Lifetime

Lifetime
Please Subscribe to read the full chapter

Tag ulan na naman. Umaayon na naman ang panahon sa aking nararamdaman. 

 

Nakatitig lamang ako sa labas mula sa binta. Inaalala ang mga panahon kung saan naliligo tayo parehas sa ulan. 

 

Alam mo sabi ni mommy walang makakaalam na umiiyak ka kapag umiyak ka sa ilalim ng ulan. 

 

Bakit ka naman iiyak sa ulan Seulgi? 

 

Wala lang, hindi natin masasabi na baka isang araw gusto ko umiyak pero ayoko ng may makakaalam.

 

Hindi ko hahayaang may magpa iyak sayo Seulgi kaya wag mo na isiping umiyak sa ulunan okay. Baka magka sakit ka pa. 

 

Ang sarap balikan ang panahon na yoon kung saan ikaw ang naging taga pag tanggol ko sa kung sino man. Pero ang lungkot din isipin na hindi mo natupad ang sinabi mo sa akin na hindi mo ako hahayaang umiyak dahil mismong ikaw, ikaw anh dahilan kung bakit ako umiiyak ngayon. 

 

Seulgi. Kay gandang pakinggan ng aking pangalan kapag ikaw ang nagsasabi nito. 

 

Seulgi ang aking mahal na kaibigan. 

 

Ilang taon nga ba tayo nitong panahon na ito? 

 

Mahal? Noong bata tayo ang daling mag sabi ng mahal, ngunit noong lumaki na tayo at mas lumalim ang isipan tungkol sa pag ibig, ang salitang mahal ay hindi natin naririnig o nababanggit ng basta na lamang. Nag bago na tayo, nag bago ka na. 

 

Irene. Napaluha na lang ako ng maisip ko na naman ang pangalan mo. 

 

Kailan ba ako titigil? Pinunasan ko ang mga luhang malayang tumutulo sa aking mukha.

 

Hindi ko alam kung kailan ako tumigil o hanggang anong oras akong nakatingin sa labas. Hindi na umuulan hindi pero patuloy lang sa pag agos ang mga luha ko. 

 

Alam ko na ayaw mo akong makitang umiiyak, pasensya ka na pero hindi ko mapigilan. Ilang buwan na ba ang nakakalipas simula ng patayin ng mga salita mo ang puso ko? Akala ko noong naging kayo ay wala ng may mas isasakit pa ng damdamin ko pero nagka mali na naman ako. 

 

Sabi mo ako lang mahal mo? 

 

Oo nga ikaw lang mahal ko! 

 

Sigurado ka ba? 

 

Oo nga sabi eh! 

 

Niyakap mo akong mahigpit. Sobrang higpit na hindi na ako makahinga. 

 

Sana pala hindi kita tinulak noon, sana pala niyakap din kita ng mahigpit dahil ngayon hindi mo na ako mayayakap ng katulad ng dati. Mahigpit at parang ayaw mong pakawalan. 

 

Seulgi pag laki ko gusto ko tayo hanggang huli at mag kasama hanggang dulo. 

 

Hindi ka na lalaki Kuneho.

 

Tsk! Bad ka talaga! 

 

Nagalit ka sa akin at tumakbo ka palayo. Hindi kita hinabol pero noong nakita kong nadapa ka tumakbo agad ako palapit sayo. Umiiyak ka na noon habang tinitingnan ang namumula mong tuhod. 

 

Tahan na. 

 

Hinipan ko ang tuhod mo. Nakatingin ka lang sa akin habang patuloy na umiiyak. 

 

Tahan na please. 

 

Nagmakaawa ako sayo dahil naiiyak na rin ako. Hinalikan ko ang tuhod mo. Madalas ginagawa mo sa akin yan para maalis ang sakit. Pinigilan mo ang pag iyak mo. 

 

Sorry! 

 

Ginulo mo ang buhok ko at pinunasan ang luhang nangingilid sa aking mga mata. 

 

Natakot ba kita? 

 

Oo, natatakot akong mawala ka pero mga bata pa lang tayo. 

 

Tumango ako bilang sagot. 

 

Wag ka na umiyak, okay na ako. 

 

Tumayo ka at hinigit mo din ako patayo. Tiningnan mo ako sa mata at ngumiti. 

 

Tara ng umuwi. 

 

Tumango ako at inalalayan kita sa paglalakad. Tanda ko pa noon na ang lapit natin sa isa’t isa. Naamoy ko ang mabango mong shampoo. 

 

Kailan ba ako papalayain  ng mga memories na ito? Kailan ba kita papalayain Irene? 

 

Akala ko wala na akong maiiluha pa pero nagka mali na naman ako. Hinayaan ko na lamang bumuhos ang mga luhang ito. Wala din namang mangyayari kung pupunasan ko pa ito. 

 

Mula bata, tayo na ang magkasama. Ikaw ang naging kapatid na hinangad ko noon ngunit hindi ko alam na lalalim ang pag tingin ko sayo. Hindi na kapatid ang turing ko sayo at akala ko ganoon ka din sa akin.

 

Seulgi hindi ka pwedeng maki pag date sa lalaking iyo! Hindi pwede! 

 

Wala naman akong balak Irene.

 

Dapat lang! Akin ka lang Seulgi. 

 

Sayo? 

 

O-oo, k-kaibigan kita at kaibigan mo ako! 

 

Aaaah! Kaibigan....”kaibigan”

 

Dismayado ako sayo noon pero feeling ko nahihiya ka lang sa akin na aminin na gusto mo din ako pero mali ako. 

 

Nakita kita palabas ng eskwelahan na may kasamang iba. Sabi mo sa akin kaibigan mo ang kasama mo pero hindi mo naman kaibigan ang taong iyon. 

 

Umuwi akong mag isa na hindi naman nangyayari noon. Humiga ako sa kama habang iniisip kita at ang “kaibigan mo”

 

Inantay ko ang tawag o text mo pero walang dumating hanggang sa nakatulog na ako. 

 

Pagkalabas ko ng gate namin ay nandoon ka. Nakangiti at para bang walang nangyari. 

 

Pasensya ka na hindi kita natawagan kagabi. 

 

Okay lang! Kumusta ang lakad ng  “kaibigan” mo at ikaw kahapon? 

 

Dapat pala hindi na ako nagtanong kasi ang sakit makita ng ngiti mo na hindi ako ang dahilan. 

 

Ayos lang naman.

 

Alam ko na gusto mo pa sana mag kwento ngunit naramdaman mo siguro na wala ako sa mood kaya hindi mo na tinuloy. 

 

Buong araw hindi tayo nagusap sa eskwelahan. Iniwasan talaga kita. Alam ko nagtataka ka dahil pag labas ko sa classroom ko ay nandoon ka na at inaabangan ako. Napangiti naman ako kahit papaano dahil alam mong may kakaiba sa akin. 

 

Seulgi tarang kumain. 

 

Pumayag naman ako. Ngunit hindi pa tayo nakalalabas ng campus ng lumapit ang “kaibigan” mo. 

 

Irene sabay na tayong umuwi. 

 

Napabitaw ako sayo. Naramdaman ko naman ang pagkakaba mo. Tinanggihan mo ito. Umalis naman agad ito pero dahil doon wala na ulit ako sa mood at naglakad palayo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet