Episode 2

7 Princes in Big House

Youngjae POV

 

I was calling my sister to tell her na regular employee na ako sa isang company kung saan nagtatrabaho din si Jinyoung hyung. Alam ko na matutuwa siya sa ibabalita ko. Pero bakit ganon, di nya sinasagot ang mga tawag ko. 20 missed calls na ako kahit text message man lang hindi siya nagsesend. Ano kaya nangyari sa kaya?

 

Ilang beses na rin akong nagsend na text messages kahit isang reply, wala. Hindi kasi ganito si Nuna. Pag tumatawag ako or nagtetext may kapalit agad yun na reply kahit na busy siya masyado but this time, wala talaga.
 

Ang alam ko may kameet up siya na magulang para sa tutorial. Pero talagang iba ngayon. Ayoko namang tawagan si Kikwang hyung kasi we're not in good terms. Plastikan lang ang pinapakita ko sa kanya pag nagmemeet up kami kasama si Nuna.

 

Dali dali akong pumunta sa coffeeshop ni Yugyeom baka kasi nandun si Nuna. Niminsan hindi din ako naka experience from her na nalowbat siya.

 

"Yugyeom ah pumunta ba si Nuna dito?" Tanong ko habang hinihingal.

 

"Huh? Wala. Bakit di mo siya makontak sa phone?" Sagot ni Yugyeom.
 

"First time ba 'to diba?" Dagdag nya.

 

Tumango lang ako at humingi ng tubig.

 

Nagtanong tanong si Yugyeom sa mga emplyedo nya kung nakita nila si Lili Nuna pero hindi ito napadaan kahit sandali man lang.
 

"May lugar ka ba na alam kung saan siya pupunta pag ganito?" Tanong ni Yugyeom.
 

"Wala kasi si Ate Gayoon nagout of the country for work purposes. Tapos ang pagkakaalam ko. May kameet up siya na magulang ngayon para sa tutorial nya. Pero...." napatigil ako at dali daling lumabas sa coffeeshop.

 

Habang patakbo ako para humanap nag taxi may natanggap akong text galing ky Lili Nuna.

 

"Sorry Youngjae."

 

Sumakay ako agad sa pinarahan ko na taxi at dinaial ang number nya. Something is wrong today, buti nalang at linggo. Out of coverage na si Nuna this time at di ko matrack ang device niya kung saan siya ng punta pero I think she is there. I know the only place she can stay pag may mga problema siya. She always informed me pag nag aaway sila ni Kikwang hyung or ni Mama dun siya pumupunta and I hope she's there.

 

I don't want to bother Gayoon Nuna kasi isa din yun sa mga taong mag aalala panigurado at di makafocus sa ginawa kapag malamang may masamang nangyari kay Lili Nuna.

 

After 1 hour..

 

Ayon dun ko talaga siya nakita, nakaupo katabi ang malaking maleta nya. Pero wait, bakit may maleta siyang dala dala? Saan siya pupunta? Hindi na man siya nagsabi na aalis siya kung saan.
 

Habang papalapit ako may sinasabi siya sa harap ng puntod ng Papa nya.

 

"Sana nakinig ako kay Youngjae, Papa. Naging bingi at bulag ako all this time. Akala ko kasi nagbago na siya nung nagpropose siya sa akin. Muntikan na kaming mag away ni Youngjae dahil sa kanya. Wala akong mukhang ihaharap sa kapatid ko, Papa." Sabi ni Lili nuna sabay hagulgul.

 

"Ang hirap pa kasi ni hindi lang man ako kinakamusta ni Mama. Lahat inako ko na. Pati Tuition ni Youngjae inako ko. Akala nya si Mama yung nagdedeposit ng pera sa bangko. Ako pala. Ayokong sabihin kay Youngjae na matagal ng di nagpapadala si Mama kasi ayokong iba ang tingin nya kay Mama. Gusto ko mahalin nya si Mama. Papa ba't ba iniwan mo ako ng ganun ganun lang. Papaaaaa.." dagdag ni Lili nuna habang patuloy sa paghahagulgul.

 

Di ko mapigilan ang mga luha ko. Napaiyak ako habang pinapanood siya. Matagal ko na ding alam na di na nagpapadala si Mama para sa pag aaral ko. Kasi ni minsan di naman din alam ni Mama ang bank account ko. Sabi lang nya na babawi siya pag okay na siya sa Australia. Kukunin daw nya ako pag maayos at stable na ang trabaho nya dun.

 

I admitted my father was the reason why Lili nuna’s father died in a car accident. Kaya binubuhos ko sa pag aaral ng mabuti at humanap ng magandang trabaho para kapalit sa mga hirap at pagod ni Lili Nuna sa akin na dapat si Mama ang pumupuna.

 

Nahihirapan man siya pero lumalaban at kitang kita ko yun kahit tinatago nya sa akin. Siya ang naging nanay at tatay ko hanggang sa paglaki. Di ko man niminsan nakilala ang Papa ko o nakita sa larawan pero masaya na ako dahil nandyan si Lili nuna.
 

"Nuna?" Tawag ko.

 

Tumayo siya at alam kong pinupunasan nya ang mga luha nya. Dahang dahan siyang humarap sa akin habang nakayuko. Alam kong di nya gustong makita ko ang mga mata nyang namamaga sa kakaiyak.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet