AAA

Puting Rosas
Please Subscribe to read the full chapter

Nagdiriwang, masaya and walang inaalalang problema. Nasa bar ng gabing iyong ng matanggap ng walang kamalay malay na Jongin, na iyon ang tawag na babago sa kanyang buhay.

 

 

"Hello, who is this?" sagot ni Jong in sa kanyang cellphone sa kabila ng napakaingay na musika sa loob ng club. Kasalukuyang silang nag cecelebrate ng mga kaibigan at officemates niya sa matagumpay na pagsiwalat niya patungkol sa isang pulitiko na may lihim na kabit na sikat na aktres.

 

 

"This is Seungsoo Do, pwede ka bang mameet ng personal, Jong In." Walang naintidihan si Jong In sa sagot sa kabilang linya. Inalis niya ang cellphone sa kaniyang tainga, habang tumatawa pa siya sa sinisigaw ni Taemin sa kabilang side niya.

 

Nang nakita na active pa ang call, tumayo siya at nag excuse muna sa mga kasama at dumiretsong lumabas ng club. Inisip niya marahil na importante ang tawag dahil hindi binababa ng caller ang tawag kahit na hindi sila magkaintidihan.

 

With a sigh, binalik niya ang cellphone sa tainga at inertain ang unknown call. "Hello, sorry, who is this again?" Jong in said with a bit of irritation. "This is Seungsoo Do of Do Pharmaceuticals. Pwede ka bang ma meet?" Pansin ni Jong In ang napakatahimik na background ng caller. Napatahimik si Jong In dahil hindi niya sigurado kung ang caller ba talaga niya ang presidente ng isang napakalaking kompanya or prank call lang ito.

 

"Uhmm. Seungsoo Do? Sure, pero ikaw ba talaga yung Seungsoo Do as in president ng Do Pharma? Ha Ha". Jong in rambled on the phone awkwardly. Nahiya pa siya dahil napatawa ang nasa kabilang linya.

"Yes, this is Do Seungsoo of Do Pharma." ulit nito while chuckling. Narinig ni Jong In ang mahinang ubo ng nasa kabilang linya, clearing his throat and turning serious again. "I know you are busy, but I want to meet you. I have a favor to ask and a job to offer."

 

 

 

 

Mas pinili ni Jong In na mag commute papunta ng San Joaquin kaysa dalhin ang kanyang bagong sasakyan at mag barko. Feeling niya mas better 'yon dahil iwas hassle at para maka focus siya. Bukod pa doon, hindi din naman niya kabisado ang daan.

Ito ang pabor na sinasabi ni Seungsoo Do nang makipagkita siya dawalang linggo na ang nakakaraan.

 

 

 

"Please visit my hometown, better na din na makapagbakasyon ka after ng isang kontrobersiyal na artikulo mo." Sabi ng lalaki sa harap ni Jongin habang iniinom nito ang mainit na kape. Ineexpect na ni Jongin na sosyal at marangya and isang Seungsoo Do. Of course, ang pamilya nito ay napakayaman at ito ay president ng isang malaking company. Bukod pa, ang mga Do ay sikat sa Visayas dahil isa ito sa mga old clans and with old freaking money. However, hindi ineexpect ni Jongin kung gaano ito kagalang at warm na tao.

 

"Ito ba 'yung pabor, ang mag visit sa hometown ninyo?" Tatawa tawang sagot ni Jongin habang tinitikman ang isang pastry na hinain sa harap niya. Tina try niya at least mag joke dahil wala talagang siyang ideya at bakit kailangan siyang kitain ng naturang presidente.

 

"Yes it is." Seryoso nitong sagot sa kanya. Napatitig na lang si Jongin sa kausap at nabitin pa siya sa tanong niya kung bakit puro pastry ang hinahain sa kanya ngunit ndi naman gumagalaw ng kahit ano sa matamis si Seungsoo.

 

Napalunok pa si Jongin at pinag isipan ang isasagot. "You might be wondering. Sorry, I want you to visit my hometown, while doing so, I need your opinion about my brother's case." dugtong ni Seungsoo at seryosong nakatitig sa Jongin na puno pa ang bibig sa pag nguya.

 

Of course Jongin knows about the infamous Do Case. Walang tao sa Journalism Indsutry ang hindi nakakaalam nito. Madaming curious dito at marami ang nagtangka na mag solve ng case, either because of money or fame, pero ni isa walang nagtagumpay na mag solve nito.

 

The case is as cold as ice. Sleeping there for 10 years. What could Jongin possibly do to contribute on the case?

 

 

 "Uhmm, Mr. Do, baka hindi ka lang aware, isa lang akong journalist ng isang tabloid. I am not a cop or a award winning journalist. Kung gusto mong isolve ko ang case, napaka imposible yata niyan." Jong In said awkwardly chuckling as he put down his fork. Ang dami na niyang nakain, baka singilin pa siya dahil sigurado siyang hindi siya qualified sa job na inooffer nito.

 

"No, of course not. I won't ask you to solve the case. I just want you to visit, look around. Tingnan ang lahat ng evidence na meron kami. Then give me any of your opinion. That's it. Isang buwan lang, I can deposit a million on your account now." Seungsoo sipped on his black cofee again. Smiling at Jongin. Napansin nito na skeptical siya sa offer pagkarinig pa lang nito ng kaso ng kapatid.

 

"A million?" gulat pa si Jongin, dahil man, san bang kamay ng Diyos niya iyon kukunin. At hindi naman siya mag papanggap na imbestigador or ano para lang ma solve ang case. Ang gusto lang ay opinion niya.

 

Tumango si Seungsoo sa kanya at nilapag ang tasa. "Yes, a million Jongin."

 

 

 

Jongin kept looking at Seungsoo. Kung may hidden agenda ba ito or what. The offer is too good to be true. Parang bakasyon grande lang tapos ano comment mo after. Kaya naman tumango na si Jongin at pinatos ang biyaya. "Okay, pero why me?." Subok ni Jongin bago niya i accept ang offer.

Ngumiti lamang si Seungsoo sa kanya. "I will tell you that after a month." sagot nito.

 

 

 

Almost two hours plane ride, 4 hours sa bus at 1 hour na jeepney ride. Ganun kalayo ang bayan ng San Joaquin kung nasaan nakatirik ang napakalaking mansyon ng mga Do.

 

Nakatayo si Jongin sa harap ng tarangkahan ng mansiyon. Sa laki nito, tanaw na ito mula pa lang sa labas ng gate. Bago pa man siya makalapit, bumukas ang gate at sumungaw ang isang may katandaang lalaki.

 

"Magandang araw, kayo ho ba si Mr. Jongin Kim?" ngumiti ito. Lumapit sa kanya ang matanda at inabot ang bagahe niya bago pa man siya makasagot. Mukhang sigurado ito na siya ang inaantay na bisita.

 

"Magandang araw din ho, ako nga si Jongin. Ako na ho sa bag ko," bawi ni Jong In sa bag dahil bakit niya pag bubuhatin ang matanda.

 

Ngumiti ito at tumango sa kanya. "Ako nga pala ni Daehyun Kim, ang pamilya ko ang caretaker ng mansiyon na ito ng mga Do." pakilala ng matanda at diretso ng lumakad papunta sa mansyon. Mahaba ang driveway ng mga Do papunta sa mansyon. Pinapagitnaan ito ng dalawang magkabilang hardin na punung puno ng mga bulaklak. Makukulay ang mga ito at mukhang alagang alaga dahil malulusog.

 

"Napakaganda po ng hardin, kayo po ba ang nag aalaga?" Kuryosong tanong ni Jongin. Ngumiti ang matanda at ginala ang paningin. "Si Mrs. Do ang nag aalaga ng hardin. Pero kapag wala ang Senora, ang asawa at anak ko ang tumitingin sa mga ito." paliwanag ng matanda sa kanya.

 

"Mahilig po pala si Mrs. Do sa mga bulaklak." tango ni Jongin na patuloy na pinag mamasdan ang buong mansyon ng mga Do.

 

 

Sa dulo ng driveway, nandoon ang pabilog na fountain na may estatwang babaeng may pakpak na animo anghel. Nakabukas ang fountain, at talaga namang napakagandang tingnan nito at ng puting puting mansyon ng mga Do.

 

 

"Ang talagang may ari ng hardin ay ang bunso ng mga Do" sagot ng matanda sa kanya sa maliit na boses. Nilingon lang ni Jongin ang matanda at nagulat siya dahil hindi nag dalawang isip ang matanda na banggitin ang pinakabatang tagapagmana.

 

"Ang bunso po? Anong pinakapaborito niyang bulaklak kung ganoon?" nangiti pa si Jongin para matago ang awkwardness. Naku curious siya kaya talaga siya nag tatanong. Malamang na kilala ng matandang tagapangalaga ang bunsong Do. Malamang ay naabutan niya ito. Hinuha ni Jong In, dahil na rin sa paraan ng pagsagot ng matanda. Bakas sa boses nito ang lungkot at hindi awkward na banggitin ito.

 

"Mga puting rosas hijo" sagot ng matanda na ngumiti sa kanya. "Paborito ni Kyungsoo ang mga puting rosas."

 

 

 

 

Iginaya si Jongin diretso sa kwarto na kanyang uukopahin. Ini offer ni Seungsoo kung gusto niyang mag stay sa bayan dahil napakalayo ng mansyon at pwede namang dumalaw na lang ito kung kailangan. Ngunit tumanggi si Jongin dahil gusto talaga niyang pag aralan ang kaso. Ano pang silbi ng pagpunta niya kung hindi din siya mag stay sa mansiyon kung saan nawala ng parang bula ang bunsong Do. Kaya napagkasunduan nilang sa mismong mansiyon tutuloy si Jongin, at pwede niyang tingnan ang lahat ng papeles na may kinalaman sa kaso.

Sa loob ng dalawang linggo, pinag aralan na niya ng bahagya lahat ng may kinalaman kay Kyungsoo Do. Sinend lahat ni Seungsoo ang mga files na pwede niyang pag aralan. Samantala, nandito sa mansiyon ang ibang papeles na confidential at hindi maaring i send sa kanya electronically. Personal niyang hiniling ito para pagdating niya ng San Joaquin, at least kahit pano meron na siyang alam.

 

 

Tandang tanda ni Jongin iyon, kinse anyos at third year high school siya ng pumutok ang balita na nawawala ang isang tagapagmana ng mga Do. Hindi pa naiintidihan iyon masyado ni Jongin, bukod sa nawala na lang ito na parang bula at apo ito ng gobernador ng isang lalawigan sa Visayas, iyon lang ang na rerecall niya.

 

Una at ikalawang taon, maingay pa ang balita tungkol sa kaso, ngunit sa ikatlong taon, tumigil na ang mga balita. Ngunit hanggang sa maka graduate si Jongin at magka trabaho, batid niyang hindi pa din natagpuan si Kyungsoo Do. At ang pagkawala niya ay isa pa ring misteryo sa lahat lalo na sa kanyang pamilya.

 

 

 

 

Alas siyete ng gabi ng katukin si Jongin ni Mang Daehyun para sa hapunan. Katatapos niya lang maligo, hindi pa niya naayos ang kanyang gamit dahil dumiretso siya sa kanyang laptop para pag aralan ulit ang mga impormasyon tungkol kay Kyungsoo.

 

"Hijo, halika na at maghapunan." aya ni Mang Daehyun at tumalikod na. Sumunod si Jongin at muling pinagmasdan and ikalawang palapag ng mansyon. "Hindi nasabi ni Senyorito Seungsoo kung ano ang ipinunta mo dito hijo, puro kung may kinalaman ito sa kaso ni Senyorito Kyungsoo, makaka asa kang tutulungan ka namin sa kahit anong kailangan mo." sabi ng matanda na naglalakad at pababa ng hagdanan.

 

 

Ang sabi ni Mang Daehyun bago siya ihatid sa kanyang kwarto kanina, may apat na kwarto sa second floor ng mansiyon. Dalawang double doors na pinto ang nakaharap sa dalawang spiral staircase ng mansiyon. Ang kaliwang pinto na iyon and inookupa ni Jongin at ang nasa dulo ng left hallway ang kwarto ni Kyungsoo. Ang nasa dulo ng kanang hallway ang kinalakihang kwarto ni Seungsoo. Ang isa pang kwarto sa kanan ng kwarto ni Jongin ay bakante at nagsisilbing guest room noon.

 

Pababa sila ng grand staircase habang pinagmamasdan ni Jongin ang napakagandang chandelier sa ibabaw nito. Animo’y mga luhang kumikining kapag natatamaan ng liwanag.

 

Sa right wing ng mansiyon ang receiving area ng mga Do, ito ang kanilang living room. At sa left wing ng unang palapag ang dining area. Doon siya dinala ni Mang Daehyun. Naabutan nila ang isang babaeng naghahain sa lamesa, na may katandaan na din, at isang lalaki na nakatalikod kay Jongin. Malamang na sila ang asawa at anak ni Mang Daehyun.

 

 

 

 

“Sir Jongin ito nga pala ang aking asawa at anak, heto si Sir Jongin na bisita ni Senyorito Seungsoo.” Pakilala ni mang Daehyun. Ngumiti sa kanya ang babae at lumingon ang anak nito.

 

“Ako si Jihyo Kim, at heto ang nagiisa naming anak na si Jongdae Kim. Halika hijo umupo ka at kumain na tayo. Paniguradong gutom na gutom ka na.” Sabi ng matangdang babae habang pinaghihila pa siya ng bangko. Agad na tumalima si Jongin dahil nahihiya na siya at inaasikaso pa siya ng ginang.

 

“Maraming salamat po. Ako po si Jongin Kim. Jongin na lang po ang itawag ninyo sa akin” Nag bow siya sa harap ng pamilya at umupo na sa tabi ni Mang Daehyun kapagkuwan. Kakamot pa siya sa batok dahil nahihiya siya sa pamilya na pinagluto pa siya.

 

 

Pinagmasdan pa ni Jongin ang ilang putahe at inantay na maupo na din ang anak nila, ngunit nakatayo lang ito sa likod ng ina, nag pupunas ng kamay at nakatitig sa kanya. Hindi mawari ni Jongin kung bakit nakatitig ito sa kaniya kaya simple siyang ngumiti. Saka lang napansin ng mag asawa kaya lumingon ang ina. “Anak kumain na tayo, ano pang hinihintay mo.”

 

Umupo na si Jongdae sa harapan ni Jongin, at nagsimula silang kumain. Tumikhim si Mang Daehyun kaya alam ni Jongin na nagbabalak itong magbukas ng usapan.

 

“Hijo isa ka bang pulis o imbestigador?” Simple nitong tanong sa kanya. Uminom muna ng tubig si Jongin at saka hinarap ang mga kasama sa hapag. “Hindi po. Isa po akong journalist.”

 

Nakita man ni Jongin ang lito sa mukha ng mag asawa, ngunit wala ng sinabi ang mga ito. Si Jongdae ay ngumunguya lang at nakatingin sa kanya. Wala naman makitang kung ano si Jongin sa titig nito. Wari’y naninimbang lang dahil siguro dayo si Jongin at sampung taon na ang kaso. Ano pa bang magagawa ni Jongin na hindi nagawa ng mga pulis at magagaling na imbestigador. “Naimbitihan po ako ni Seungsoo na magbakasyon dito.” Dugtong ni Jongin. Tumango tango ang mag asawa pero nakatitig pa rin sa kanya ang anak ng mga ito. Technically, hindi naman nag sinungaling si Jongin. Inimbitahan talaga siya ni Seungsoo, but for some reason ayaw muna ni Jongin banggitin ang tungkol sa bunso ng mga Do.

 

 

 

Halos buong durasyon ng pagkain, napag usapan lang nila ang mga pwedeng pasyalan ni Jongin sa lugar. Nasa taas ng cliff ang mansyon ng mga Do. Sa likuran ng mansyon ang napakagandang beach na pwedeng pwede niyang i enjoy. May plaza na malapit na merong mga kainan. At luma pero napakagandang simbahan, 'yon ay kung interesado si Jongin sa mga lumang architecture. Tumatango tango lang si Jongin sa mag asawa pero deep inside na awkwardan na siya dahil sa buong durasyon na iyon, nakatitig lang sa kanya si Jongdae.

 

“May dumi ba ako sa mukha?” Diretsong tanong ni Jongin sa kaharap. Umiwas na dito ng tingin si Jongdae at umiling sa kanya. “Wala naman. Takot ka ba sa multo?” Tanong nito kapagkuwan.

 

Kumunot ang noo ni Jongin dito. “Ang bahay namin ay nasa gilid nitong mansyon, kaunting lakad pa. Kaya namn mag isa ka ngayong gabi dito sa mansyon.” Dugtong ni Jongdae at diretso siyang nakatingin sa mata ni Jong in. Nasa mukha nito ang pang aasar ngunit hindi na iyon pinansin ni Jongin dahil tinutubuan na siya ng kaba sa dibdib.

 

 

Napalunok si Jongin pero hind niya aaminin na takot siya sa multo kahit na ibitin pa siya patiwarik. Magkamatayan na pero lalaki si Jongin at dapat na hindi natatakot sa multo lang. Napansin ng mag asawa na nawala sa mood ang bisita kaya naman sinaway nito ang anak.

 

“Jongdae anak, ano ka ba naman. Huwag mong sabihin yan kay Jongin. Walang multo dito sa mansiyon.” Saway ni Manang Jihyo sa anak at ngumiti kay Jongin para palubagin ang loob niya. Jongin awkwardly chuckled at napataas ng kilay ni Jongdae sa kaharap.

 

Sumabat na ang ama nito sa usapan. “Jongdae, dito ka matulog. Doon sa katabing kwarto ng kay Jongin. Samahan mo ang bisita, dahil bukas pa ng umaga dadating si Senyorito Seungsoo.” Utos ng ama kaya napatango si Jongdae. Nakahinga man si Jongin ng maluwag pero hindi pa rin siya aamin.

 

 

 

Nauna ng umalis ang mag asawa. Nag volunteer si Jongin na magligpit at maghugas pero tumanggi ang mag asawa dahil siya daw ay bisita. Kaya naman nakaupo siya sa lamesa at inaantay niyang matapos si Jongdae.

 

 

“Wala masyadong makikita dito sa lugar namin. Mga isang linggo pagkatapos nun mabobore ka na.” Bukas ni Jongdae ng usapan. Nakatalikod ito kay Jongin at tuloy pa din ang pag uurong ng mga plato.

 

“Ikaw, pano mo nagagawang hindi ma bore?” Sagot ni Jongin. Napatawa ng mahina si Jongdae. “Isa akong high school teacher, sa school na malapit dito. Hindi talaga iyon nakakabore.” Magiliw na sagot ni Jongdae. Malamang dahil sa nakitang reaksyon ni Jongin tungkol sa multo, nakumbinsi si Jongdae na harmless ang bisita kaya biglang magaan na siyang kausapin nito.

 

Tumango tango si Jongin “Sa same school ba kung saan ka grumaduate?” Kuryosong tanong ni Jongin. Napatigil saglit si Jongdae. Nilingon niya si Jongin at bahagyang ngumiti dito. “Oo, kung saan kami nag high school ni Kyungsoo.” Kaswal niyang sagot at bumalik sa binabanlawang baso.

 

Napatihimik si Jongin dahil doon. Yes, alam ni Jongin kung sino si Jongdae Kim. Pati na rin ang mga magulang nito. Nasa police reports ang mga pangalan nila at may kumpletong impormasyon. Pati mga statements nila tungkol sa kaso, nabasa na din ni Jongin.

 

 

“Alam kong iyong kaso pa din ang dinayo mo dito Jongin. Pero hindi ko maintindihan kung anong gagawin ng isang journalist sa kasong ito. “  dugtong ni Jongdae.

 

Natawa si Jongin ngunit nanatiling sarado ang bibig at tumayo mula sa lamesa. Nakita niyang patapos na si Jongdae at seryosong pagod ang nararamdaman niya kaya niya gustong magpahinga na. Marami pang araw para kausapin ang kababata ng bunso ng mga Do.

 

 

 

 

Akala ni Jongin aakyat na sila ng hagdan ngunit dumiretso si Jongdae kung nasan ang living room. Nag alangan pa siyang sumunod dito pero lumingon ito at sinabing sumunod siya. “May papakita ako sa iyo” ani Jongdae.

 

Binuksan nito ang ilaw at bumungad kay Jongin ang magarang salas ng mga Do, pero ang pinakapumukaw sa atensyon niya ay ang napakalaking painting sa dingding.

 

 

Portrait ito ng mga Do. Pormal ang mga kasuotan ng buong pamilya nila. Naka long gowns ang mga babaeng miyembro at naka suit and tie ang mga kalalakihan. Animo'y galing sa 1900s na artista ang nasa pinta.

 

Nasa gitna ang lolo at lola na nakaupo. Nakikilala ni Jongin ang dating Gobernador at ngayon ay isang Senador, katabi nito ang kahit matanda na’y napakagandang esposa. Nakatayo sa likuran ay dalawang mag asawa. Ang sa kaliwa ay mga magulang ni Seungsoo at Kyungsoo; na parehong nakatayo sa gilid ng kanilang lola. Sa kanan ang sariling pamilya ng anak na babae ng dating Governor. Ang mga Oh. Nag iisa ang anak nito, si Sehun Oh na isa ngayong sikat na modelo, nakatayo ito sa tabi ng lolo. Alam ito ni Jong In dahil nasa police reports din ang mga ito.

 

 

 

“Ito ang huling picture niya kasama ang pamilya. Kaya pinapaint at dinisplay dito.” Kwento ni Jongdae sa namamanghang Jongin. “Kuha ito bago siya nawala” dugtong pa nito. Nilingon siya saglit ni Jongin pero agad din binalik ni Jongin ang tingin sa painting.

 

Hindi niya maalis ang tingin sa bunso ng mga Do. Nakasuot ito ng itim na polong panloob at mas matingkad na itim ang suot nitong coat. Naka brush up ang clean cut nitong buhok. Matangos ang ilong, bilugang mata at napakapulang labi. Napakaganda. Iyon ang nag iisang word na magagamit ni Jongin para i describe ang isang Kyungsoo Do.

 

“Napakaganda ni Kyungsoo, di ba.” Napansin ni Jongdae na nakatitig lang si Jongin. Alam niyang ito ang nasa isip ng dayo. “At napakabait. Lumaki kaming magkasama, but never kong naramdaman magkaiba ang estado namin sa buhay dahil napakabuti ni Kyungsoo.” Dugtong pa nito. Jongin clearly heard

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet