Tied Together With A Smile

Description

Writing is just my HOBBY.

This story is originally mine. Hindi ko po siya kinopya kung saan. smiley

Well, I would like you to meet the characters of this story: 


CHARACTERS


Park Sandara                                                                                                       as                                 Alya Nica Vergara                                               

Kim Junsu                                                                                                             as                                 Kyle Vergara

Park Bom                                                                                                               as                                Szarielle Reyes

Rania T Ae                                                                                                             as                                 Patricia Altamira

Jang Wooyoung                                                                                                  as                                  Jared Dela Cruz

No Minwoo                                                                                                            as                                  Keneth Rivera

Jung Yong Hwa                                                                                                    as                                  James Soriano


Foreword

Chapter 1: Goodbyes

 

*At Home*

"Pa, ma... Ayoko nga po lumipat, every year na lang tayo palipat-lipat eh, pagod na pagod na po ako, hindi ba pwede po na mag-stay na lang tayo dito kahit to 2-3 years? Please? Maganda na naman po ang standard ko sa school, tapos, maganda pa po ang reputasyon ng school. Can we please, stay, please?" 

"Oo nga naman, pa. Lagi na lang po tayo palipat-lipat, nakakapagod na ah! At saka, ayoko po iwan c Stiffany dito. Love ko yun eh."

Hay nako, talaga naman itong si Kyle, puro love ang iniisip. Haixt. Kung alam niyo lang eh, hindi naman talaga si Stiffany ang ayaw niyang iwan eh, kung hindi, ang reputation niya sa school. Yep, reputation niya sa school. Kasi nga, siya yung "Campus Prince" sa school namin, habang ako naman, ang "Campus Princess" Yup, ako nga, considering the fact na kakambal ko pa ang "Campus Prince" and kakambal naman niya ang "Campus Princess" Psh. Hindi naman yun ang ayokong iwan sa school namin eh, kung hindi, yung mga kaibigan ko. Considering the fact na palipat-lipat kami, dito ko nahanap ang true friends ko. Kaso nga, dahil sa business nga ng parents ko, kailangan palipat-lipat kami, para daw mabantayan ang bagong branch. Well, ito lang ang masasabi ko, it . 

"Kyle, Nica, mga anak, ako rin, ayoko ng lumipat kaso kailangan natin, para sa business natin. Kami rinng papa mo, nahihirapan na, pero para sa inyo rin naman toh eh, balang araw, maiintindihan niyo rin kami ng papa niyo."

Para sa amin? Eh, hindi naman para sa amin yan eh. Lagi naman silang wala dito sa bahay, malungkot, tahimik at ang lagi kong kasama dito sa bahay is sila Kyle, c Jasper ang aming houseboy at ang mga katulong. Tapos, sa tuwing kakain kami, wala akong kasalo, si Kyle, andun, sa barkada niya, minsan naman nakila-Stiffany, yung girlfriend niyang bago, yeah, bago, papalit-palit, kasi si Kyle ng girlfriend, eh kasi, wala naman siyang siniseryoso na babae, ewan ko ba sakanya. 

Ayy oo nga pala, ako nga pala si Alya. Alya Nica Vergara ang full name ko, kakambal ko si Kyle Vergara. Nag-aaral kami sa Royal University. Well, magiging 3rd year highschool na ako, this pasukan. Akala ko nga, sa R.U na kami magtatapos ng Highschool eh, kasi ayun yung sabi sa amin nila Papa  last year eh. Kaya lang naman ako pumayag lumipat last year kasi nga, pinangako ng parents ko na magtatapos kami ng HS sa R.U, kaso, napako na naman ang pangako na yun. Ngayon naman, gusto nila lumipat kami sa Laguna. Haixt. Buhay nga naman.  

"Eh, ayun naman pala Ma eh, kayo naman ang may-ari nung business diba? Bakit hindi niyo na lang i-utos ang pagbabantay sa branch natin sa Laguna?" 

Yeah, todo effort ako para hindi kami lumipat.

"Anak, iba pa rin naman kung tayo ang nag-babantay sa sariling branch natin. Mas mamomonitor natin ang branch natin doon, para hindi na ma-ulit ang nangyari last year." 

Yeah, may nangyari nga last year, muntikan na malugi ang business namin, dahil ipinaubaya muna ng daddy ko yung isang branch namin sa Ilocos sa isa sa kanyang mga empleyado. Ayun nga, wala naman pala alam sa business yung empleyado na yun, kaya ayun! Mali-mali ang pinag-gagawa, buti na nga lang naagapan ng daddy ko eh, naku kung hindi tiyak, mahirap na kami ngayon. Eh, dahil nga nag-flashback sa akin yung nangyari eh, pumayag na rin akong lumipat, ayoko naman na malugi na naman kami eh. So, ayun nga, tulad pa rin ng ginagawa ko dati, kailangan ko na mag-impake T_T. At saka, dat pa pala nila pinaplano ito, kaya, nakapag-pagawa na sila ng bahay doon sa Laguna. Kaya ayun, sa susunod na araw na kami aalis. Tawagan ko na lang sila, papupuntahin ko sila dito bukas.

*Cellphone*

~ring..ring~

"Hello?" 

"Hello, uhh Rea, si Alya ito."

"Oh, Alya, bakit ka napatawag?"

"Uhh ehh, mag-papaalam lang kasi ako sainyo nila Lara."

"WHAT?! BAKIT?! SAAN KA PUPUNTA?! TEKA! ILAL-LOUD SPEAKER KO LANG! LARA! AISHA! HALIKA KAYO DITO!"

Aray ko naman, kung makasigaw itong si Rea, parang wala nang-bukas eh.

"OIST! Rea, pwede ba, hinaan mo naman ang boses mo? Ang sakit sa tenga ha! Nako, eardrums ko T_T"

"Oops, ahh,ehehe. Ikaw naman kasi eh! Bakit naman kasi, biglaan kang magpapaalam sa amin. Dba girls?" 

Ayy nako, talaga nga naman itong si Rea, humanap na naman ng kakampi.

"Oo nga naman" 

"Eh, alam niyo naman ang buhay ko eh, di ba, palipat-lipat kami ng tinitirhan?"

"Oo, pero akala ko ba, sabi ng parents mo, dito ka magtatapos ng HS, hmm?"

"Ako nga rin eh, akala ko nga rin na dito na ako mag-tatapos ng HS. Nakaasar na nga eh at saka pumayag na rin ako, ayoko naman na malugi na naman negosyo namin."

"Oh eh, naka-payag ka na pala, wala na kaming magagawa. Eh, kailan ba alis niyo?"

"Sa susunod na araw na, pagkatapos bukas."

"ANO?! SA KABILANG ARAW NA?! BAKIT HINDI MO AGAD SINABI SA AMIN?!"

"OIST! AYAN KA NA NAMAN REA! Eardrums ko! Maawa ka naman T_T Kaya nga ako tumawag, kasi gusto ko, pumunta kayo dito bukas."

"Eh, bakit bukas pa? Hindi ba pwede ngayon na?"

"Eh, hindi pwede eh, nagi-impake kami ngayon, bukas na lang."

"Sige, sige. Eh, paano kami pupunta diyan, wala kaming transpo, naka-bakasyon yung driver namin?"

"Ah, ganun ba? Osha, sige, ipasusundo ko kayo sa driver ko. Okay"

"Oh, sige. Anung oras ba tomorrow?"

"Mga, 12 ng hapon?"

"12? Ayoko, agahan na lang natin, siguro mga 5 ng madaling araw?"

"ANO?! 5 NG MADALING ARAW?! ANO KA BA! ANG AGA-AGA NUN!"

"Jusmiyo, Alya! Ano ka ba? Pwede ba, ikaw naman ang maawa sa eardrums ko? Sige na puhleeeeeaseeeee! Para mas maka-bonding tayo ng matagal"

"Ayy, ehehe.. Sorry ah, eh kasi naman eh, ang aga-aga, pero gusto ko yung reason niyo, kaya, sige ipasusundo ko kay kay manong, 5 am aa.. Psh. Ang aga nun. Osha sige, bukas na lang tayo mag-usap, kailangan ko pa mag-impake eh, at saka kailangan ko pa gumising ng maaga."

"Osha, sige, kami rin kailangan--"

"Magi-impake din kayo? Bakit, sasama din kayo? Nako, ang ganda nun, sige sasabihin ko na---"

"HINDI!, I mean, hindi pala. patapusin mo muna kasi ako. Ang ibig kong sabihin kailangan din namin matulog ng maaga."

Ayan, pahiya tuloy ako, hindi ko kasi pinatapos eh. -_-"

"Ahh. Ehehe, osha sige bye na!"

"Bye!"

Pagkatapos namin mag-usap, eh, katulad nga ng sinabi ko, nag-impake ako, tapos, natulog na rin. Hindi na ako nag-dinner, kasi, hindi na naman ako nagugutom eh, ang dami ko kasing kinain nung lunch eh. Yeah, ganun talaga ako, kapag galit ako, napaparami ang kain ko. Hindi ako nakatulog agad, dahil itong si Kyle eh, nag-papatugtog pa ng kung anung song. Pero, siguro, mga bandang 9 eh, nakatulog na rin ako.

So ayun nga, pagkagising ko eh, agad ako bumaba at nag-breakfast. Hinanap ko sila mama, as usual, wala na naman sila. Kaya ayun, kumain na ako mag-isa. 

*sigh*

"Anak, masanay ka na, basta, ang isipin mo na lang, para sa inyo ni Kyle ang ginagawa ng parents mo. Tingnan mo, nakakabili kayo ni Kyle ng gusto niyo. Ginagawa ito ng parents niyo para maging masaya kayo at mabili niyo lahat ng gusto niyo."

*Eh, nay, sanay na naman po kami eh, ang gusto ko lang po sana eh, ngayon na last day na namin dito sa Quezon, sana magkakasama kami kumain. Nakakalungkot lang kasi eh."

Ayy oo nga pala, siya si Nanay Joyce, my personal nanny, siya na yung nag-aalaga sa akin since birth, siya yung tumayo bilang nanay ko. Kaya nga "nay" ang tawag ko sa kanya eh. Mas close ako sa kanya kaysa sa true mom ko. Mas nasasabi ko sakanya lahat ng problems ko, kaysa sa mom ko. Kaya nga love na love ko yan eh. Pero, syempre, love ko rin ang true mom ko. 

Well, dahil nga malungkot ako, sinabayan ako ni Nanay Joyce, ng mga katulong at ni Jasper sa pagkain. Well, maya-maya lang, nagising na rin si Kyle, himala nga eh, ang aga-aga, gising na agad. Oo nga pla, 3 lang ng madaling araw, ang aga ko gumising eh, noh? Kasi nga, this is the last time na makikita ko ang mga best friends ko. T_T. So ayun nga, pagkatapos ko kumain, naligo na ako. Ang tagal ko nga naligo eh, halos isang oras na. Kasi, nagbabad pa ako sa bath tub ko eh. Feel ko eh. Kaya nga, habang nage-enjoy ako sa bath tub, eh, kinatok ako ni Nanay Joyce. Sabi niya, andyan na daw sila Lara. Edi, syempre, napatigil ako kae-enjoy sa bath tub ko, at agad na nag-bihis. Naka white blouse lang ako at naka denim shorts.

"BESSSSSSSSSST! Mamimiss kita! Balitaan mo ako kapag okay ka ahh at saka--"

Hayy nakooo, umagang-umaga, naka full battery na agad itong si Rea. Pagkababa ko pa lang galing sa taas eh, sinagasaan ako ni Rea, habang sila Lara at Aisha eh nakaupo at ganito ang mga expression nila.

(-_-") <- Lara

(_ _") <- Aisha

(^_^) <- Rea

(o_O) <- Ako

"Shhh, wag ka ngang maingay, tulog pa sila mama at papa, baka magising sila, at saka, pwede ba? Umupo ka nga, kaya nga may ginawang sofa eh dba? At saka, meron kaming sofa, ayun oh, kung saan nakaupo sila Aisha. Wag kang mag-alala, hindi naman nangangagat o nangangain ang sofa namin eh, safe yan, diba Lara?"

"Ahahahaha! Oo nga naman! Uso ang mga sofa ngayon noh!"

"Ahahahaha! Oo nga Rea, at saka, for your information, ang sofa, ginawa para upuan."

"Che! Alam ko noh! Kayo naman! Ang KJ niyo! Mamimiss ko lang naman si Alya eh!"

"Aww. Platuuuurd ako ah! Osha sige, doon na tayo sa kwarto. Baka magising sila mama at papa eh"

Paakyat na sana kami eh, kaso, bigla akong tinawag ni Kyle

"Alyaaa... Halika dito!"

"Anu na naman Kyle?"

"Wala lang, gusto ko lang sanaa--- Oi! May bisita pala tayo, cno yang magagandang binibini na yan?"

"HOOOOY! Tumigil ka nga Kyle! May GF ka na! Kaya pwede ba, tigil-tiglan mo sila? And, duh! Mga best friends ko sila, yung laging pumupunta dito, you know, uhh. weekends, group study?"

"Ooh, sila pala yun! Hello, nice to meet you! Ako nga pala si Kyle ka--"

"They know you na, kaya pwede ba, aakyat na kami ha! Psh, doon ka na sa girlfriend mo, pwede?"

"Huh, sinong girlfriend?"

"Edi, si Stiffany, duh.. Yung sinasabi mong girl na niligawan mo at sinagot mo lang kahapon? Remember?"

"Ah, si Stiffany, un EX GIRLFRIEND KO?"

"WHAAAAAAT?!"

Ayan tuloy, napa-sigaw kami ng di-oras, take note, saby-sabay pa ha! Ganito pa ang mga mukha namin.

O_O <- Ako

o_O <- Rea

o_0 <- Lara

O_O <- Aisha

"Ex? What do you mean, ex? Naging kayo lang kahapon, diba?"

"Eh, nakakasawa na siya eh at saka, aalis na naman tayo bukas diba, kaya, nakipag-break ako"

"Haii nako, lagi ka na lang ganyan! Wala ka talagang sineseryosong babae! Girls, tara na nga!"

Aba! Sumunod! Ahaha :)) Natakot sila siguro sa akin. So ayun nga, umakyat kami ng kwarto tapos, nanood ng movie, tapos, nag-usap-usap. Then, ayun, natulog ng sandali, tapos, kumain, nagluto si Nanay Joyce ng carbonara eh. Tapos umakyat ulit, then nagmake-up, make-up. Tapos, nagbigayan ng remembrance. Then nung paalis na sila, they end up crying.

"Aly...a, mami...mis..s ki..ta. ah! *sob* Ing..at ka du...n ahh... *sob* T_T"

Yan ang napaka-energetic na c Rea kanina, umiiyak. Ako naman, pinipigilan ko lang. Ayoko ata mag-drama sa harap nila. 

"Oo ng...a nam..an Aly..a, ingaaaa...t ka dun a..h! *sob* T_T"

"Balita...aan mmm..ooo ka..ka..mi, ka...paaag nakaa..rating kaaa. dun.. aa..hh! *sob* T_T"

"Aisows, naman! Tama na kasi ang iyak! Oo, sige. Babalitaan ko kayo, kaya tama na ang iyak! Mamimiss ko rin kayo. Osha, Bye na! Kailangan ko na matulog! Pinagod niyo ako kanina eh, kaya, daliii na. Kailangan ko pa umiyak!"

Psh, ganyan talaga ako, kapag iyakan na, dinadaan ko na lang sa joke, para hindi ako maiyak, kaya, pagk-alis nila, dinaan ko na lang, sa ngiti, paakyat sa kwarto. At doon ako nag-iiyak hanggang makatulog ako.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet