one

caffeine

"Gabrielleeee!! Dali na kasi!" pagpupumilit ni Rans kay Gabb habang hinihila ito.

"Eh, ate, alam mo namang hindi ako gaanong nainom ng kape. Mahina ako sa caffeine." tugon ni Gabb at ngumuso naman si Rans dahil dito.

"Edi samahan mo lang ako. Ako na lang iinom ng kape.

Napa-buntong hininga na lamang si Gabb. Madami pa siyang tatapusin na kailangan na niyang ipasa sa susunod na araw. Pero, ayaw niya naman na magtampo si Rans sa kaniya. Minsan na lang siyang nakakapag-bonding kasama nito dahil busy sila sa kanilang school.

"Pake ko sa requirements, ang baba pa rin naman ng binibigay ni sir na grades kahit magpasa ako," sabi ni Gabb sa kaniyang isipan. Tumingin siya kay Rans, "Sige na nga ate. Sabagay, ngayon na lang ulit tayo nakapagbonding.

"Talaga?! Yay!!!"

Natuwa si Gabb dahil sa napakalaking ngiti ni Rans. Nakakasilaw din ito. Namiss niyang makipagkulitan sa mga kaibigan niya.

 

 

+++

 

 

Gabb, maupo ka muna, cr lang ako ha.” sabi ni Rans kay Gabb at tumango lang ito habang naupo sa bakanteng upuan.

Ta’s ano, kapag may lumapit sayo na waitress at tanungin mo kung anong order, sabihin mo americano yung akin. Ikaw na bahala sayo.

Sige ate.” tumango rin si Ransoy at nagpunta ng cr.

Amboring naman,” kinuha ni Gabb ang kaniyang phone at binuksan ang larong Adorable Home. 

Ilang minuto siyang naglaro at wala pa rin si Rans.

Kumunot ang noo nito dahil sa laro. “Napaka attitude talaga nitong pusang ‘to. Grr.” Patuloy pa rin siya sa paglalaro kahit gigil niyang itina-tap ang screen ng phone.

Cute naman ng pusa mo.

Medyo napatalon si Gabb mula sa kinauupuan niya dahil may biglang nagsalita. Tumingin naman siya dito. Waitress pala.

Hala pota- ang ganda naman nito?!” natulala si Gabb ng ilang segundo sa waitress. Mangha na mangha ito sa kaniyang ganda.

Ah, miss? Hello?” kumaway ang waitress sa kaniya at bumalik siya sa realidad. Natawa ang waitress dito. “Cute mo naman. Anyways, may I take your order?

A-ah- oo. T-teka, ano nga ulit o-order ni Ransoy..” at dahil sa sobrang panic ni Gabb, nalimutan niya ang pinapaorder. Napakamot si Gabb sa ulo niya, at buti naalala niya ito! “Dalawang iced coffee.

Naging confident ang pakiramdam ni Gabb dahil hindi siya nautal.

Ayon lang po?” 

Yes.

Nakahinga nang malalim si Gabb pagtapos umalis ng magandang waitress. Grabe yung gay panic niya. Pero..

Ay, shet na malagket! Americano pala order ni Rans! At dalawa pa naorder ko!” paiyak na sambit nito. Napa facepalm din ito. Masyado siyang nagpanic.

Hoy, gabbo,” lumingon siya sa nagsalita.

Buhay ka pa pala ate. Kala ko nilamon ka na ng inidoro.

Binatukan ito ni Rans. “Grabe ka. Nakita ko lang kasi sila Jem at Dana. Ayon, nakipagchikahan ako nang wala sa oras.

Ilang minuto rin yon ate ha.

Sorry naman.

Napatingin si Rans sa parating sa kanila na waitress. “Ayan na ata yung order. Pero, shoxx, ganda ni waitress ah.

"Here's your order." Lapag ni waitress ng inumin nila sa lamesa sabay ngiti.

Ramdam ni Gabb na bumilis ang tibok ng puso niya. "Thank y-you.."

"Salamat. Ganda mo hehe." Sambit ni Rans sabay ngiti rin nang malaki.

Namula naman ang bolang pisngi ni waitress. "Thank you, hehe," Nagbow ito at ngumiti ulit bago tuluyang umalis.

"Edi wow. Edi ikaw na nagpakilig." sabi ni Gabb na pabulong at pasikretong umirap.

"HAHAHA! Narinig kita. Nakita rin kitang umirap. Type mo 'no?"

"Lah, gawa gawa ka ate? 'Di naman eh! 'Di ko rin type."

"Eh, ano lang? crush?"

Umirap ulit si Gabb, "Hindi."

"Ito talaga," tumawa si Rans sabay ginulo ang buhok ng nakasimangot na Gabb. "Hindi mabiro. Inom na nga ako.

Nang painom na si Rans, bigla itong may napansin.

"Teka lang, bakit dalawa yung kape? Tsaka parang 'di 'to americano ah?" tinaas ni Rans ang kilay niya.

"A-ah- eh- ano k-kasi ate, hehe. Yung si waitress kasi.."

Ngumisi naman si Ransoy. "Anmeron kay waitress?"

"W-wala.

"Sige, kunwari naniniwala ako. Halata namang nagpanic ka. HAHAHAHA!"

Tuloy ang paginom ni Rans sa kaniyang kape habang si Gabb ay nakatitig lang sa sarili niyang cup.

"Oh, ba't 'di ka nainom?"

"Ate, 'di ako mahilig sa kape, remember?"

"Ay oo nga pala, Gusto mo akin na la-" kukunin na sana ito ni Rans nang bigla siyang hampasin ni Gabb sa kamay. "Awh! Masaket!"

"Akin lang 'tong kape!" sabay hawak nang mahigpit ni Gabb sa cup at tinignan ng masama si Rans.

"Oh, kalma lang. Sabi ko nga sayo na yan. Lakas ng amats mo kay waitress na itlog ah."

"Itlog ka diyan?!" napabuntong hininga si Gabb. Bumulong ito, "Pero sabagay, parang itlog nga. Cute naman pisngi niya."

Habang patuloy sa paginom at pagselpon si Rans, si Gabb naman ay nagdadalawang isip kung iinumin niya ba ito o hindi.

"Ngayon lang naman 'to," sabi ni Gabb sa kaniyang isipan. Tumingin siya sa kinaroroonan ng waitress. "Ganda niya. Lalo na kapag nakangiti."

Tumingin ulit siya sa kape. "Oh well, here goes nothing. Sana na lang 'di ako manghina mamaya."

Nagsimula na siyang uminom nito.

"Hmm, masarap naman pala," patuloy na rin ito sa paginom ng kaniyang kape. Napalingon ulit siya sa waitress. "I could get used to this."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet