Ang Simula

Trip To Phantasia

3rd Person's

 

"Let's go party !"


Sigaw ng dj mula sa booth nito, nagsayawan naman ang mga tao.


Tahimik na nakaupo si Hyoyeon, hawak ang cellphone sa kanang kamay at bote ng san mig sa kabila.


Dahan-dahan niyang inangat yung bote at uminom, agad niyang naramdam ang pait nito sakanyang lalamunan.


Huling tapak niya sa dj booth kahapon, nung nagpacontest sa city para sa Best Dj. And all expenses paid trip papuntang phantasia ang prize, good for two persons.


Phantasia, a popular waterpark located around Busan. Sumikat ito a year ago dahil sa kakaibang ganda dito.


Pangarap niyang makapunta dito.


Kaso ang problema hindi niya alam kung sinong isasama niya, yung family niya kasi nasa ibang bansa nakatira. Sayang naman kung magisa lang siya.


"Oi musta na" gulat siyang napatingin nang may umupo sa tabi niya, agad nitong kinuha yung sanmig at ininom ng diretso yung natitirang laman pagkatapos ay umubo.


"Tangina mo sooyoung" binatukan niya ito


"Wag ka nga tinulungan lang kitang ubusin"


"Gaga di ko kailangan ng tulong mo" inirapan lang siya nito


"Dalawang bote ng sanmig nga para samin" nakangiting sabi niya sa bartender


"Wow libre?"
 


"Oo, ayaw mo?"
 


"Syempre gusto" ngumiti siya.


Naalala niya yung napanalunang trip to phantasia.


"Hey soo, you free for a week?"
 


"Yep, kakaalis ko lang sa work ko four days ago kaya for the mean time free ako"
 


"Nice, samahan mo ako sa phantasia"
 

 


 


"Kamusta exam?" bungad ng roommate ni yoona. tinanggal niya ang sapatos na suot bago diretsong pumasok sa loob ng dorm nila.


"As usual mahirap" kahit anong review niya pagdating ng exam mismo parang nawawala lahat, kahit na hindi pa siya matulog ng ilang araw para lang magaral wala pa din talaga.


"After sembreak pa ilalabas results" tumango lang ito.


Pagod na pagod siyang humiga sa kama niya, bukod sa halos buong araw ang exam nila naglakad lang siya pauwi dahil traffic na at baka matagalan lang siya.


Muntik na niyang makalimutan, kailangan niya palang magimpake dahil pupunta siya ng phantasia kinabukasan para magunwind for a couple of days.


Pinagmasdan niya yung buong kwarto, malinis naman.


"Puta, bukas nalang ako magiimpake"

 

Mas mahalaga makapagpahinga muna siya

 


 


"When mo balak magjowa?" nasamid si Taeyeon sa tanong ni Seohyun.


"Seo, alam mo naman na focus muna ako sa work ngayon" umirap ito.


"Ate, almost two years mo nang sinasabi yan" napabuntong hininga siya, mula nung maghiwalay sila ng second girlfriend niya ay hindi na siya nagjowa pa muli.


"Don't tell me, yung first love mo pa din?" hindi siya tumanggi, yun din yung dahilan kung bakit hindi na niya gustong magjowa pa muli.


Kung bakit puro drama ang directed movies niya, madalas hindi nagkakatuluyan sa ending yung dalawang tauhan.


"Ikaw bata ka, bakit ba gusto mong magkajowa ako"
 


"Ayokong tumanda kang dalaga" natawa siya.


"Seo ang pag-ibig hindi minamadali, darating lang yan ng kusa"
 


"Eh bakit may tinder? bakit yung iba pilit na hinahanap yung the one nila?"
 


Hindi niya sinagot yung tanong. "Tama na nga yang about sa love na yan, focus ka muna sa studies mo"


"Fine ate, basta ayoko na tatanda kang dalaga" ngumiti siya at tumango.


"Anyways paguwi natin, pack your things bukas biyahe na tayo papuntang busan"
 


 


"Dr. Jung?" napatingin si Jessica sa pintuan ng office niya.


"Yes?" Sagot niya
 


"May gusto pong kumausap sainyo?"
 


Kumunot ang noo niya "Tell them busy ako"
 


She's sure kung sino nanaman yung nagaantay sakanya sa labas, The rich business man. Her classmate back in college.


Wala na siyang plano magtagal pa sa hospital, she took her leave to spend time with her sister tutal ilang taon nadin na puro trabaho ang inaatupag niya.


Ang plano they will meet nalang sa phantasia dahil manggagaling pa sa ibang bansa yung kapatid niya.


She needs to get home as much as possible dahil maaga siya aalis bukas plus hindi pa siya natatapos sa pagiimpake.


Huminga siya ng malalim bago lumabas ng office niya bitbit yung mga gamit niya. Sumalubong naman sakanya ang isang lalake na may bitbit na bulaklak.


"Hey? para sayo" tinignan niya ito, hindi nagabala na kunin.


"Dinner tayo? hindi ka pa daw kumakain"
 


"Ilang beses ko ba kailangan isampal sa pagmumukha mo, I'm not interested"


"I can wait, as long as you—" hindi niya na pinatapos ang sinasabi nito.


"Tyler, leave me alone"
 


"No, not until you date me" ang hirap ipaintindi sa lalaking ito na hindi niya kailangan ng jowa para mabuhay.


Nagulat siya nung hawakan nito ng mahigpit yung kamay niya, he was about to drag her out nung may pumigil sa kamay nito.


"Can you please get your hands off my girlfriend?" natigil silang dalawa, binitawan siya ni tyler.


"The next time na makita kita dito, i'll make sure pulis na makakaharap mo" yung babaeng anak ng may-ari ng hospital, malimit itong magsalita madalas ay nasa canteen lang at tumutulong magluto ng mga pagkain.


Parang tumigil sa pagikot ang mundo ni Jessica nang hawakan nito ang kamay niya pagkatapos ay ngumiti.


Madalas niyang makita na nagiikot ito sa loob ng hospital, observing everyone kung inaayos ba nila yung trabaho nila.


Yes, she find the girl pretty and handsome at the same time, pero ngayon lang sila nakapag-interact at sa ganito pang situation.


"You may leave now" itinuro nito yung fire exit "Wag kang sumakay ng elevator, baka matakot sila sayo" ngumiti ito muli, then hinila niya na palayo si jessica.

 


 


"Dapat sinabi mo agad saakin na matagal ka na palang ginugulo non" napatingin si Jessica sakanya, kakalabas lang nila ng building.


"Sana matagal ko nang nasabi kay daddy na wag siyang papasukin dito"
 


"Di naman tayo close, nakakahiya"
 


"I'll introduce myself, I'm Yuri"
 


"I'm Jessica" nagulat siya nang umakbay sakanya si Yuri.


"Ayan tropa na tayo" natawa siya, may tinatagong kakulitan pala to ang akala niya napakaseryoso talaga sa buhay.


"I heard from dad, you'll go on phantasia bukas"
 


"Yes why?"
 


"I'll go din, sabay na tayo"
 


"Yeah, sure"
 


"Daanan kita bukas sainyo" naglakad palayo si yuri then she raised a paper, nakasulat doon yung address ni jessica.


"How did you—" kumindat ito. ngumiti.

 


 


"Tiff sigurado ka bang di ako malalagot dito" hinampas niya yung balikat ng lalaki.


"We have a deal nick, i keep your identity then you let me escape"
 


"Bakit di ka magpaalam kay manager-nim"
 


"As if namang papayagan niya ako, lalo na pag nalaman niya kung sino susundan ko" umirap siya.


"Alam mo girl, kung di mo lang talaga ako nakita last week hindi kita tutulungan ngayon"
 


"Landi in right places kasi bakla" tumawa siya.


Nichkhun, her co-model. Parehas silang sikat at bakla.


Before becoming a model Tiffany had a girlfriend, kaso she left her para sa pangarap niya.


While si Nichkhun naconfirm niya lang last week after she saw him with guy sa private bar ng friend niya.


"Make sure hindi nila ako hahanapin ah"
 


"Oo na"
 


"Good, stay strong sainyo ng bebe mo"
 


"Pasalubong girl wag kalimutan"
 


Tumawa lang siya bago naglakad papuntang parking lot, tinignan niya muna kung may tao bago tahimik na nagpunta kung saan nakaparking yung sasakyan niya.


Binuksan niya yung radio dahil hindi siya sanay na tahimik, madalas kasi dumadaldal yung manager niya sa shotgun seat.

 


"A Riot was reported on the 7th street where two guys started fighting each other and then it started involving the residents resulting to twelve deaths and—"
 


TBC.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
soltaeng
This is inspired by Train To Busan hehe

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet