Chapter 2

Heartbeats

Eunhyuk's Pov

O PAKSHET! Late na ko! Kasalukuyan akong nanakbo sa loob ng bahay namin, sisipain ko si Dad nagpatayo pa kasi ng malaking bahay. Nang matapos kong takbuhin ang buong bahay nakita ko na yung black shoes ko. Nagpaalam na ko kay Mom

"Hyuk ano wala man lang kiss?" Tanong ng nagkukunwaring nagtatampo kong nanay

"Hayst Mom! Late na ko flying kiss nalang neh?" Binigyan ko ang nanay ko ng flying kiss at tumakbo na palabas ng bahay. Nagpahatid na ko sa driver namin since di pa ko legal mag drive.

7:58 na at medyo malayo ang school sa bahay ano na?! Mapapatay ako ni Sir! Sinaksak ako ang earphone jack sa phone ko at nagpatugtog para naman mabawasan pagka kaba ko.

8 na at wala pa ko sa school lakas na ng tibok ng puso ko, yung mas malakas pa nung makikita mo yung crush mo pero pare sakin mas malakas makikita ko na kamatayan ko.

At 8:20 naka dating na ko sa school, nagpaalam na ko kay Kuya Jae yung driver namin. Pumasok na ko sa building ng 4th years ,kinakabahan ako feeling ko maiihi ako sa pants ko pero feeling lang yun hehe.

Nasa harap na ko ng classroom namin binuksan ko na ang pintuan at ang laking tuwa ko kung wala si Sir Kangin. Agad na lumapit saakin si Kuya Heechul 

"You're so lucky my friend na wala si Sir " itong hayop na to wala nang ginawa kundi mangasar. Iniwan ako ni Kuya Heechul  kasi nkaita niya si Bora, kaya nilapitan niya. Pumasok ako at naupo sa tabi ni Donghae, nagbabasa ito kaya di ako napansin agad.

"Hello Donghae" bati ko dito sabay ngiti

"Hi Eunhyuk, kakadating mo lang ba?" Ikaw kakadating mo lang sa buhay ko

"Oo kakadating ko lang nalate ako ng gising" tinignan lang ako nito may dumi ba sa mukha ko perhaps may muta? Hell no kakahiya ka--

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Donghae

"Umm... Hindi pa " 

"Eto oh" binigyan niya ko ng lunch box

"Ha? Nakakahiya naman wag na uy!" Binalik ko sakanya.

"Isa! Kainin mo yan o ikaw ipapakain ko kay si Sir Kangin" eto na nga kakainin na nga, kinain ko yung binigay niya. Pakshet ang sarap niya i mean nito pala

"Luto mo? Sarap nito ah" tanong ko

"Oo, thank you hehe" ang cute niya ngumiti

"So friends na ba tayo?" 

"Bibigyan ba kita niyan kung hindi?" Natawa nalamang ako sa sinabi niya .

Nobody's POV 

Lumipas ang ilang linggo at ilang buwan naging mag bestfriend ang dalawa, nakikilala nila nang paunti unti ang isa't isa .

Naging magkaibigan din si Donghae at Heechul.

Dahil hirap si Eunhyuk sa mga subjects si Donghae ang nagtuturo sakanya. Isang beses ng maging magkapartner sila sa Math nagpunta sila sa bahay nila Eunhyuk.

Nagulat si Donghae sa laki nito, pinakilala ni Eunhyik ang kaibigan sa mga magulang niya at agad kinagiliwan. Walang Ginawa si Eunhyuk sa project nila sa Math kundi matulog kaya in the end si Donghae lahat gumawa . Nang umuwi na si Donghae tinanong ng Tatay niya kung si Donghae na ba ang susunod na ipakikila ni Eunhyuk sa pamilya nila.

Na realize din ni Eunhyuk na may feelings siya kay Donghae, kaya gumagawa siya ng paraan para magkagusto din si Donghae sakanya

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet