One

Nang Dahil sa Musika

"Ate! Ate! Punta tayo ulit si MusikZ," Hinila ni Yeri si Irene papunta sa paborito niyang stall sa mall.

"Ano ba naman yan Yeri? Diyan na naman?"

"Oo!!!"

"Di ka naman nga marunong tumugtog ng kahit anong instrument"

"Soon. Malay mo, sasali ako sa music club tapos doon na ako tuturuan... grabe ka ate, wala ka naman lang kahit konting support diyan"

"Oh eto na, eto na. Kaya nga palakad na tayo papuntang Musikz dahil sinusupportahan kita tsk." 

"Pfff. Wala ka lang choice"

"Wala talaga."

"Sumbong kita kay mama"

 

Pagdating ng magkapatid sa Musikz, sila ay sinalubong ulit ng pamilyar na mukha.... 

"Hi Bes!" Maaya-ayang bati ni Yeri sa part-time worker na si Wendy. Si Irene, nasa likod ni Yeri, ay nagulat naman sa pangalan na tinawag ng kaniyang kapatid sa empleyedo, "Bes? Kelan pa?"

"Oo! Bes ko yan si Ate Wendy... pinapagamit niyan sakin yung mga ukelele na bawala hawakan haha" 

"Pssst!" Agad na kinuha ni Wendy ang attention ni Yeri, nagsilakihan ang kaniyang mata. "Diba sabi ko sikreto lang natin yan"

Nagulat si Yeri sa kaniyang sinabi at agad na tinakpan ang bibig gamit ang kaniyang kanang kamay. 

"Oo nga pala, Ate Wendy..Sorryyyyy"

"Charot lang basta wag mo nang uulitin"

 

"Tignan mo, matatanggalan mo pang trabaho si miss," dagdag ni Irene.

Lumipat ang attention ng dalawa kay Irene. Nakalimutan ni Yeri na nasa likod niya lang pala ang kaniyang ate kaya sinenyasan niya itong lumapit sa kanila. 

"Anong miss? Wendy. Kita mo naman sa nametag niya. At Bes ko yan, no need for formalities. Diba Bes?" 

"Ah yes! Hi! You can call me Wendy." Nginitian ni Wendy ang kapatid ng bata at sabay niyang inabot ang kaniyang kamay para makipag handshake ngunit di ito pinansin ni Irene.

"Irene. Sorry pasmado ako. I can't shakehands ngayon."

"Ayan. Wag ng miss jusko ang formal pakinggan. Bleh" 

Dumeretcho na si Yeri sa guitar at ukelele section ng store, at sa likod niya ay ang dalawang matagal ng pamilyar sa isa't-isa ngunit ngayon lang nagkakilala.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
zythum24
#1
Chapter 1: Exciting!!