Expect the Unexpected

[BTS V - ONESHOT] EXPECT THE UNEXPECTED

Biya's POV

Ngayon na ang araw na pinakahihintay ng mga magulang ko dahil makikilala ko na kung sino ang mapapangasawa ko.

Tama kayo. Isa ako sa mga bikitima ng arranged marriage. Sounds cliche? well that's life.

Dahil sa mas binibigyan ng halaga ng mga magulang ko ang negosyo namin ay ayos lang sa kanila na isakripisyo ang nagiisa nilang anak na babae.

May kapatid ako. Kuya to be exact. Si Seokjin. Dalawa lang kaming magkapatid at siya ang panganay. Nangyari na din sakanya tong mga nangyayari sa akin pero magaling siya umiwas kaya napilitan ang mga parents namin na hindi siya ipakasal.

Mas gugustuhin pa daw niyang patakbuhin ang kumpanya namin na magisa.

Alam ng kuya ko kung ano ang mga pinagdadaanan ko. Gustong gusto niya akong tulungan pero hindi niya na kaya suwayin pa ang mga magulang namin.

Kaya ito ako ngayon nasa loob ng dressing room at inaayusan ako para sa 'Engagement Party' kuno.

Napatingin ako sa sarili ko sa salamin habang inaayusan ako. Hahayaan ko nalang ba ang mga magulang ko na kontrolin buhay ko?

May magagawa pa ba ako?

Napatigil ako sa pagiisip nang magsalita ang nagaayos sa akin.

"Madam. Ayos na po ang buhok niyo." sambit nito at nagpasalamat ako.

Pumasok naman na sa loob ng kwarto ang nanay ko.

"Ohmy. Ang ganda ng anak ko." bati nito sa akin tsaka ako niyapos. Ngumiti nalang ako sakanya.

"Alam mo naman na gusto lang namin ng Daddy niyo ay yung kung ano ang tama para sa inyo." tama para samin?

tumango nalang ako sakanya.

Bigla naman dumating si Daddy

"Oh, Ija. Handa ka na pala nandyan na ang mga bisita."

"Opo, Dad." sagot ko at lumapit sakanya

"Isa ng ganap na babae ang prinsesa ko." naluluhang sabi ni Daddy.

"Ako pa din naman ang nagiisang prinsesa niyo e."

"I know. Kaya tara na naghihintay na ang mga bisita." pag-yaya niya sa amin.

Lumabas na nga kaming tatlo sa dressing room at pumunta na sa pinaka main hall kung nasaan ang mga bisita.

Saktong pagpasok namin ay puro flash ng camera at palakpakan ang sumalubong samin.

Siyempre pinilit kong ngumiti para sa mga magulang ko.

Naupo na kami sa table namin at umakyat ang Daddy ko para magannounce.

"I just want to thank all of you who came tonight for my one and only princess' engagement party. Tonight she will finally meet her future husband and I hope them to have a blissful marriage, Now I present to you all my daughter's fiance."

Nagpalakpakan ulit ang mga tao. Habang ako ay kabang kaba kung sino ba ang mapapangasawa ko.

Bigla naman namatay ang ilaw at bumukas ang spotlight na nakaturo sa may Entrance.

Unti-unti namang bumukas ang pinto at hindi ko inaasahang makita siya . . .

--

"I want you all to meet, Park Chanyeol. The heir of Park Inc."

Hindi ko akalain na siya din pala . . .

Si Park Chanyeol ang fiance ko?

Ang walang hiyang ex ko na pinagpalit ako sa bestfriend ko. . .

Napatayo ako bigla sa gulat ng ipakilala siya ng Daddy ko sa lahat ng tao bilang fiance ko.

Napatingin naman lahat sila sa akin.

"S-Si C-Chanyeol ang fiance ko?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Ngumiti naman si Chanyeol sa akin.

Bakit ganito?

Ano bang kasalanan ko para mangyari sa akin ang mga bagay na to?

Nagulat lahat ng tao ng biglang namatay ang ilaw at bigla nalang may nangtakip sa bibig ko.

Hindi ako makapalag dahil madilim ang paligid pilit kong pumiglas pero may naamoy akong gamot na nagdulot sa akin ng pananakit ng ulo hanggang sa mawalan ako ng malay.

--

Nagising nalang ako bigla at ang tumambad sa akin ay isang maayos na kwarto.

Nasaan ako?

Sino and dumakip sa akin?

"Gising ka na pala."

Biglang may nagsalita napatayo naman ako sa kinahihigaan ko at lumayo sa kanya.

"S-Sino ka? A-Anong kailangan mo sa akin?"

"Relax. Hindi kita gagalawin. Napagutusan lang ako."

Sagot ng lalaki. Gwapo sana siya pero aanhin ko ang kagwapuhan kung may balak namang masama.

Napakunot noo ko ng bigla siyang umupo sa may sofa at naglaro ng ps3.

Aba kakaibang kidnapper to? Hindi siya yung akala niyong kidnapper na mukhang adik na malalaki muscles.

Iba siya. Mukhang Alien na buto't balat na may nunal sa ilong.

Ang weird bakit ako dinala nito dito?

Wala ba siyang kailangan sa akin?

"Ay- oo nga pala. May damit diyan sa cabinet kung gusto mo nang magpalit." sabi niya.

Suot ko pa din pala yung dress na suot ko sa Engagement Party.

Speaking of it. Ano na kaya nangyari?

"Ano tutunganga ka nalang ba diyan?" tanong nung kidnapper.

"B-Bakit mo ba kasi ako dinala dito?" tanong ko ulit sa kanya.

Gulong gulo na isipan ko. Hindi ko alam kung bakit niya ako dinala dito.

"Basta napag-utusan nga lang ako." sagot nito habang nakatutok sa nilalaro.

Mukhang safe naman ako dito.

Pero hindi pa din ako pwedeng mapanatag. Mamaya bigla nalang akong reypin nito.

"Wala akong balak sayo na masama."

Nagulat ako sa sinabi niya. Naririnig niya mga iniisip ko?

Omg mind reader siya?

"Hindi ako mind reader. Sadyang halata lang sa mukha mo ang mga iniisip mo."

Napansin kong nakatingin pala siya sa akin.

"Maligo ka na. Ako na magaasikaso ng susuotin mo."

Utos niya tsaka siya tumayo sa kinauupuan niya. Lumakad na ako papuntang CR.

Dali-dali kong ni-lock ang pinto. Pagpasok ko nagulat ako sa nakita ko.

Anak ng tupa. Banyo ba to?

Oo mayaman kami pero shet. kasing laki na ata ng kwarto ko tong banyo.

May bathtub na may jacuzzi pa. yang tataa?

Akmang bubuksan ko na zipper ng dress ko ng biglang may kumatok.

"Biya. Nasa labas na ng pinto mga gamit mo." sabi nung lalaki.

Teka, kilala niya ako?

Pumunta ako sa may pinto at dahan dahang binuksan. Sumilip ako kung nasa kwarto pa siya. Pero wala na akong nakitang ni anino niya. Kinuha ko na yung mga damit na binigay niya.

Naghubad na nga ako at naligo.

Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako.

Wait wala akong underwear?

Tinignan ko yung mga binigay niya sa akin. At nakakita ako ng bag na may puro underwear. Shet nakakahiya naman to.

Nagmadali na akong lumabas ng banyo pagkabihis ko.

Lalabas ba ako ng kwarto or?

Dahil na-curious ako kung nasan ba talaga ako dinala ng alien na to. Lumabas na ako ng kwarto.

Naglakad ako sa may hallway hanggang sa makita ko yung hagdan. Dahan dahan akong bumaba.

Walang tao?

Napalingon ako sa nagsalita.

"Tapos ka na pala."

Nakita kong naghahanda siya ng almusal. Lumapit ako sakanya sa may kusina.

"Tayo lang nandito?" Tanong ko. Tumango naman siya.

"Oh. Kain ka na. Baka mapagalitan pa ako." sabi niya.

"Mapagalitan nino?" sino naman ang nagutos sa kanya?

"Secret walang clue." sagot niya at binigyan ako ng nakakaasar ng ngiti tsaka kumuha ng saging at kumain.

Walangjo to.

Naupo na ako at tinignan mga pagkain. Typical breakfast menu. Bacon and eggs. Fried rice and Pancakes.

Papatayin ata ako nito sa daming pagkain.

"Walang lason yan. Kaya kumain ka lang ng kumain." sabi niya.

Dahil sa nagugutom na din ako ay kumain na ako.

--

After namin/ko kumain pumunta ako sa may sala.

Ang laki din ng bahay na to. I wonder sino may-ari.

"You can do whatever you want. Pero kung gusto mong tumakas. Goodluck nalang sa mga asong nakabantay sa labas." biglang sulpot nanaman ng alien na mokong.

"T-Teka sino ka ba?" tanong ko.

Mukhang nagulat naman siya.

"Hindi mo ako namumukhaan?" sinagot niya lang din ako ng tanong. Anakng.

"Magtatanong ba ako kung kilala kita?" napangiti naman siya bigla.

"Maaalala mo din ako. Tiwala lang." sabi niya

"Alam mo, Ikaw na ata pinaka-weird na kidnapper. Hindi ko alam kung ano kailangan mo sakin. E mukhang mayaman ka naman. Ang laki laki ng bahay na to. So bakit mo pa ako kinidnap?"

Napabuntong hininga naman siya.

"Hindi ko pa pwedeng sabihin sayo yung dahilan. Pero para sayo naman talaga yung ginawa ko." sambit niya.

Hays hindi ko alam. Gulong gulo na isipan ko.

--

Hours . . .

Days . . .

Weeks . . .

Months passed by . . .

Ang masasabi ko lang. Napakasaya ang mga nagdaang panahon. Ewan ko ba. Siguro ayos na din to kahit wala akong contacts sa pamilya ko. At least malaya ako.

Nagising ako sa reyalidad ng naramdaman kong may bumabasa sa akin.

"Kim Taehyung!!!!!!!!!" sigaw ko.

Oo, siya yung nangkidnap sakin. Naging masaya ako sa panahon na kasama siya. Alam kong unexpected lahat ng nangyari sa akin. Pero hindi ko naman sadyang mahulog sa kanya.

"Ang lalim nanaman ng iniisip mo." sabi niya.

Kasing lalim ng pagmamahal ko sayo.

"Wala namimiss ko lang kuya ko." pero namimiss ko na nga talaga siya.

"Actually Biya..." napansin ko namang nagaalinlangan siya.

"Siya talaga ang nagutos sa akin." sabi ni Taehyung.

Nagulantang ako sa nalaman ko kaya napatayo ako sa kinauupuan ko.

"A-Ano?!" gulat kong sigaw.

"Si Jin hyung talaga ang nagutos sa akin na itakas ka sa Engagement Party mo 11 months ago." sambit niya.

Bakit ganun feeling ko niloko ako?

"Sorry Biya. Gusto lang naman kasi ng Kuya mo na makalaya ka. Alam niya kasing ayaw mong ikasal sa ex mo." dagdag pa niya.

"Hindi mo pa din ba ako naaalala?" tanong niya.

"Bakit. Sino ka nga ba sa buhay ko?" malamig kong tanong sakanya. Halata namang nagulat siya sa sinabi ko. Hindi ko na siya hinintay magsalita at tumakbo papunta sa kwarto ko at ni-lock yung pinto.

Bakit?

Diba dapat masaya ako kasi tinulungan ako ng kapatid ko?

Pero bakit ganun? pinagmukha lang nila akong tanga na walang kamalay malay sa mga nangyayari.

Nakatulog ako sa kakaiyak.

--
Taehyung's POV

Hindi ko naman sadyang pagmukhain siyang tanga.

Ayun lang naman talaga utos sakin ng kapatid niya.

Isa si Jin hyung sa mga matalik kong kaibigan. Simula bata magkakilala na kami at tsaka si Biya pero hindi na ako maalala ni Biya.

Ayun lang ang nakakalungkot.

Pumunta ako sa kwarto niya. Nakasarado pero bahay ko naman to kaya may susi ako.

Nakita ko siyang natutulog sa kama niya nilapitan ko siya.

"Hindi mo na ba talaga ako maalala Irish?" bulong ko sakanya.

Napansin ko naman ang mga patak ng luha sa pisngi niya.

Napabuntong hininga nalang ako. Hinalikan ko siya sa may noo at nagpaalam.

"Miss na kita rish. Sana maalala mo na ako."

Lumabas na nga ako ng kwarto.

Ang hindi ko alam ay gising at nakikinig si Biya.

Habang naghahanda ako ng hapunan namin nagulat ako ng biglang may tumawag sa akin . . .

Ang pangalan na yun . . .

"TaeTae."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at naramdaman ko nalang na may biglang yumakap sa likuran ko.

Teka bumilis bigla tibok ng puso ko.

"Sorry . . . Kung ngayon lang kita naalala." paghihingi ng tawad ni Biya at halatang naiyak na ito. Agad ko naman siyang nilingon.

"Sa wakas. Naalala mo na din ako." sabi ko sakanya at binigyan siya ng ngiti na abot hanggang tenga.

Nabigla naman ako sa bigla niyang pagyakap ng mahigpit at umiyak sa may leeg ko.

Natawa naman ako sakanya.

"Iyakin ka pa din hanggang ngayon. . ." bulong ko sakanya habang hinihimas ulo niya.

Bakit hindi niya ako maalala?

Nung 15 yrs old ako at 13 naman siya noon may family gathering kasi kami at nagswiswimming kami sa may beach ng malunod siya sa may dagat at nauntog ulo niya sa may malaking bato.

Simula nung araw na yun hindi na niya na ako maalala.

Ewan ko bakit ako lang ang hindi niya maalala.

Kaya ngayong 18 na siya at 20 ako. Naalala na niya din ako.

"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon." sabi ko sakanya. Tumingin naman siya sa akin. Teka natutunaw ako.

"Masaya din ako. TaeTae." at namatay nga ako sa mga ngiti niya.

--

"TaeTae!!! Naalala mo ba yung nakalimutan mong ligpitin mga laruan mo noon tapos nadulas ka at nauntog sa may lamesa!!! Hahaha!! May instant third eye ka nun!!" pagkwekwento ni Biya.

Nasa labas kami ngayon saay garden. After kasi namin kumain ng hapunan nagpahangin kami sa labas at binalikan mga alaala namin nung bata pa kami.

"Ikaw nga nung 6 yrs. Old ka. Akala mo yung poop ng pusa chocolate." sabi ko sakanya bigla naman nawala ngiti niya sa mga labi at namula pisngi niya.

"Kadiri ka!!!! Wag mo na ipaalala yun." hinampas hampas niya ako sa may braso. At tumawa nalang ako.

Napatigil kaming dalawa ng magsalubong mga mata namin.

Teka wag kang titingin sa baba Taehyung. Huwag.....

Pero huli na ako at nakatingin na ako sa mga labi niya tila bang nangaakit.

Napalunok ako.

Unti-onti kong nilapit mukha ko sakanya hangang sa cm nalang ang pagitan namin napansin kong napapikit na siya. Nilapat ko na ang mga labi ko sa mga labi niya.

Ilang segundo lang nakastay ang mga labi namin hanggang sa hinalikan ko na siya at hinalikan niya din ako pabalik.

Ang mga halik niya ay nakakaaddict. Yung feeling na hahanap hanapin mo. Napakalambot din ng mga labi niya.

Pero mali to.

Inalis ko ang labi ko sa mga labi niya at napaatras ako.

"Sorry . . . Pero mali to . . ." sabi ko. Bakas naman sa mukha niya ang pagtataka.

"Hindi tayo pwede . . . Ikakasal ka pa din kahit natakas kita. . ." aalis na dapat ako ng bigla niya akong pinigilan.

"Mahal kita Taehyung . . ."

Ayun na ata ang pinaka masaya at masakit na narinig ko.

"Hindi mo ba ako narinig? sabi ko Mahal kita!" narinig ko naman ang paghikbi niya.

"Mahal din kita. . . Pero hindi tayo para sa isa't isa." sabi ko at tuluyan ng umalis.

--

Kinabukasan. . .

Nagulantang ako ng biglang sumulpot si Chanyeol sa harap ng bahay ko.

Dumating na nga yung araw na malalaman niya kung nasaan si Biya.

"BIYA!!! Si Chanyeol to!!!" sigaw niya.

"C-Chanyeol?" lumingon ako kay Biya na nasa hagdan.

"Taehyung!!!! Ilabas mo fiance ko!!! Walanghiya kang hayop ka!!!!" pagwawala ni Chanyeol.

"Hinahanap ka na ng fiance mo. . ." sabi ko sakanya

"Pero Taehyung . . ."

"Ibabalik na kita sakanya. . "

Pumunta na nga ako sa may gate at binuksan ito. Pagkabukas na pagkabukas ay suntok agad ang bumungad sakin.

"Taehyung!" agad naman akong nilapitan ni Biya.

"Chanyeol tama na!" pagaawat ni Biya.

"Kapal ng mukha mong itakas si Biya!" sigaw ni Chanyeol at galit na galit ito.

"Sinusuli ko na nga siya sayo diba? Hindi ka pa ba masaya?" malamig kong sabi. Bakas sa mukha ni Biya ang lungkot at sakit.

Hindi ko naman sadyang saktan siya.

"Tara na Biya. Iuuwi na kita." sabi ni Chanyeol.

Tumango na nga si Biya at sumama na kay Chanyeol.

Hindi na siya nakapagpaalam dahil hinila na siya ni Chanyeol palayo sakin.

Isa isang tumulo ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang palayo na palayong kotse nila.

Dinial ko naman number ni Jin hyung.

"Hyung. . . Salamat sa lahat."

Ayun lang ang sinabi ko at binaba agad ang tawag.

--

"Kim Taehyung!! Putangina kang hayop ka!!!" nagising ako ng may sumigaw sa akin. At napansin kong galit na galit si Jin hyung.

"Ang tanga mo talaga! Hinayaan mo lang si Biya na maagaw nung gagong yun!"

Oo alam ni Jin hyung na may nararamdaman ako sa kapatid niya at kaya niya ako tinulong at tinulongan din si Biya.

"Maglalasing ka nalang ba dito ha?!!!? Ikakasal na siya mamaya!!!! Magisip isip ka na. At hindi na kita matutulungan pag nagsisi ka." sabi ni Jin hyung.

"Kung mahal mo talaga kapatid ko. . . Ipaglaban mo siya. . . Alam kong sayo siya masaya at alam ko din na ligtas siya sayo."

"Hyung . . . Saan ba ang kasal nila?" tanong ko.

"Ayan gusto ko sayo e! Magbihis ka na. Dala ko na susuotin mo."

Nagmadali na nga akong bumangon at naligo.

"Oh ito susuotin mo. Para terno tayo."

Nagbihis na nga ako.

"Tara na hyung."

Lumarga na nga kami.

Sorry Biya. Alam kong gago ako pero hindi ko hahayaan na sa ibang lalaki ka ikasal.

"Nandito na tayo."

Agad naman kaming lumabas ng kotse at tumakbo ako sa may chapel at agad binuksan ang pinto.

Nagulat naman ako sa nakita ko.

Nakangiti sila sakin lahat. Nakita ko ang pamilya ko. Si Mommy na pinipigil iyak. Nasa kabilang side naman si Chanyeol na nakangiti din sakin kasama ang mga kaibigan ko na iba.

Teka ano nangyayari?

"Tara na. Padating na bride mo." bulong sakin ni Jin hyung.

Pumwesto na nga kami.

Teka totoo ba ang lahat ng to?

Bigla namang bumukas ang pintuan kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

Bumungad sa akin ang napakagandang babae na mahal na mahal ko.

Nagulat din si Biya nang makita niya ako at napatikom ito ng bibig.

Palapit ng palapit sila sa akin hanggang sa iabot sa akin ng Daddy niya ang kamay ni Biya.

"Ikaw ng bahala sa prinsesa ko." sabi nito saakin ngumiti naman saakin ang Mommy ni Biya.

Kinuha ko na nga ang kamay ni Biya at hinawakan ito ng mahigpit.

"Hindi ko akalain to. Siguro ang tadhana nga ito ng Diyos sa atin." bulong ko kay Biya.

Pilupot niya na ang braso niya sa braso ko at naglakad na kami papunta sa altar.

"We came here to witness these two children of God became one. . ."

"Do you, Bridgitte Irish, take Taehyung Kim as your loving husband?"

"I, Brigitte Irish, take you, Taehyung, to be my friend, my lover, the father of my children and my husband. I will be yours in times of plenty and in times of want, in times of sickness and in times of health, in times of joy and in times of sorrow, in times of failure and in times of triumph. I promise to cherish and respect you, to care and protect you, to comfort and encourage you, and stay with you, for wll eternity."

"Do you, Taehyung Kim, take Brigitte Irish as your loving wife?"

"I Taehyung Kim, take you Brigitte to be my wife, my partner in life and my one true love. I will cherish our union and love you more each day than I did the day before. I will trust you and respect you, laugh with you and cry with you, loving you faithfully through good times and bad, regardless of the obstacles we may face together. I give you my hand, my heart, and my love, from this day forward for as long as we both shall live."

"You may now kiss the bride. . ."

Tumingin ako kay Biya at pinunasan mga luha niya tsaka hinawakan pisngi niya.

"Sabi nga nila, Expect the Unexpected, I love you so damn much Brigitte."

At hinalikan ko na nga siya sa labi kasabay ng palakpakan ng mga tao.

"I love you too, Babo."

Niyakap ko siya ng mahigpit.

The end. . .
 

A/N: This was a story for a friend, hindi ko na na-edit mga names, I will edit it as soon as magka-time :)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kpopartory
#1
Chapter 1: Finding your true love, wagas na pagmamahalan