Old Testament

Ama Namin
Please log in to read the full chapter

"Bless me Father, for I have sinned. Here are my sins," rinig na sabi ni Seungwan mula sa kabilang silid ng confessional box. 


 

Pangatlong mangungumpisal na ang pumasok dito, pero parang pang-isangdaang tao na ang nakalipas. Init na init na rin si Father Seungwan sa suot niya. Malapit na ang Holy Week kaya marami ang nangungumpisal.


 

Antok na antok na rin siya. Naramdaman niyang bumibigat na ang kanyang mga mata. Sabayan pa ng mahinahon na boses ng nangungumpisal, eh parang tinutukso talaga siyang tulugan na lang ang babaeng nagsasalita.


 

"...nakipag din po ako sa ex-girlfriend ng kuya ko."


 

Tanggal agad ang antok ni Father Seungwan.


 

"Weh? Pano nangyari?" Wala sa hulog na tanong niya sa nangungumpisal.


 

"Uh.." halata ang pagtataka sa boses ng babae, "bale po nasa kwarto ko siya, tapos uh mabilis po ang mga pangyayari. Basta po naka-5 rounds kami, hehe." 


 

"Ah ganon ba, maganda yan, iha," binigyan din ng tango ni Father Seungwan ang kausap kahit hindi naman siya nakikita nito.


 

"Ha? Pano pong maganda?" 


 

"Nakapag-exercise kayo eh. Maganda yan sa katawan, healthy living kumbaga," tumango-tango ulit si Father Seungwan.


 

"Uh, oo na lang po Father. Ano pong parusa sakin?" 

 

"Wala."

 

"Ha? Sure po kayo? Bakit wala?" Malulukot na ata ang mukha ng babae sa sobrang kalituan sa kung anong nangyayari.


 

"Una sa lahat iha, hindi nagpaparusa ang Diyos. Pangalawa, wala naman mali sa ginawa niyo ah. Tao lang din naman kayo, may mga desires na dapat punan," pasabi ni Father Seungwan habang hinihimas ang baba.


 

"Eh parehas po kaming babae Father? Mali raw po iyon."


 

"Eto na lang, pag may nagsabi sayo ng mali ang pangyayaring tulad ng ganon kung pareho babae ang gagawa, sabihan mo na lang ng 'mama mo mali' para manahimik."


 

"..."


 

"Seryoso ako iha," basag ni Father Seungwan sa katahimikan. 


 

"Wala naman po akong sinabing nagjojoke ka Father. Sige po, salamat na lang po. Magdadasal na lang po ako sa sarili," paalam ng babae.


 

"Sige walang anuman iha. Sa susunod 3 rounds na lang kaya? Bawasan niyo, tag-init pa naman."

 

 

 

Seungwan


 

Huh?


 

Seungwan


 

Sin--


 

Nananaginip ba siya?


 

Nakatayo sa harap niya ngayon ang isang anyong anghel. Nakabubulag na liwanag ang nakapalibot dito, ngunit at the same time ay nakakakalma ang presensya nito.


 

"Sino ka?" Matapang na tanong ni Father Seungwan sa mukhang anghel. 


 

"Ako ang sugo mula sa langit na ipinadala sa lupa. You can call me Gabriella, Wheein naman kung Buddhist ka talaga na nagpapanggap lang na katoliko."


 

Aba, nageenglish yung anghel. Isip ni Seungwan.


 

"Anong maipaglilingkod ko sayo, Angel Gabriella?" 


 

"Actually… pinapanood ko kanina yung kumpisalan niyo nung babaeng nakipag dun sa ex ng kuya niya. Ano uli pangalan? Seulgi?" Lumaki ang mata ni Gabriella. "Shet, sorry kunwari di mo narinig yung pangalan." 


 

"O...kay? Anong kinalaman non sa pagbisita mo sakin?" Nagtatakang sabi ni Father Seungwan.


 

"Isa pang actually, ipinadala ako dito para iinform ka na bibisitahin ng isang admin staff itong parokya mo in 3 days. Under new administration na kasi ang heaven, gusto niya hands-on siya sa kung anong nangyayari sa lupa."


 

"Ha? Kelan pa to?"


 

"Simula ng nag-ascend sa trono si Jesus."


 

"What? Seryoso ba? Eh di thousands of years ago pa?" 


 

"Mukha ba akong nagsisinungaling? At ano ba akala mo, Pilipinas lang ang may religion na to? Siyempre iniisa isa namin yung inspection, parang PAASCU kasi yan. Mga 5 days inspection, tapos milyon ang mga dapat bisitahin. So siyempre ngayon lang talaga makakapunta sa inyo."


 

"May point ka doon," tango ni Seungwan.


 

"So kung ako sayo, ayusin mo yang agenda mong ireporma ang sistema ng parokya niyo. Pero honestly, di ko alam kung ano magiging reaksyon Niya sa mga pinaggagagawa mo."


 

Bagong orden na pari si Seungwan. Marami siyang gustong baguhin sa sistemang katolika, kaya napagpasyahan niyang umpisahan ito sa sariling parokya. Patunay rito ang kaninang confession session na naganap.


 

Binasag ng anghel ang katahimikan.


 

"Um, nandito na lang din ako, pwede ba makahingi ng advice?" Nahihiyang tanong ni Gabriella.


 

"Sige?" Di pa rin makapaniwala si Seungwan sa nangyayari. Pero sino ba naman siya para talikuran ang anghel, hindi ba? 


 

"Ganto, since nasaksihan ko yung kumpisal kanina, nalaman ko na agad na iba ka sa mga karaniwang pari diyan. So sayo na lang ako lalapit."


 

Tumango si Father Seungwan para ipagpatuloy ni Gabriella ang kwento.


 

"May… jowa kasi ako. And natatakot akong baka tutol Siya sa relationship ko." 


 

Anghel? May jowa? Pwede pala yon? Sinarili na lang ni Seungwan ang tanong. 


 

"Uh, bawal ba kayo magjowa?" 


 

Umiling si Gabriella. "Pwede naman."


 

"Anong concern mo?"


 

"Demonyo yung jowa ko eh," napakamot ang anghel sa batok.


 

"Bakit? Masama ugali?" Kunot ang noong napatanong si Father Seungwan.


 

"Hindi, demonyo. As in, demonyo. Duterte levels demonyo. Yung nanununog ng kaluluwa ng tao," explain ni Gabriella sa kaniya.


 

"Hmmm…" nag-isip di Father Seungwan ng logical na sagot. "Tingin mo ba hindi pa Niya alam ang sitwasyon mo?"


 

Nanahimik si Gabriella sa tanong na narinig at napatingin sa baba. Kumunot din ang noo nito. Umangat muli ang tingin ng anghel kaya nagtama ang tingin nila.


 

"Oo nga no," pag-agree ni Gabriella.


 

"Oh di ba? So kung tutol Siya, malamang ay dati pa Niya itinigil yan. Kailan ba kayo nagstart magdate?"


 

"Since 48 A.D ata? Actually anniversary namin in 2 days. May alam ka bang pwede regalo?"


 

Turn naman ni Father Seungwan na mapakunot ang noo. Ano bang pwedeng iregalo sa isang demonyo?


 

"Ano bang hilig niya?"


 

"Hmm… bukod sa pagsunog ng kaluluwa ng mga rapists, plunderers, racists, homophobes, transphobes, pagkanta, mahilig din siyang kumain."


 

"Ha? Pwede kayo kumain?" 


 

"Ang dami mong hindi alam sa amin. Understandable naman. Oo, pwede kumain pero hindi required para mabuhay. So ano, may suggestion ka ba?"


 

Ah alam ko na.


 

"Magcosplay ka bilang demonyo. Para maiba."


 

Mukhang interesado ang anghel sa narinig at tumango-tango. "Go on…"


 

"Tapos bigyan mo ng . Para mabago naman. Suhestyon ko lang naman, ikaw bahala kung gusto mo."


 

"Parang okay yan, never ko pa na-try maging demonyo. Feeling ko naman bagay rin sakin?" Nagsimula nang kausapin ng anghel ang sarili. Pahina nang pahina ang boses nito, parang nanggagaling na sa malayo. Unti-unti na rin nawawala ang liwanag na bumabalot sa lugar. 


 

"Uh, Angel Gabriella?" Tawag ni Father Seungwan sa anghel. Na-notice naman ito ni Gabriella at natanggal ito sa pagmu-muni.


 

"Ay, patapos na pala timer ko. Sige, babalik na ko sa sugo ko for today na si…" napatingin siya sa out-of-nowhere na lumabas na mahabang scroll, "Kim Yerim." Naglaho ang scroll.


 

"Yerim? Ang sakristan namin?" Nagdidilim na ang paligid.


 

"Ah, oo. Andito ba siya ngayon? Para di ko na gamitin yung holy power ko. Maglalakad na lang ako papunta sa kanya."


 

"Wala, umuwi na ata ang mga bata." Hula ni Father Seungwan.


 

"Hay, sige na nga. Ayon, salamat sa advice Father, at goodluck sa accreditation." Nginitian siya ng anghel nang pagkatamis-tamis. Ngayon lang napagtanto kung gaano kaganda ang anghel. 


 

Ang kaninang silid na puno ng nakabubulag na ilaw ay ngayo'y niyakap ng dilim. Kasabay ng pagkabalot ng kadiliman ay ang paggising ni Father Seungwan mula sa panaginip. 


 

 

In 3 days, huh.


 

Kasalukuyang nag-iisip si Father Seungwan sa silid niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari kagabi. Alam niyang panaginip yon, pero hindi pa niya napapaniwalaan kung totoo bang may anghel na nagpakita sa kaniya, na nagsasabing may inspection na magaganap sa parokya.


 

Lord, I need a sign kung totoo nga.

 

Natigil ang pag-iisip niya nang may kumatok sa pinto. 


 

"Father, nawawala po yung holy water bottle," bungad ni Yeri sa opisina ni Father Seungwan. Nagtaka naman ang pari, dahil kahapon ay nakita niyang itinabi ng sakristan ang bote. 


 

"Saan mo nalagay?" Hindi matanto ng sakristan kung may inis ba sa tono ang pari.


 

"Kung saan po natin usually nilalagay yung mga gamit."


 

"Hay, magsisimula na ang misa in 5 minutes. Mukhang walang mab-blessan ngayon," malungkot na hayag ni Father Seungwan.


 

May katok ulit na narinig sa pinto. Pumasok ang isa pang sakristan na si Lisa.


 

"Father! Eto na po ang sagot sa problema natin," turo ni Lisa sa dala-dala niya.


 

Kumunot ang noo ng pari, parang nakakaramdam siyang sasakit ang ulo niya mamaya. Natawa naman si Yeri sa gilid niya.


 

"Hala Father, parang okay nga na ito na lang gamitin. Para maiba naman." 


 

Pinag-iisipan pa ni Father Seungwan ang gagawin. Maya-maya ay nakapagpasiya na siya.


 

"Akin na ang watergun, Lalisa." Determinadong sagot ni Father Seungwan.


 

 

Kinasa niya ang hawak. May apoy sa kaniyang mga mata. Nanginginig ang mga buto, gigil ang namumutawi sa dibdib.


 

Father Seungwan pulled the trigger. 


 

Long strings of water shot out of the elongated thing she's holding. 


 

Tumingin siya sa paligid. Ang mga nakangangang parokyano kanina, ay basa na ngayon. Basang basa.


 

Hindi ma-explain ni Father Seungwan ang saya na nararamdaman. Sa kabila ng kalituan ng mga tao, ay kinalauna'y natuwa ang mga ito sa paarangkada ng pari.


 

"Father, nagustuhan po ng anak ko. Uwing-uwi na po siya tapos nung nakita yung watergun, napa-stay kami. First time niya po na-blessan." Bati sa kaniya ng isang ginang pagkatapos ng misa.


 

"Ah, ito ba ang anak mo?" Tuwang bati ni Father Seungwan sa bata na kasama ng ginang.


 

"Opo Father. Ryujin bless kay Father." Utos ng ina sa bata.


 

Nahihiya pa ang bata na kinuha ang kamay ng pari. Natuwa si Father Seungwan dahil sobrang cute ni Ryujin. May tumabi pang isang babae sa ginang at binati ito. 


 

"Babe, tara na. Hi, Father." Bati ng babae sa pari. 


 

Teka, pamilyar siya.

 

Lumaki ang mata ni Father Seungwan nang marealize kung sino ang babae.


 

"Yeji? Hwang Yeji?" Tanong ni Seungwan. Mukhang namukhaan din ng babae ang pari, kaya binigyan niya ito ng ngiti. 


 

Magkakaklase sila ni Yeji noong highschool. Hindi sila masyadong close, pero nakakapag-usap naman sila kahit paano. 


 

"Choi-Hwang na, Father. This is my wife, Lia," pakilala niya sa asawa. Hindi naman nagulat si Father Seungwan, dahil noong highschool pa lamang ay lapitin na ng chix si Yeji. 


 

"Nice to meet you." Ngiti ni Father Seungwan kay Lia.


 

"Never thought I'd see you here, Son. Akalain mo yon, Father Son," napatawa nang malakas si Yeji sa sariling joke. Sinabayan na lang ito ng pari para hindi mapahiya. Pero nakakatawa naman talaga ang joke, though. 


 

"We better get going. Baby say bye na to Father Son." Utos ni Yeji sa anak.


 

"Buhbye, Fathewr Swon," kaway ni Ryujin. Muntik na magpakawala ng gigil si Seungwan pero napigilan niya ito.


 

"Bye!" Ngiti niya sa mag-anak.


 

Umalis na ang pamilya Choi-Hwang. Napalibot sa palagid ang tingin niya at napansin niyang halos wala nang tao sa loob ng simbahan, maliban sa mangilan-ngilan na nagdadasal. Isang babae ang nakakuha ng atensyon niya dahil sa intense na pagkakakatitig sa kanya. Nagulat si Father Seungwan nang bigla itong tumayo at naglakad papunta sa kaniya.


 

Nakarating na sa harap niya ang babae. Ngayong malapitan ay nakita ni Father Seungwan ang kagandahan nito, mula sa mapulang labi at mahabang pilik-mata, hanggang sa mapupungay na mata at mahabang buhok. Napakurap ang pari sa nakikita.


 

"Totoo ang nangyari kagabi," simpleng sabi ng babae.


 

Lumaki ang mata niya. Hindi niya alam ang sasabihin. Parang kanina lang ay nanghihinga pa siya ng sign, tapos ngayon ay nakuha na niya. May anghel ulit sa harap niya, at hindi lang sa panaginip, in real life pa.


 

"Panindigan mo ako, Father Son. Nagdadalang-tao ako dahil sa ginawa natin kagabi."


 

Ha?!


 

"Ano? Akala ko--" 


 

"Joke lang," natawa ang babae. "Pero, totoo ang panaginip mo. Humingi ka ng sign, di ba? Eto na ang sign." 


 

Tumango na lang si Seungwan. 


 

"Anghel ka rin ba?" Hindi niya napigilan itanong. 


 

"Hmmm… paano mo nasabi?" 


 

"Mukha kang anghel eh."


 

"Paano kung demonyo pala ako? Na nagpapanggap na anghel?" 


 

"Uh, kung demonyo ka, makakatapak ka ba sa loob ng simbahan?"


 

Natawa ang "anghel" sa harap niya. Abot hanggang mata ang ngiti nito habang nagpapakawala ng mahinang tawa.


 

"Oo, sabihin na nating anghel ako. Intern sa langit, kumbaga. Kung wala ka nang tanong, ay mauuna na ko." Paalam ng anghel.


 

"Teka, anong pangalan mo? Di ba dapat nagpapakilala ang mga anghel?"


 

Pero wala na siyang kausap. Naiwan siyang nakatayong mag-isa sa loob ng simbahan.

 

 

Kasalukuyan siyang nasa loob ng office ng kapwa pari niyang si Father Byul. Nagpasiya siyang kumonsulta rito tungkol sa magaganap na "inspection", 2 days from now.


 

"Ganito kasi pare, sure ka bang hindi ka nasobrahan sa Mompo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Father Byul. Nagpapalit ngayon ng damit ang kaibigang pari niya dahil katatapos lang ng misa nito. Halata ang relief sa mukha niya nang matanggal na ang suot na chasuble. 


 

"Sino ba kasi nangsabing dapat eto ang suot habang nagmimisa? Ang hirap na nga magsalita tapos hirap pa gumalaw ampo--" napigilan ni Byul ang pagmumura nang makita ang titig ni Father Seungwan.


 

"Wag mo kong titigan nang masama, mangungumpisal naman ulit ako mamaya sayo eh."


 

Hindi na lang pinansin ni Father Seungwan ang dahilan ng kaibigang pari.


 

"Sure akong hindi ako lasing non. Tapos yung babae nga kanina, after ko humingi ng sign sa Diyos, biglang sumulpot pagkatapos ng misa."


 

"Ano hitsura nung babae? Chix ba?" Sabi ni Father Byul sabang ngiti ng nakakaloko.


 

"Tigil-tigilan mo ko, pre," inirapan siya ni Father Seungwan. "Pero oo, apaka ganda niya. Mukha talagang anghel."


 

"Eh di baka totoo nga. Okay naman ang parokya mo ngayon ah? Anong kinababahala mo?"


 

Napaisip saglit si Father Seungwan sa narinig.

 

Ano nga bang kinababahala ko?


 

Napansin ni Father Byul ang pananahimik niya. Nginitian na lang nito ang kaibigan at tinapik-tapik sa likod.


 

"Kung may dapat tularan na pari, ikaw yon pre. Tingnan mo, binisita ka ng anghel, twice pa. More and more blessings ang darating sayo. Kaya kung totoo man o hindi ang vision mo, ang mahalaga ay inuuna mo ang kapakanan ng parokya mo."


 

Sabay naging pari sina Byul at Seungwan. Magkasama silang nag-aral sa seminaryo. Saksi silang dalawa sa pagmature ng isa't isa. Naging matalik silang magkaibigan sa paglipas ng panahon.


 

"Salamat, pre." Ngiti ni Father Seungwan.


 

"Pero paano kaya mangyayari don? Susulpot na lang sila habang nagmimisa? Parang teacher observation? Or mag-iinterview ng parokyano mo tapos magtatanong kung musta yung pagsesermon mo?" Natatawang sabi ni Father Byul sa kasama.


 

"Loko ka. Hindi ko rin alam, sa totoo lang. Ang alam ko lang eh may "admin" daw na bibisita. Yun lang."


 

Tumango na lang si Byul bilang tugon. 


 

"Ano? Mangungumpisal ka ba? Nandito na lang din ako, simulan na natin." Offer ni Father Seungwan.


 

Pumwesto na ang dalawa; umupo sila nang magkaharap. Iniyuko ni Father Byul ang ulo, samantalang binasbasan siya ni Father Seungwan.


 

"Okay sige. Bless me, Father, for I have sinned." Panimula ni Father Byul. Yumuko na rin si Father Seungwan pagkatapos basbasan ang kaibigan.


 

"My sins are… the usual na lang pre." 


 

Napatingin si Seungwan sa sinabi ng kaibigan. Nakayuko pa rin ang ulo nito, nagaabang ng sasabihin niya.


 

"Hoy, ayusin mo. Anong the usual? Ano to order sa Jollibee?" Suway ni Father Seungwan.


 

"Eh paulit-ulit lang din naman? Alam mo naman na yung ikukumpisal ko ah!" 


 

"Kahit na. Byul ayusin mo." Napipikang sagot niya.


 

"Tsk. Oo na." Pumwesto ulit si Father Byul. "Bless me Father, for I have sinned. My sins are: muntik na magmura kanina. Hindi ako nakapagdasal bago kumain kanina, nagmamadali kasi," tumango si Father Seungwan sa bawat paglilista ng "kasalanan" ni Byul.


 

"...nagbasa rin ako ng… yaseol."



 

"Ano?!" Nanlaki ang mata ni Seungwan. Kumunot ang noo ni Byul, nagtataka sa outburst ng kaibigan.


 

". novel. Yaseo--"


 

"Oo, alam ko kung ano yon," irap ni Father Seungwan.


 

"Eh bakit ka gulat na gulat?"


 

Katahimikan. 


 

"Mangungumpisal din sana ako sayo mamaya. Tapos… isa don eh yung pagbabasa ko rin ng , hehe." Ika ni Father Seungwan.


 

"..."


 

"Seryoso ka ba?" 


 

"Mukha ba kong nagbibiro? Nito ko lang natuklasan yon, actually. Nagbasa lang naman ako, curious lang," depensa ni Father Seungwan sa sarili.


 

"Di ko nga alam kung dapat ko bang ikumpisal yun sayo eh, parang wala namang mali don? Di ba?" Tanong ni Byul.


 

"True. Wala ngang mali sa , sa novels pa kaya?" 


 

"Ayan, buti nagkakasundo tayo. Kaya tayo tropa eh."


 

"Ewan, tapusin na nga natin to," natatawang sabi ni Father Seungwan.


 

"Ay, nga pala, saka ko na ibabalik yung holy water bottle mo."


 

"Ikaw yon?!" Sigaw ni Seungwan, sa ika-nth na beses.


 

----


 

Ama namin

Sumasalangit Ka

Sambahin ang Ngalan Mo


 

Nabighani ang lahat ng tao sa loob ng simbahan dahil sa magandang boses ni Father Seungwan. Nabansagan na rin siya "singing priest" sa lugar nila. Natutuwa naman si Father Seungwan dahil maraming nakaka-appreciate sa pagkanta niya.


 

Mapasaamin ang kaharian Mo

Sundin ang loob Mo


 

Lumibot ang kaniyang mga mata. Puno ng passion ang mga parokyano sa pagkanta ng Ama Namin. 


 

Dito sa lupa

Para nang sa langit


 

May namukhaan siya sa dagat ng mga tao. Nakatitig sa kaniya at ang tanging hindi umaawit sa kabila ng tugtog ng pianista.


 

Ang ganda 


 

Natigil ang tugtog, pati na ang pagkanta ng mga tao.


 

Ay she-- nasabi ko yon out loud??


 

Katahimikan.


 

"Erm," pulang-pula ang mukha ni Father Seungwan. Nag-isip siya ng segway para maisalba ang hiya.


 

"Ang ganda, ano? Natutuwa ako na ganto tayo ngayon, nagkakaisa at inaawitan ang Diyos. Nadala ako ng emosyon, pasensya na. Sige, ituloy na natin ang pag-awit mga brothers and sisters." 


 

Nakita naman niya ang mga namuong ngiti sa mukha ng mga tao. Nagsimula na ulit tumugtog ang piano, pati na rin ang pagkanta niya kasabay ang mga parokyano. 

Please log in to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
revelnc #1
Chapter 2: ang funny talaga, witty talaga 😭
Hime_Emjha #2
Chapter 1: Excellent! The best authornim~ Sumakit panga ko sa kakatawa!
xoloveskimmy1 #3
Chapter 1: OJ HQHQHAVHQHQ THE BEST AUTHOR NIM?
hiddenstage
#4
Chapter 2: tangina 'yung tawa ko sa fic na 'to ahhahhahahahahaha dabest crack fic ahhahahahaha
kid97drae
#5
Chapter 2: Putangina may free pass ata ko sa impyerno hahahaahahha laptrip
Vicheca
#6
Chapter 2: This is so messed up pero tawang tawa ako mula umpisa hanggang sa natapos. Hindi ako sure kung eexit na ako in the middle of it or itutuloy kase mygash hahhahahaha kahit chapter 2 hindi ako pinalampas ano ba yan hahahahaha
dubustan
#7
Chapter 2: Omg bat ganun lol atleast nagkita pa din sila pero forbidden pa den HAHAHAH
LockLoyalist
#8
Chapter 2: grabe author ssi hahaha buti nagkita ulit silang dalawa
94JeTi
#9
Chapter 2: Parang magkikita kita pa ata tayong lahat sa impyerno ah hahaha tangina yung tawa ko dito sa fic na 'to demonyo talaga ako shet. Pero grabe yung kirot nung kay Yong at Byul sana magkita din sila next life.
redeubelbet5 #10
Chapter 1: N e wayz salamat sa story! Galing!