Chapter 3
Law of Attraction ( chaelisa )
*Lisa's POV*
“Parang tanga tong mga to!” Sabi ko sa mga lasing kong kaibigan. They ing dared me to do the unthinkable. Katukin ko daw yung pintuan ni Rosé tapos tumakbo ako. Parang mga tanga.
“Uy guys iba nalang please.” Pakiusap ni Bam kina Seulgi.
“Wag kang kj, Bam.” Simpleng sagot ni Jisoo.
“Mga puta kayo. Hahahaha tangina bahala na!” Sigaw ko. Medyo lasing na din ako. “Kakatok tas tatakbo lang naman diba?”
“Hahahaha sana wala siyang bodyguards ngayon kundi lagot ka.” Narinig kong binulong ni jennie.
Puta naman talaga. Ma sorry, ma.
Ayun, uminom ako ng isa pang shot, liquid courage ika nga at dumiretso na ko sa pintuan ko. Dahan-dahan akong naglakad palabas at ng maabot ko ang pintuan ng unit ni Rosé ay napahinga ako ng malalim.
3am na. Pasensya na Rosé. Akmang kakatok ako ng bigla akong napatigil when I heard footsteps and as I looked behind nakita ko ang may-ari ng unit.
There’s something different about her tonight.
Umiyak ba siya? Bakit namumugto yung mga mata niya and her cheeks were slightly reddened. Gosh, she’s still beautiful.
“L-Lisa, what are you doing?” She asked.
“Ah- eh. Ano kasi—-“ utal utal kong sagot sabay kamot ng ulo. Caught red handed si tanga.
“Are you okay?” I asked.
“I’m fine.” Sagot niya while fiddling with her bag in an attempt to find her keycard.
May tumulong luha mula sa mga mata niya.
She tapped the card and papasok na siya sa kwarto when I got a hold of her hand.
“Rosé, is something wrong?” I asked, umepekto na nga ang alak dahil kumapal na ang mukha ko. “I know we barely talk pero if you need someone.. I’m here.” Dagdag ko pa.
“Sorry ha, bwiset din kasi yung mga kaibigan ko nagdare ba naman na katukin ko unit mo ng di oras sorry talaga ha—-“ I trailed off pero I was cut off when Rosé suddenly took a step closer and hugged me.
I froze.
. Nanaginip ba ko? I can feel her deep breaths against my neck as she pulled me closer by the waist, her chin resting atop my shoulder. As if by instinct, I hugged her back.
Buti pala naligo ako.
The hug lasted for barely a minute and then humiwalay siya.
“Thank you, Lisa. Goodnight.” she simply said as she walked toward her room.
Bumalik ako sa unit, still dumbfounded. At pagpasok ko ay sinalubong ako ng hiyawan at kung anu-ano pa.
“Wag kayo maingay baka sawayin tayo!” Saway ko sakanila.
“Anyare?” Tanong ni Wheein.
“Walang tao. Bwiset kayo.” Sabi ko sakanila. I’m keeping that moment for myself.
“Ano? Dito ba kayo matutulog? Latag niyo na yung extra bed.” Pasabi ko sakanila. Mga putang to walang sumagot antok na sila, geh sa sahig kayo matulog.
...At sa sahig nga sila natulog.
Sina Irene at Seulgi na mag “bff” ay tumulong sa pagligpit bago matulog. Halata namang may gusto sila sa isa't isa. Lahat ata nakakaalam except sakanilang dalawa.
Hay shet. Ang daming liligpitin. Si bam na lang din ang natira kasama ko sa kitchen para magligpit after ilang minutes.
“Bam, may sasabihin ako.” sabi ko sakanya habang hawak yung mga bote ng Sprite na wala ng laman.
“Ano yun, Lisa?” Tanong niya naman.
“Gusto ko si Rosé.” Pag-amin ko sakanya. Ganito kami simula palang nung first year, sabihan ng mga tipo kahit pareho.
“Li naman..” sabi niya.
“Sinabi ko yun sayo di ba nung second year tayo?” Paalala ko sakanya. "Tapos sabi mo wag muna kasi baka matipuhan mo sometime in the future."
“Li, gusto ko talaga siya. Enjoy ka muna sa iba, pahanapan kita kay Seulgi. Lasing ka lang, bukas wala na yan.” Sabi pa niya. “Tulungan mo pa din ako ha?”
Hay. Ganitong ganito yung nangyari kay Tzuyu. Ako unang nagkagusto pero anong nangyari?
Tangina naman talaga. Pano naman ako Bam?
—————
It’s been a good week since nangyari yung moment namin ni Rosé. Tapos na ang midterms part, Finals na at busy busyhan na ang mga tao ngayon, kasama na ako dun dahil nag-aaral naman ako promise. Ayun. I tried to chance upon Rosé pero di ko talaga siya matyempohan.
I even stayed outside the door of my unit at dun ako nagaaral kung sakaling dumaan siya.
It’s a saturday today at hanggang 6:30pm lang ang classes. That’s why napagpasyahan kong dumaan sa hotel na pagmamay-ari nina Jennie. Gustong gusto ko yung gin tonic sa bar ng hotel na yun, partida may discount pa pag friend ka nung may-ari.
Umupo ako sa isang table hawak ang gin tonic ko ng may nakita akong familiar. Same hair, same body. Si Rosé kaya ito? At ayun nga. Pagharap ay naconfirm ko na si Rosé nga ito. She’s wearing a simple white dress and stilettos. She looked very elegant. Naupo sila sa table sa may dulo pero I can still see them. Yes, them.
<
Comments