DALAWA.

Who You?

Nang pumasok na si ma’am, bigla kaming tumahimik kasi putcha mukhang badtrip si ma’am. Barado nanaman siguro matres nito, “oh bigla kayong nanahimik? Masiyado ata kayong nagandahan sa'kin?” Tanong ni ma’am, puta kadiri mahiya ka naman cher! Nang balak barahin ni Gabb yung si ma’am hinila ko siya pababa kasi baka palabasin nanaman si gago. Ayokong maulit yung pinai-squat siya sa labas ng classroom buong period. “Hoy Skribikin, gusto mo nanaman bang mapahamak? Sumbong kita sa crush mo eh!” Umirap naman siya at kinuha notebook niya, ginawa ko din ‘yun para kunwari nakikinig kaming dalawa pero nagchichikahan lang pala, “putcha kasi, ggss wala naman jowa! Hoy saka kung makapag-banta ka! Kilala mo ba crush ko?” Ako pala hinahamon netong gagang ‘to, kala niya di ko nakikita mga malalanding mga tingin niya sa tropa ni Ate Sakura. “Turo ko pa mamayang lunch eh.” Sagot ko sakaniya at humarap na doon sa teacher, delikado na at mabuking kami. Di pa nagtatagal eh kinalabit nanaman ako ni Gabb, siniko ko siya at bumulong, “ano nanaman ba gusto mong gunggong ka?” Hinatak niya yung tenga ko at iniharap yung ulo ko sa direksiyon ng bintana naming oversized, napakunot ako ng noo kasi may dalawang hindi pamilyar na babae sa labas ng room naming. Putcha mga mags-survey nanaman ba ‘yun? Well di naman sa nagrereklamo ako, okay pa nga ‘yun para may 20 minutes na istorbo sa klase kasi ang boring magturo ni ma’am pwe.

 

Mukhang napansin din ni Miu kasi siya na din tumawag ng pansin ni ma’am, dakilang papansin naman talaga si Miu kaya job well done si gago. “Ma’am sino yung mga nakatayo sa labas na mukhang itlog?” tanong ni Miu, di ko pa nakikita yung mukha nung dalawa pero syempre si ate Juri parin ang number one humpy dumpty sa skul. “ay jusko nakalimutan kong may mga transfer pala!” napasapo kami sa noo kasi ambobo ni ma’am legit, sa hugot lang pala matalino. “Kanina pa ba kayo nakatayo diyan? Sorry ah.” Ngumiti ng pilit yung mas matangkad na itlog nang pinapasok na sila, "di naman po ma’am kaninang flag ceremony pa nga po kami dito eh.” Sa gantong sitwasyon matatawa na kami kasi nabara yung pinaka ayaw na teacher namin, pero nang dahil sa isang rason tumahimik nanaman yung classroom.

 

“Pasensya na ulit ha, magpakilala na kay—”

 

“MA’AM BAT NAGDUPLICATE SI HITOMI?!”

____________________________________________________________________________________________________

pls stream Ikaw ang Melody para happy happy tayong lahat.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
sunfany_24 #1
Sila sela and alice yung dalwa?