Unang Pahina

Casa de Paz
Please Subscribe to read the full chapter

Nakatulala lang ako at nakatingin sa kisame ng kwarto ko habang nakahiga. Ang daming tumatakbo sa isipin ko na hindi ko mawari kung bakit ko iniisip in the first place.

Napabuntong-hininga ako tsaka tumayo at dumiretso sa may gilid kung saan nakapwesto 'yung computer set. 

Kakagraduate ko lang at honestly, hindi ko alam kung anong gusto kong mangyari sa buhay. Parang wala akong maayos o clear na goal na gustong matupad.

Nagi-scroll lang ako sa Google para maghanap ng matutuluyan sa probinsya. Gusto ko munang lumayo-layo para makapag-isip. Baka sakali na kapag lumayo muna ako sa maingay at magulong siyudad ay makapagisip-isip ako kahit papano.

Napatigil ako nang may nakita akong sketchy na website at dahil curious na bata ako, pinindot ko. 

Medyo matagal mag-loading dahil mabagal 'yung internet. Syempre, ano bang bago sa internet ng Pilipinas? Wala.

Habang naghihintay na mag-load 'yung website, tinapil-tapik ko 'yung table ng bahagya. 

Ayun! Lumabas na rin. Sa una, wala kang masyadong makikita bukod sa isang pangalan.

"Casa de Paz"

Mukhang spanish 'yung name, ito siguro 'yung name ng bahay or 'yung lugar. Ewan. Basta parang ganun.

Ini-scroll ko pa pababa at may nakita akong iilang pictures ng bahay mula sa labas. In fairness, maganda. Mukhang tahimik. 

'Yung bahay parang kubo style pero modern 'yung design. Gawa sa kahoy at kulay white 'yung pintura sa labas. Nakakakalma tignan. May garden din sa harap at napapalibutan ng mga puno at ibat-ibang halaman 'yung bahay.

Napatango naman ako sa mga nakikita so far at pumunta na sa dulo ng page. May nakita naman akong contact details kaya dali-dali kong kinuha 'yung cellphone ko para isave 'yung number na nakalagay 'dun.

Pagkatapos isave, pinatay ko na 'yung desktop at tumingin sa orasan. Mga  6PM pa lang, medyo maaga pa. Siguro masasagot pa nila 'yung tanong ko.

[6:23PM] Good evening po. Gusto ko lang po sanang magtanong about sa rest house na pinapa-rent niyo, 'yung Casa de Paz.

Naghintay pa ako ng ilang minuto pero wala pa ring sumasagot. Tapos na kaya office hours nila? Mawawalan na sana ako ng pag-asa na sasagot sila ngayon pero biglang nag-vibrate 'yung phone ko. Agad ko naman itong binuksan at nakita na 'yung number nung Casa de Paz 'yung nagtext.

[6:57PM] Good evening! Sorry for the late reply, this is Yeji of Casa de Paz. How may I help you?

Ay, oh. Pak! English, nakaka-nosebleed. Agad naman akong nag-type ng reply dahil baka busy pala itong Yeji na kausap ko.

[6:59PM] Ah, yes. Ask ko lang po sana if the house is free to rent for 3 days this week? 

Sana wala pang nag-rent dahil gusto ko ng magbakasyon agad para naman maisip ko na kung ano ang gusto ko sa buhay dahil naloloka na ako.

[7:05PM] Yes po, it is free to rent for 3 days this week. Sabihin niyo lang po kung kailan ang check-in at check-out, para malagay natin sa schedule to avoid conflicts. And may I know the name na rin po?

[7:08PM] From April 19 to April 21 po sana and Irene Bae is the name.

[7:13PM] It's settled na po, Ma'am Irene. We can send someone to fetch you sa April 19 para siya na mismo ang maghatid sa inyo sa Casa de Paz or pwede rin po na isend na lang po namin 'yung directions papunta sa lugar.

Napaisip ako sa last text niya. Papahatid pa ba ako o ako na lang mag-isa ang pupunta dun? Hindi ba awkward 'yung makasama sa isang sasakyan 'yung isang tao na never ko pang nakita at nakasama. May sarili naman akong sasakyan, kaya ko naman magpunta 'dun mag-isa. Sana lang hindi ko pagsisisihan itong desisyon ko.

[7:19PM] Kindly send me the details na lang kung paano makakarating sa Casa de Paz. I'll manage.

[7:21PM] Alright, Ma'am Irene. I'll send you the details very soon along with the other important information. Thank you for trusting Casa de Paz.

[7:23PM] Thank you rin, Miss Yeji. I'll be waiting.

Suminghap ako ng hangin after ng aming successful transaction nitong Yeji at naglean back sa upuan ko para ipahinga 'yung likod ko. Tumingala ako sa may taas ng cabinet ko at nakita 'yung luggage bag na matagal ko ng hindi nagagamit.

Aalis na rin pala ako the day after tomorrow kaya need ko na rin mag-impake. Tumayo na ako tsaka inilipat 'yung inuupuan ko kanina malapit sa cabinet ko tsaka sumampa para abutin 'yung bag na puno ng alikabok dahil sa tagal na hindi na ginagamit.

Pinagpag ko ito ng maigi tsaka na ako nagsimulang mag-impake ng mga dadalhin at gagamitin kong damit sa loob ng tatlong araw.

- - - - - -
Ngayon na 'yung araw ng alis ko at naituro na ni Yeji sa akin 'yung daan papunta sa Casa de Paz at medyo kinakabahan ako sa desisyong ginawa ko.

Sinubukan ko ring hanapin sa Waze 'yung daan papunta sa Casa de Paz at may lumabas naman pero mukhang malabo gaya ng buhay ko.

Nakasakay na ako sa kotse at handa na akong umalis. Nasabihan ko na rin si Yeji na paalis na ako ng bahay kaya standby daw siya dahil baka biglang magkaproblema at mahirapan ako na tawagan siya.

Pero bago ko paandarin ay nagdasal na muna ako dahil kinakabahan talaga ako sa kung ano man ang pwedeng mangyari. Sana hindi ako maligaw mamaya, sana.

Pinaandar ko na ang sasakyan at nagsimula na bumyahe. Naka-connect rin phone ko sa aux para naman hindi masyadong tahimik habang nasa byahe para na rin madistract ako sa kabang nararamdaman ko ngayon.

Makalipas pa ang ilang oras ay feeling ko medyo malapit na ako sa destinasyon ko dahil medyo liblib na 'yung lugar at walang masyadong bahay. Hindi naman nakakatakot dahil concrete pa naman 'yung daan at maluwag naman tsaka maliwanag.

Titingin sana ulit ako sa Waze pero biglang hindi available dahil wala daw connection. Pinatay ko ulit 'yung data ko at nagbabakasakaling magkaroon ulit ng internet pero ganun pa rin.

Lalong bumilis 'yung tibok ng puso ko kaya napagpasyahan ko munang iparada 'yung sasakyan ko sa gilid kung saan hindi nakakaabala sa daan. Pinatay ko 'yung makina at lumabas dala-dala 'yung phone ko. Itinaas ko naman ito para sana may masagap na signal kahit papaano pero walang epekto. 

Nagtingin-tingin naman ako sa paligid ko baka may makita akong mga tao na mapapadaan pero tanging hampas lang ng mga dahon ang naririnig ko.

Wala na akong choice. Nakakahiya man pero kailangan ko na talagang tawagin 'yung si Yeji para magpatulong. Naghintay pa ako ng ilang ring bago may sumagot.

"Hello? This is Yeji speaking." 

"Hello, Yeji. This is Irene. Sorry to bother you pero nawawala ata ako. Biglang nawalan ng signal 'yung phone ko at hindi ko n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
trashofmaxe
Ang sabog na author ay muling nagbabalik, aye. HAHAHAHA. Pero ayun, thank you sa suporta, guys. Mahal ko kayo!

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 2: ang cutee!! hahaha! go authornim huhu pls update :((
seulgisdevil
#2
Chapter 1: Mukhang hindi lang soul searching ang ganap ni Irene ah...mukhang seul searching din. :p

Waiting for more interactions hehe. So far so good authornin