Seasoning

Instant noodles
Please Subscribe to read the full chapter

Sumakay ako sa jeepney~ ikaw ang nakatabi~

 

Saturday work. Late na akong nagising kaya 7:05AM na ako nakaalis ng bahay. Sa ganitong oras dapat nasa kalahati na ako ng byahe pero eto ako ngayon. Muntik pa akong magpanic dahil akala ko kulang ang pamasahe ko sa tricycle. Buti na lang marami akong naipong barya at iyon ang ibinayad ko sa driver. At least sapat na ang kanyang barya lamang po sa umaga diba.

At this point wala na akong pake kung ako man ay malate. Kaya swerte ang jeepney driver na nasakyan ko, dahil hindi ko siya minumura sa isipan ko kahit ang bagal at ang dami niyang tinitigilan para makakuha ng pasahero. Alam ko na trabaho lang iyon pero sana naman may kaunti man lang siyang konsiderasyon para sa mga empleyadong nagmamadali na ding pumasok.

Naisipan ko nang kumuha ng pamasahe sa isa ko pang wallet nang tumunog ang aking ringtone. Si mama ang nagtext.

 

‘nak nakalimutan mo ata ang wallet mo…

 

Parang binuhosan ako ng yelo sa nabasa ko. Anak ng tipaklong, pano kaya ako makakauwi neto?! Bukod sa kakainin ko ngayong araw??

Nagsimula nanaman ulit akong magpanic sa isipan ko. Jusmiyong garapon.

Pinagiisipan ko kung bababa na lang ako ng walang bayad at magpakumpisal na lamang sa linggo nang may sumakay na tatlong magkakaibigan. Nung nakaupo na sila ng maayos, nagbigay na yung dalawa ng bayad sa isa nilang kaibigan na may malaking bill.

Sakto naman na nagpasuyo ng bayad ang isa kong katabi at binigay ko naman i

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jysowee
Just trying my writing skills again. Comments are super appreciated!

Comments

You must be logged in to comment
TaeNysmith22 #1
Chapter 2: Kilig deprived ako tapos nakita ko tong kwento mo hahahaha langya na yan dito pala kikiligin.

Pataas nang pataas, height na lang ni Taeyeona ang hindi. Hahahaha
taengoo3981 #2
Chapter 2: this is cute haha waiting for more
rabbitjiu
#3
Chapter 1: langya! kinikilig ako HAHAHAHAHA
KimTY_99 #4
Chapter 1: awwwwe so kakilig naman
Liannman
#5
Chapter 1: ay ang cute neto ^^