.....put it back on!

Payatas Princess & I: Ang Pagkabuhay

Hello. 你好! 我叫 estep. 很高兴认识你!

Charot.

Nagpa practice lang bago pa tayo ibenta ni Du30 sa china. Nagbabalik po kahit walang nagpa pabalik at kumakatok sa inyong mga puso at sa salamin ng inyong mga kotse ang panibagong yugto ng Payatas Princess and I: Ang pagkabuhay. In short, #PPI5. O diba, parang The fast and the furious franchise lang?


Limang taon na din ang lumipas nang huli nating masubaybayan ang istorya ni Tiffany at ng Bubble gang. Hindi ba kayo curious kung ano na ang nangyari sa kanila? Kasi ako, hindi. Pero dahil madami nanaman akong time at wala naman akong ganap sa buhay e may bago nanaman akong kalokohan at kahihiyan sa buhay. Dami kong time, us2 mU bAh nG tYm QuOh? :">  (Charot lang, bawal ma harot) (Mama ko: Humarot ka na, ang tanda mo na!)
 

Simulan na po natin.

 


 

Ang sikat ng araw ay tila bumulag sa mga mata ni Taeyeon. Napapikit sya, at nagpunas ng kanyang mukha gamit ang armando caruso nyang panyo. Ang dami nang nagbago sa buhay ni Taeyeon at Tiffany sa loob ng limang taon. Ngayon, magka live in na sila sa Tondo at booming pa rin ang cactus stand ni Taeyeon. Talagang inulan sila ng swerte simula 2014. Pero ang pinaka nagbago sa kapalaran nila ay nung pinalad makasali si Tiffany sa Wowowin at nanalo sya ng 100,000php, kawasaki at fishbol showcase. Nag trend din si Tiffany sa internet noong na air ang episode na kasali nya dahil madaming puso ang naantig nung kinwento nya ang buhay nya. Kung pano sya dumaan sa pagka jeje at pano natangal ang sumpa. Sa sobrang pagka humaling sa kanya ni Kuya Wil ay ginawa na din syang regular back up dancer na taga abot ng Liveraid sa wowowin. Pareho nang may career ang dalawa at smooth and steady naman ang relasyon nila.


*ring ring ring*


"Hello?"


"Uy tol, kamusta ka naman? Inuman naman tayo nila Seohyun minsan jan sa Dencio's. Miss ko na ang bubble gang eh." sabi ni Yuri.
 

"Sige chong, set ako ng date pag di na ko busy. May meeting kasi ako sa mga kliyente eh kaya wala ako masyadong time. Pero update kita."


"O sige tol, copy. Oo nga pala, sabi ni Juran, ikamusta ko daw sya sa inyo. Miss na daw nya tangalan ng kuto si ginger. O sya. Bye!"
 

"Sige, ba-bye." Di mapigilan ni Taeyeon na mapangiti nang maalala nya ang mga kaibigan. Pati ang tropa nyang bubble gang ay umasenso na sa buhay. Si Seohyun, ayun, ka live in na si Yoona at sa may Pateros sila nakatira. Si Yoona ay nag aalaga ng mga itik habang si Seohyun ay naglalako ng balot at penoy tuwing gabi. "Balotihfkghfjkshdks baltOITHKDFH kAU jNandfk!!"


Si Yuri naman, sa kasamaang palad ay nag break na sila ni Jessica. Tumagal lamang nang 9 na buwan ang kanilang relasyon. Lumago kasi nang tuluyan ang tindahan ni Aling Sooyoung at nakapag ipon na sya pang tayo ng mini grocery. Pero ang bad news, sa Cebu nila tinayo ang grocery at dun na nanirahan dahil gusto mapalapit ni Aling Sooyoung sa mga butanding dahil animal lover sya. Ang good news, wala nang manang utang sa meralco si Jessica. Ang huling balita nila kay Jessica e manager na sya ng grocery nila.


*flashback nung nakipag break si Jessica*
 

"Yuri...pasensya ka na pero... gusto ko na makipag break."


"Huh????? Bakit naman Jessica? May nagawa ba kong masama? May problema ba tayo? Wag naman sana ganito!"


"Hindi naman sa may problema.... mahal na mahal kita. Pero kasi......Kasi.... Hindi ko sinabi sayo agad to kasi ayokong malungkot ka. Pero lilipat na kami ng bahay. Hindi ko kaya makipag LDR. Gusto ko, harot in person."


"TEKA LANG JESSICA. TEKA HA. Feeling mo ba hindi ako mag e-effort na puntahan ka kung lilipat man kayo? Ako mag aadjust! Please lang, wag mo gawin sakin to!"


"Hindi mo naiintindihan Yuri. Sa Cebu kasi kami lilipat.....imposible na ipagpatuloy natin to. Alam ko namang wala kang pamasahe papunta don. Na-aalala mo nung nag date tayo sa Trinoma noon? 25 lang ata pamasahe non sa LRT pero inutang mo pa sakin. Dun pa nga lang, wala ka na pamasahe, pano pa kaya sa Cebu?"


Nahimasmasan si Yuri at na realize na may punto nga si Jessica. "Jessica...mahal kita... Mahal na mahal. Pero mahal din ang pamasahe papuntang cebu kaya papa kawalan na kita. Salamat nalang sa lahat."
 


Pero wag kayong mag alala. Pakalipas nang ilang buwan pagkatapos nila mag break e nakilala nya si Juran sa kanyang trabaho. Nakapasok kasi sya bilang factory worker ng gardenia at naakit sa kagandahan ni Juran. Mag ta-tatlong taon na in silang mag jowa. 
Si Hyoyeon nalang ang natira sa may Payatas. Pero wag nyo syang kaawaan. Meron na kasi syang sariling junk shop don. Doon na din sya nanirahan dahil 24/7 na bukas ang shop nya.

 



"Taeyeon!!!! baby.... good morning! Gising ka na pala." bulong ni Tiffany habang binack hug nya si Taeyeon.


"Hi babe, good morning."


"Beh, ikaw na mag bukas nung fishbolan ha? Maaga pa taping ko ngayon sa wowowin. Lam mo naman, nagpapa lakas kay Kuya Wil for our future...."


"You know that everything I do is for us, right? Like....all of this is for our future, for our stability, for our dream. Because I believe...you gotta dream. believe. survive."


"Uh....oo", sabi ni Taeyeon sabay ngiti. Hindi nya naintindihan ang pa english kaya oo nalang.


"Alright babe. See ya later!"


Ang laki na talaga nang pinagbago ni Tiffany. Wala na ang jejemon na sumpa at ngayon conyo na sya. Pero isa lang ang di nagbabago: ang pagmamahal ni Taeyeon sa dalaga. "Babe, yung phone mo!" "BAAAABE WAIT!!" 


Hindi na nahabol ni Taeyeon si Tiffany dahil nakasakay na pala ito ng tricycle.
    *******1 message recieved
                 From: Benj
                 "Hi babe. Good morning! <3 see you after your taping? Drop by ka sa condo ko."


PUTANGINA, SINO SI BENJ?!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
estepanyah
Press F to pay respects

Comments

You must be logged in to comment
rabbitjiu
#1
Chapter 1: 5 years na nakalipas ??? its been that LONG ??!?! perp sino muna si benj hmp
BrowlessPaleskin
#2
Chapter 1: hhaha i remember this hahaha grabe yung mga ost na ginamit talaga dito eh ahahaa
1Ilicitaffairs
#3
Chapter 1: Yulsic pa rin hahahahaha charot continue mo sis :D
Taextippani #4
Chapter 1: Very 2k14 Haahhahha pero i loving it omg tuloy mo ses
blueskull9
#5
F. Teka meron pa ba nito sa twitter? xD