Part I

Modern Cinderella

Naliligaw si Chanyeol. Paulit-ulit na nyang tinatahak ang daan pero sa iisang lugar lang ang kinahahantungan nya.

Nang hindi na nya alam ang gagawin, napaupo ito sa ilalim ng puno at nagpahinga. Tanghaling tapat na at ilang oras na syang nawawala sa party ng barkada nya. Maaring hinahanap na din sya ng girlfriend nyang si Jinah. Natataranta na sya pero hindi nya alam kung saan ba ang daan pabalik.

"Putangina naman. Alin ba mali kong nadaanan" napahawak ng mahigpit si Chanyeol sa buhok nya.

"Lagot ako kay Jinah" dugtong pa nito habang nagmamasid sa paligid. Sa pagkakatanda nya, tama naman ang dinaanan nya, pero bakit hindi sya makabalik?

“Who is that guy I see?
Staring straight back at me🎶"

Napatunghay si Chanyeol nang may marinig syang tinig sa di kalayuan. Nabuhayan sya dahil sa wakas, may mapagtatanungan na sya ng direksyon.

Nagmadali syang tumayo at sinundan kung saan man nanggagaling ang tinig na iyon. At sa hindi nga kalayuan, may isang lalaking nakaupo sa damuhan, kasama ang ilang pusa. Naka-tradisyonal na kasuotan ito, alam yun ni Chanyeol kasi nakapagsuot na sya ng ganun sa isa sa mga projects nila sa University.

"When will my reflection show
Who I am inside 🎶"

Tumigil sa pagkanta ang binata at hindi maitatanggi ni Chanyeol na may kagandahan ang boses nito.

"Uhm, excuse me?" magalang na umpisa ni Chanyeol. Napatingin naman sa kanya ang lalaki nang may wirdong ekspresyon sa mukha.

"Isang estranghero. Paano ka nakapasok dito?" magalang din naman sagot ng lalaki.

"Don't worry. I'm harmless, okay? I just want to ask for directions" muling sambit ni Chanyeol.

"Naliligaw ka ba?"

"Parang ganun na nga"

Ngumiti ang binata. At parang may kung anong kuryente ang naramdaman ni Chanyeol sa ngiti nyang iyon.

"Maraming estranghero ang naliligaw sa lugar na ito. Kaya nga hanggang sa maaari, eh naglalagi ako dito. Para matulungan ang mga taong naliligaw" sabi ng binata. Tumayo ito at nilapitan si Chanyeol.

"Ako nga pala si Baekhyun" masiglang sabi nito.

"I'm Chanyeol. It was nice meeting you" at nakipag kamay sya sa binata.

"Tandaan mo tong mabuti ha? Simula dito, dumiretso ka hanggang sa makita mo ang unang paliko. Lumiko sa kanan at muling—"

Walang pumapasok sa utak ni Chanyeol. Nakatingin lang sya sa binata habang nagsasalita ito. May kung anong nakakaakit sa personalidad ni Baekhyun.

"You're pretty" biglang sabi ni Chanyeol.

Napatigil sa pagsasalita si Baekhyun at lumingon sa binata. Labis na namula ang mukha ni Baekhyun dahil sa  sinabi ni Chanyeol.

"H-hindi ka naman nakikinig. Pano kung maligaw ka na naman?"

"Can I stay here for a while?" dugtong pa ni Chanyeol.

"Kasi ano—"

"Kahit saglit lang, sige na" at ngumiti si Chanyeol. Sino ba naman si Baekhyun para tanggihan ang ganoong ngiti.

"Sige. Pero saglit lang talaga, ginoo. Hindi ako pwedeng magtagal" pagpayag ng binata.

Ipinasyal ni Baekhyun si Chanyeol sa gubat. Sa paborito ng lugar doon at sa tinitirahan ng mga inaalagaan nyang pusa. Nang matapos sila sa paglalakad, nagpahinga sila sa ilalim ng puno at nagkwentuhan tungkol sa buhay nila.

Nalaman ni Chanyeol na si Baekhyun ay ampon at naninirahan sa bahay ng kinikilala nyang nanay bilang isang katulong. Na-ikwento din naman ni Chanyeol ang buhay nya at kung pano sya naligaw sa gubat na iyon.

"Tandaan mo yung direksyon ha? Sana hindi ka na ulit maligaw—" naputol ang pagsasalita ni Baekhyun nang marinig nya ang isang malakas na sipol. Hudyat na kailangan na nyang bumalik sa bahay nila.

Agad syang tumayo at nagpaalam kay Chanyeol.

"Pasensya na Chanyeol, hindi na kita mahahatid. Pasensya na"

"Baekhyun saglit lang—"

"Kailangan ko nang umalis. Paalam" at tumakbo sa gitna ng gubat si Baekhyun. Hindi na nagbalak pang humabol ni Chanyeol dahil ayaw nyang maligaw muli.

"Till we meet again, I guess" wika ni Chanyeol sa hangin at tinahak na ang daan na itinuro sa kanya ni Baekhyun.

Maghahapon na nang makabalik si Chanyeol sa party nilang magbabarkada. Sinalubong sya ng girlfriend nya na labis na nag-aalala.

"Chanyeol! Where have you been? I was so worried!! Thank God you're okay" sabi nito habang yakap ang binata.

"I'm okay babe. Don't worry" sabi ni Chanyeol hmhabang hinahalikan ang noo ng dalaga.

"Are you hungry? Are you tired? Wanna go home?"

"Babe, I'm fine. Calm down, okay?" sabi ni Chanyeol at binigyan ng ngiti ang nobya.

Matapos ang ilan pang kwentuhan at photoshoot sa lugar, nagkayayaan na silang mag-uwian.
Ayaw pa ngang bitawan ng nobya nya si Chanyeol ngunit napilit din ng mga kasama dahil hiwalay ang lalaki at babae sa sasakyan.

Nang makarating sya sa bahay, agad syang dumiretso sa kwarto at nahiga. Ipinikit nya ang kanyang mga mata at ang unang larawang nakita nya sa kanyang utak ay si Baekhyun.

"Damn" napamulat si Chanyeol.

"What the hell am I thinking. I have a girlfriend. For sake" napahilamos ng mukha si Chanyeol.

Hindi nya talaga makalimutan si Baekhyun. Ang maligaya nitong mukha, ang matamis nyang ngiti at ang maganda nyang mukha at boses. It was all stuck on Chanyeol's head.

"Mawawala ka din sa utak ko" sambit nya.

Yun din ang akala nya. Pero ilang araw at ilang linggo na ang nakakalipas pero hinahanap-hanap nya ang presensya ni Baekhyun. Napapabayaan na din nya ang relasyon nila ni Jinah dahil imbes na makipagdate sya dito eh maaga syang umuuwi sa bahay pagkatapos ng klase at gumuguhit ng larawan. Larawan ng isang binata na nakaupo sa damuhan, kasama ang mga pusa nyang alaga.

Alam nyang may hindi na tama sa nararamdaman nya. Hindi sya sigurado kung may nararamdaman na sya kay Baekhyun, o sadyang naf-fall out of love na sya kay Jinah.

So he decided to talk to her. And clarify everything.

"Chanyeol? Pwede bang mamaya na lang? May lakad ako!"

"Saglit lang to Jinah. Bakit ka ba nagmamadali?"

"Kasi hinihintay na ako ni Jongin!" sigaw ni Jinah sa binata.

"Alam mo Chanyeol. You're getting boring and boring each time. You're no fun anymore. Tapos na tayo. Kay Jongin na ako" sabi ng dalaga at iniwan sya nitong mag-isa.

Minahal naman ni Chanyeol si Jinah. Kaya may sakit syang nararamdaman. And to think na ipinagpalit sya nito sa kaibigan nya, iyon yung mas lalong ikinasakit.

Kinahapunan ng araw na yun, napagasyahan ni Chanyeol na bumalik sa gubat kung saan sya naligaw, umaasang makikita nya muli si Baekhyun. Gusto nya lang ng taong makakausap. Yung taong alam nya na makakatulong sa kanya. Si Baekhyun lang ang maaari nyang lapitan.

Dala ang iginuhit nyang larawan, muli nyang pinasok ang gubat at binalikan ang pwesto kung saan sila unang nagkita.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet