang Business Economics dito sa University kaya laking gulat at saya ko nung hindi kami naging magkaklase ni Jennie nung first year. Kaso nga lang ngayong year, nagmerge na yung dalawang sections dahil kumonti ang enrolees for second year. Kaya naman magiging kaklase ko na siya.
Last week nagstart yung bagong school year and that means na may election. Syempre, hindi mawawala sa nominees si Jennie. Ako naman, napilitan lang tumakbo for vice President dahil walang gusto kumuha ng pwesto. Yun yung dahilan kung bat ako na-elect as VP. Wala naman akong gagawin as VP. Ayon sa student handbook, spare tire ika nga ang role ko. Meaning, pag wala si Jennie, saka lang ako eentrada. Jennie's always present, she's always everywhere kaya imposibleng mapalitan ko siya. And I'm grateful for that, ayoko ng added responsibility.
I just want to survive College on my own terms, maybe take up the family business (If my dad sees me fit to handle it--- I know he's adamant about it. I just know na if Jennie's even a distant cousin he'd consider having her as the successor ng business namin. In short, my dad likes Jennie too much.)
Mabilis lumipas ang umaga. I was so bored. Almost 30 minutes nalang bago mag-lunch break at gutom gutom na ako. Dahil hindi ko naset yung alarm ko for this morning kaya sa pagmamadali ko, I skipped breakfast.
Hold that thought....
Ugh! Jennie Kim! You little....
Madali kong kinuha yung scratch paper ko sa bag. I wrote "Maybe you deserved the bubblegum. I skipped breakfast dahil pinatay mo alarm ko!!!! -.-"
I crumpled it at binato ko yun sa direksyon ni Jennie. Tumama yung papel sa ulo ni jennie and I snickered. "Bingo." I whispered.
Hiniram ni Jennie saglit yung phone ko kagabi dahil daw lowbatt na siya... She managed to turn off my alarm! That girl! I should've know she was bluffing dahil siya yung tumawag kay Mr. Diego nung uuwi na kami.
She picked up the paper and read it. Tapos ngumiti siya. She raised her hand at tinawag naman siya nung professor.
"Yes, Miss Kim?" tanong ni Ma'am Lee. "Lisa texted me po. She said she cannot take it anymore. Can I accompany her po sa comfort room?" sabi niya at lahat ng mga classmates ko napatingin sakin.
Nakakahiya. "A-ah, sige. Go baka abutin pa yan dito." sabi ni Ms. Lee as she looked at me. Nakangiti pa din si Jennie at lumapit sa upuan ko. "Tara?" nakangisi niyang sabi sabay akay sakin kunyari
Comments