[3]

Be My Mistake // tagalog seulrene

I felt bad for leaving all of a sudden pero ang hirap kasi talaga. I wouldn’t want Joy to think that I’m not happy for her. Pagkarating ko sa bahay, humiga ako at hinayaang tumulo ang aking mga luha. Nag-isip isip na ko tungkol sa mga bagay bagay. Dati, bago ako matulog, lagi kong iniimagine kung anong mangyayari sa dates naming ni Joy. Pano pag may place na kami together… Ngayon, sobrang labo na mangyari. Mas possible pa atang manalo ako sa lotto. Kahit ‘di naman talaga ako tumataya

Hindi ko namalayan yung oras, 2 hours mahigit akong nakatunganga. Nagulat nalang ako nung nagvibrate phone ko. Nagtext si Joy.

Joy: Seulgi.
Joy: ‘di naaksidente si Yeri.
Joy: otw na ko diyan.

 

Patay maayos magtype. Seryoso siya. Joy and I made this thing where we let each other know when someone is upset pag maayos magtype. Tumayo ako agad at sinubukang mag-ayos. Naghilamos ako at maya-maya may kumatok na. Huminga muna ako ng malalim.

“May dala akong donut. Choco wacko.” Sakto namang kumulo tiyan ko. Badtrip.
“Um, thank you.”
“Ba’t ka nagsinungaling sakin?”
“Ha?”
“Nakita ko ig story ni Yeri. Nasa timezone eh. Ang galing naman ng naaksidente, nakapag-arcade pa.” Inis mong sabi. Alam kung ba’t galit na galit ngayon. You value honesty most. Sabi mo sakin okay lang kahit may kasalanan ang isang tao. Basta sinabi na agad yung totoo.

“I’m sorry.”
“Alam mo kung ayaw mo siyang kasama, you should’ve just told me. She was so excited to meet you. Akala niya okay kayo. She felt bad kasi feel niya daw ‘di mo sya gusto. She even wants to apologize.”
“Sorry okay?! Sorry hindi ko kayang makita kang masaya kasama ng iba, sorry hindi ko pa kaya.” I snapped at ‘di ko na napigilan ang luha ko. “Sana intindihin mo rin ako, Joy. Please?”

Hindi siya nagsalita. “Sorry, Joy. Pwede ba ko magpakaselfish ngayon? Kasi yun na nga yun eh. Nagustuhan ko siya. Ang bait na, maganda pa.” I laughed bitterly.
“Seul…”
“Mas madali nga sana kung pangit sya or kahit man lang sana pangit nalang ugali niya.”
“I’m so—“
“No. Don’t say sorry. Please. Wala kayong kasalanan. I just need time.”

 

Tumingin sakin si Joy. I hate that look. I hate it when people give me that look. Yung parang sobrang kawawa ka.

 

“Seul?”
“hm?”
“Do you want to take a break?”
“Ha? Magbbreak eh wala ngang tayo.” Iyak tawa kong sinabi.
“Lalayo muna ako sa’yo. You can block me too. Hanggang sa maging okay ka.”
“No.”
“Seul, para sa’yo rin ‘to. Gusto mo ba ako mismo magblocHindi ko kayang makita ka ng ganito.” Hinawakan nya yung kamay ko.
“MAS LALONG HINDI KO KAKAYANIN YUN.” Pasigaw kong sabi. Hindi ko na matiis, nagagalit ako sa sarili ko. “How can I be happy when I can’t even know if you’re happy or not?!”

 

I completely broke down now. Niyakap niya nalang ako. I think she was also crying too. We stayed like that for a long time. Pero sa totoo lang, ayaw ko siyang bitawan. Gusto ko ganto nalang kami. Kaso never naman atang nasunod gusto ko. After a few minutes, nagpaalam na siya. May dinner daw sila nila mama. And by mama, I mean her mom. Kilala kasi ako nila at ang mom niya mismo nagsabi na mama nalang tawag ko sa kaniya. Odiba? Andun na kami eh. Yung “kami” nalang talaga yung kulang.

“Yung choco wacko ha? Baka langgamin. Bye seul.”

 

Seulgi: bwsit ka. Nagstory ka pa, sbi ko nga naaksidente k dba
Yeritotsx: ay oo nga pala. HAHAHA sorry natuwa ako sa drum mania e
Seulgi: hmp
Yeritotsx: labyu :*

 

 

 

 

A/N: Sorry short update mga mamser hehe bawi nalang ako, may bloopers. Oh dba taray. Natawa lang ako sa sarili ko habang sinusulat ko yung parts na yun (self-support)

gusto ko ng bebeluv mutuals sa twt huhu let's be friends pls :(

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
BlueMallow #1
Chapter 3: Si yeri na walang malay. Orayt
Kcpscs #2
Chapter 2: Continuee author hahahaha
1Ilicitaffairs
#3
Chapter 2: Bwesit ka Kang. Hahaha
erzcaps27
#4
Chapter 2: Hahaha kawawang yeri, naaksidente ng hindi nya alam hahaha
BlueMallow #5
Chapter 1: Tuloy mo par ✊?