Chapter 1

Cactus, balloon and band aid

Tangina. Ito ang unang nasambit ni Seulgi sa sarili ng makita niya ang mortal niyang kaagaw na si Suho sa harapan ng bahay ni Irene at naka sandal ito sa magara nitong kotse. Hindi na lumapit pa si Seulgi at nanatili na lamang ito sa kanto kung saan siya naroroon, nakita ni Seulgi na binuksan ni Irene ang gate ng bahay nila at kaagad na binati ni Suho ang dalaga, biglang may kinuha ang binata sa sasakyan nito at pagkabalik niya sa harapan ni Irene ay may dala na itong dosena ng pulang rosas, ibinigay niya ang mga ito sa dalaga, kitang kita ni Seulgi kung gaanong lumawak ang ngiti ni Irene at kung gaano ito unti unting namula dahil sa binata. Sobrang nasasaktan si Seulgi sa mga nakikita, dahil sa dalawang taon na panliligaw niya, hindi man lang siya nginitian ni Irene kapag binibigyan niya ito ng bulaklak at ang masakit  ay harap harapan pa nitong itinatapon ang mga bulaklak sa basurahan, okaya naman ay ipinamimigay niya lang ito sa mga kaibigan. Kahit na kanina pa niya gustong umalis ay hindi niya magawa dahil tila ba naka pako ang mga paa niya sa kanyang kinatatayuan. Umaandar na at unti unti ng nawawala sa paningin ni Seulgi ang kotse ni Suho. Hindi na mamalayan ni Seulgi na tumulo na pala ang luha niya, kaagad niya itong pinunsan atsaka ito humigang malalim at ng maayos na nito ang sarili ay naglakad na ito papuntang eskwelahan.

 

Nakarating na si Seulgi sa paaralan pero ang siste ay late na ito at para sa mga guro ay normal na lamang ito dahil sa haba ng panahon na naging estudyante nila si Seulgi ay wala pa atang araw na pumasok ito ng maaga. Pero ano nga ba ang dahilan kung bakit laging nahuhuli si Seulgi sa klase? Gayong 6:30 pa lang ng umaga ay nakabihis na ito? Ang sagot dyan ay dahil laging hinihintay ni Seulgi si Irene, gusto kasi ni Seulgi na makasabay si Irene sa pagpasok sa eskwelahan pero dinededma lang naman siya ni Irene at mas lalo pa siyang hindi pinansin ni Irene ng dumating ang bagong manliligaw nito na si Suho.

 

“Seulgi, nakita kong mas maaga si Irene kanina sa pagpasok tapos may kasama pa siyang lalaki.” Kwento sa kanya ng matalik na kaibigan na si Wendy habang nginunguya nito ang kanyang burger. Nasa rooftop ang dalawa dahil dito sila palaging kumakain.

 

“Hmm, si Suho yun bagong manliligaw ni Irene.” Sagot naman ni Seulgi. Tila hindi naman naman nan a bigla si Wendy dahil hindi naman lingid sa kaalaman nito na maraming nanliligaw sa nasabing dalaga. At sa nakikita ni Wendy ngayon ay labis itong nasasaktan para sa kaibigan dahil alam niyang sobrang nasasaktan ang kaibigan. 

 

“Seul… hindi ka ba nagsasawang masaktan?” tanong ng kaibigan. Narinig niya ang pag buntong hininga ni Seulgi.

 

Alam mo naman ang sagot dyan diba Wends?” sagot ni Seulgi. 

 


“Seulgi alam kong maganda si Irene pero ano pa bang nagustohan mo sa kanya? At bakit lagi mo na lang pinag sisiksikan ang sarili mo sakanya kahit na sa una pa lang alam mo naman na wala kang pag-asa sa kanya?” tanong ulit ni Wendy, hindi na niya kasi matiis na makita niyang nasasaktan ang kaibigan at gusto nito na maliwanagan si Seulgi. Binalot ang dalawa ng nakakabinging katahimikan. Hanggang sa binasag ito ng hikbi na nagmumula kay Seulgi.

 

“h-hindi ko din alam Wends, k-kahit ako hindi ko alam kung ano ba talaga ang nakita ko kay Irene para maging tanga ako ng ganito. Sa loob ng dalawang taon naisip ko ng tumigil lalo na kapag may kasama siyang iba, may k-kahawak ng k-kamay at may ibang k-kayakap, habang ako naghihintay lang na bigyan niya ako kahit isang sulyap man lang, pero wala e, Oo Wends, tama ka, inaamin ko na sa simula pa lang alam kong malabo yung pag asa ako, sobrang labo pero ewan ko ba, sa tuwing bibitaw na ako hinahatak niya ako pabalik.” Sagot ni Seulgi habang humihikbi. Hinagod naman ni Wendy ang likod nito at nagbabakasaling tumahan na ang kaibigan.

 

“Seulgi, give yourself a chance please, mahalin mo muna ang sarili mo bago mo ibuhos ang pagmamahal mo sa iba. Ang dami mo ng isinakripisyo para sa kanya pero wala man lang siyang ginawa para sayo, hindi ko sinasabi ito dahil ayaw ko kay Irene, sinasabi ko ito bilang isang kaibigan na nagaalala sayo.” Saad ni Wendy. 

 

“Salamat Wends.” Banggit ni Seulgi na tumahan na sa pag-iyak at binigyan niya ng ngiti ang kaibigan sabay akbay sa kanya.

 

Bumaba na ang dalawa sa rooftop dahil malapit na ang susunod nilang klase. Habang pabalik ang dalawa ay nakita nilang nagkukumpulan ang mga estudyante. At dahil na rin sa kuryosidad ng dalawa ay nakisiksik ang mga ito sa kumpol ng mga estudyante pero hindi inaasahan ni Seulgi na makita si Suho na nakaluhod sa harapan ni Irene at hawak nito ang kamay ng dalaga. Kaagad namang tinignan ni Wendy si Seulgi.

 

“Seulgi tara na, umalis na tayo.” Matigas na sabi ni Wendy sabay hila nito kay Seulgi, pero kaagad na nagpumiglas ang dalaga at inalis ang pagkakahawak ng kaibigan sa braso nito.

 

“H-hindi Wends, manood tayo.” Sabi ni Seulgi na halata naman na nasasaktan dahil may ideya na ito sa susunod na mangyayari. Hindi na pinilit pa ni Wendy si Seulgi dahil alam naman niyang hindi niya mababago ang isip ito. At baka sakaling ang eksenang ito ang makapagpamulat sa kaibigang bulag sa pag-ibig.

 

 At tila hindi nga nagkamali si Seulgi…

 

“Irene Bae will you be my girlfriend?” tila natahimik ang lahat sa tanong ni Suho.
.
.
.
.
.
.
yes.” Sagot ni Irene ng may malaking ngiti sa labi. Tumayo si Suho at niyakap ng mahigpit ang dalaga. Kitang kita ni Seulgi kung gaano kasaya ang dalawa at pati na din ang mga taong nasa paligid nila, sila lang dalawa ni Wendy ang hindi.


Hindi matanggap ni Seulgi na sinagot ni Irene si Suho dahil halos dalawang buwan pa lamang ata ng mag simula itong manligaw. Hindi na napigilan ni Seulgi ang sunod sunod na pagtulo ng luha nito kaya’t tumakbo ito palayo sa mahal niya, palayo kay Irene.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 2: awww hugs for seulgi 😭✊
broke_asf
#2
Chapter 2: Seulrene pa rin, pengeng character development author
Sayuhi #3
Chapter 2: madaming pede kay seulgi... kapag ganyan naman ni irene kahit wala nang seulrene lololol jisoo, soojung, tzuyu, sunmi, kumakaway kaway sila otor hahaahahaha eneweysss mukhang may time skip na mangyayari looking forward sa susunod na chapter!
Sayuhi #4
Chapter 2: madaming pede kay seulgi... kapag ganyan naman ni irene kahit wala nang seulrene lololol jisoo, soojung, tzuyu, sunmi, kumakaway kaway sila otor hahaahahaha eneweysss mukhang may time skip na mangyayari looking forward sa susunod na chapter!
PinyaNiSeulgi
#5
Chapter 2: Jisoo x seulgi para maiba naman hehe! Upvote for you :>
sparklecola123 #6
Chapter 2: jiseul or sunseul endgame please wag na seulrene di deserve ng irene na yan si seulgi
Highseul
#7
Chapter 2: Daming seulstal at tzugi dito ah xD jiseul naman akin otor hahahaha
Kangbae_27
#8
Chapter 2: Irene ikaw naman maghahabol kay seulgi ^^
Kangbae_27
#9
Chapter 2: Ouch:(
Enterusername_here
#10
Grabe naman si Irene. Ok lang yan Seul, darating din si Tzuyu.