Hide No More

Hide No More
Please Subscribe to read the full chapter

Seulgi's POV

          I'm Kang Seulgi and I'm second year college. President ako ng student council at kasalukuyan akong papunta sa cafeteria kasama sina Wendy at Yeri.

"Oy Seulgi unnie, nabalitaan mo na ba?" Excited na nag tanong ni Yeri sa akin.

"Ang alin?" tanong ko naman sa kanya.

"Luh?! Wala ka talagang nababalitaan?" Tanong naman sakin ni Wendy.

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" Sabi ko na medyo naiirita na kasi di ko alam kung ano pinagsasabi nila.

"May nabingwit ka ulit, unnie." Sabi ni Yeri na nakangiti (ng medyo nakakatakot) ngayon.

"Anong nabingwit? Eh di naman ako marunong mangisda..?"Nagtataka ko namang tanong sa kanila.

"Slow mo naman.. Nakabingwit ka as in nagkaron ka na naman ng panibagong admirer." Nang- aasar nitong sabi.

"Unnie, wala ka bang nagugustuhan sa kanila? Kahit isa man lang? Ang gaganda at ang gu- gwapo kaya ng nagkakagusto sayo" Tanong ni Yeri na mukhang curious na curious.

"Oo ngaaa, magtira ka naman ng maganda't gwapo para samin ni Yeri." Sabi naman ni Wendy habang naka- pout.

"Edi sa inyo na.. Wala akong panahon para sa kanila. Atsaka sinabi ko na sa inyo na may girlfriend na nga ako, di ba?" Sabi ko naman.

"Pano kami maniniwala na may girlfriend kung di mo naman pinapakilala samin ni Yeri."

"Oo nga naman, unnie."

"Di pa daw kasi siya ready.. Kung ako lang masusunod edi matagal niyo na sana siya kilala.. kaso I respect her decision so.. ayun."

"Kunwari nalang naniniwala kami sayo na may girlfriend ka na." Sabi nila sakin habang tumatawa.

"Tignan nalang natin pag pinakilala ko na yung girlfriend ko sa inyo." Sabi ko naman sa kanila.

"Sige lang Seul, libre mangarap." Pang- aasar pa sakin ni Wendy at tinawanan lang ako ni Yeri.

"Bahala kayo kung ano gusto niyo paniwalaan." Sabi ko habang umiiling atsaka ko binilisan ang paglakad ko.

"Sandali lang, intayin mo kami." Nagmamadali silang tumakbo para makasunod sa akin pero tumatawa pa rin sila habang ginagawa ang mga ito.

_____________________________________________________________________________

Cafeteria

Wendy's POV

Kakaupo palang namin sa table namin nang lumapit samin si Yooa at bigla nitong kinausap si Seulgi.

"Seulgi unnie, may gagawin ka ba mamaya after class?" Tanong ni Yooa kay Seulgi. Agad naman akong lumingon kay Seulgi para malaman kung anong isasagot nito.

"Meron eh.. bakit mo ba natanong?" Tanong naman ni Seulgi. (kahit kelan talaga ang slow ni Seulgi).

"Ahh.. Eh.. A-ayain sana k-kita makipag- d-date m-mamaya eh.." nahihiya namang sabi nito kay Seulgi.

"I'm sorry pero may girlfriend na kasi ako eh. Sorry ah." Sabi naman ni Seulgi. Napa- iling nalang kami ni Yeri sa sinabi niyang ito.

"Ahh g-ganon ba.. sige unnie, mauna na ko." Sabi naman ni Yooa na halos paiyak na.

"Luh siya? Nagpa- iyak pa eh. Ba't di mo nalang pinagbigyan? Kawawa naman si Yooa mukhang iiyak na siya dahil sa ginawa mo." Sabi ko sa kanya habang naaawa kay Yooa.

"Oo nga unnie, ano bang masama sa pakikipag date? Wala namang mawawala sayo kasi wala ka namang girlfriend!" Natawa ako ng malakas sa sinabi ni Yeri ngunit di nagtagal ang pagtawa namin dahil binatukan kami pareho ni Seulgi.

"Aray ko naman!" "Ansakit non, unnie!" Sabay naming sabi ni Yeri.

"Asar pa hige.. Sa susunod di lang yan aabutin niyo sakin." Nakakatakot na sabi ni Seul samin ni Yeri kaya wala kaming nagawa kundi ang tumango nalang.

_______________________________________________________________________________

Seulgi POV

Naglalakad na kami pabalik sa room namin ng makasalubong namin ang mga cheerleaders ng school.

"Uy si Joy! Ang ganda talaga ni Joy." Sabi ni Wendy na may puso na sa mga mata niya.

"Hala! Ang ganda ni Saeron." Sabi naman ni Yeri na may puso na rin sa mga mata niya.

"Hala sige, magsawa kayo kakatingin." Sabi ko sa kanila habang tumatawa. "Ba't di niyo nalang kasi lapitan.. hina niyo naman." 

"Porke't lumalapit mga babae sayo ganyan ka makapagsalita.. ekis ka! ekis!" Sigaw sakin ni Wendy at Yeri. Pagkatapos na pagkatapos nilang sabihin yon biglang may mga lumapit sakin na cheerleader.

"Hi, Seulgi. Labas tayo mamaya?" Tanong sakin nung babae. Pakiramdam ko naman may nakatingin sakin kaya luminga- linga ako pero wala naman akong nakita.

"Uhh.. hi? I'm sorry pero do I know you?" naguguluhan kong tanong sa cheerleader.

"Oh I'm sorry abou

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
its_iLAUv
Bored ako.. sorry na agad kung di maganda HAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
its_aaarrriii
33 streak #1
Chapter 1: CUTIEEEE
its_aaarrriii
33 streak #2
Chapter 1: CUTIEEEE
kang_ddeul
#3
hala ang cute HAHAHAHAHAHA
wnsr_28
#4
Chapter 1: tangina ang cute nila ajahahahahahahaha!
_rtempest
1025 streak #5
Chapter 1: Hahahaha ang cute nito!!
Foreverwithyou12
#6
Chapter 1: Ang cute ng story 😍
000014
#7
Chapter 1: Cutie ❤️
BpRvTw03saromines
#8
Chapter 1: ang cute gagi AHAHHAHAHAH reread ko ulit di ako makamove on HAHAHAHAHHAA
Topkangseul
#9
Chapter 1: Hahahah ang cute!👉🥺👈
Riri19 #10
Chapter 1: Parang tinagalog version ng taken 😅