Prologue

Tila Tala

Hello? Nandiyan ka pa ba?

Kamusta kana?

Hindi mo na ako nirereplyan, ih. Haha!

Nandito lang ako lagi para sayo. Hintayin kita magreply.

Sana okay ka lang.

 

"SEULGI ANAK KA NG TATAY MO TALAGA GUMISING KANA. MALLATE KANA SA ISKUL" , I overslept.

Dali-dali kong binuksan ang aking mga mata dahil nagising ako sa mala-speaker na bunganga ng aking ina.

Naligo ako at nagbihis sa panibago kong uniporme. Oo, panibagong uniporme na kung saan napunta nanaman ako sa panibagong paaralan.

Hindi ko alam kung bakit ko pa kailangan lumipat ng school, isang taon nalang naman ako mag-aaral at papasok na ako sa kolehiyo.

Pagbaba ko sa sala galing kwarto, nakita ko ang aking magulang na kumakain ng almusal kaya lumapit ako para magpaalam.

"Ma, Pa. Pasok na po ako," Sabi ko sakanila habang hinahalikan ang bawat pisngi nito.

"Seulgi, drive safe. Don't be like your sister. Sumasakit ulo ko sainyo," Sabi ng tatay ko habang nagbabasa ng dyaryo.

Tumawa ako at tumango. Alam ko kasi na grounded ang kapatid ko matapos niyang ibangga ang kotse na ibinigay sakaniya dahil naglasing sila ng mga kaibigan niya.

"Yes po, Dad." Sagot ko habang ngumingiti.

 

Ganito talaga ang traffic sa Manila, hindi mo alam kung saan ka ba maiinis. Sa ingay ng putpot ng mga kotse o kaya sa init na dinadala rito ng araw.

Sumusunod lang ako sa sinasabing daan ng Waze dahil hindi ko kasi alam kung saan ako pupunta. Ngayon lang kasi ako makakarating sa bagong eskwelahan na pagpapasukan ko.

Pagdating ko roon ay agad kong pinarada ang aking sasakyan. Tiningnan ko ang aking uniporme at pinagmasdan kung bagay ba sa akin ang nakapalda. Hindi kasi ako sanay na nagpapalda ako dahil sa dati kong school, nakaslacks narin ang mga babae.

Lumabas ako ng aking sasakyan at naramdaman ko agad ang kaba sa aking dibdib.

Pumasok ako sa may gate at ang una kong napansin ay puro babae ang paligid ko.

Nasa all-girls school ba ako? Tanong ko sa aking sarili.

"Hello iha, ikaw ba si Seulgi?"

Napatalikod ako para makita ko ang nagtanong sa akin. Isang madre?

Tae, hindi lang all-girls school yung pinasukan ko. Catholic school pa.

"Ay hello po. Opo ako po si Seulgi," Sagot ko sakaniya habang nginingitian siya.

"Tumawag ang mommy mo kaya hinintay na kita dito para ako na mismo ang magdadala sayo sa classroom mo," Sagot niya.

Ngumiti lang ako na para bang okay lang ang lahat kahit nawweirdohan na ako sa aking paligid. First time ko kasing papasok sa all-girls school.

"Ay, ako pala si Sister Choi. Pero ang tawag nila sa akin dito ay Sister Sooyoung. Ikaw na bahala kung paano mo ako tatawagin, okay?"

Tumango ako habang sinasabi ang mga katagang, "Thank you po Sister Choi."

Sinamahan ako ni Sister Choi papunta sa classroom na kung saan ako nabibilang.

Naririnig ko na ang mga bulong sa paligid ko.

Bakit daw ako nakasimangot?

Bakit parang hindi ako masaya ngayon?

Bakit mukhang ayaw ko makipagkaibigan?

Isa lang naman sagot diyan, hindi ako palangiti. Minsan lang, kapag may rason.

"Seulgi?" Tawag sakin ni Sister Choi.

Napatingin ako sakaniya.

"Ito si Ms. Kim, adviser niyo."

Tumingin ako kay Ms. Kim, hindi siya ganon katangkad pero mukha siyang striktong professor.

"Hello anak, we are expecting your presence today and we're glad you transferred here,” Sabi ni Ms. Kim habang nginingitian ako.

Ngumiti ako pabalik.

“Oh, mauna na ako Ms. Kim, enjoy Seulgi ha?” Sabi ni Sister Choi bago naglakad paalis.

Naiwan nalang kami ni Ms. Kim sa labas ng classroom ko.

“Don’t worry, anak. Your classmates are very mature and friendly. It would be easy for you to talk to them kaya wag ka mag-alala,” Pag-assure sakin ni Ms. Kim.

Tumango ako at sinundan siya papunta sa loob ng classroom.

“Class, listen up!” Sigaw ni Ms. Kim sa kaniyang klase at kaagad naman umupo ang mga ito sa kanilang mga upuan.

Naramdaman ko na ang mga matang nakatingin sa akin kaya naman kay Ms. Kim lang ako nakatingin buong magdamag.

“This is Seulgi, she is a transferee. At isa na siyang member ng family natin. So be nice sakaniya, and I hope you be friends with her. Okay?” Tugon ni Ms. Kim sa klase.

“Yes, Miss.” Sagot naman nila.

“Seulgi doon ka umupo sa tabi ni Lisa sa likod, then we’ll continue our discussion”

“Okay po, Miss.”

Sa paglakad ko papunta sa aking upuan napatingin ako sa isang grupo na nagkukumpulan sa gilid ng classroom.

"Ms. Kim alam na po namin yung sagot!" Sigaw ng isang babae sakanila.

Umupo ako sa tabi ni Lisa. Naririnig ko siyang nakikitawa sa kanila.

"Hello pare, Seulgi right?" Tanong ni Lisa sa akin habang inaabot niya ang kaniyang kamay.

Nakipagkamay ako sakaniya at tumango.

"Lisa nga pala, sorry kung ang ingay ko ngayon. Mga kaibigan ko kasi yang mga yan, kanina pa kasi sila chinachallenge ni Ms. Kim na isolve yung math problem na nasa harap. Hirap na hirap silang sagutan," Sabi ni Lisa habang nakatingin sa kaniyang mga kaibigan.

"Ako Ms. Kim! Sagutan ko!" Sagot ng isa sa kanila.

 

Bakit narinig ko na yung boses niya noon?

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
forgotme #1
Chapter 1: Hello wla ng kasunod😁