Finish

I Believe

I believe

Na ikaw lang at ako

Kung kaya't tayo ay pinagtagpo

 

First day of school banas na banas si Joohyun dahil sa kapatid nyang maaga nanggising dahil excited pumasok. Habang naglalakad palapit sa gate ng school hindi nya napansin ang saging sa daan kaya naman nadulas siya.

Slow-motion ang pangyayari at narealize na lamang nya na may sumalo pala sa kanya sa likod. At nang tumingala siya ay doon nya nakita ang mukha ng isang babae, blonde at short hair ito at ang mga mata niya ay tila ba nangungusap.

Maaga nagising si Seungwan kaya naman nag-ayos na siya ng gamit para pumasok sa school. Palapit na siya sa gate ng school ay may muntikan ng madapa sa harap niya kaya sinalo nya.

”Miss okay ka lang ba?”

 Ang ganda sana kaso di naman tumitingin sa dinadaanan.

“Ahh oo thank you ha” Ang sabi ni Joohyun habang tumatayo ng maayos.

“Walang anuman miss pasok na tayo baka ma-late pa tayo”

At nang dahil sa saging nagsimula ang pagkakaibigan ni Joohyun at Seungwan.

 

I believe

Ang kapalaran mo'y ako

At sana ay ganun din ang puso mo

 

Ilang taon narin simula nang makilala ko si Hyunnie hanggang ngayon naalala ko parin yung balat ng saging at kapag naalala ko yun ay natatawa ako bigla. Eto ba ng tinatawag nilang tadhana. First day of school nung makita ko siya at ngayon malapit na ang graduation naming sobrang bilis ng panahon.

 

Noong una ay hindi mo ako gusto

Kaibigan lang ang turing mo

Paano na ako

 

Tadhanang hanggang kaibigan lang ang kaya nyang ibigay dahil alam kong mahal niya ang girlfriend niya na si Seulgi. Naalala ko pa noong second year.

“Seungwan!! Nagconfess si Seulgi sakin kanina!! AHHHHHHH!!” sigaw ni Hyunnie

“Anong sagot mo?” Alam kong oo ang sagot nya pero nagbabakasakali lang naman na may pag-asa maging kami.

“Syempre OO si Seulgi yun eh”

Noong sinabi nya yun narinig ko ang puso ko na unti-unting nabasag pero dahil best friend ko siya kailangan kong suportahan ang lovelife ng matandang to.

“WOW congrats Hyunnie!!! Sa wakas di kana tatandang dalaga”

Ang sakit pala ng ganito pero kailangan kong kayanin ginusto ko to ginusto ko siya.

 

--

 

Nang magbreak si Hyunnie at Seulgi bago mag-graduation niyaya ako ni Joohyun mag-inuman sa bahay nila dahil wala naman daw ang parents niya.

“Seungwan ang sakit. Ang sakit sakit” Ang sabi ni Joohyun habang umiiyak

“Seungwan may problem aba sakin? Bakit niya ako iniwan?”

Walang maisagot si Seungwan dahil para sa kanya ay walang mali kay Joohyun dahil siya ang taong pinapangarap niya.

Habang umiiyak si Joohyun ay kinuha ni Seungwan ang gitara at kinanta niya ang Halaga ni Parokya ni Edgar. (sounds fitting yung lyrics sa part” Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko”)

Pagkatapos kumanta ni Seungwan ay biglang nagsalita si Joohyun “Seungwan promise me na hindi mo ako iiwan at dito ka lang sa tabi ko”

 

Tama na sa'kin ang minsa'y

Binigyan mo ng pag-asa

Basta't mahal kita

 

Binigyan ako ni Joohyun pag-asa na mahalin siya kahit bilang kaibigan lang at masaya na ako doon.

Graduation day noong sinabi sa akin ni Joohyun na sa ibang bansa siya mag-aaral dahil sa kagustuhan ng magulang niya.

 

I Believe

May ibang pangarap ka

At ka'y tagal nating di magkikita

Kung saan ka dalhin ng puso mo

Asahan mong ang pag-ibig ko'y sa'yo

 

Ilang taon man ang lilipas pero alam kong si Joohyun parin ang nasa puso ko. Pangarap nyang maging lawyer and to have an opportunity to study abroad is a good thing.

Kung saan man siya pumunta ay hawak niya ang psuo ko. Kaya bago siya umalis ay umamin na ako.

“Hyunnie—I like—no I love you since the day you almost slipped because of the banana peel” ganito siguro kapag nagco-confess mapapa-english kana lang.

Hindi agad nakasagot si Joohyun at nakatulala lamang siya kay Seungwan at nang tawagin na ang flight ni Joohyun ay doon lamang  siya natauhan at sinabing “Seungwan kaya mo bang akong hintayin para sagutin ang tanong mo?”

Alam kong mahabang taon bago ko marinig ako sagot niya pero para sa kanya hihintayin ko. “oo hyun kaya kong maghintay”

 

Lumipas ang araw at parang kay tagal

Sa mga bituin nakatingin

Kausap ay ikaw

 

Gabi-gabi kinakantahan ko ang mga bituin dahil alam kong nakatingin ka rin.

 

Araw-araw maghihintay

Hawak lamang ang sinabi mong

Baka mahal mo rin ako

 

Ilang taon na ang nakalipas at sikat na singer na ako pero ikaw parin ang laman ng puso ko. Kamusta kana kaya? Masaya kaba? May iba kana ba? Araw-araw kong tinatanong sa sarili ko pero araw-araw hihintayin kita sa pagbabalik mo. Araw-araw pipiliin kita.

 

 

Last day of concert ni Seungwan kaya naman nagkayayaan ang buong crew na kumain at mag-inuman dahil sa wakas naging successful ng concert at maraming tao ang pumunta at nag-cheer kay Seungwan.

 

Habang nasa karaoke ay may kumanta ng I Believe ni Jimmy Bondoc at unti-unting naalala ni Seungwan ang mga alala nila ni Joohyun. Lumalalim na ang gabi kaya naman napagpasyahan na ni Seungwan na umuwi at magpahinga. Habang nagd-drive ay napadaan siya sa park kung saan ang paboritong spot nila ni Joohyun noong nandito pa ito.

 

Naka-upo siya habang pinapakinggan ang ihip ng hangin habang nakapikit nang maramdaman nyang may umupo sa kanyang tabi.

 

Hindi nalang niya ito pinansin dahil sa ganitong oras ay panata ang puso niya, nang biglang nagsalita ang katabi niya.

“Seungwan I’m back” biglang minulat ni Seungwan ang kanyang mga mata dahil kilala niya ang boses na ito dahil ito ang boses na kanyang hinihintay ng mahabang taon.

Hindi alam ni Seungwan kung ano ang mararamdaman niya dahil nandito na si Joohyun sa harapan niya at bumalik siya.

 

“Joohyun” maiyak-iyak na binigkas ni Seungwan

Hindi na nakapagsalita ni Seungwan kaya naman niyakap niya ng mahigpit si Joohyun

“Hyun you’re back” di makapaniwalang sinabi ni Seungwan

“Yes Wan I’m back to give the answer to your question from years ago”

“Seungwan I Love You”

 

Ikaw lang at ako ang magsasabi ng I Love You

 

At sa wakas makakanta na ni Seungwan ang parte ng kanta na to dahil nandito na si Joohyun.

 

“I love you too Hyun, ilang taon kong hinintay ang sagot mo pero sulit ang paghihintay ko kasi nandito kana sa piling ko”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
LockLoyalist
#1
Chapter 1: Ayieee destined talaga sila sa isa't isa uwu
wansie #2
Chapter 1: cute~