Salamat Sh*pee!
Description
Yamot na yamot na si Irene dahil sobrang tagal dumating ng in-order niya sa Sh*pee (more like, Sh*t-ee). Pero nevermind, chix naman ang delivery girl.
Foreword
"Ito na po 'yung item, ma'am," nakangiting sabi sa kanya ni baby girl- er, delivery girl. Inabot nito ang box kay Irene, na parang natuod na sa kinatatayuan.
"What's your name?" tanong ni Irene, na parang nawalan ng pake sa order niya.
Bumakas ang pagtataka sa mukha ni delivery girl pero nakangiti pa rin ito. "Po?"
"Your name," ulit ni Irene. "I want to know your name."
Parang may gumuhit na kaba sa mga mata nito. Lumiit din ang ngiti. "May problema po ba, ma'am?"
Nanlaki ang mga mata ni Irene. You did nothing wrong, baby girl. Echos! Mabilis siyang umiling. "No, no. Tinatanong ko lang kung anong pangalan mo."
"Ah...Wendy po, ma'am."
Comments