Warning: God of Destruction is Approaching [Namjoon]

Warning: God of Destruction is Approaching

Prologue

 

“Ano na naman ba yon?” Inis kong hinarap ito ng hindi na ako makapagtimpi sa inis dahil sa paulit ulit niyang pangangalabit saakin. Huminto ito sa paglalakad saka muling hinarap ako.

 

“Sumama kana kase saakin” Pagmamakaawa nito at nagpuppy eyes pa. we’re currently somewhere na hindi ko alam, dahil siya ang nagdala saakin dito na nagyaya para maglakad lakad at magpahangin, iyon pala ay may kailangan lang saakin. 

sabi na e, pahiwatig na yon.

 

 

“Crx, How many times do I have to tell you na hindi nga ako pwede diba? mayroon akong inaasikasong bussiness, paano yung cafe ko? yung clinic ko? you can enjoy it all alone dahil concert naman iyon” mahabang lintana ko rito, agad namang humaba ang nguso nito at bigla-bigla nalang umupo ng walang pasintabi.

 

“Pero Lili gusto ko kasama kita, saka libre ko naman yung ticket and besides it’s only 2day concert hindi naman siguro malulugi ang mga negosyo mo dahil dalawang araw ka lang mawawala” dahilan pa niya at mas lalong hinabaan ang nguso.

 

Hindi niya ba alam kung gaano kasagwa ang mukha niya pag humahaba ang nguso niya?

 

Nasa gitna lang naman kami ng daan? haler? hindi ba siya nag iisip? 

 

“Crx, concert is a waste of time and money, bakit ba patay na patay ka sa pitong iyon? hindi mo ba naiisip na magagamit mo ang gagastusin mong pera in the near future?” pangaral ko saka hinatak ang braso nito, ngunit inilag niya lang ito at mas lalong umupo sa kalsada. 

 

“Pero lili ito na yung future, andito na, andyan kana. natupad na ang mga pangarap mo, ano pa bang future ang iniisip mo saka isa pa bumalik na sila. bumalik na uli sila. hindi ba iyon ang gusto mo?” Parang naiiyak na ito ng banggitin ang huling salitang lumabas sa bibig niya. unti-unti itong yumuko, na tila sumusuko sa pakikipag talo saakin.

 

 

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga saka ginaya ang pag upo ni crx sa semento. Wala na akong pake kung masagasaan man kami rito. bahala na. 

 

bahala na si batman.

 

“Crx, this is the last time na manghihingi ka ng pabor na sasamahan kita” sumusukong banggit ko rito. Agad umangat ang naka tungong ulo nito at nagliwanag.

 

“Talaga?” Parang batang binigyan ng chocolate candy ang reaksyon nito, dahan dahan akong tumango habang may ngiti sa labi ko. 

 

 

Kpop Industry really devour millions of people’s attention including my bestfriend. why is she so obssesed with them?  ganun na ba talaga ka importante?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet