I Love You, Piolo!

Burnout
Please Subscribe to read the full chapter

KUNWARI NAG-EEXIST NA FOLKLORE SA MGA PANAHONG ITO. 

sAKTAN NA NATIN MGA SARILI NATIN LETS GO

 

------------------------------------------------

 

December 21, 2018

Lovers' Lane, UST

 

 

Isa na siguro ang Paskuhan sa mga masasayang events ng college life niyo.

Noong nakaraang linggo naganap 'yung Panunuluyan. Isa ito sa mga inaabangan mo 'twing Paskuhan. Aminado ka namang hindi ka reliyoso, pero nakaka-touch lang. Feel na feel mo ang pagka-festive ng school niyo. At dahil nga UST is the oldest existing university sa Asia, it's living up to its standards. Veritas in Caritae. Truth in Charity. Taon-taon kayong busy 'twing Disyembre. At ngayon nga, nairaos niyo naman ang lahat ng mga pending exams, salamat sa mga sapilitang study sessions na ginagawa niyo sa library, at mga calendar reminders ni Wendy. 

Kanina pa kayong umaga pagod. Pero wala lang sa inyo dahil kabi-kabila ang mga events. Kanina pa kayo umaasa sa mga raffle prizes, sa may main building canopy. Ni isa from CFAD walang nanalo.

Last year niyo na sa USTe, at hindi maikakailang ngayon palang nami-miss niyo na ito. Tinitignan niyo pa lang ang mga palamuti, lalo na at gabi na, wala na yatang mas kikinang pa sa Christmas celebration ng university niyo. Dagsa din ang mga booths, ang daming estudyante. May mga nakakapasok din na outsiders. Okay lang naman sa inyo yun, dahil for you everyone is entitled to celebrate and be happy. For security purposes siguro kaya mas naghigpit ang mga guards ngayon. Kaninang umaga, balita mo na hindi na papapasukin ang mga estudyante kahit na may kasama pang taga-USTe, pero ang dami mong nakikitang hindi taga-rito. Naririnig mo kasi ang mga usapan sa paligid, kung gano sila naa-amaze, at nagtataka kung saan papunta. Hindi mahirap hanapin yung Grandstand, kahit sa laki nitong campus, alam ng mga paa niyo kung saan kayo dadalhin.

Ngayon, wala na kayong balak pumila sa mga booth na may mga pa-manok. Di tulad nung freshman at sophomore years niyo, Excited pa kayo ant naguunahan sa pila na parang walang pambili ng pagkain. Back then, remnants of high school still struck you like a broken and beautiful chord. Nami-miss mo yung mga kaklase mo, kaya nga one time, pinuslit mo rin sila dito para makanuod ng Paskuhan. But then college life happened. You've gone separate ways. May kanya-kanya na kayong naging barkada, and it was okay. You moved on with your life, pero you know that there would always be a place in your heart para sa kanila. It wasn't like your friendship was gonna end just like that. Of course, nagkikita pa rin naman kayo from time to time.

 

Nasa lover's lane kayo ngayon nila Joy, Jisoo, and Wendy, naglatag din kayo ng blanket. Start na ng concert pero ayaw niyo munang makipagsiksikan dahil hindi pa turn ng Ben and Ben.
 

"Mej boring yung setlist ngayon" Wika ni Jisoo

"Sus, palibhasa kasi wala si Sarah G. G na G ka last year e," tukso naman ni Wendy

"ay shet!" Naalala mo, "oo nga! Yung nagkaroon ng dance craze habang sumasayaw si Sarah? Hahaha in fairness ka naman nun, Ji. Para kang sinaniban ng Gforce" 

"Jisoo Force, taray" Dagdag ni Wendy, "May kalaban na pala si teacher Georcelle ba yon"

"Mga leche kayo, iniwan niyo pa ko nun." Tandang-tandang niyo niyo na umiwas kayo while F na F niyang sumabay sa flashmob ng Tala. Paglingon niya sa inyo, nasa may dulo kayo nakatingin sa kanya while taking a video of her. Last time, nung si Sarah G. yung nagperform, nasa unahan talaga kayo kasi hinila kayo ni Jisoo.

Popster pala 'tong kaibigan niyo hindi niyo alam!

"May mga college bands uli this year" Sabi ni Joy.

"May galing sa 'tin?" Tanong mo naman.

"Sino pa, e di yung ex mo." Napatingin ka bigla.

"Hoyy! Mahunos-dili ka sa mga pinagsasabi mo, hindi ko naging ex yun"

"Hindi raw?" Sabat ni Wendy habang ngumunguya, "Nag-date tapos after two months, nakipag-break ka. So hindi yun 'ex? E ano pala?"

Pagod ka nang mag-explain sa kanila dahil di rin naman sila nakikinig. Napabuntong-hininga ka na lang, "We didn't exclusively date, guys."

Simula pa lang nung freshmen kayo, crush ka na talaga ni Chanyeol. Nakita ka raw niya kasing sumayaw sa orientation before at he pursued you since then. Kahit na siguro wala kang interest before sa mga lalaki kahit noong high school, you found him cute. And kind. Lagi siyang may benefit of the doubt para sa mga taong nasa paligid niya. Ikaw na lang napapagod makipagtalo minsan. O di kaya nahihiya ka na lang kasi natural na masama ugali mo.

One time magkasama kayo sa may Lacson, nilibre ka niya ng milkshake. Di mo pa nakakalahati, may humablot na batang hamog tapos dinilaan ka pa bago tumakbo. Puro mura yung inabot ng bata sayo habang si Chanyeol, "Hayaan mo na lang, baka hindi pa nakakakain yun 'e. Bilhan kita bago tara?" Ay para kang hiya na tinubuan ng katawan noon. 

You decided to see him and date him. Wala namang mawawala 'e. Pero no commitment, sabi mo. Ayaw mo ng anything serious and he was free to meet anyone he wanted. Okay, sabi ni Chanyeol. Pero hindi raw siya ganoong lalaki at it was you he liked ever since first year. You admit, gusto mo ang company niya. You enjoyed hanging out. He was always doing something special for you. Taking you to places that you would like.

Isang gabi, dinala ka niya sa Intramuros. You felt that it was too much. And you didn't know if you could ever reciprocate his feelings. Habang tumatagal, nagiging comfy ka na na hanggang kaibigan na lang ang turing mo sa kanya. You tried. You honestly did. at dalawang buwan kang nag-isip kung paano mo susuklian ang binibigay sayo ni Channie. So nung akmang hahalikan ka niya, tumawa ka ng napakalakas. May nakakatawa kang nakita sabi mo. At umiwas sa mga hawak niya noong gabing yon. 

Matapos ang gabing iyon, hindi mo na natiis, at sinabi sa kanya ang lahat ng nasa isip mo. and Chanyeol being Chanyeol, smiled at you and thanked you for being honest. Ang swerte lang ng mamahalin ng lalaking 'yon. At minsan, iniisip mo why you two didn't work out. You weren't really meant for this kind of relationship. And you blamed yourself for it. 

 

 Humiga ka sa damuhan. 

You missed your friendship with him. Along with the failed thing you had between the two of you was the friendship na pinaghihinayangan mo. 


You invited your Atenean friends tonight, too. Well, mainly it was Joy who did the inviting. But ikaw yung nangimbita kay Joohyun dahil na rin sa pangangantyaw nila. After ng Art Informal, ilang beses na rin kayong gumala together. from exhibits to night outs minsan kasama sila Joy. Aminado ka na hindi pa rin madali sayo ang malapit siya. Pero natututunan mong mas maging kaibigan para sa kanya. In those few weeks that you started this friendship, you've re-learned to accept that some things may not always go your way. Swerte mo lang din siguro kasi hindi niya sinasama si Suho sa mga lakad niyo, busy daw sa ganyan, sa ganito. You then wondered kung may time ba sila para sa isa't isa.

"Seul," Banggit ni Joy na umiinom ng Red Bull dahil wala pa daw siyang matinong tulog, "Samahan mo ko sunduin natin sila may Lacson"

"Go lang, Sino-sino na daw pupunta?" Sagot mo naman na nakapikit lang. 

"Edi sila-sila" 

Dumilat ka at nairita sa sarcastic friend mo.

"Sinto-sinto ka talaga no?"

"Tara na, tumayo ka na dyan" Sabay punas ni Joy sa tissue after kumain ng chicken nuggets. Nagmumukha na siyang manok dahil sa hilig niya dito.

"Kasama si Suho ha" Banggit sayo ni Joy habang papunta kayo sa may entrance sa Lacson,

"Okay?"

Nangiti si Joy, "Wala lang, para di ka magulat"

"Bakit ba lagi na lang kayong nangaasar. Mag-behave kayo mamaya a, ayokong maging awkward mamaya. Lalayasan ko talaga kayo,"

"Ang sarap mo kasing asarin," Joy added.

"Joy," You sighed, "Please lang, i don't want things to get awkward between samin ni Joohyun. I enjoy her company as a friend"

"Pero di ka nagseselos?"

You didn't answer her.

"huyyyy, di ka nga ngseselos?"

"Ano ba yan!" You were starting to get annoyed, "Joy, crush lang 'to okay? Sino ko para magselos, sige nga sabihin mo sakin"

"Seul, hindi porket tinatago mo lang yan or sabi mo nga, you're no one to her. Doesn't mean you can't feel things. Makina kaba?" Lumiko kayo sa isang kanto, "Gets kita. and I know it's hard for you. Kaya nga tinatanong kita kung kaya mo e."

"Trust me, i'm fine. I'm more than okay na magkaibigan kami ngayon and i'm wishing for nothing more, nothing less." 

"Hay," Buntong-hininga ni Joy, "Fine. But if things get awkward for you, sabihan mo ko okay? Bigyan kita ng distraction"

"Ano'ng distraction yan?"

"Bigyan kita " 

"Hard pass! Si Piolo na lang magbigay sakin oks na" Napadaan kayo sa statuwa nila ni Charlene.

"Trueee. Bibigay ko talaga kay Piolo lahat pag hiningi niya,"

"Ang tanong, hihingin ba niya?"

"Girl, trust me, gagawin ko ulit siyang ruler if may chance,"

Lakas ng tawa mo, buti na lang natural na maingay na talaga,

"Sige nga sigaw ka, I love you Piolo," Hamon mo sa kanya habang malapit na kayo sa gate

..

...

....

"I LOVE YOU, PIOLO!!!!"

So ayun nga, nagmala-Toni Gonzaga na nga ang loka.

"Isa pa"

"Gago tapos na 'kong magpauto"

"Ay napansin mo pala?" Sarcastic mong pagkakasabi.

"Sige nga ikaw sabihin mo I love you Joohyun??"

"Pakyu"

"Weak "

++++

 

Nagising kang masakit ang ulo. Nagising ka ding uhaw na uhaw. Parang kang nasa disyerto dahil tuyong-tuyo ang lalamunan mo ngayon. Tumingin ka sa paligid mo, nasa kwarto ka pala, 'di mo alam kung paano ka nakarating dito. Pagbaling mo sa left side ng kama, nagulat ka na lang na may katabi ka. Jisoo?

Anak ng, bakit dito natulog 'to??

There was a glass of water and a hangover med sa may bedside table. God bless whoever did this. 

Pagkainom mo ng gamot, you slowly got up, washed your face and brushed your teeth. For some unknown reason, nakapajamas ka. Subconscious mo na lang ata ang gumana sayo kagabi. dahil yung mga pinagbihisan mo, andito sa sahig ng CR. Amoy yosi at alak, kadiri. ugh. 

Lumabas ka ng kwarto and you saw Wendy preparing her stuff. 

"Uwi ka sa Bulacan?" Umupo ka sa couch kung san siya nag-aayos.

"Yeah, see you Monday. Nakita mo yung meds sa may ulunan mo?"

You nodded, "Salamat, onting headache na lang. Dito na pala nakatulog si Jisoo, e"

"Yup. Di mo naalala kagabi nangyari 'no?"

So may nangyari nga. Kaya ka pala kinukutuban e.

"Dito ko na pinatulog yan, inalalayan ka namin kasi ang sabog mo kagabi, Seul"

". Sabi ko hindi ako maglalasing e."

"Wala e, saklap kagabi,"

"Wends," Tahimik mong sabi.

"Oh?" Tinabihan ka niya

"Pano...pano ba 'to?" 

"Patumba na ba natin?" She jokingly threatened

"Sira," You heaved a long sigh, "Hay nako, bahala na nga."

"Seul, basta pag di na kaya, awat na. I mean, take a break from seeing her muna"

"I know, Seungwan." 

Seeing how miserable you were, inakbayan ka ng kaibigan mo. You stayed like that for a long time, until she broke the silence.

"Pero laughtrip talaga yung kay Jisoo,"

Your eyebrows rose in surprise.

"Totoo ba talaga na nangyari yun?! Grabe. Grabe talaga 'to si Jisoo. Pailalim kung manggulat!"

"Right? All along akala mo senti-sentihan pa rin si gaga. Talagang under our noses pa."

Naka-red BMW daw sila sabi ni Joy, lumabas kayo ng campus para hanapin sila. Muntik pa kayong mapadpad sa may Ilars para bumili sana ng tapsi, pero nung nakita mo ang BMW sa may gilid ng kalsada, tinawid niyo na lang ito. Si Suho pala ang nagmaneho. Apat sila, kasama si Joohyun, Seungjae ant isa pang familiar face na nakita mo sa frat party nila,

"Seulgi, these are JInwoo and Suho," Seungjae introduced you to them, "Guys, this is Seulgi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
expectokedavra
Kapit lang kay Seulgi!

Comments

You must be logged in to comment
aesteen #1
Chapter 4: Ouch.
Moksy23
#2
Chapter 4: Otor pa update po miss kuna mashaktan 🤣
Moksy23
#3
Chapter 4: Joy bigyan mo ng distraction plsss 😭
Seulki27 #4
Chapter 4: Putanginaa ..... Okay lang yan bunot 😫🤧🥺😭
kang_ddeul
#5
Chapter 4: awwww ang sakit lods T^T✊
lokonaba
#6
Chapter 4: awit pu
lokonaba
#7
Chapter 1: tadhana nga naman
Maatt_booii #8
Chapter 4: Seulgi na lang lage nasasaktan dito aahh..
heesica10 #9
Chapter 4: oh ipasok na si tzuyu hahahah
chomi5ever #10
Chapter 4: ayoko talaga magkaroon ng “atenista irene” sa isang au tangina HAHAHAHAHAHAHA yan palang red flag na tangina mga ganiyang tao papaasahin ka jusko seulgi sana napick up mo na yung sign una pa lang HAHAHAHAHA paparamdam sayo na gusto ka na parang may something kayo pero tangina may boyfriend HAHAHAHAHAHAHA basta alam ko wala maganda patutunguhan kung gagawin mong magkaibigan si seulgi at ang isang “atenista irene”