one.

Roadtrip

Rainbowrats 


Sooyoung: Magandang ing morning sainyo

Tiffany: gosh it's very maaga pa nagmumura ka agad

Seohyun: goodmorning unnies

Seohyun: kain muna kayo bago pumunta sa meeting place

Jessica: morning ladies

Yoona: goodmorning seo :">

Hyoyeon: goodmorning ang sakit ng ulo ko

Sunny: walwal nanaman kagabi?

Sunny: tapos magwawalwal din tayo pagdating sa pangasinan.

Jessica: lol, knowing hyoyeon sa sasakyan palang umiinom na agad yan.

Hyoyeon: walwal is layp.

Sooyoung: sis, sana okay pa atay mo.

Hyoyeon: okay yan, ako pa ba

Tiffany: im excited na talaga

Seohyun: we're so busy these past few years, ngayon nalang ulit tayo magkikita

Jessica: these brings back our college days

Jessica: kapag may broken hearted walwal agad kahit may pasok kinabukasan

Sooyoung: tapos papasok tayong may hangover

Hyoyeon: nadetention din tayo one time HAHAHAHA

Sooyoung: oo kasi tanga ka, nakalimutan mo tanggalin yung bote ng san mig sa backpack mo

Hyoyeon: bakit ako sinisisi mo ikaw naman naglagay nun, malay ko ba

Sunny: asan si yul at taeng?

Hyoyeon: tulog pa si yuri panigurado, nauna pa ako umuwi sakanya kagabi eh.

Tiffany: taeyeon is cooking our breakfast

Sooyoung: naol strong

Sooyoung: jess and yul can't relate

Hyoyeon: gago foul

Jessica: past is past, nakamove-on na ako hahaha

Sunny: papunta na ako

Hyoyeon: atat ka?

Sunny: ayoko lang malate

Seohyun: malapit na din ako unnie

Tiffany: we'll get ready na din, kain lang muna.


'"Tapos na ako magluto, eat na tayo" usual morning sa shared apartment nila Tiffany at Taeyeon, kung sinong unang magigising yun ang magluluto ng breakfast.

Tiffany is not friends with the kitchen tho, so kapag siya unang nagigising automatic delivered food ang almusal nila.

"Thanks boo" kinurot niya ang pisngi nito bago maupo sa upuan.

"Nagiingay na sila sa gc?"

"Yup, gising na eh"

"It's been 4 years mula nung huli tayong nagvacation together with the tropa, nakakamiss"

"Last month lang naman bumalik si sica dito sa pilipinas mula nung umalis siya after graduation"

Natigil si tiffany sa pagsubo ng pagkain, naalala yung isa nilang kaibigan. "do you think ayos lang si yuri? i mean she will see her ex again"

"I guess? matagal naman na silang break"

That's what everyone hopes, including jessica.

Nabuo ang tropahan nung nagkakitaan sila sa first day as college students back in 2012, sakto din na nasa iisang dorm sila.

Mula noon naging solid na ang barkadahan nilang siyam, kung nasaan ang isa andun ang walo.

Kapag natatapos ang isang semester siguradong walwalan na ang sunod non, roadtrip papuntang iba't ibang probinsya o kaya pag may budget sa ibang bansa.

Buti nga hindi sila nagsawa sa pagmumukha ng isa't isa, imagine nakikita mo mukha nila everyday for almost five years.

Pagkatapos ng graduation they moved out sa dorm, kasunod noon jessica and yuri broke up.

The two of them didn't really tell everyone the reason, nirespeto ng barkada yon so they never asked about it.

Buhay padin yung gc pero hindi din sila kumpleto madalas, iba din ang timezone ni jessica kaya yung mga madalas lang magpuyat ang naabutan niyang gising sa gc o kaya yung mga naglalaro ng ml.

"Nilinisan mo ba yung van na gagamitin?" tanong ni Tiffany habang nililigpit yung mga pinagkainan nila.

Tumango si taeyeon "yup, malinis na malinis"

"Take a bath na, para magbibihis nalang tayo tapos g na agad later"


Rainbowrats


Hyoyeon: ano oras call time?

Seohyun: 10am unnie

Sooyoung: saan?

Yoona: halatang hindi sila nagba-backread

Hyoyeon: nakakatamad kaya

Hyoyeon: nakakahilo pa

Seohyun: 10am sa pambansang meeting place.

Sooyoung: daming 7/11 sa pinas, anong exact location?

Seohyun: yung malapit sa univ natin dati unnie.

Sooyoung: okay noted.

Hyoyeon: magaabang na ako ng jeep, tangna baka traffic

Sunny: andito na ako with jess and seo

Hyoyeon: 9:30 palang excited kayo

Yoona: wow aga naman, pababa na ako ng mrt sandali

Sooyoung: si yuri asan na yon?

Sooyoung: putangina mamaya siya nanaman late

Yoona: di pa ba kayo sanay? late naman talaga yan palagi HAHAHAHA

Sooyoung: di na nadala, pinatawag pa nga si tita dati kasi isang buong buwan siyang late.

Hyoyeon: tawagan ko siya wait baka naliligo yon


Naalimpungatan si yuri na sarap na sarap pa sa tulog nang magring yung cellphone niya na nakapatong sa table.

Hinagis niya yung unan na nakatakip sa mukha niya at inis na kinuha yung cellphone bago sagutin yung tawag.

Napairap siya ng makita kung sino ang tumatawag.

Incoming call from Hyoyeon Malufet

pinalitan nanaman ni hyoyeon yung contact name nung nagkita sila kagabi para uminom. gago talaga yon.

"puta, ang aga pa why are you calling"

"wag mo akong murahin yuri masama yon, tangina mo"

"bakit nga kase?"


Nilayo niya yung tenga niya mula sa cellphone dahil puro busina ng sasakyan naririnig niya.

"lumayo ka nga, puro busina naririnig ko"

"asan ka na otw na ako sa meeting place"

"Andun na sila Seohyun, papunta nadin ang Taeny"


Napamura ito. Tinignan yung wall clock sa gilid, 9:46 am. Napamura ulit.

"call you later, otw na ako"

"mama mo on the way"


Ibinaba niya yung tawag bago pumasok ng cr bitbit yung towel niya.

Napabuntong hininga siya pagkaharap sa salamin, napaisip.

"Handa na ba akong makita siya ulit?"

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
rabbitjiu
#1
Chapter 1: WAHAHAHAHAHAHA ang ganda!!! keep it up otor!! <3