Chap.02

Stone of Destiny
 

HINGAL na hingal ako ng magising. Para akong tumakbo ng ilang kilometro. Pinahid ko ang namuong pawis na buong mukha ko na umabot pa nga hanggang leeg. Anong klaseng panaginip ‘yon? Para akong lalagutan ng hininga. Parang hinihigop ang kaluluwa ko. May mga ganung klase pala ng panaginip. Para kasing totoo. Uhaw na uhaw ako at kailangan ko ng tubig. Nakakairita pa ang phone kong panay ang ring. Anong oras na ba? Nilingon ko ang wall clock na nakasabit sa itaas ng pinto ng kwarto ko. Pasado alas nueve na ng umaga.

 

Irita kong dinampot ang cellphone na naroon sa study table ko ng tumayo ako mula sa kama. “Nen? Anong problema nito? Hello?” Inis kong sagot sa kabilang linya.

 

“Ganiyan ba ang tamang pagbati sa isang isang hari?”

 

“Hariin mo mukha mo! Anong kailangan mo? Wala ka bang part-time job?” Binuksan ko ang pinto at madaling bumaba patungo sa kusina para kumuha ng isang baso ng tubig.

 

“Wala! Tara, free ako! Tatawagan ko rin si Raigin.”

 

Uminon muna ako at pinahiran ang labi ko gamit ang mangas ng pantulog ko saka sinagot si Nen. “Sige, sa beach. Kita na lang tayo sa bus station.” Hinugasan ko ang baso at muli itong binalik sa lagayan pago inilibot ang paningin sa paligid. Wala yatang mga magulang na sumalubong sa akin ngayon. Tanging umagahan lang sa lapag ang naroon sa lamesa.

 

“Okay! Tawagan ko na si Raigin! Bye!” Hindi pa mang ako nakakapag-paalam ay busy line na agad ang sumunod na kumausap sa akin. Napailing na lang ako naupo sa harapan ng lamesa.

 

“Nasaan sina mama at papa?” Muli akong pumindot sa cellphone para tawagan si mama at agad niya naman itong sinagot.

 

“Hello, anak?

 

"Hello ma? Nasan kayo ni papa?”

 

"Nasa Pilipinas parin naman kami. Naan dito kami sa parlor ngayon ng papa mo. Kailangan naming mag-ayos, makikipag-kita kasi kami kay Mr. Chen."

 

Kaya naman pala. Maaga pa lang nasa parlor na sila. Mukhang sila pa yata ang nangbukas doon. Makikipag-kita nanaman sila sa masugid nilang customer na si Mr. Chen. Isa sa Mr. Chen sa bumibili ng mga pananim nila mama sa plantation. Mabenta sa kaniya ang mango, dahil may factory siya kung saan gumagawa siya ng mga dried magoes, mango jams, candies na gawa sa mango at iba pang pwedeng gawin sa mago. Mabait si Mr. Chen. May gwapo nga siyang anak na nire-reto sakin ni mama. Hindi ko nga lang masabi kay mama na hindi ko tri iyong mga chubby at mas maliit pa sa akin.

 

“Anyway, may lakad kami nila Nen at Raigin mamaya. Baka gabihin na ako ng uwi.” Paalam ko para hindi sila mag-alala sakaling umiwi sila at maabutan nilang wala pa ako.

 

“Ganoon ba? Eh, si Kei ba hindi niyo isasama?” May favoritism talaga si mama sa mga kaibigan ko. Madalas si Kei ang hinahanap niya. Si Kei na parating busy sa pagiging presidente ng kumpaniya nila. Wala siyang time para sa amin.

 

“Parati naman busy ‘yon. Bahala siya!”

 

“Oh eh, bakit parang dismayado ka? Parang upset na upset ka kasi bihira lang magpakita si Kei?” Natigilan ako at napailing kahit na ba alam kong hindi nakikita ni mama ang reaksyon ko. Pakiramdam ko ay nabuko ako sa isang kasinungalingan sinabi ko.

 

“Hi—hindi ah!” Napakagat ako sa labi ng mautal. Bago pa lumala ang lahat at nagpaalam na ako kay mama. “Sige na, baka naghihintay na sa akin sina Nen at Raigin. I love you, pakisabi na lang kay papa. Bye!” Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni mama. Inutol ko na aga ang linya. Napabuntong hininga ako at tulalang dumampot ng pandisal sa harapan ko. Ilang saglit ang ay nakatanggap ako ng text mula kay Nen na on the way na raw sila sa bus station. Hindi halatang excited ang mga mokong.

 

 

NAABUTAN kong nagtatawanan sila Nen at Raigin habang nakaupo sa waiting shed ng bus station. Pareho silang may dalang bag pack samantalang ako, sarili ko lang ang dala ko. Sabado ngayon, at wala ring part time job si Nen kaya nagkayayaan kaming magpunta ng beach. Iyon kasi ang madalas naming tambayan tuwing sabado at kung bakante ang araw ni Nen.

 

"Oh! Jay! Ikaw pala! What brings you here?" Sarkastikong bati ni Nen. In short gusto niyang isampal sa mukha ko na late ako. Nginiwian ko lang siya at hinampas sa dibdib. Natawa siya at napakapit sa kamay ko dahilan para mas mapadiin sa dibdib niya ang palad ko. Natigilan ako ng biglang kumabog ang puso ko dahilan para madali kong bawiin ang kamay sa malambot at mainit niyang palad.

 

"Tagal mo! Ikaw nag-invite ikaw pa late!" Wika ni Raigin saka ito tumayo sa kina-uupuan para maghada na sa pag-alis namin.

 

"Bakit kasi ang aga n’yo pumunta? Kayo may kasalanan!" Sila naman kasi talaga may kasalanan. Wala naman akong sinabing agahan nila. Wala nga kong sinabing oras eh. Ang sabi ko lang punta kami ng beach wala namang akong sinabi na agahan nila. May mga saltek talaga! Bigla na lang nag-text na nasa bus station na sila. Mga baliw talaga!

 

"Tara na nga! Libre ko na kayo pamasahe." Umakbay si Nen samin ni Raigin na para bang proud na proud siya dahil ili-libre niya kami.

 

"Yabang! Private School! One hundred baon!" Natatawang singit ni Raigin

 

Private School? One Hundrer baon. Iyan ang isa sa mga pangbara ni Raigin sa tuwing may manglilibre sa aming tatlo o kaya naman pag may bigla naging galante sa mga kaibigan o kasama mo. Kapag bigla na lang siyang nang-ibre kahit na hindi mo naman sinabing manglibre siya. Mentality na kasi ng tao na kung nag-aaral ka sa Private School ay mayaman ka. Malaki baon mo. Galante ka. ‘Yan ang mga pauso ni Raigin!

 

Walang humpay ang kwentuhan ng dalawa habang nasa byahe kami papuntang beach. As usual, wala silang ibang topic kundi Wizard's Tale. Minabuti kong manahimik ahil hanggang sa mga sandaling iyon ay binabagabag pa rin ako ng panaginip ko kaninang umaga.

 

Bilog na bilog ang buwat at nasa gitna ako ng madilim na kagubatan. Hinahabol ng isang babae na mayroong itim na dami at hanggang lapag ang haba nito. Mayroon itong parang malaking ribbon na kulay abo sa uluhan. Ewan ko kung ano iyon. Kulay abo rin ang katawan nya at puro puti lang ang mga mata niya. Mahangin at paligid dahil nag-ayong ipo-ipo ang babae. Hinahabol niya ako at nang maabutan ay bigla niyang hinigop ang kaluluwa ko. Ramdam ko ang sakit. Parang binabanat ang katawan at balat ko.

 

“Naan dito na tayo!” Saka ko lang napansin ang paligid ng marinig ko si Nen na magsalita.

 

 

PARANG mga presong nakawala sa kulungan ang dalawang mokong ng makarating kami sa beach. Kanya-kanya silang tapon ng mga bag at paunahan pang nag-hubad ng mga T-Shirt nila. Hindi na sila nagpalit pa ng short dahil atat na atat na silang lumangoy sa dagat. Mataas ang sikat ng araw pero wala silang pake basta ang goal nila ay makapag-swimming.

 

"Mga baliw talaga." Bulong ko sa sarili habang isa-isang pinupulot ang mga gamit nila. Naupo ako sa buhangin at itinabi sa akin ang mga bag at damit nila. Kinuha ko ang cellphone para lang kuhaan sila ng picture. Enjoy na enjoy and dalawa. Naghahabulan pa sila na kala mo lovers lang.

 

Maya-maya pa ay nagsibalikan na ang dalawa. Kaniya-kaniyang punas sa katawan ng damit na pinaghubaran nila. Habang ginagawa nila iyon ay bigla akong napatingin sa katawan ni Nen. Hindi ko akalaing may abs pala siya gaya ng kay Raigin kahit parang mukhang silang payat. Malapad ang balikat niya gaya kay Raigin. At may kaputian ang balat niya hindi katulad kay Raigin na may pagka-moreno.

 

Ngayon ko lang appreciate ang katawan nila. Noon kasi kung hindi baby fats, flat na tiyan lang ang makikita mo sa dalawang mokong na ito. Matagaltagal na rin naman kasing hindi nakakapunta dito, simula ng mag-part time job si Nen natigil na rin ang pagpasyal namin dito.

 

Ang laki ng pinagbago ng dalawa. Kaya naisipan ko tuloy kuhaan sila ng picture pero nakalimutan kong may shutter sound pala ang phone ko. Nagulat si Nen at napatingin sakin na may paghihinalang mukha.

 

"Bakit mo ko kinukuhaan? Naga-gwapuhan ka sa akin no?" Ngumiti pa siya na para bang nang-aakit. Alam mo yung ngiting aso? Nakakainis!

 

"Feeling mo? Gwapo ka?"

 

"Oo! Prom King 'to!" Pagyayabang niya sa title na pinaghahawakan sa school. Inismid ko lang siya at ibinulsa ang phone ko. "Ah! Alam ko na! Nagagandahan ka sa macho kong katawan!" Sabay tawa ng malakas.

 

"Macho? Saan banda?" Kapal talaga! Pinapakita pa niya ang muscle sa braso. "Mukha mo!"

 

"Gwapo." Tumawa ulit siya. Nakakarinid ‘yong tawa niya! Ang sarap lamutakin ng bibig!

 

"Hoy! Nakita niyo ba wallet ko?" Biglang singit ni Raigin habang naghahalungkat sa bulsa ng bag niya

 

"Lost and Found ba ko?" Pilosopong saad ni Nen bago niya kinuha ang bag niya para maghanda n bagong damit.

 

"Alam ko naan dito lang sa bulsa ng bag ko ‘yon eh." Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Raigin. Ngayon ko lang siya nakitang aligaga. Naawa tuloy ako. Ang hirap mapanood na parang wala sa sarili iyong taon sanay kang makitang masayahin lang at parang walang problema.

 

"Sigurado ka bang nailagay mo sa bag ang wallet mo?” Paninigurado ko sa kaniya. Tango lang ang isinagot niya.

 

"Saan ka kumuha ng pamasahe mo kanina?" Ramadam ko ang pagiging seryoso sa boses ni Nen. Matinong kausap si Nen sa mga ganitong klaseng usapan.

 

"Hinanda ko na talaga kanina ‘yon. Sakto pamasahe ko na ‘yong papuntang Central Market." Sagot ni Laurence.

 

"Ayos lang pr, baka naiwan mo lang sa bahay niyo. Pahiramin na lang kita ng pera." Yabang! Private School! One Hundred baon! Pero nang dumukot rin siya sa bag niya, agad siyang nataranta. Naku! Patay tayo diyan! Pati wallet ba naman ni Nen nawawala? "!" Alam na!

 

"Wala akong kinuhang sa mga gamit niyo hu!” depensa ko sa sarili. Mahirap na, ako lang mag-isa ang naiwan dito. Baka ako ang pagbintangan nila.

 

"Anong pinangbayad mo sa pamasahe natin kanina?" Tila pala-isipan kay Raigin kung paano kami nagawang ilibre ni Nen gayong wala naman siyang wallet na dala.

 

"Natira lang ‘yon sa pera ko kahapon. Kainis naman!" Napakamot tuloy siya sa ulo. “Jay, pautangin mo muna kami. Balik na lang namin sa school."

 

"Libre ko na kayo. Private School ako eh!" Nagmamayabang kong saad sa kanila sabay suksuk ng kamay sa bulsa ng pantalon ko. Ngunit natigilan akong wala akong makapa.

 

"Oh bakit?" Ang bilis talaga maka-pick-up nitong si Nen pag alam niyang laglag ako. Ayan nabuhayan nanaman siya ng loob. Unti-unti nanamang sumusilay ang mala-asong ngiti nya. Natawa siya ng napakalakas ay napailing pa. Maging si Raigin ay napailing na lang rin. “Yabang mo pa hu! Eh, wala ka rin namang pera! Mukha mo!" Nakakainis! Sakto talagang lahat kami ay nawalan ng pera?

 

"Pano tayo uuwi niyan? Wala tayong mga pera!" Naupo sa buhangin si Raigin na para bang sumusuko na siya sa buhay.

 

"Alay lakad." Natatawang saad ni Nen saka niya sinuot ang t-shirt niyang kulay abo.

 

"Alam ko na! FTI na lang tayo!" Sabay kaming napatingin ni Nen sa sinabi ni Raigin. What a brilliant idea!

 

FTI? Hindi ito ‘yong lugar sa Tagui. FTI means Free Travel Insentive sa dictionary ni Raigin. Para lang ito sa mga taong wala talagang pamasahe. At gumagana lang ito sa Bus. Pano ito ma-avail? Simple lang. Sundin mo lang ang guidelines na ginawa ni Raigin. Ibig sabihin lang noon ay magkukunwari kaming bayad sa pamamagitan ng pagpapakita ng ticket na hindi naman sa amin, o kaya magtutulog-tulogan sa oras na maningil ang kunduktor. Sa ganoong paraan maa-avail ang FTI. Pero babala. Ito ay pang propesyonal lamang. Huwag gagayahin!

 

SALAMAT sa FTI at nakarating kami sa Central Market. Salamat din dahil si Aling Tin pala ang naka-pulot ng wallet ko ng maiwan ko ito kahapon sa shop niya. Kahit punong-puno man ng ka-wirduhan ang araw namin. Maganda pa ring tapusin ito ng isang masarap ng double cheeseburger with coke.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet