Sabaw na yung author nito sa totoo lang

Sabaw

Pinaglihi ata siya sa malas, habang naglalakad kasi pauwi galing trabaho si Irene, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Buti na lang yung waterproof na bag ang dala niya kaso naiwan niya naman yung payong sa mesa niya kaya naman yung bitbit niyang maliit na pamaypay na lang ang naipangtaklob sa ulo. Sumilong siya sa gilid pero wala na rin naman silbi dahil para na siyang basang sisiw, ginawin pa naman siya kaya ngatog na ngatog sa suot na basang uniform. Makalipas ang ilang minuto, wala pa rin dumadaan na taxi at tumingin siya sa langit. Madilim pa rin at parang wala na atang balak tumila ang ulan kaya nagpasya siyang maglakad kaysa gabihin sa daan. Habang naglalakad, may bumusina sa kanya. Tumingin siya sa itim na kotse at natakot kaya naman nagmadali siya maglakad. Sinundan siya nito at saka ibinaba ang bintana.

"Miss! Sumakay ka na!" Sabi nung babaeng nagmamaneho pero takot pa rin siya, iba na kasi ang panahon ngayon kahit sino pwedeng maging masamang tao.

"Okay lang po, maglalakad na lang ako." Sabi niya habang umiiwas ng tingin.

"Wendy Shon pangalan ko. Hindi ako masama at hindi ako holdaper kaya sumabay ka na, basang basa ka na oh." 

Huminto siya at huminto rin ang maliit na kotse. Nag-isip siya ng ilang segundo bago nakapagpasiyang buksan na lang ang pinto at makisabay. Pagpasok niya, inabutan siya ng tissue ni Wendy. "Salamat. Sorry basa na yung upuan mo."

Ngumiti siya at kinuha ang jacket sa likod na upuan, "Okay lang miss, sorry tissue lang ang meron ako. Kung gusto mo, isuot mo na 'tong jacket ko. Hindi ko pa naman nagagamit 'yan." Hiyang tinanggap ni Irene ang jacket at kinapalan na ang mukha dahil lamig na lamig na talaga siya. Lumingon sa gilid si Wendy at tinakpan ang mata para hindi mailang magpalit yung babaeng katabi. "Ano pala pangalan mo miss at saan ka nakatira?" Kumambyo siya at saka pinatakbo ulit ang kotse.

"Irene. Sa Cubao pa 'ko kaya sa may sakayan ng taxi mo na lang ako ibaba."

"QC din ako nauwi, ihahatid na kita at saka for sure mambuburaot nanaman mga taxi driver kasi pahirapan sumakay. Rush hour pa." 

"Salamat ng marami, bigyan na lang kita pang-gas." Dumukot siya sa bag ng pera pero pinigilan siya ni Wendy. 

"No need. Itabi mo na lang pera mo." Huminto sila dahil nag-pula ang stoplight. Nilagay pa rin ni Irene yung pera sa cup holder ng kotse kaya natawa si Wendy. "Miss Irene may lahi ka bang makulit? Sabi ko po itabi niyo na lang po ang pera niyo." Binigay niya pabalik ang pera. "Kapag nilagay mo ulit ihahagis kita palabas ng kotse ko."

Nahiya at namula ang mukha niya kaya napatingin na lang siya sa labas. "Okay. Salamat ulit."

 

Nang makarating na sa Cubao, nagtaka naman si Wendy sa street na dinadaanan nila. Sobrang pamilyar kasi doon rin ang daan papunta sa bahay ng girlfriend ng tropa niyang si Jisoo. Nung pinahinto na siya ni Irene, napanganga na lang siya dahil bahay talaga ni Jennie mismo yung nasa labas.

"Wait, bahay mo 'yan? Kaano-ano mo si Jennie Kim?" 

"Hindi ko bahay 'yan, pero pinsan ko siya. Nakikitira lang ako." Sagot niya habang inaayos ang bag.

"Bakit ngayon lang kita nakita?" Napatingin sa kanya si Irene dahil sa pagtataka. "Sorry, girlfriend kasi siya nung tropa ko kaya minsan nagpupunta kami dito."

"Basta..." Binuksan niya yung pinto, "Salamat sa paghatid, Wendy. Pati na rin sa jacket...papalitan ko na lang tapos ipapabigay ko sa pinsan ko." Tumango na lang ang isa at saka niya sinara ang pinto. Hinintay niya muna makapasok ng tuluyan si Irene bago siya nagmaneho paalis. Nagtatanong lang naman ih. Hayaan ko na nga, stranger lang din naman ako, isipin pa non pakielamera ako.

 

Nakalipas ang isang linggo at nagkita ang magto-tropa. Nahuling dumating si Wendy at sa gabing 'yon, ibang kotse naman ang dala niya. Pagka-parada sa labas ng restaurant, napansin niya yung cute na cute na kotseng kuba ni Jennie. Nag-away nanaman siguro sila ni Jisoo kaya hindi magkasama dumating. Pumasok na siya sa loob at kumaway naman si Seulgi sa kanya. Pumalakpak pa sila Moonbyul, Lisa, Jisoo at si Joy para mang-asar.

"Naks naman, eto na po ang tropa naming poging pogi!" 

"Yayamanin at maraming kotse!"

"Pero wala pa rin jowa!" Banat ni Joy kaya inirapan siya ni Wendy. 

"Kailangan ba ipangalandakan mo na single ako?" Umupo siya sa tabi ni Seulgi at ibinaba ang maliit na bag, "Mambabae nga tayo mamaya, Seul."

Kukurutin sana siya ni Joy pero pinigilan ng girlfriend niya, "Relax ka lang babe, nagbibiro lang siya."

Tumawa siya sa sumimangot na Joy at saka pumunta sa cashier para umorder. Pagkatapos non ay bumalik na siya sa table at nagulat naman siya sa nakita niya. Bumalik na galing banyo ang iba at kasama ni Jennie yung pinsan niya na hinatid niya nung nakaraang linggo. Umupo siya sa harap niya dahil doon lang naman ang bakante. "Hi!" Bati niya at nginitian lang siya nito. Mahiyain ata talaga 'to.

"Magkakilala na kayo 'di ba?" Tanong ni Jennie sa pinsan at tumango naman siya, "'Wag ka mahihiya diyan, mabait naman 'yan pero mas madalas siraulo." Natawa si Irene kaya naman sinimangutan ni Wendy si Jennie. 

"May problema ba tayo, Jennie?"

"Oy oy oy, 'wag mo nga inaaway baby ko." Sumabat naman si Jisoo at umakbay sa girlfriend niya.

"Daldal niyang girlfriend mo eh, saka kayong lahat lakas niyo mambasag ngayong gabi." Magsasalita pa siya pero napansin niya nakatitig sa kanya si Irene kaya naman nahiya rin siya mang-asar. Makalipas ang ilang minuto, dumating na mga pagkain at may mga sariling mundo ang mga mag-jowa kaya naman hindi mapakali si Wendy sa awkward silence nila ni Irene. Napansin niyang wala pa ang order nito kaya naman tumikhim siya at naglakas loob na mag-alok ng sushi. "Gusto mo?"

"Hindi na, okay lang." Umiling ito at ngumiti. 

"Hmm sige, kanina pa ba order mo?"

"Oo eh, nakalimutan na yata." Tinaas ni Wendy ang kamay para magtawag ng server. Nung may lumapit, siya na rin mismo ang nagfollow-up. Kinuha naman agad ng server ang order kaya naman nakakain na rin si Irene. "Thank you...Wendy."

"No problem." 

 

Pagkatapos kumain ay nagbalak sila pumunta sa gasolinahan para tumambay. Habang nagmamaneho, tingin ng tingin sa side mirror si Wendy at sinisipat ang kotse ni Jennie. Binaba naman ni Seulgi ang bintana at saka bumusina kaya naman binaba rin niya ang sa kanya. 

"Ang kupad mo magpatakbo ngayon ah! May sinisipat ka nanaman?!" 

Natawa siya at pinaugong ang kotse niya. "Baka makatulog ako kakahintay sa inyo kapag binilisan ko!"

"Palusot dot com!" Sigaw ni Joy sa kanya kaya naman dumila siya at saka hinarurot ang kotse palayo. "Nako nako manghaharot nanaman 'yang kaibigan mo, nakakita na naman ng chix." Sabi niya at nagtawanan sila ni Seulgi.

Nauna na si Wendy kaya siya na rin ang unang nakaparada. Lumabas siya sa kotse at saka humalukipkip habang nakatayo. Napangisi siya nung dumating na ang iba pagkalipas ng ilang minuto. "Ang bilis nga ng mga kotse, ang babagal naman ng mga driver. Saksakan kayo ng kupad!"

"Alam mo Wendy, kung kasama mo yung mahal mo, mas pipiliin mo mag-takbong pogi. Enjoy ang ride, promise." Sabi ni Lisa at sumang-ayon naman si Rosie sa pamamagitan ng paghalik sa pisngi niya. 

"Dami naman alam, asan na sila Jennie?" Sakto naman ay dumating na rin ang Beetle at ang Mustang. Pumarada sila sa tabi at saka lumabas. Napangiti naman si Wendy nung lumabas na rin si Irene. Inakbayan ni Jisoo si Jennie at saka pumuntang 7/11. Naiwan naman ang pinsan kaya tahimik na tumayo mag-isa. "Irene." Kinawayan niya siya at pumunta naman ito sa tabi niya. 

Hinimas niya ang hood at saka sumandal, "Ganda ng kotse mo. Buti na lang hindi ito yung gamit mo nung sinabay mo 'ko."

Tumabi sa kanya si Wendy at sumandal rin, "Thank you, special sa'kin 'to. Kung ito dala ko non, hindi kita isasabay."

Natawa siya at lumingon sa kausap, "Naka-base sa dalang kotse ang pagtulong mo?"

"Biro lang. Hindi kita papabayaan no, aalagaan kita...tutal parte ka na ng tropa." Ngumiti siya kaya naman nahiya na naman si Irene at yumuko. Naalala niya yung binili niyang jacket para kay Wendy kaya pumunta siya sa kotse ni Jennie at kinuha yung paper bag. 

"Ito na pala yung kapalit nung ginamit ko. Papaabot ko na lang sana kay Jennie pero sinama niya naman ako ngayong gabi."

“Hala nag-abala ka pa. You didn't have to.” Kumamot siya sa ulo pero pinilit siya ni Irene na kunin ang damit. “Sige na nga, salamat dito.” Nilagay niya sa loob ng kotse ang paper bag. “Bibili ako. May gusto ka ba?”

“Okay lang ako, busog pa naman.” 

“Sige pasok muna ‘ko, upo ka muna sa loob baka nilalamok ka na diyan.” 

“Okay.” 

 

Pagpasok ni Wendy sa loob, pinagtitinginan siya ng mga tropa niya. Mga nakangisi habang umiinom ng kape pero yung pinsan hindi maipinta ang mukha. Kumunot naman ang noo niya saka pumunta sa may slurpee station at kumuha para sa dalawang cup. Pagkatapos mag-fill up, pumunta na sa counter para magbayad. Kumuha na rin siya ng chocolate para kay Irene, pagmamagandang loob lang ba.

Lumapit sa kanya si Jennie, “Wendy, kabisado na kita. Sinasabi ko sa’yo pag ikaw hinarot mo si Irene at sinaktan mo siya, susunugin ko lahat ng kotse mo. Kakauwi lang niyan galing States at sobrang mabait yung pinsan ko na ‘yon, iba siya sa mga babae mo. Sinama ko siya ngayong gabi para naman magkaron siya ng bagong friends. Hindi niya deserve ang anything na makakasama sa kanya.” 

“Oh sa'yo na 'tong slurpee ko para mag-chill ka. Bawal ba kami maging close? Wala naman ako balak na masama, grabe ka sa’kin talaga. Buti nga ine-entertain ko pinsan mo at panay ang landian niyo dito ng jowa mo.” 

Salubong pa rin ang kilay nung pinsan kaya ngumisi siya at bumalik na sa may paradahan.

 

Pumasok siya sa kotse at ibinigay ang slurpee at chocolate. Hindi na dapat tatanggapin ni Irene pero pinilit siya ni Wendy tulad ng pagpilit niya sa kanya kanina don sa jacket.

“Salamat. Gawain niyo ‘to?” 

“Alin?”

“Mag-hangout sa...gasolinahan.”

"Ah oo, college pa lang hilig na namin tumambay kung san-san. Usap usap lang about sa life, minsan sleepover, pero hindi na madalas kasi busy na sila sa mga jowa nila.” 

“Bakit ikaw wala?” Tumingin sa kanya si Irene kaya naman na-consicous siya. 

“W-wala lang. Busy lang...ganon.” 

“Ahh.” Tumango-tango siya at natahimik nanaman ang paligid nila. 

“Ikaw? ‘Di ba magagalit boyfriend mo na nagpapa-umaga ka sa labas?” Sumilip sa kanya si Wendy habang iniintay na sagutin ang tanong na kating-kati sabihin kanina pa.

“Wala naman magagalit kasi wala akong boyfriend. Kasama ko naman si Jennie kaya panatag naman loob ko.” 

“Swerte ko naman pala.” Bulong niya sa sarili, “Pag tayong dalawa lang hindi ka panatag?”

“Huh...ah...panatag naman.”

“Sige nga, patunayan mo. Labas tayo next week, tayong dalawa lang.” Ngumisi siya at umiwas ng tingin si Irene.

“'Wag na.” Hiya siyang ngumiti at kinuha ni Wendy ang kamay niya. Tiningnan niya ang palad nito na para bang isa siyang manghuhula. “Anong ginagawa mo?”

“Tinitingnan ko yung future ko sa’yo. Sabi dito magiging masaya ka daw sa piling ko lalo pa pag pumayag kang lumabas tayo.” 

Natawa si Irene at inalis ang pagkakahawak, “Ewan ko sa’yo.” 

"Gusto mo mag-stroll?" 

"Saan naman?"

"Diyan diyan lang. Mamaya pa lalabas mga 'yon, 'wag ka mag-alala iuuwi naman kita kapag iniwan ka ni Jennie." 

Nag-isip muna siya sandali, "Sige."

"Ayun! Madali ka naman pala kausap." Pinaandar niya ang kotse at napansin na hindi nakakabit ang seatbelt ni Irene kaya umabot siya sa gilid. Nagkalapit ang mga mukha nila kaya naman kinabahan yung isa at napahawak sa balikat niya. "Easy lang, seatbelt mo 'di nakakabit." Natawa siya kaya naman namula ang mukha nung isa. "Safe dapat palagi." Kumambyo na siya at kumabig paalis sa gasolinahan. Binuksan rin niya ang radyo para naman mawala yung awkwardness nila, tahimik lang nakikisabay sa kanta si Irene habang patingin-tingin sa labas. Ang cute naman niya.

 

Noong una mabagal lang ang takbo pero nang dumaan sa walang taong kalye, diniinan niya ang apak sa silinyador kaya biglang humarurot ang kotse. Napahawak naman sa braso niya si Irene kaya natawa siya. "Ano kaya pa? 'Wag ka matakot, i-enjoy mo ang ride."

"Nakakagulat kaya." Lalong natawa sa kanya yung isa dahil parang sobrang inosente ng tono niya. 

"Ang cute mo." Tumingin siya sa kanya at ngumiti. Naabala sila nung may tumawag sa phone ni Wendy, sa kasamaang palad naka-bluetooth sa radyo kaya rinig ni Irene ang kausap niya. "Hello?"

"Hi babe." Bati ni Sunmi.

"Hey Sunmi, what's up?"

"I need you eh, libre ka ba right now, babe?" Tumingin siya kay Irene na umiwas naman agad sa kanya.

"Sorry, babe not tonight. Busy ako." Tumawa siyang may halong kaba at pagkahiya kaya pinatay niya agad ang tawag. 

 

Huminto sila sa isang gilid at pinatay naman ni Wendy ang makina kaya nagtaka si Irene. Inaya niya siya lumabas kaya sumunod siya at humawak sa damit ni Wendy dahil hindi siya pamilyar sa lugar.

"Kumakain ka ba ng balut?"

"Hindi ko pa na-try."

"Pwes, kukunin ko na ang balut ity mo dahil kakain tayo." Bumili siya ng dalawa sa manong na nagtitinda at iniabot kay Irene ang isa. Nag-aalangan kainin nung isa kaya naman kinuha niya ulit at binasag yung balat para sa kanya. "Salt or vinegar?"

"Salt na lang."

Tinaktakan niya ng asin at inilapit sa bibig ni Irene. "Oh higop na." Hinawakan niya ang buhok niya at parang nandidiri pa kainin kaya tawang-tawa yung isa. "Ang cute mo kumain. 'Di ba masarap?" Pinunasan niya ang labi ng babae at pinagmasdan ang mukha nito. 

"Masarap, kaso bakit fishy at parang mabuhok?"

Natawa lalo si Wendy dahil sa pagkakasabi niya kaya naman litong-lito yung isa habang kumakain. Bumili pa siya ng chicharon at coke sa tabi. "Napapasaya mo 'ko talaga, dapat siguro i-uwi na lang kita sa'min." 

"Hindi pwede...Hindi ba nila tayo hinahanap?"

"Ako nga bahala sa'yo, hindi rin naman nila tayo mapapansin na wala dahil for sure nagbebeng-bangan na mga 'yon kung saan." 

"Eh yung kausap mo kanina? Kala ko ba wala kang girlfriend?" Sinubuan siya ni Wendy ng malaking piraso ng chicharon at ngumisi.

"Wala nga akong girlfriend, ikaw, baka interesado ka? Gusto mo ba mag-apply na girlfriend ko?" Umiling si Irene at halos masamid sa sinabi niya kaya naman binigay niya yung inumin habang tumatawa. Naglakad pa sila at sakto naman may tusok-tusok sa tabi. "Siguro naman nakakain ka na sa ganito?"

"Okay na 'ko, ikaw na lang kumain."

Tumusok siya ng fishball at isinawsaw sa matamis na sauce. Kumagat siya ng isa at itinapat ang stick sa bibig ni Irene, "Sige na~ pagbigyan mo na 'ko, bahala ka hindi kita ihahatid sa inyo~"

"Busog na busog na 'ko." Pero kinain pa rin yung sinubo sa kanya at 'di halos makapagsalita kaya naman cute na cute si Wendy sa mga pisngi ni Irene na namamaga. Matapos kumain at magbayad, dinala siya ni Wendy pabalik sa kotse at pinagbuksan siya ng pinto. Pagkasakay nung isa, mukhang may balak pang puntahan na iba. "Saan na tayo pupunta? Hindi pa tayo uuwi?"

"Basta sit back, relax and enjoy the ride." 

 

Dumaan sila sa drive thru para lang bumili ng dalawang sundae cone, ayaw na sana ni Irene dahil sa busog pero binigay agad sa kanya nung isa kaya hindi na nakakontra. Pagkaalis, pinarada ni Wendy ang kotse sa may tabi at mabilis lang niya naubos ang ice cream. Tahimik lang na kumakain si Irene habang yung isa nakatitig sa kanya at pinapanood siya. Lumapit pa si Wendy at nangalumbaba sa may elbow rest kaya naman napa-urong yung isa. 

"Hindi pa ba tayo uuwi?"

"Kanina ka pa nagmamadali umuwi. Sabi mo panatag ka naman na kasama 'ko?"

"Oo nga pero--"

"Ayaw mo makipag-date sa'kin next week, so eto na yung date natin." Napatingin siya sa labi niya. "Ang cute mo talaga."

Umiwas siya sa pilyang tingin sa kanya, "Bakit ba gusto mo ng date? Hindi ba magagalit yung girlfriend mo?"

"May lahi ka talagang makulit, wala nga akong girlfriend."

"Kahit babe tawagan niyo?"

Napabuntong hininga na lang siya, "Wala lang 'yon, lahat naman tinatawag kong babe, babe."

Natawa si Irene at tinakpan ang maharot na tingin ng kausap. "Tara na, inaantok na 'ko."

"Gusto mo gisingin kita?"

"Ayaw."

"Sure ka?"

"Umuwi na tayo."

"May tayo na agad? Grabe Irene mas mabilis ka pa pala sa'kin." Umiling lang ang kausap at natawa kaya natawa na rin siya sa kalokohan niya. 

"Wendy!" Pinalo niya siya ng mahina sa braso at tinakpan ang bibig kakapigil sa tawa. 

"Okay, okay. Sabi ko nga uuwi na." Olats, ang hirap harutin nito.

 

Crush. Alam mong may crush ka kapag natatanga ka at napapangiti sa kawalan habang iniisip siya. Susundan mo siya ng tingin, ipipilit mong makipagusap sa kanya kahit wala naman katuturan pinagsasasabi mo, pati na rin pag-aalok ng kung ano ano para lang ngitian ka niya at sabihing, "Okay lang, 'wag na." Wala naman talaga siyang interes sa pagjojowa dahil sanay naman siyang pangmadalian ang lahat ng relasyon, pero itong si Miss Irene na mahiyain, nambabaliw. Bigla na lang siya kinilig na hindi niya maipaliwanag habang nag-sstroll sila nung isang gabi. Hindi naman talaga siya ang tipuhan ni Wendy kasi ang mga naging past niya madalas matangkad, morena at outgoing na tao pero biglang nag-iba. Mabait nga talaga si Irene pero in fairness ang hirap niya landiin at lagi na lang siyang gusto tanggihan kahit anong gawin niya at i-alok. Mas lalo lang siya naging interesado dahil hindi umuubra ang mga pasimpleng landi niya at mga pa-sweet niyang galawan. 

 

"Seul, kailan nga ulit magkikita ng buo ang tropa?" Humithit siya sa vape habang may sinusulat sa papel.

Nagsasalin naman ng cereal si Seulgi sa mangkok, "Malay ko, mag-chat ka sa gc. Bakit ba?"

"May nami-miss ako." Ngumisi siya at ibinaba ang ballpen dahil tapos na magsulat.

Binato niya siya ng piraso ng cereal, "Hoy, tigil-tigilan mo yung pinsan ni Jennie. Umpisa pa lang ipapayo ko na sa'yo, 'wag mo na ituloy ang balak mo at mukhang matino 'yon. Hindi kayo bagay."

"Hindi mo alam 'yon at 'wag mong pangunahan ang kapangyarihan nito." Pinakita niya ang papel na sinusulatan kanina. "Alam mo ba kapag pinag-FLAMES mo ang Wendy Shon at Irene Bae, marriage ang lalabas na resulta?" 

Hinablot ni Seulgi ang papel at tumawa, "Tangina mo may pa-flames flames ka pang nalalaman."

"Tinamaan ata ako, Seul." Humithit ulit siya at nagpausok pa na parang dragon, "Nung isang araw ko pa siya iniisip."

"Bahala ka sa buhay mo. Kung laro na naman ang hanap mo, 'wag si Irene dahil yataps ka kay Jennie."

 

Lumipas ang ilang araw, sinasabay niya minsan si Irene pauwi kapag pareho sila ng schedule dahil magkalapit lang naman sila ng building na pinapasukan at crush niya siya, siyempre gagawin ang lahat para lang makasama siya kahit maliit ang chance. Pagmamagandang loob lang rin naman dahil napaka-pangit talaga ng public transpo at nung minsan nadukutan pa ng wallet ang bagong kaibigan. Isang gabi, dinala niya si Irene sa Ortigas para kumain sa paborito niyang restaurant. Casual lang naman ang vibe dito, sa buong lote marami pang resto ang nakapaligid, may mga umiinom at nagkakaraoke kaya hindi naman masyadong romantic para hindi naman siya pag-isipan na nagta-take advantage at ma-solo niya siya ng matagal. (Pero parang ganon din naman talaga ginagawa niya.) Sa labas sila pumwesto at saka umorder ng makakain. Patingin-tingin si Irene sa paligid habang si Wendy naman pasimpleng sumisipat sa kanya. 

"Balita ko galing ka sa US, bakit ka umuwi?" 

"Basta."

"Bakit nga?" Cute neto sarap tirisin.

"Doon ako nag-aral...at nag-work, pero kahit malaki kita, malungkot don kaya dito na lang ako."

"Sabagay totoo 'yan. Mas masaya dito sa Pinas, lalo na ngayon kasama mo na kami. Tas siyempre ako, papasayahin pa kita kaya doble-doble ang saya mo 'di ba?"

"Talaga ba?"

"Oo ako pa ba? Ngiti ka kaya ng ngiti kapag kasama mo 'ko." 

Napailing at natawa si Irene sa kahanginan ng kasama niya, "Funny ka lang, pero hindi kita gusto."

"Ouch. Bakit? Ano ba tipo mo?"

"Yung seryoso at hindi childish. Ikaw kasi parang...gusto mo lang good time at panandaliang landian. Mukha ka pang...pa-bad boy na ewan na manloloko. Kung magrerelasyon man ako, don na ako sa madadala ako sa altar."

Natameme naman yung isa ng ilang segundo. Dapat siguro maging mahiyain na lang ulit 'to, diretso magsalita eh. "Judgmental mo naman po, kahit mukha akong tarantado, mabait 'to. 'Di ko naman ikakaila na karamihan sa naging relasyon ko noon for good time lang. Pero kung ikaw na, seseryosohin at liligawan pa kita araw-araw para lang mapatunayan na totoo ang nararamdaman ko para sa'yo." Kumindat siya at ngumiti.

"Bahala ka sa buhay mo." Naabala sila nung dumating na ang pagkain nila. 

"You should try this. Sarap, promise." Inangat ni Wendy ang kutsara at saka tinapat sa bibig ni Irene. Nakatitig lang siya sa kanya na para bang walang tiwala, "Ay nako, isang subo lang pagbigyan mo na 'ko."

Sinubo niya naman ang kutsara. "Masarap. Ano ba 'to?"

"Utak ng baka." Nanlaki ang mata ni Irene sabay kuha ng tissue para iluwa ang kinain. Tawang tawa si Wendy habang pinapanood siyang nagmamadali uminom ng tubig. Pinunasan niya ang gilid ng bibig nito, "Kala ko ba masarap?"

"That's disgusting, paano mo nasisikmura kumain niyan?"

"Sarap kaya. Kapag kasama mo 'ko, gagawin natin lahat ng bago sa'yo para ako maisip mo sa mga first time mo." Sumubo ulit siya at diring-diri naman ang isa habang pinapanood siya.

 

Matapos kumain at magkwentuhan tungkol sa trabaho, bumalik muna sila sa paradahan at nagpahangin sandali. Sumandal si Irene sa hood ng kotse at saka nag-phone, samantalang si Wendy nagva-vape at pinagmamasdan siya. Kinuha niya ang sariling phone at saka kinuhanan ng litrato ang babae.

"Ang ganda mo dito." Pinakita ni Wendy ang phone pero umiling lang si Irene. "Hindi ka nagagandahan sa sarili mo?"

"Hindi. Delete mo na lang 'yan."

"Ayoko, ganda ganda mo kaya. Bagay ka sa kotse...pati sa may-ari." Natawa si Irene kaya pumasok na sa loob at sumunod naman ang isa sa kanya, "Saan mo na gusto pumunta?"

"Uwi na."

"Ayaw mo pa 'ko makasama ng matagal?" 

"Hindi naman sa ayaw, maaga lang kasi pasok ko bukas, 6 a.m...next time na lang ulit tayo lumabas." 

Tumango na lang siya at saka pinaandar ang sasakyan. Binagalan niya lang ang takbo para mas makasama niya siya ng matagal. Naisip niya, sa tinagal-tagal ng panahon, ngayon na lang siya ulit ngumiti at inenjoy ang sandali kahit pa mabagal ang andar ng pinakamabilis niyang kotse. Nilingon niya ang katabi at para naman siyang pinana ulit ni kupido dahil sa napakacute na natutulog na Irene.

 

 

Habang naglalakad sa bazaar sa Glorietta, biglang may saleslady na tumawag ng atensyon niya. Pinatikim siya ng yema cake nito at nag-offer pa ng cupcakes kaya naman napagpasiyahan niyang bumili para sa bahay dahil masarap naman. Habang pumipili ng iba pang mabibili, may dumating na customer at nakilala naman niya agad kung sino kahit nakatalikod.

"Boo!" 

Nagulat naman ang isa at napahawak pa sa dibdib, "Ay kabayo!"

"Grabe ka talaga, ako lang 'to Irene." Natawa siya at inabot na ang bayad sa saleslady. "Alam mo, yung mga pagkikitang hindi planado may meaning daw. Malapit ko na isipin na tinadhana tayo."

"Hanggang isip mo lang naman."

"Ouch. Palagi mo na lang ako binabara." Hindi siya pinansin nung isa at lumakad paalis kaya naman sinundan niya na lang. "Grabe 'di talaga 'ko pinansin, ang suplada naman ng crush ko."

"Umuwi ka na, 'wag mo na 'ko sundan."

"Sino nagsabing sinusundan kita? Dito yung way papuntang parking." Ngumisi siya kaya naman napabuntong hininga na lang ang isa at nagpigil ng sasabihin. "Oy~ naiinis na siya."

"Ang kulit mo."

"Ang cute mo kasi."

 

Umikot pa sila sa mall at nagtingin-tingin kung ano ang pwedeng mabili. Naabala naman si Irene nung nag-text ang Tita CL niya na nagpapabili ng ilang bagay sa grocery. Habang namimili siya, nangungulit naman si Wendy at puro kalokohan habang nagtutulak ng pushcart. 

"Irene, niyog oh.” Inabot niya ang prutas at pinigilan ang sariling tumawa.

“Hindi naman—"

“Niyog-yog mo kasi mundo ko.” 

Nagpigil rin siya ng tawa at ibinalik ang hawak ni Wendy, “Ano ba 'yan ang corny.”

“Irene, honeydew in my life.”

“Wendy! Nakakahiya ka.” Tinakpan niya ang bibig sa pagpipigil ng tawa.

“Wala akong pake dahil ang atensyon ko ay sayong-sayo..te.” Nang mapansin ang pechay, nakaisip siya ng kalokohan at akmang kukunin. Tinapik ni Irene ang kamay at hinatak siya palayo bago pa may masabing hindi kanais-nais na marinig ng mga mamimili. "Makapalo ng kamay wagas, buti pa 'tong saging may puso."

Napailing na lang siya, “Dapat sa'yo iniwan na lang sa baggage counter, you're so silly." 

"Silly like siling labuyo? I labuyo--" Hindi na siya narinig dahil lumiko sa aisle at nauna naman naglakad ang isa, "Irene!"

"Ano ba 'yon?" Kunwari naiinis na siya.

Ngumiti sa kanya si Wendy na sobrang proud, may kinuha sa shelf saka ipinakita sa kanya ang kahon, "I like you, so matcha."

"Ewan ko sa'yo." Napangiti rin naman siya, pero tumalikod na lang saka nagmadaling naglakad. 

"Mani ka ba?"

"Parang bastos na 'yan ah." 

"Ha? Anong bastos? Happy kasi ako kapag kasama ka, Happy Peanuts oh." Inabot niya yung pakete sabay iwas naman yung isa at lumakad na palayo. Natawa siya at sinundan na ulit ang kasama papuntang cashier. "Cute cute mo talaga."

~cornytalagakongtaosorryㅠㅠ

 

 

Habang naghihintay sa lobby ng building ng pinagtatrabahuhan ni Irene, napaidlip na si Wendy sa sobrang tagal. Pagkalabas niya kasi sa trabaho nung alas-singko, dumiretso na agad siya don kahit mag-oovertime daw si Irene. Siyempre nagpapa-pogi at good shot siya, kailangan niya maghintay kahit ilang oras pa ang lumipas. Tinapik siya nung guard dahil halos nakahiga na siya sa mahabang upuan.

"Miss, paayos na lang po."

"Ay, sorry kuya guard." Nag-check pa siya kung may tulo ng laway. "Anong oras na po ba?"

"Alas-otso na, kanina ka pang alas-singko 'di ba? Sino ba hinihintay mo?"

"Ah, yung--" Napahinto siya nung nakita niya si Irene na naglalakad habang nakasimangot. "Ayan na po pala, sige po mauna na 'ko. Salamat sa pag-gising!" Tumayo na siya at patakbong naglakad saka kinuha ang mga bitbit nito. Nag-alala naman siya dahil tahimik lang ito at parang wala sa mood.

 

Hindi pa rin siya nagsasalita hanggang makarating sila sa kotse kaya naman nag-alangan siya kausapin siya. "Haba ng nguso ah...how was your day?" Tanong niya habang kabadong kinakabit ang seatbelt.

Bumuntong hininga siya at yumuko, "Sorry, naiinis lang ako."

"Bakit naman?" Kumabig na siya palabas sa paradahan.

"Nalaman ko na yung mga katrabaho ko pinaguusapan ako kasi lagi ako yung binibigyan ng extra na gawain. Sinasabihan nila akong favorite ng boss. Nahihiya na tuloy ako kasi tuwing may ipapagawa maiisip ko ako na naman inutusan at for sure may masasabi na naman sila." 

"Gusto mo awayin ko? Suntukan kami." Napasimangot lalo yung isa sa sinabi kaya naman napangiti siya at hinimas ang ulo ng katabi, "Joke lang po. Hayaan mo sila, inggit lang mga 'yon kasi pangit mga gawa nila. 'Di mo naman talaga matatanggal sa workplace mga gago na ganon mag-isip, focus ka na lang palagi sa ginagawa mo. 'Wag mo hayaan makasira sila sa'yo, isipin mo na lang yung rason kung bakit mo mahal yung ginagawa mo at siyempre yung goals mo. Hindi naman sila ang nagpapasweldo sa'yo kaya 'wag mo pinagpapapansin mga 'yon."

"I get your point, kaso nakakagigil pa rin talaga minsan."

"Paano yung gigil?" Natawa siya nung naki-ride naman si Irene at pinakita ang gigil niyang mukha. "Napaka-cute po talaga opo."

"Sira." 

 

Huminto muna sila para magpagasolina kaya naman pumasok si Irene sa convenience store para bumili ng maiinom. Sumilip siya sa labas at napangiti nung nakita niyang kinukuhanan ng litrato ni Wendy yung kotse niya. Naisip niya, kahit yayamanin simple pa rin at hindi arogante tulad ng iba. Tuwing sinasabay niya siya, nakikita niya kung pano siya makihalubilo sa mga guard, pag kumakain sila sa labas, maayos makipagusap sa mga crew kahit mali mali na ang naibigay na order at isa pa, hindi lang pakitang tao yung pagiging mabait at pagka-gentlewoman niya dahil kahit maha-hassle siya, nakangiti pa rin at ramdam ang sincerity niya. Kahit astig kumilos at tinatago ang tunay na nararamdaman sa mga kalokohang salita, alam naman niya at basang-basa niya pa rin siya. Pagkalabas, naramdaman niya bigla yung pagbilis ng tibok ng puso niya habang pinapanood niyang magpunas ng windshield yung isa. Naglilinis lang naman siya, pero bakit ang pogi...

Tumikhim siya at iniabot ang kakabukas lang na bote ng inumin, "Wendy, tubig oh."

"Thank you." Sabi niya sabay inom agad dahil sa init. "May dumi ba sa mukha ko?"

"W-wala. Tara na."

 

"Matagal ka ata naghintay sa lobby. Pasok ka, dinner tayo." Hinahatak siya ni Irene pagkadating nila sa labas ng bahay nila Jennie.

"Hindi na." Baka hindi na 'ko umuwi pag nag-stay pa 'ko. "Dumating Mom ko from Canada, for sure may pagkain sa bahay."

"Huh? Bakit hinintay mo pa 'ko? Dapat hindi na...dumating pala Mommy mo."

"Okay lang, mag-aalala lang ako pag hindi kita sinabay. Sige na babye na, kumain ka ha tapos magpahinga ka na rin." 

"Hmm...sige, ingat na lang sa pag-drive. Thank you sa paghatid." Ngumiti siya at binuksan ang gate. 

"Pahinga po ha, baka mamaya makipag-chat ka pa kung kani-kanino..." 

Bago pumasok, natawa siya at humalik ng mabilis sa pisngi ni Wendy. "Ikaw lang naman nangungulit sa'kin sa chat. Pasok na 'ko. Drive safe!" Pumasok na siyang tuluyan at isinara ang gate. Parang tanga naman nakatayo sa labas si Wendy at sumuntok-suntok pa sa hangin dahil kilig na kilig ang gago, first time siya kasi kiniss sa pisngi ni Irene. Palagi na lang kasi kaway ang paalaman nila noon.

 

Siyempre dahil iba ang tama ni Wendy sa kanya, sobrang nag-eeffort siya magpa-impress kay Irene at hindi niya na magawa tumingin sa iba simula nung naging malapit sila. Noong una gigil siyang maging sila na, pero natutunan naman niya na maghinay-hinay at sumunod sa proseso. Matagal na nung huli siyang nanligaw kaya naman todo todo na lang ang pagiging gentlewoman niya at pati na rin ang maliliit na bagay sinisiguro niyang walang sabit. Hetong may pa-bulaklak, laging may dalang pagkain at palaging nakaalalay kapag may kailangan yung isa. Lumipas ang ilang linggo, panay ang hatid sundo niya kay Irene sa bahay at sa trabaho. Minsan, kahit alas-siyete ang pasok ni Irene at siya naman ay alas-diyes, ihahatid at ihahatid niya pa rin siya kahit sobrang aga niya makakarating sa trabaho niya. Madalas may pa-kape o kaya naman pa-hot choco kung maaga siya nadating sa bahay nila Jennie tapos may pa-doughnut or cupcake kapag ginagabi ng uwi si Irene.

 

Dumating ang isang Sabado na libre silang lahat kaya nagkayayaan ang magbabarkada pumuntang Tagaytay para kumain. Oo, kakain lang doon pa dahil sa request ni Joy kay Seulgi, nag-crave daw siya ng mcdo pero yung gusto niya yung sa Tagaytay. Kaya naman para maiwasan ang pag-alboroto ni bulkang Joy, sumunod na lang siya at pinasama na rin ang buong tropa. Ang usapan, sa kotse ni Jisoo makikisakay si Irene kasama ni Jennie, pero biglang nag-iba ihip ng hangin at ngayon ay nasa kotse siya ni Wendy nakasakay.

"Ang cute nitong kotse na 'to compared sa iba mo. Yung iba kasi parang galit yung harap." 

"Mas cute ka." Natawa siya nung hindi siya pinansin, "Kay hirap mo talaga harutin! Anyway, sa Dad ko 'to, pero ito ginagamit ko pag pumupuntang Tagaytay, alam mo kung bakit?"

May ginalaw siya sa pindutan at nagulat si Irene nung bumukas yung bubong ng kotse, sa sobrang tuwa ay iwinagayway niya ang kamay habang tumatama ang malamig na hangin sa kanila. Kumaway pa siya kala Seulgi habang nakahinto at masayang nakatitig lang sa kanya si Wendy. "HOY WENDY TAMA NA LANDI GO NA!" Sumigaw si Joy at nataranta naman siya paandarin ang kotse. 

 

Imbis na sa mcdo, nag-bulalo na lang sila dahil nagbago isip ni Boss Joy at wala naman kumontra. Pagkatapos kumain, pumunta sila sa Skyranch dahil sayang lang din ang punta kung kakain lang talaga. Yung iba sumakay sa rides, pero sila Wendy naiwang palakad-lakad lang kasi takot si Irene kaya naman naglaro na lang at naka-chamba namang nakakuha ng stuffed toy. Ayos lang din naman dahil nag-aalala din siya kasi nung umaga pa masakit ang ulo ng kasama. Bago sila umuwi nung gabi, dumaan muna sa sb para mag-kape. Habang nagkukwentuhan ang iba, tumayo si Irene sa upuan at pumunta sa may gilid para pagmasdan ang tanawin at magpahangin. Makalipas ang ilang minuto, sinundan siya ni Wendy at tumabi sa kanya. 

"Masakit pa ulo mo?"

"Hindi na, kinulang lang siguro sa kape." Ngumiti siya at napansin naman ni Wendy na nilalamig siya kaya hinubad niya ang jacket niya.

"Bakit ka ba kasi nag-off shoulders? Naka-palda ka pa alam mo naman malamig dito. Gusto mo ba sipunin?" Inis niyang tanong habang sinusuot kay Irene ang damit, "Hindi ko naman sinasabing masama pumorma, pero ayaw kitang magkasakit. At saka...mabubulok na sa impyerno kaluluwa ko kakatitig sa'yo." 

"Edi...'wag ka na lang tumingin."

"Wow, parang sinabi mo na rin na 'wag akong huminga." Akma siyang yayakap sa bewang, "Okay lang?" Tumango naman ang isa kaya labis labis na lang ang kilig na naramdaman niya. Ipinatong niya pa ang ulo sa balikat ni Irene at sabay nilang pinagmasdan ang tanawin. 

Nagbabalak pa lang siya humalik sa pisngi, pero inabala naman sila agad nina Moonbyul at Seulgi, "Love birds uwi na daw tayo, mamaya na kayo mag-momol sa kotse." Napakamot na lang sa ulo si Wendy nung kumawala at naglakad na palayo ang kasama.

"Tangina naman minsan lang ako makayakap inabala niyo pa mga kupal kayo." 

Nagtawanan ang dalawa saka nag-apiran at naglakad paalis.

 

Habang nagmamaneho, sumilip siya kay Irene na habang nakatingin sa labas, yakap yakap yung stuffed toy na napanalunan nila kanina.

"Alagaan mo si Manen." 

"Sinong Manen?" 

"Yung stuffed toy, anak na natin 'yan kaya alagaan mo."

Natawa siya at hinigpitan lalo ang yakap, "Hindi ko inexpect 'yon."

"Ang alin?"

"Papangalanan mo stuffed toy tapos gagawin mong anak. Cute."

"Hindi ako cute. 'Wag mo pala sasabihin kala Seulgi, mang-aasar na naman mga loko-lokong 'yon."

"Kinakahiya mo ba kami ng anak mo?"

"Huh? Hindi naman, ano kasi--" Sandali, ano daw? Kami ng anak mo? SHET. "Anong sabi mo?"

"Eyes on the road, idlip muna 'ko." Sumandal si Irene sa upuan at ipinikit ang mga mata kaya naman hindi na naka-porma ang isa at tahimik na lang na nabaliw sa kinauupuan.

 

Pagkarating sa labas ng bahay nila, binuksan ni Jennie ang gate at pinapasok ang mga kotse ng tropa. Umuwi na ang iba kaya sila Seulgi, Joy, Jisoo at Wendy na lang ang natira para mag-inuman. Bumungad sa kanila ang Mama ni Jennie na siya namang nagbukas ng pinto ng bahay.

"Hi Mama CL y!" Nagmano si Jisoo sa kanya kaya naman binatukan siya nito.

"Mama CL y ka diyan, gabi mo nanaman inuwi ang anak ko! Sabi ko alas-siyete hindi alas-onse!" Agad naman siya inabutan ng box ng buko pie at blueberry tart. "Diyan ka magaling, ang sumuhol." Natawa si Jisoo at nagulat nung bumaling ang nanay kay Wendy. "O ikaw naman Wendy, isa ka pa! Lagot ako at ikaw sa Daddy ni Irene kapag nalamang may nanliligaw sa anak niya tapos hinahayaan ko lang."

"Bakit naman ho magagalit? Wala naman po masama, Tita, grabe kayo. Matanda na kami para pagbawalan lumabas at saka...seryoso naman kamo 'ko sa anak niya." Tumaas-taas pa kilay niya habang nakangisi kaya binatukan din siya, "Aray!" Nakatawa lang si Irene sa kanila at napahinto nung bumaling ang tingin ni Wendy sa kanya. 

"Hindi mo 'ko pagtatanggol?" Umiling ang kausap habang nagpipigil ng ngiti at saka tumalikod at umakyat papunta sa kwarto niya kasama yung demonyong aso ni Jennie na lagi siyang tinatahulan. "Grabe talaga yung pamangkin mo, Tita. Hirap ligawan, hindi ko pa matimpla ugali."

"Ewan ko sa'yo, ginusto mo naman 'yan. Nga pala, kung dito kayo matutulog, maglatag na lang kayo ng extra kutson sa guest room para magkasiya kayo."

"Salamat 'Ta, kami na po bahala, mag-relax ka na lang. Hihiram pala kami baso at pitchel." Nagmano sila Seulgi at Joy na may hawak na isang case ng beer at malaking plastic ng yelo.

"Kahit kailan talaga ikaw nangunguna sa inuman Seulgi. Walang magsusuka sa inyo ha, bagong palit lahat ng basahan sa banyo pati na rin bed sheets sa mga kwarto. At isa pa, bawal si Jisoo sa kwarto mo ha."

"Si Mama naman eh..." Napakamot na lang sa ulo si Jennie at sumang-ayon. "Ako na bahala, matulog ka na." 

"Mga bata kayo ang pupusok niyo." 

 

Umakyat na sila sa may terrace ng bahay habang buhat-buhat nila Wendy at Seulgi ang case ng beer. Agad naman pinagbubuksan ang mga bote at kanya-kanyang tira sa pulutang crispy pata. Nagkwentuhan muna sila at yung isa naman hindi mapakali dahil wala yung dapat na kapareha niya. Nakaka-tatlong bote na siya, pero parang walang balak sumali si Irene kaya naman nakasimalmal siya. Pinagtatawanan siya ni Joy at Jisoo habang patingin-tingin siya sa pinto. 

"Ops, may hinahanap." Asar ni Jisoo.

Kumantiyaw pa si Joy, "Katukin mo na kasi, kunwari ka pang nahihiya malandi ka naman! Harot harot niyo kanina ngayon ka pa naduwag."

"Oo nga par, kung ako sa'yo, pupuntahan ko na. Sweet niyo kanina, lalabas 'yon sa lungga promise."

"Jen, okay lang pumunta ‘ko don?”

“Nagtanong ka pa hindi ka naman magpapapigil.” Umirap siya sabay baling ng atensyon sa phone.

“Sungit mo naman, kulang ba arugang binibigay sa’yo ni Jisoo?” Mapang-asar niyang sabi kaya naman umakmang sasapakin siya ni Jennie. 

 

Tumayo na siya sa silya at pumasok ulit sa loob ng bahay. Habang naglalakad, ramdam niya ang kaba habang palapit ng palapit sa kwarto ni Irene dahil kahit kailan ay hindi pa siya nakapasok doon. Tumingin-tingin muna siya sa paligid at saka kumatok ng mabilis. Narinig niya ang tarantang yapak sa loob kaya pati siya ay nataranta na din. Tatakbo sana siya pero naunahan ng bukas ng pinto. "Uy!"

"Wendy?” Hiyang sabi ni Irene habang karga si Kuma na parang baby. Tinahulan na naman niya si Wendy kaya naman pinawalan ni Irene at pinatakbo papunta sa may-ari. 

“Cute naman ng bestida mo, gusto ko 'yan susuot mo pag may bahay na tayo.” Ngumisi at halata ang pamumula ng mukha.

Lasing na ata siya. Namula din naman ang mukha niya dahil sa hiya at umiwas ng tingin, “May kailangan ka?”

"Sama ka, umiinom kami sa terrace."

"Hindi naman ako umiinom 'di ba?" 

Napakamot na lang sa ulo si Wendy. Basag. "Pwede ka naman mag-ambag ng kwento.”

“Nakapantulog na ‘ko...”

"Ahh matutulog ka na?”

"Hindi pa.” Pinakita niya yung nilalaro sa TV at kumunot naman ang noo ni Wendy. "Sige...enjoy na lang kayo." 'Di man lang ako inimbitahan pumasok hmp. 

Nung isasara na ni Irene yung pinto, pinigil at hinarangan niya siya, "Teka teka, ganon lang ‘yon?"

"Bakit? Gusto mo ba...pumasok?"

"Umm...oo? Kung pwede lang naman." Natawa na lang siya sa kalokohan niya at sabay naman todong binuksan ng isa yung pinto. Pagpasok, ginala niya ang mga mata at nag-obserba sa kwarto. Simple lang naman ito, may malaking kama na katapat yung nakasabit na malaking TV, cabinet sa gilid, nightstand at sobrang linis pa, may nakita pa siyang baby picture ni Irene na nakasabit sa puting pader kaya naman kinuha niya ang phone sabay pinicturan ito.

"Delete mo 'yan." Akmang hahablutin pero mas mabilis ang kamay nung isa at itinago sa likod.

"Ayoko, ang cute kaya! May kagat ka pa atang hotdog sa stick." Pilit kinukuha ni Irene kaya napaatras naman si Wendy hanggang tumama ang paa sa paanan ng kama at tuluyan siyang napaupo. 

"Mas makulit ka kapag lasing." Napabuntong hininga na lang siya. “Delete mo ‘yan.”

“Yoko nga.” Dumila pa siya habang pinagmamasdan yung litrato ni Irene sa phone niya. "At saka, tipsy lang ako."

"Parang bata. Matulog ka na kaya?”

“Ayoko, nandito na nga ako sa kwarto mo tapos tutulugan kita? Nababaliw na ba ‘ko? Ay oo pala nababaliw...sa’yo.” Kumindat pa kaya naman natawa si Irene saka siya inabutan ng tubig. 

“Magpahinga ka na, maglalaro muna ‘ko.”

“Sali ako.” 

 

Habang naglalaro, napa-idlip si Wendy sa hita ni Irene, hinayaan niya na lang dahil tipsy at pagod sa biyahe. Pinagmasdan niya siya at pinisil ang ilong nito, "Parang hindi makabasag pinggan kapag tulog." Nung nag-sawa na sa laro, nagdesisyon siyang manood na lang ng movie dahil hindi pa rin dinadalaw ng antok. Tinapik niya ang braso ng natutulog, "Wendy, tayo ka muna. Lipat tayo sa kama." Sumunod naman agad ang isa at mapungas-pungas pa nga ang mga mata. Mula sa lapag, lumipat sila sa kama at doon na lang umupo.

Hinubad niya ang suot na jacket at medyas kaya naman inalok na rin siya ng pamalit na damit ni Irene para mas komportable siya. Pagkahilamos at sipilyo, nabuhayan naman siya ng diwa kaya naman pagbalik niya sa kama, patingin-tingin siya sa kasama. Umupo siya sa tabi niya saka ikinumot ang blanket sa mga katawan nila. Hindi siya mapakali dahil katabi lang naman niya si Irene sa kama nito at suot niya pa ang damit niya. Nakagawa siguro ng sobrang buti ang past self niya at sobra sobra naman ang swerte niya buong magdamag. 

 

Tulad ng ibang tao, siyempre kunwaring nag-inat si gago at pasimpleng umakbay sa katabing dalaga na buti na lang hindi nailang sa ginawa niya. Habang nanonood ng horror, napapangiti si Wendy tuwing nagugulat si Irene kapag may jump scare dahil napapayakap ito sa kanya. Matapos ang pinanood, pinatay niya ang TV at yung bedside lamp na lang ang natirang nagpapaliwanag sa kwarto. Hinimas niya ang braso nito at saka humarap sa kanya.

"Magugulatin ka pala. Bakit naman 'yon pinili mo, pano ka makakatulog niyan?"

"Baka kasi ayaw mo ng romance." 

"Ako nga 'tong nanliligaw sa'yo, pano ako aayaw sa romance?" Humarap sa kanya si Irene at biglang sumiksik sa leeg niya. "Ayan, 'yan ang romance na gusto ko."

Natawa ang babae kaya tinapik siya ng mahina sa tiyan at pinulupot ang mga binti niya sa kanya, "Ang init mo kasi. You make me feel warm."

"Alam mo ikaw, pa-fall ka din. Kapag ako hindi mo sinagot--" Natahimik si Wendy nung tumingala at hinalikan siya sa pisngi.

"Thank you for today, nag-enjoy ako ng sobra."

"Y-You're welcome, salamat din kasi napasaya mo pa 'ko lalo dahil sa sinabi mo." Umalis siya sa pagkakayakap dahil kita niyang antok na siya at pabagsak na ang mga mata. "Pwede?" Nagpaalam siyang hahalik sa noo at pumayag naman ito. "Good night." Patayo na siya sa kama pero hinawakan siya bigla sa braso ni Irene.

"Saan ka pupunta?"

"Guest room, tutulog na din." Nagkatinginan sila at na-pick up naman agad ni Wendy yung gustong sabihin nung isa. "Gusto mo ba...dito na lang ako matulog?" Tumango si Irene at ngumiti kaya bumalik na siya sa pagkakahiga. Yung demonyo so utak niya sinasabihan siyang umatake na at mang-harot, pero yung anghel sinasabing mag-behave siya kaya naman minabuti niya na lang na umusog sa gilid na halos malaglag na siya sa lapag. Para siyang gago na nakikipagtitigan sa kisame at ang mga kamay nakalagay pa sa may tiyan dahil hindi alam kung paano ba ipo-posisyon. Siyempre ibang approach ang ginagawa niya kay Irene at ayaw niya naman maka-invade ng space o hindi siya maging komportable. Habang nagbibilang ng tupa sa utak, naabala siya nung hinahatak ng katabi yung kamay niya. "Hmm?"

"Bakit ang layo mo?"

"Huh? Ah...baka kasi ayaw mo masikipan."

"Lapit ka." Sumunod naman si Wendy at halos mamatay-matay nung pinatong ni Irene yung ulo sa dibdib niya at yumakap pa sa bewang.

"Takot ka sa momo no?" Natatawa niyang sabi kaya naman nainis at kumawala yung isa at saka bumaling sa kabila. "Awoo~" Pang-asar niya bago niya siya hinatak pabalik at iniharap sa kanya. "Joke lang naman! Yung nguso mo humaba na naman." Bumulong siya, "Pag ako nademonyo..."

"Inaasar mo lang ako, sa guest room ka na nga lang matulog."

"Okay sige, bahala ka diyan kainin ng momo." Akmang tatayo pero yumakap ulit sa kanya si Irene kaya naman kumapit siya sa bewang para hindi na siya makawala pa. "Cute cute mo."

"Ang bilis naman ng tibok ng puso mo."

"Sino ba sa tingin mo ang dahilan?" 

"Si Slender Man."

"Ang ganda mo naman na Slender Man." 

"Ewan ko sa'yo." Makalipas ang ilang segundo, tumahimik ang paligid. Magkatitigan lang ang dalawa at nakangiti sa isa't isa, hinawi ni Irene ang buhok ni Wendy na nakakalat sa mukha at hinaplos ang pisngi nito, gusto niyang gawin yung kanina pa niya iniisip ibigay sa kanya, pero pinigilan niya na lang muna ang sarili dahil baka kung saan sila mapunta. “Ang ganda ng mga mata mo.”

"Umamin ka, crush mo 'ko no?"

"Tulog ka na, pagod lang 'yan."

Hindi niya napigilan matawa sa sinabi nung isa kaya naman bumangon at umibabaw siya sa kanya, "Ano ba? Bakit ayaw mo pa aminin? Bisto ka na." Ngumisi siya sabay umiwas naman ng tingin si Irene. 

"Tulog na tayo."

"Sabihin mo muna crush mo na rin ako." Nilapit niya yung mukha niya at napapikit naman yung isa. Napangiti siya dahil ang cute niya talaga, pero pinili niya na lang bumalik sa pagkakahiga. "Good night na." 

"Good night." Hiya namang sabi ni Irene at bumalik na sa pagkakayakap sa katabi. 

 

Iba talaga yung pakiramdam kapag yung taong gusto mo yung katabi at kasama mo sa kama. Yung tipong ayaw mo na gumising at matapos ang mga sandaling 'yon dahil sobrang komportable at sobrang sarap sa pakiramdam. Ang laki-laki ng kama pero parang tuldok lang sila sa gitna nito na ayaw maghiwalay dahil parehong nakakaramdam ng ginhawa sa init ng isa't isa at kapanatagan ng loob habang magkayakap sila. Ngayon na lang ulit siya nakatulog sa kama ng iba na purong tulog lang talaga ang ginawa, at walang kahalayang naganap. Pero kahit pa ganoon, sobrang saya at kontento pa rin ang naramdaman niya dahil pinahahalagahan at nirerespeto niya kung ano ang mayroon sila at kung ano ang naibibigay ni Irene sa kanya sa ngayon. Handa siyang maghintay at magtiis, marinig lang sa huli ang oo niya.

 

Dumating ang umaga at nagising ng tuluyan nung tumama ang sinag ng araw sa mukha niya. Kinusot niya ang mga mata at saka napangiti nung naalala kung nasaan siya at sino ang katabi niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na si Irene pa mismo ang nagimbita na doon siya matulog kaya naman ang sarap sarap ng gising niya. Umusog at niyakap niya siya ng mahigpit at saka hinalikan ang likod ng ulo nito. 

"Par, hindi tayo talo." Natawang sabi ni Jisoo habang naglalaro sa phone. 

Bumukas naman agad ang mga mata niya at tarantang bumangon, "Tangina bakit ka nandito?! Asan si Irene?!"

"Nagluluto ng breakfast kasama ni Jennie. Ginigising ka namin pero sobrang sarap ng tulog mo kaya bumaba na sila." Tinulak siya ni Wendy kaya nalaglag sa kama. "Aray! Gago ka talaga!"

"Nalalagyan mo ng bahid mo 'tong kama ni Irene, ako lang pwede mahiga dito."

"Saksakan ka ng landi, ang usapan palalabasin mo sa lungga hindi ikaw yung papasok. Wala ka talagang hiya! Makababa na nga leche ka!" Naglakad na siya padabog palabas.

"Inggit ka lang, 'di ka makaporma kasi nandito si Tita." Natawang sabi ni Wendy habang inaayos ang higaan.

 

Bumaba na siya papuntang dining pagkatapos mag-ayos. Mukhang tanga na siya kakapigil sa ngiting ayaw mabura sa mga labi niya, pakiramdam niya kasi parang panaginip lang talaga yung kagabi. Naabutan niyang naglalagay ng mga plato sa mesa si Irene kaya tinulungan niya na siya. 

"Good morning! Sarap ng tulog ko, ikaw ba?" 

"Ayos lang." Umiwas siya ng tingin pero kitang-kita ang ngiti niya.

"Luh ayos lang? Sige hindi na mauulit."

"Okay." 

"Sus, kunwari ka pa. Ikaw kaya 'tong wagas yumakap at ayaw magpatulog." Tinakpan agad ni Irene ang bibig niya at saka tumingin-tingin sa paligid. Sakto naman ay lumabas na sila Joy at Seulgi sa guest room.

"Sino ayaw magpatulog?"

"Wow sarap ng breakfast!"

"Kain na tayo." Hinatak ni Wendy si Irene at pinaupo sa tabi niya. Siya na rin ang naglagay ng sinangag at ulam sa plato nito at nagsalin ng juice sa baso. Umiwas na lang siya sa mga mapang-asar na tingin ng mga tropa at umupo na rin para kumain.

"Naks naman! Ngayon lang kita nakitang gumanyan ah, lakas talaga tama niyan sa'yo Irene." Sabi ni Seulgi at napatingin na lang ang kausap kay Wendy na umiiling habang tumatawa.

"'Yan pala epekto pag magkayakap matulog ha." Dagdag pang-asar pa ni Joy.

 

"Ingat sa pagmamaneho pauwi." Sabi ni Irene habang nag-aayos ng gamit si Wendy.

"Salamat, 'wag mo 'ko agad mamimiss ha." Kumindat siya kaya naman umirap yung isa. Pagkasara ng bag, lumapit siya dito at nilagay ang mga kamay sa bewang nito. "Bakit? Hindi mo ba 'ko mamimiss katabi matulog?"

"Sanay naman ako matulog mag-isa."

"Oo o hindi lang ang sagot."

"Oo o hindi."

"Pilosopo." Natawa si Wendy sabay yakap sa kanya, "Pwede ko naman na siguro gawin 'to kahit walang paalam, 'di ba?" Tumango si Irene at kumapit sa damit niya. "See you tomorrow."

"See you." Kumawala na sila sa pagkakayakap at nagkatinginan. Nagsimula na kumabog ang mga puso nila sa dibdib at sabay nakaramdam ng tensyon sa paligid. Tumingin siya sa mga labi niya at unti-unti naman ay inilapit ni Wendy ang mukha niya sa kanya. Ilang pulgada na lang at halos wala ng espasyo ang isa't isa nang biglang tumakbo yung aso ni Jennie sa loob at tinahulan sila. Napangiti na lang si Wendy sa disappointment at naglakad palabas para tingnan kung sino yung demonyong nagpapasok sa aso. Kinuha naman ni Irene si Kuma at binuhat para tumahimik. 

"Okay na ba? Tagal mo naman kumuha ng bag." Nakangising sabi ni Jisoo habang tumatawa sa likod si Seulgi. 

Pinalupot niya ang braso sa leeg nito at saka kinaladkad palayo. "Sasaktan talaga kita!" 

"Oh pano, uwi na kami." Sabi naman ni Seulgi at sinundan sila ni Irene hanggang sa may hagdan. 

"Sige ingat kayo." Kumaway siya at sumimangot naman si Wendy.

Nung makalabas na yung iba, nagpaiwan siya saglit at tumingala. "Irene." 

"Hm?"

Tumuro siya sa labi niya kaya naman natawa yung babae sa taas at nagbigay ng flying kiss. "Luh, 'yun na 'yon?" Tumahol na naman yung aso at natawa si Irene.

"Umuwi ka na, nagagalit na si Kuma sa'yo." 

"Gagawin kitang kaldereta Kuma!" Napakamot na lang siya sa ulo at kumaway, "Sige na nga, babye na. Thank you, pasabi kay Tita thank you rin ah."

Tumango siya at kumaway saka lumabas ng tuluyan si Wendy. Napabuntong hininga siya at napahawak sa kumakabog na dibdib, "Ano bang gagawin ko sa'yo?"

 

 

Kapag nanliligaw ka, malamang sa malamang hindi lang ikaw ang may pagtingin sa taong gusto mo, maraming rin ang umaaligid na kaagaw sa tabi-tabi. Sabi nga sa pelikulang No Other Woman, "Ang mundo ay isang malaking Quiapo, maraming snatcher, maaagawan ka." Siyempre single, maganda, mabait, at halos wala ka na hahanapin pa kay Irene kaya naman sandamakmak ang nagkakagusto sa kanya. Kapag sa bar ang punta ng tropa, asahan na may magpapaabot ng drinks sa kanya, kapag lumalabas sila, iwan niya lang siya saglit at pagbalik may kumakausap na agad na hampaslupa. Nakakainis pala kapag nagseseryoso ka tapos parang mabubulilyaso ka dahil sa mga malalanding umaaligid na 'yan.

 

Bakit siya nagkakaganito? Simple lang. Noong isang gabi na sinundo niya si Irene, may hawak siyang bouquet at galing 'yon sa manager ng kumpanya nila na si Suho. Kitang-kita niya naman na hinatid niya pa siya hanggang lobby at kala mo kung sino makahawak sa likod niya. Siyempre na-shock naman si Wendy at hindi niya alam ang ire-react, wala rin naman siya karapatan mag-bawal at mang-sita kasi wala naman silang relasyon ni Irene at manliligaw lang naman ang katayuan niya sa buhay niya. Kaya naman kahit masakit ang nararamdaman, ngumiti na lang siya at nagpanggap na ayos lang ang lahat. Si Wendy ang taong oozing with confidence, pero nung nakita niya si Suho parang kinabahan siya ng kaunti. Matangkad, pogi, malinis tingnan at mukhang sobrang asensado sa buhay na kayang-kaya ibigay lahat para kay Irene. Sobrang fit niya pa sa description ng tipuhan niya.  

"Ayoko na Seul, ang sakit sakit ng dibdib ko." Nanginginig niyang sabi habang nakadukdok sa manibela ng kotse niya. Pagkagaling niya kasi sa trabaho, dumiretso siya kay Seulgi at nagbuhos ng sama ng loob imbis na sunduin si Irene. "Kung nakita mo lang--"

"Ito na nga oh, kitang-kita ko. Nag-sstalk na 'ko sa facebook at instagram." Napabuntong hininga na lang siya, "Wow, parang napaka-prim and proper ng tao na 'to. Mukhang seryoso sa buhay, walang trace ng kalokohan at ang pinaka-malala mas matangkad kaysa sa'yo."

"Tangina nasasaktan ako." Pinikit niya ang mga mata at pilit na pinipigil ang mga luhang gustong tumulo. "Lamang na lamang siya sa'kin. Panigurado magugustuhan siya ni Irene kasi 'yan ang tipo niya. Seryoso at madadala siya sa altar."

"Oo tama ka, mas pipiliin nga ni Irene 'to."

"Bakit niya ako pipiliin? Ganto lang ako. Hindi niya deserve ang kagaya ko. Mas matatanggap pa ng mga magulang niya kung siya ang jowa niya 'di ba? Sino ba naman ang pipili sa'kin? Wala na agad akong panama diyan height pa lang." At tumulo na nga ang luha.

"Tama." 

"Tama na siguro 'to. Titigil na 'ko sa panliligaw, hahanap na lang ako iba." Humikbi siya at pinunasan ang pisngi.

"Ano okay na ba? Tapos ka na ba mag-drama?" Tumango naman ang isa kaya lumabas si Seulgi at naglakad papunta sa pinto niya. Binuksan niya ito at kinaladkad palabas ang lugmok na lugmok na si Wendy. "Paisa lang ha." Sinapak niya siya na ikinagulat naman nung isa. Akmang gaganti, pero mas malakas si Seulgi sa kanya. "Ano? Ganon na lang 'yon? Susuko ka na? Ang tagal tagal mo nanliligaw tapos may dumating lang na iba gusto mo na umayaw? Hindi ka nga deserve ni Irene! Dapat hindi niya sagutin ang tulad mo na mahina ang loob! Sa ginagawa mong 'yan mas binibigyan mo lang ng chance yung Suho na 'yon dahil mas marami ka pang oras magpunta at mag-drama dito kaysa samahan siya after work. Alam mo, hindi ko malaman bakit ka nagkakaganyan samantalang halata naman na na-fall na siya sa'yo at naghihintay na lang na magtanong ka!"

"Nakaka-insecure."

"Bakit kailangan mo ma-insecure? Height lang naman difference niyo sa totoo lang. Hindi ka "ganyan" lang, kung ano ang kaya niya ay kaya mo rin, higit pa nga. Hindi mo kailangan magpanggap at magpakita ng pekeng ugali dahil nagustuhan ka ni Irene kung sino ka at kung ano yung mga naipakita mong maganda sa kanya. At saka, sino ba yung kausap niya palagi? Sino ba yung pinapayagan niyang ihatid sundo siya? Sa dates, kaninong invitation ang tinatanggap niya? At sino yung ulol na pinayagan niyang makayakap sa pag-tulog?" Pinitik niya siya sa noo. "'Di ba ikaw? Bobo ka talaga! Hangga't ikaw ang pinipili, nasa'yo ang atensyon at puso niya." Napangiti siya sa narinig kaya naman umiling si Seulgi. "Bago ka ngumiting parang aso diyan, pumunta ka kala Jennie ngayon. Mag-sorry ka kay Irene. Nag-text sa'kin si Jennie kanina, nag-aalala daw sa'yo yung pinsan niya dahil hindi mo daw siya kinakausap at nung isang araw mo pa pala hindi kinikibo. Isipin mo nga katangahan mo!"

"Tama ka...tangina. Tangina! Samahan mo 'ko sa kanila, magso-sorry ako." Taranta siyang pumasok sa kotse at pinaandar ang makina nito. Hinintay niya makalabas ang kotse ni Seulgi at saka sila humarurot papuntang Cubao. 

 

Mag-aala-una na ng madaling araw kaya naman antok na antok na si Jennie kakahintay sa magkaibigang Wendy at Seulgi. Buti na lang at Friday night at wala siyang pasok kinabukasan. Hindi niya rin talaga maintindihan ang topak ni Wendy at biglang hindi nagparamdam sa pinsan niya. Sinabihan niya na siya noon na 'wag papasamain ang loob nito pero ang kulit talaga. Makalipas ang ilang minuto, narinig niya na ang ugong ng tambutso at busina sa labas kaya naman dali-dali niyang binuksan ang gate at pinapasok ang mga kotse. Pagkalabas na pagkalabas ni Wendy sa kotse, sinampal siya agad ni Jennie.

"Kanina sinapak ako ni Seul, ngayon sinampal mo 'ko. Baka naman nagtatago yung iba dito at may pa-surprise attack na rin." 

"Nakuha mo pa mag-biro. Sinabihan na kita 'di ba? Na 'wag mong sasaktan yung pinsan ko?" Humalukipkip siya at halos pumutok na yung ugat sa leeg. "Magkakasamaan talaga tayo sinasabi ko sa’yo Wendy."

"Hayaan mo na, pinagsabihan ko na 'yan. Selosa kasi." Natawang sabi ni Seulgi habang minamasahe yung balikat ni Jennie. 

"Oo...sorry na kasi. Kaya nga ako nandito para mag-sorry sa'yo at kay Irene." Kumamot siya sa ulo at binuksan ang pinto ng kotse. Lumabas si Jisoo na nakangisi at may hawak ng susi ng kotse niya. 

"Ang hot mo talaga pag galit, dama ko yung sampal mo." Ngumisi siya at kumindat kay Wendy para sumignal na magpatuloy na sa loob, "Stroll muna tayo, babe?"

Napailing na lang si Jennie at umirap kay Wendy, "Ayusin mo pag-sorry mo, hindi ibig sabihin nito palagi kang makakalusot sa'kin."

"Opo boss Jennie. Hoy Jisoo pag ginasgasan mo 'yan, 'wag ka na magpapakita sa'kin." Tumango siya at pinaandar na ang kotse palayo. Napabuntong hininga na lang at sabay humarap kay Seulgi. "Paano ba 'ko magso-sorry? Nahihiya ako."

"Hindi ba mas nakakahiya pag hindi ka marunong humingi ng tawad? Jusko para naman ako nagpapalaki ng anak sa ginagawa ko sa'yo. Palibhasa, ngayon ka lang tinamaan ng ganyan kaya bagong-bago sa’yo ang sumuyo. Explain mo kung bakit ka hindi nagparamdam tapos siguraduhin mong hindi mo na gagawin ulit dahil 'yon ang pinakamabisang sorry sa kasalanan." 

"Salamat, Seul."

Binuksan niya na yung pinto ng kotse niya at sumakay, "Wala 'yon, good luck at balitaan mo na lang ako bukas. Sunggaban mo na agad para hindi na makawala. Char." Natawa sila at tuluyan na umalis si Seulgi. 

 

Nangangatog at halos masuka-suka na siya sa kaba habang naglalakad papunta sa kwarto ni Irene. Hindi niya alam ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang pumunta siya ng dis-oras ng gabi. Huminga siyang malalim at naglakas loob kumatok sa pinto. Makalipas ang ilang segundo, kumatok siya ulit nung hindi siya narinig. 

"Andiyan na 'ko wait." Na-miss ko naman ang boses niya. Bumukas ang pinto, "Jen--"

Parang tanga naman kumaway si Wendy, "Um..hi." Nagsalubong agad ang kilay ni Irene at pinapasok siya sa loob.

"Anong ginagawa mo dito?" Halatang may inis, pero malumanay pa rin ang tono.

"Gusto ko mag-sorry. Sorry kasi hindi ako nagparamdam sa’yo at pinag-alala kita.”

"Buti alam mo." Bulong niya. Umupo siya sa kama niya at tinapik ang espasyo sa tabi, sumunod at umupo naman si Wendy at yumuko. “What’s the reason ba?” 

“Naulol.” 

"Dahil?"

"Wala."

Napabuntong hininga na lang siya at humalukipkip, "Umuwi ka na." Tumingala si Wendy at nakita ang pagka-frustrate ni Irene sa kanya, "Kung hindi mo e-explain bakit ka pa nagpunta dito 'di ba?" Lumipas ang ilang segundo, hindi pa rin nagsasalita yung isa. "Wen--"

"N-nagselos ako, okay? Alam ko naman wala akong karapatan, pero nainis ako nung nakita ko yung boss mo na may pa-bulaklak at hinatid ka pa hanggang lobby nung isang araw." 

"Kaya naman pala eh...wala lang 'yon. At saka--"

"Wala lang sa'yo, pero sa'kin meron." Gusto na ulit tumulo ng luha, pero pinigilan niya ito, "Ang sakit lang makita na mayroong tao na sobrang fit para sa'yo at alam kong mas better choice kaysa sa'kin. 'Di ba ganon naman ang gusto mo? Seryoso, malinis tingnan at kaya kang madala sa altar. Nasasaktan ako makita kayo kasi mahal na nga ata kita...hindi ata...oo, mahal na nga talaga kita.”

Mahal na nga din ata kita. Nanikip naman ang dibdib ni Irene habang pinagmamasdan ang katabi. Nagulat rin siya dahil sa huling mga salita na binitawan nito. Bakit ba kasi naga-assume agad? "Wendy, yung bouquet binigay dahil successful yung presentation na ginawa ng team ko na prinesent naman ng boss ko sa malaking kliyente ng kumpanya. Pasalamat niya 'yon sa'min kaya wala ka dapat ipagalala." Napangiti naman siya dahil ang astig astig tingnan ni Wendy, pero kitang kita ang pag-haba ng nguso niya at ang pa-baby na pag-asta. Hindi niya rin alam bakit ba niya siya nagustuhan samantalang tama naman siya na si Suho ang pasok sa tipuhan niya. Pero siya kasi yung nakakapagpasaya sa kanya at 'yon ang mahalaga. Hinawakan niya ang mga kamay niya at pinagbigkis ang mga daliri nila. "Hindi mo kailangan magselos. Did you really think na ipagpapalit ko kung ano man ang napagsamahan natin dahil lang sa ganon? Edi sana matagal na 'ko nagpaligaw sa iba kung wala ka lang sa'kin."

"Bakit may pa-hatid pa yung kupal na 'yon? Hindi niya ba alam na may sumusundo naman sa'yo sa lobby?"

"Sabi ko nga sa'yo, wala lang 'yon at nagpasalamat lang siya ulit. " Nakasimalmal pa rin ang isa kaya naman niyakap niya siyang mahigpit at saka nagpasiyang humalik nang mabilis labi. "Kasama mo ako ngayon 'di ba? 'Wag mo na siya isipin at 'wag ka na rin mag-isip ng kung ano-ano. Mas mahalaga ka sa'kin."

Parang may dumaan na anghel dahil natameme si Wendy at nakatulala lang kay Irene, hindi niya alam kung imagination niya lang o totoo. Napahawak siya sa labi at ramdam niyang totoo nga yung halik kahit mabilis lang nangyari. “A-ano ‘yon? Totoo ba ‘yon? Irene, ano—” 

“Okay ka lang?” Nag-alala naman si Irene dahil parang aatakihin na lang yung isa at hindi mapakali.

“Pwede isa pa? Ang bilis kasi, ‘di ko masyado naramdaman.”

Natawa siya saka itinulak palayo yung mukha ni Wendy na palapit ng palapit sa kanya, “Alam mo ikaw...abusado ka. Tama na.”

"Hmp ako nga ‘tong ninakawan mo ng kiss." Niyakap niya siya ulit. “Pero sorry talaga, hindi na mauulit. Alam ko wala naman magandang excuse pero...sobra lang ako nagselos at na-gago na yung pag-iisip ko. Akala ko wala na ‘kong pag-asa sa’yo.” 

“Don’t worry about it, basta next time ayoko ng bigla akong hindi kinakausap. Gusto ko ine-explain.” Tumango yung kausap saka ngumiti.

"Salamat sa pag-unawa."

"Wala 'yon. Palagi naman ako handang umintindi pagdating sa’yo.”

“Lakas ko naman sa’yo.” Mga ilang minuto rin sila magkayakap, saka lang napagpasiyahang maghiwalay dahil nakita ni Wendy yung orasan. "Ang tagal nila Jennie."

"Bakit naman?"

"Nag-stroll sila ni Jisoo gamit yung kotse ko. Pucha baka kung san dinala baby ko ah." Kinuha niya ang phone sa bulsa at pumunta sa may bintana para tingnan kung may kotse nang dumarating. Habang sinusubukang tawagan ang mga kaibigan, si Irene naman niligpit na yung nilalaro sa TV. "Hindi sumasagot."

"Hayaan mo muna, darating din mga 'yon. Tamang timing pa dahil wala si Tita CL, umuwi sa Laguna kaya for sure magtatagal pa sila sa labas." Bumalik na siya sa kama at nahiga, "Higa ka na muna kaya?" Hindi naman na kumontra si Wendy dahil gusto niya rin naman magtagal. Hinubad niya ang suot na flannel pati na rin sapatos bago humiga sa kama. Sa pagkakataong 'yon, nakahiga siya sa braso ni Irene habang naglalaro sa phone, samantalang yung isa hinihimas ang buhok niya at nanonood lang sa ginagawa niya. "May tattoo ka pala sa balikat at sa tagiliran, hindi ko napansin noon."

"Talaga? Ah sabagay, lagi ako naka-long sleeves tapos loose-fitting pa shirts ko. Dati pa 'yan."

"Bakit roses?"

"Matinik."

"Matinik dahil?"

"Matinik sa chix." Biglang tumahimik ang paligid at tumigil sa paghimas ng buhok niya si Irene kaya binaba niya ang phone at humarap sa kanya. Natawa siya dahil bakas sa mukha nito ang inis at magkasalubong pa ang kilay. "Joke lang! Hindi ka talaga mabiro kahit kailan."

"Kaka-sorry mo lang sa'kin tapos ganyan ka." Tinutulak niya siya palayo, pero pilit naman sumisiksik sa leeg niya si Wendy. "Umuwi ka na nga, matutulog na 'ko."

"Ang cute mo talaga magalit. Sorry na ulit. Yung sa tagiliran roman numerals ng birthday ko. Yung roses, ibig sabihin, love. Tatlo para sa ermat, erpat at sa'kin. Pag sinagot mo na 'ko, padadagdagan ko pa isa kasi nga mahal...aga ka sa'kin." Umirap ang katabi habang nagpipigil ng ngiti at bumaling sa kabila kaya naman pinalupot niya ang braso sa bewang at hinalikan ang likod ng ulo nito, "Promise nga, ayaw mo maniwala?"

"Ang daldal mo naman, bakit ayaw mo magpatulog?"

"May gusto kasi ako mangyari." 

Pinalo niya siya sa braso at natawa silang dalawa, "Hindi pwede. Ikaw na-kiss ka lang ng isa...gusto mo dire-diretso na.”

"I know naman, joke lang kasi. Sarap kasi ng kiss mo, pero sobrang bitin. Isa na nga lang, mabilis pa." 

Kinuha ni Irene si Manen saka ibinigay sa katabi, “Siya na lang i-kiss mo.”

“Ayaw, gusto ko halik ng asawa.” 

Gusto rin naman niya at hindi rin naman matiis hindi humarot, pero siyempre nang-asar na muna siya. Hinalikan niya siya sa noo at ngumiting inosente. “Okay na? Good night.”

“Sabi ko halik ng asawa hindi lola.” Sumimangot naman siya kaya hinalikan siya ulit ni Irene, pero sa pagkakataong ‘yon, sa ilong naman. “Isa pa, last na.” Bumaba nga ang halik, pero sa baba naman niya. “Sige pagpatuloy mo ‘yan hanggang mapuno na buong mukha ko, akala mo ikaw nananalo sa pangaasar mo ha.”

Natawa na naman siya saka kinurot ang tagiliran ni Wendy, “Ang kulit mo, sabi mo last na!”

“Last na talaga, dito lang oh.” Tumuro siya sa pisngi at saktong paglapit ni Irene, humarap siya sa kanya para sa labi niya dumampi yung halik. Hinampas siya ni Irene sa balikat habang nakangiti sa halikan nila at napakapit sa damit niya nung hihiwalay na siya. “Aba, gumugusto ka naman ngayon.” Pang-asar niyang sabi sabay halik ulit sa kanya ni Irene. “Grabe ka naman Irene, kung si Seulgi at Jennie sapak sa pisngi, ikaw naman sapak sa lips. Namamaga na kaka-kiss mo oh.”

“Edi ‘wag.” 

“Oh joke lang naman! Kiss mo na ulit ako.” Hinatak niya siya pabalik sa kanya at tuwang-tuwa naman siya kapag kinukulit at hinaharot siya ni Irene. Naisip niya, minsan lang magpakita ng ganoong side ang babae kaya susulitin niya na ang lambingan nila. Mas naramdaman niya na talagang nagkakapalagyan na sila ng loob at mas komportable na sila sa isa’t isa. 

Matapos ang paulit-ulit na balikan ng halik, tumigil rin sila at dinalaw na ng antok. Hinigpitan ni Wendy ang pagkakayakap kay Irene at pinangako niya sa sariling hinding-hindi niya siya pakakawalan kahit ano man ang mangyari.

 

Dumating ang biyernes at nag-leave muna si Wendy sa trabaho para mag-ayos. Balak niya na kasi tanungin si Irene na maging girlfriend niya kinabukasan kaya naman todo effort siya sa pag-ready ng mga kailangan. Timing naman na may staycation ang tropa sa Antipolo kaya naman nung nalaman ng tropa ang plano niya, nakigulo na din sila. Ang naging plano, palit muna sila ni Seulgi ng kotse para hindi makita ni Irene yung laman ng nasa compartment ng kotse niya (siyempre magpapalusot siya bago 'yon). Pag naka-settle na sila sa tutuluyan, bago gumabi, aayain niya lumabas si Irene para kumain nang silang dalawa lang. Ayaw rin naman niya kasi may ibang makagulo sa moment nila. 

Habang nag-aayos, nang-aasar naman ang tropa para mataranta lalo si Wendy habang nag-iimpake.

"Tol, na-order mo na ba yung flowers?" Tanong ni Moonbyul.

"Yung favorite carrot cake ni Irene pati pala yung kwintas, nabili mo na ba?" Tanong naman ni Rosie.

"Parinig nga ng sasabihin mo." Dagdag pa ni Joy.

"Sure ka ba naka-reserve na yung kakainan niyong café?" Hirit pa ni Jisoo.

"Puta pwede isa-isa lang?! Kinakabahan ako lalo sa ginagawa niyo eh!" Inakbayan siya ni Seulgi at Lisa.

"Kaya mo 'yan, par. Pag hindi ka sinagot, ready kami uminom ni Seul."

"Oo, sagot ko na apat na boteng cuervo." Sumimangot naman si Wendy at nagtawanan sila.

"Kaibigan ko ba talaga kayo?!"

 

At dumating na nga ang araw na hinihintay niya, hindi siya nakatulog nang maayos kakaisip sa babaeng mahal niya at kung sasagutin niya nga ba siya. Sa sobrang bangag, muntik niya na ma-send ang text tungkol sa mangyayari sa group chat na kasama si Irene. Sinampal niya ang magkabilang pisngi at iniling ang ulo. "Umayos ka!" 

 

Habang nagbibihis, nag-text si Seulgi na nasundo na si Irene at papunta na sila. Binilisan niya na kumilos at siniguradong nakalagay na sa kotse niya ang mga kailangan para mamaya. Pinainit niya na ang makina at inilabas sa garahe saka hinintay na dumating ang mga kaibigan. Ramdam niya ang sakit sa tiyan at parang masusuka dahil sa kaba, hindi rin nakatulong na puyat pa siya at sobrang bigat ng pakiramdam. Pagkadating ng kotse ni Seulgi, nagpalitan na sila ng sasakyan. Sumakay na siya at habang nagsusuot ng seatbelt, niyakap siya agad ni Irene at humalik pa sa pisngi.

"Good morning, mukhang good mood tayo ah."

"First time ko mag-staycation since I came back here kaya excited ako. Nakita ko pa sa instagram yung itsura ng pupuntahan." Napangiti na lang si Wendy dahil ang ganda ganda ng smile ng mahal niya. "Bakit pala nagpalit pa kayo ng kotse ni Seulgi?"

"Ah...Gusto niya daw ma-experience i-drive yung 86." 

Tumango-tango na lang si Irene at nagsimula na magmaneho yung isa. Nagnanakaw siya ng tingin sa magkahawak nilang kamay at sa pasaherong tumitingin sa dinadaanan nila. Naisip ni Wendy, hindi na siya sanay na hindi siya kasama at kahawak ang kamay tuwing nagmamaneho at naglalakbay kung saan. Sana naman sagutin niya ako.

 

Hindi naman masyadong malayo ang destinasyon kaya naman bago mag-isang oras, nakarating na sila. Pagka-parada, dumiretso na sila sa reception at pagkabigay ng mga susi, pumunta na sila sa kani-kaniyang kwarto. Pagbukas ni Irene sa kwarto nila, kita niya agad yung rose petals at dalawang twalya na naka-swan at hugis puso sa kama kaya naman namula agad ang mukha niya. Parang honeymoon naman 'to. 

"Akala ko...may ka-share tayo sa room?"

Tarantado talaga mga kupal na kaibigan ko, bakit pinalagyan ng petals?! Wala naman ganon sa picture ah? Maaasiwa tuloy 'to. "Ah, hindi ko rin alam eh...sila nag-book. Gusto mo ba makipagpalit?"

"Hindi!" Nagkagulatan naman sila sa pagsigaw niya. "I mean...hindi na, nandito na tayo."

"Okay...gusto mo na ba kumain or mag-picture at mag-ikot?"

"Ikot muna." Ngumiti siya at hinatak na ang kamay ni Wendy palabas.

"Okay po madam." 

 

Habang papunta sa may kainan kung san may overlooking view ng mga puno at bundok, rinig agad ng dalawa ang daldalan ng mga kaibigan nila na nagpipicture. Pagkakita nila sa magandang view, dahan dahan naman silang naglakad dahil kapit na kapit si Irene kay Wendy.

"Bakod na bakod ka sir ah." Pang-asar ni Byul sa kanila.

"Tanga, takot siya sa heights." Natawang sabi ni Wendy at pumosisyon sila sa may balkonahe. 

"Irene tingin dito...smile~" Sabi ni Lisa habang nakatingin sa viewfinder ng camera, pero nakapikit pa rin ang kausap.

"Isa lang, tapos alis na tayo." Sabi ni Wendy pero ayaw pa rin kaya naman may naisip siyang paraan. Ngumiti siya sa kanya at hinigpitan ang pagkakaakbay sabay sabing, "Irene...mahal kita."

Gumana naman ang ginawa niya dahil binuksan ni Irene ang mga mata at tumingin sa kanya, hindi naman napigilan ngumiti kaya naman napasigaw si Lisa. "TANGINA ANG GANDA NG SHOT KO BAYARAN MO 'TO ISANG MILYON." Sinaway naman sila ng staff kaya nahiya.

"Gago ka talaga ang ingay mo." Natawang sabi ni Wendy at umalis na sa pwesto nila.

Lumibot pa muna sila at nag-picture sa paligid bago bumalik sa kwarto nila. "Ang ganda talaga ng view dito." Sabi ni Irene habang nakasulyap sa mga bundok sa labas.

"You're my best view." Banat naman ni Wendy habang nakangisi.

"Ngi...Ewan ko sa'yo, bahala ka diyan." Pumunta siya sa kama habang tumatawa at nag-ayos ng isusuot sa date nila.

 

Habang nagbibihis, nagsimula na ulit kabahan si Wendy. Ipinalangin niya na sana maging maayos ang takbo ng gabi nila. Habang hinihintay lumabas ng banyo si Irene, hindi siya mapakali kaya naman palakad-lakad siya sa kwarto at patingin-tingin sa labas. Biglang bumukas ang pinto kaya naman napahinto siya at napatingin sa kanya. Parang tumigil naman ang mundo niya dahil sobrang ganda ng mahal niya. Napanganga pa siya kaya naman nahiya ang babae sa harap niya.

"Pangit ba?" Turo sa suot na bestida.

"Wow." Nakatulala siya at parang tangang nakatitig. "Ang ganda mo, bagay na bagay sa'yo."

"T-thank you." Hiya niyang sabi. Kinuha niya ang iniabot na kamay ni Wendy at lumakad na sila palabas. "Saan ba tayo pupunta?"

"Kakain lang diyan sa malapit." Hindi siya makatingin ng diretso at napakamot sa ulo. Pagkapunta sa paradahan, binuksan niya na ang kotse niya at binuksan ang pinto para kay Irene.

Nang malapit na sila sa destinasyon, sabay naman bumilis ang tibok ng puso niya. Ramdam naman ng katabi ang pagka-tense niya kaya naman nag-alala ito ng bahagya sa kanya.

 

Maayos naman ang naging early dinner nila, dinaan niya na lang sa pagbibiro at pagkukwento ng kung ano-anong kalokohan para naman maibsan ang nararamdamang kaba. Hindi niya maalis ang tingin sa kaharap na dalaga at panay ang nakaw ng hawak sa kamay nito. Matapos kumain at magkwentuhan, bumalik na sila sa paradahan kaya naman bago makasakay, binuksan niya ang compartment at napatigil si Irene sa kinatatayuan. Iniabot niya ang bouquet at tinanggap naman ng babae sa harap niya.

"I know ang corny nito pero wala eh." Napakamot siya sa ulo, "Hindi naman ako magaling sa suprises dahil mas gusto ko pinapakita yung nararamdaman ko through actions. Hindi rin ako magaling magsalita dahil nabubulol at nanginginig ako palagi kapag sinasabi ko yung nasa loob ng puso ko. Pero kahit pa ganon, para sa'yo, magt-try ako. Simula naman nung nakilala kita palagi akong sumusubok ng ibang approach kasi...hindi ko rin talaga alam...gusto--mahal kasi kita at sobrang mahalaga ka sa'kin. Sa'yo ko lang naramdaman 'to talaga. Gusto ko palagi mong maramdaman na sincere ako at hindi lang 'to laro kasi ang una mong impression sa'kin hindi matino at manloloko. Noong una akala ko lilipas ang nararamdaman ko dahil hindi naman ako naniniwala sa true love true love na 'yan, pero wala eh, lumalim lang lalo habang tumagal ang panahon. Palagi akong nakangiti at iba yung sayang nararamdaman ko tuwing kasama kita. Mahilig ako sa mabilis, kahit sa mga ka-tropa ko hindi ako nagpapahuli, pero pagdating sa'yo, parang...gusto ko na nga hamakin ang lahat bumagal lang ang oras para makasama ka nang matagal dahil hindi sapat ang iilang oras lang na pagkikita natin sa isang linggo. I could go on and on and tell you how much I love everything about you kasi sa'yo lang ang puso ko. Pinapangako ko na mamahalin ko ang flaws mo at ang imperfect side mo dahil ganoon kita kamahal at kaseryoso sa'yo. Hindi ko masisigurong hindi tayo magkakatampuhan kaya ang ipapangako ko na lang, mamahalin kita kahit na mahirap na at lumipas na ang pagkaperpekto ng sitwasyon nating dalawa. Alam ko ang dami ko na sinabi kaya naman sasabihin ko na ang gusto ko talaga sabihin." Tumingin sila sa mga mata ng isa't isa at hinawakan naman niya ang kamay ni Irene. "Pwede ba kita maging girlfriend?"

Hindi niya na mapigil ang ngiti at ang sayang nararamdaman kaya niyakap niya agad si Wendy. "Yes." 

Sobrang saya niya dahil sa narinig. Agad namang humupa ang tensyon na nararamdaman habang nagsasalita at napalitan ito ng kilig, saya, at pagkasabik sa girlfriend niya. Niyakap niya siyang mahigpit pabalik at hinalikan ang noo nito. "Mahal na mahal na mahal kita. Sisiguraduhin kong magiging masaya ka sa'kin."

 

Hindi nila napigilan ang mga ngiti habang naglalakad pabalik sa suite nila. Sakto naman ay nasa labas ang mga ka-tropa na naglalakad papuntang infinity pool. Nung makitang nakangisi si Wendy at may hiyang ngiti sa labi ni Irene, naghiyawan na sila at pinagkakantiyawan na ang bagong mag-jowa.

"Naks! Nagkasagutan na nga po opo!"

"Panalangin mong hindi mauntog si Irene at matauhan sa pag-sagot sa'yo!"

"Girl, sigurado ka na?"

"Rene, pwede pa mag-back out."

"Tol congrats! May pa-cuervo pa rin naman si Seul 'di ba?"

"Magpapainom ako! Proud na proud ako sa aport natin na 'to."

Hinatak ni Wendy si Irene palapit sa kanya, "Easyhan niyo lang, naiingayan GIRLFRIEND ko sa inyo." 

"Napakalandi mo talaga!" 

"Hoy Joy! Hindi mo na maipangangalandakan na single ako." Dumila siya at natawa, "Umalis na nga kayo."

"Sus, umpisa na ng kademonyohan niya 'yan. 'Wag kayo maingay ha, hindi soundproof ang pader dito." Namula naman ang mukha ni Irene kaya hinatak niya na agad si Wendy sa loob para umiwas sa mga kantiyaw.

Pagbukas ng pinto sa kwarto, umupo sila sa kama. Napabuntong hininga si Wendy at naghubad ng sapatos. "Okay ka lang? 'Wag ka makinig sa mga loko-lokong 'yon. Wala akong gagawin sa'yo kung ayaw mo, pero okay lang kapag may gusto kang gawin sa'kin." Natawa ng malakas si Irene sabay palo sa braso niya, "Aray ko naman mahal!" Humalik siya sa ulo niya, "Gusto mo ba mag-swimming?" Ngumiti at tumango si Irene kaya naman nagbihis na agad sila. 

 

Nauna na si Irene sa pool at pumwesto sa may pasimano para pagmasdan ang tanawin. Tulad sa Tagaytay, kita rin ang maliliit na ilaw galing sa siyudad at kahit madilim, kita rin ang mga puno sa bundok. Hindi pa rin humuhupa ang sayang nararamdaman at ang kabog ng puso niya mula pa kanina nung tinanong siya ni Wendy na maging girlfriend niya siya. Biglang naabala ang pag-iisip niya nung biglang may yumakap sa tagiliran niya.

"Hi girlfriend." 

"Hi." Napangiti siya nung hinalikan siya sa pisngi. 

"Ano po sinisipat niyo diyan?"

"Wala, maganda lang yung view."

"Ikaw pinakamagandang view para sa'kin kaya...I love view." Natawa si Irene sa ka-cornyhan niya kaya lumangoy palayo. Hinabol siya ni Wendy kaya kinawag niya ang kamay para paulanan siya ng tubig. 

"'Wag! Aray!" Nagtakip ng mukha at kunwaring nalagyan ng tubig ang mata. Nag-alala naman ang isa kaya lumapit para tingnan at napatili nung hinuli ni Wendy ang bewang niya. "Kala mo ah, lalayo ka pa?"

"Mahal naman eh." Nagpipigil siya ng ngiti habang hinahaplos niya ang pisngi nito. 

"Hindi na kita papakawalan." Seryoso niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ni Irene.

Mula sa paghaplos ng pisngi, nilipat niya ang kamay sa baba at mabilis na hinalikan ang labi ni Wendy. Natigilan yung isa at natulala bigla.

"Ako yata talaga dapat kabahan mamaya sa pagtulog, lagi mo 'ko ninanakawan ng halik."

Umiwas siya ng tingin habang yung isa hinuhuli ang mga inosente niyang mata. "Masama ba? Ang lambot kasi ng lips mo...sarap i-kiss."

"Alam mo kung ano pa masarap sa'kin?" Lumalabas na ang pagka-demonyo niya at bigla niyang pinisil ang bewang ng girlfriend habang nakangisi kaya naman may squeak na lumabas sa bibig ni Irene. 

Nagpipigil siya ng tawa at hinawakan ang magkabilang balikat ni Wendy. "Hindi pa, pero gusto ko alamin."

"Aba, 'wag mo 'ko pino-provoke kasi--" Napatigil siya magsalita nung tahimik na pinagmasdan siya ni Irene na para bang tinitingnan ang buong pagkatao niya. Yung tingin na para bang nangungusap dahil pinaparamdam niyang sobrang halaga mo sa kanya, yung titig na siguradong sigurado siya sa'yo at mahal ka rin niya. Hindi niya akalain na kahit loko-loko siya noon, may matinong babae pa rin na naniniwalang kaya niyang mag-seryoso. Sobrang saya ng nararamdaman, dahan dahan niya inilapit ang mukha at bago magdikit ang kanilang mga labi, nagsalita muna si Irene.

"Mahal kita." 

"Mahal din kita." Napangiti siya at tuluyan niya na pinagdikit ang mga labi nila. Habang hinahagkan ang labi ng isa't isa, sabay rin ang malakas na pintig ng mga puso nila. Napagtanto niya na iba pala ang pakiramdam, mas masaya, kapag nakuha mo na yung bagay na ang tagal mong pinagtiyatiyagaan at pinagpupursigihan na makuha. Nakakakilig at ang sarap sarap isipin na mahal ka na rin ng mahal mo. 

 

 

Matapos ang overnight staycation ng tropa, sa bahay niya dinala si Irene dahil siyempre lalandi at doon niya siya patutulugin, sakto rin kasi na wala ang mga magulang niya ng ilang araw kaya libreng-libre humarot. Habang naka-focus lang siya sa TV sa sala, inaabala siya ng girlfriend dahil naglalambing. Hetong tinutusok ilong niya, tiyan at pinipisil pa nga ang mga pisngi niya, pero siyempre, papakipot muna siya. Hindi niya siya pinapansin at tuloy lang sa panonood.

"Mahal, pansinin mo 'ko." At humaba na nga ang nguso saka kinukuha ang braso ni Wendy.

"Pinapansin naman kita ah?"

"Lambingin mo 'ko. Girlfriend mo na nga ako, hindi mo naman ako nilalambing at pinapansin. 'Di mo na 'ko love." Humalukipkip pa at sumimangot kaya naman natawa ang isa.

"Oh eto na po, eto na." Umusog siya saka umakbay sa girlfriend. "Ano gusto ng mahal ko?"

"Hug mo 'ko." Yumakap naman siya, pero hindi mahigpit. "Tapos kiss." Humalik naman siya sa pisngi saka tumayo para kunwari aalis siya. "Wendy Shon."

Halos kabahan siya dahil sa tono nito, pero trip niya mang-inis kasi ang cute talaga ng girlfriend niya. "Irene Bae."

"Bumalik ka dito." 

"Bumalik ka dito."

"Nakakainis ka."

"Nakakainis ka."

"Ah ganon ah."

"Ah ganon ah."

"Hindi na kita love." Halos dambahin siya ni Wendy at pilit na yumayakap sa kanya, humalik pang paulit-ulit sa buong mukha niya. "Hmp yoko na sa'yo."

"Ayaw mo na sa'kin?" 

"Aya--ahhhh!" Napasigaw na siya dahil binuhat siya ni Wendy, hindi bridal style, kundi, bumbero style. "Ibaba mo 'ko!!!"

Madali naman naglakad si Wendy at sinipa ang pinto ng kwarto niya, walang sabi sabi, nilaglag niya sa kama niya si Irene saka umibabaw sa kanya. "Ayaw mo na talaga sa'kin?"

"Gusto." Mahina niyang sabi at umiwas ng tingin.

"Gusto naman pala eh, 'di sinabi agad." Nilapit niya ang mukha at si Irene din naman, magtatama na sana ang mga labi nila nang biglang...

"Ahhhhhhh!" Napalingon silang dalawa sa bukas na pinto dahil dumating ang pinsan ni Wendy na si Yeri na may hawak-hawak na maleta.

"Yeri?!" Tumalon agad siya paalis sa kama at halos masira ang pinto sa pagkakasara niya. "Tangina bakit ka nandito?!"

"Pinalayas ako sa'min kaya dito muna ko!"

"Gago ka ba?!"

"Heh! Sumbong ko kaya yung nakita ko?!"

"Bwisit kang bata ka!"

 

~salamat sa pagbasa ng ka-cornyhan ko na to 

miss ko na magkaron ng ganto CHAR HAHAHAHA 

ingat kayo palagi <333

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
paradoxicalninja
#1
ito pa rin tlaga eh. at yung pares. iba pa rin.
son_seung_wanni
#2
Chapter 1: Gusto ko na ng jowa.
speac_sci
#3
Chapter 1: lupet talaga nito. grabe pa rin talaga yung kilig
hyehye29
#4
Chapter 1: rereading this again lufet kasi magpakilig nito damang-dama ko na single ako chariz XD
WenRene_77 #5
Chapter 1: ang galing ng pagkakasulat mo author lalo na dun sa mga part na pageexplain ng feelings or someone's pov, layag na layag ang wenrene sana in real life din hehe dejoke😅💙💝 salamat author👍🏻👍🏻
moonbyulyi08 #6
Chapter 1: huhu i’m so single 😩
hi_mitochondria #7
Chapter 1: I'm inlove 😭😭😭
wnandehy
#8
Chapter 1: reading this again,,,, isa talaga to sa mga fave wenrene fanfic ko, grabe 'yung kilig >,<
dubustan
#9
Chapter 1: Author sory for this long comment HAHAHHA

Kahit sa mga first few paragraphs palang ng story makikita mo na talagang mabait si wen. Akalain mo yung even strangers handa niyang tulungan? Not to mention hinatid niya pa sa tirahan (which is ka dorm pa ng gf ng tropa niya. The coincidence LOL) willing pa siyang magpahiram ng jacket sa taong she barely knew? Pano kung masamang tao pala ang tinulangan niya at hindi paggaya ni rene? Dun palang makikita mo talaga yung pagka pureness ng puso niya. Yung nag meet up sila kasama mga tropa, kita mo na agad chemistry ni wan at rene, grabe kilig ko sa mga banat ni wan, masyado na siyang expert andaming linyahan HAHAHA lalo na yung "hindi kita pababayaan no, aalagaan kita" mga banat talaga HAHAHAHA. I love how protective jennie is to rene, can't blame her halatang walking red flag si wan LOL. Ang cute ni irene nung kumakain sila ng balut tas fishbol HAHAHAHA kita mo talaga yung dynamic nila, sa mini date part, wendy yung type na go with the flow tas si rene yung more compose than wan, these are the types of tropes i really love. You really explained well on how having a crush feels like, kase I've personally experienced the things you said in the paragraph. Yung sinabi ni irene nung kumain sila sa ortigas naku alam kong babawian niya yan sa future HAHHAHA. Ang daming witting remarks ni wendy nung namasyal sila sa mall HAHAHA legit laugh ako, Yung mga type talaga ni wendy yung masarap kasama eh, di ka talaga ma b-bored, which is bagay talaga sila ni irene opposite silang dalawa eh LMAO. Yung situation talaga sa office di talaga maiwasan yung mga marites, laging may kwento, buti nalang nandiyan si wendy to cheer her up kase yung mga ganong co-workers nakaka drain. Down to earth talaga si wan, kahit irl ganyan siya mabait talaga ♡. Kinilig ako sa part na kiniss ni rene si wan sa pisnge, yun oh progress. Ang effort ni wendy manligaw, kitang kita mo talaga yung pag seseryoso niya kay rene. Yung gumala sila sa tagaytay sighhh gusto ko din pumunta with tropa. Kinilig ako ng sobra sa part ni manen yiee "kinakahiya mo ba kami ng anak mo?" I was caught off guard too, kilegss. I really can imagine CL as jennie's mom LOL same vibe sila. Ang kulit kulit pa din ni wan kahit lasing ZHAHXJAJ natameme siya nung hinalikan sa pisnge eh HAHABHA cute talaga nilang dalawa. Yung paggising niya tas si jisoo katabi HAHAHHA tawang tawa ako don. Si Kuma dinistorbo moment nila TT lapit pa naman na silang mag kiss TT. Ayan na isang manliligaw ni irene, si suho pero syempre #teamwendy tayo, mas malakas manok naten. Yung nag uusap sila ni seul at wan about kay suho HAHAHHAA laking tulong seul, sinasabayan niya lang drama ni wan. pero yass buti nalang nadiyan si seul para patibayan loob ni wan. For congratulatory naman palaa yung bouquet, pero cute ni wan magselos, i can imagine her pout. GAGI yung kiss sa lips, yung kilig koooo. Heuheuheu bagay na bagay talaga silaaaa.
dubustan
#10
Chapter 1: Author babasahin ko po ulit eto! ❤️